Homepage/Montgomery Runaways/
Chapter 15 Part III
Gabriela Mapa
Fifteen minutes before Manong Resty was stabbed
I thought the day would end easily, dahil hawak ko na ang susi para matunton si Uno at nakita ko na rin si Gideon, but when we saw Sumpak lying with a knife stuck on his leg, all I am hoping is that this will not end worse than this.
Hindi ako nakakibo agad, all I know is this guy, who happened to be with me at nasangkot lang sa gulo namin, ay nakahiga ngayon sa sarili niyang dugo. I barely know him, actually. Nakilala ko lang siya noong una akong tumapak sa Montgomery, at sa sugalan pa. I didn’t have a choice. All I had was a one thousand peso bill when I left home, at kailangan ko dumiskarte to survive.
I cannot think straight. Hindi ko alam ang gagawin ko. With my hand full of blood, I turned to Kuya Griffith. “H-he’s bleeding, I’m sorry!” I finally said under my breath. Patakbo siyang lumapit sa akin. Nangangatal ang labi ko.
Bumalik din ang panginginig ng kamay ko. This was new to me. I've never cried like this.
I never felt fear this close.
What have I done so that Sumpak ended up like this?
Kinapa ko ang singsing sa kwintas ko at lumingon kay Gideon na nakatukod ang kamay sa tuhod habang nakatingin sakin.
Am I too selfish?
Bumalik ang tingin ko kay Kuya Griffith nang ibalik niya sa balikat ko ang kumot na pinangpandong ko kanina.
What would Kuya Griffith think of me when he saw me pointing that wooden stick at someone's ear and threatening him? Will he trust me again?
I'm not sure what went through my mind. I've never done anything like this before, and I've never saved anyone. Resulta ba ‘to ng ilang taong pisikal na pang aabuso ni Bernard? If that’s even possible, I'm afraid of what I'm capable of. Lalo na kanina, parang it came naturally to me, na parang isa lang initial reaction. That is what scares me the most.
“Hey, Gab. It’s okay. It’ll be okay. Now look at me,” ani Kuya Griffith habang nakahawak sa magkabilang balikat ko. “It’s not your fault. Okay?”
Lumingon siya sa katabi kong si Sumpak. “Step back.” Marahan niya akong hinawi. Inihiga niya ng ayos si Sumpak at tinapik ito sa balikat, “can you hear me?”
His eyes were shot closed, and we didn't hear anything from him.
He placed his index and middle finger on Sumpak’s front neck below his jaw, where the carotid artery is. Yumuko siya sa dibdib nito to check for his heartbeat.
“Gab,” tawag niya sa akin bago siya lumingon at tingnan ako sa mga mata. “Call for help.”
I gasped.
Kahit na kalmado ang pagkakasabi niya ay naramdaman ko ang urgency nito. Naramdaman ko na naman ang pangingilid ng luha ko.
I dashed towards the railings, hoping to attract the attention of anyone who could help us, but they were fighting relentlessly. Kahit na nanginginig ang kamay, I slip my hand through my pocket at kinuha ang aking phone. Itinaas ko ang kamay dahil walang signal ang phone ko. I even tried to make an emergency call, but it was rejected as if it were blocked.
Then a box with a blinking battery icon popped-up on my screen. Sh*t.
Tumingin ako kay Kuya Griffith na parang natauhan sa biglang pag-abot ni Gideon sa kanya ng maliit na tela. He supported the injured leg with two folded bandages beside the stuck knife, while Gideon wrapped it in a long bandage.
“May signal kayo? Can you make an emergency call?” Agad niyang kinuha ang phone sa left pocket, nagtipa, at bumalik ang tingin sa akin habang umiiling. Lumipat ang tingin ko sa katapat niyang si Gideon.
“Wala akong dalang cellphone,” aniya nang ipakita ni Kuya Griffith ang screen niya rito.
Wait, what if…
Kinapa ko ang phone na galing sa malaking lalaki pero ganoon din ang nangyari.
It’s impossible.
Sa pagkakatanda ko nang tumawid kami sa border ay mayroon pa akong signal, that’s why na-track namin ang driver.
Sumikip ang lalamunan ko nang maalala ang nangyari sa driver. Napapikit ako.
“Gab, may problema ba?” Umiling ako nang hindi nililingon si Kuya Griffith. Tinapunan ko ng tingin ang nakahigang si Sumpak bago ako humarap sa dalawang phone na ngayon ay naka-off na ang screen.
If I’m not mistaken, kahit dead batt at walang signal ang cellular phone ay pwede pa rin ang emergency calls. Unless the location is remote or a dead zone.
Or, if my hunch was right, we are now doomed.
Iginala ko ang tingin sa paligid. We don't have a choice but to make this stupid move.
“I think the signal has been jammed,” anunsiyo ko. “We need to get him out of here.”
Hindi kumibo si Gideon sa narinig. Tumingin siya sa hagdanan pagkatapos ay sa akin. I know he hesitated for a minute but he approached Kuya Griffith with two dos por dos in his hand.
Dalawa kami ni Kuya Griffith napatitig sa kanya. Hindi namin na-proseso agad kung para saan ang kahoy na dala niya.
Pabalya niyang hinugot ang kumot na nakataklob sa akin.
“Y-yes. We can make a stretcher,” ani Kuya Griffith at dali-daling tinugunan si Gideon.
Pare-parehas kaming halos pigil ang hininga nang makasakay si Sumpak sa ginawang blanket stretcher at dahan-dahang ibinababa sa hagdanan.
“Careful!” pigil na sigaw ni Kuya Griffith.
Nauuna ako sa paglalakad dahil ako ang pinakamaliit at nagsisilbing tagamasid kung may susugod ba sa amin.
“Saan ba tayo pupunta?” reklamo ni Gideon. Malakas naman siyang kinalabit ni Kuya Griffith sa gulat dahil sa lakas ng boses nito.
“Wala pa ring signal dito,” tugon ko na lang at nakayukong lumakad. Napahinto ako nang may makitang naglalakad na mga lalaki. I’m not sure kung kalaban sila but by their looks at pagpapalinga-linga nila na parang may hinahanap, ay mukhang oo.
Nagtago ako sa loob ng malaking concrete cylinder na nakahilera. Sinenyasan ko sila na magtago rin but that stupid Gideon decided to make things worse at nakaapak pa ng plastic bottle na nasa kasuluksulakan nakalagay.
Dahil doon ay natawag nito ang pansin ng mga lalaki at nakita silang dalawa. Nataranta sila dahil doon at akma pang tatakbo sa magkabilang direksyon. Muntik na mahulog ang walang malay na si Sumpak.
“Run!” sigaw ko sa kanila at nagpatiuna saliwa sa direksyon ng mga kalaban at ng gusali kung saan kami galing. Naramdaman ko naman na sumunod sila. Hirap na hirap sila lumakad ng mabilis dahil baka kung ano ang mangyare sa karga nila.
“Bunot!”
Napalingon ako sa pagtawag ni Gideon. Nakababa na ang stretcher sa lupa. Nang makalapit ako ay siya namang tumakbo pasugod sa kalaban si Gideon.
“Let’s move him,” ani Kuya.
“Ha?” Napatingin ako sa direksyon ni Gideon. What if I lose him again? Paano ang singsing?
“Gab, we have to leave. We need help!” Malumanay niyang sigaw sa pagitan ng kanyang hininga na nakapagbalik sa akin sa wisyo. I know he’s frustrated at bakas ito sa paggalaw ng kanyang kilay.
Nang makarating kami sa may kadilimang bahagi ng lugar, huminto siya sa paglalakad at sinenyasan ako na ibaba si Sumpak.
“Check if there's a signal,” aniya.
“Saan ka pupunta?”
Hindi niya ako sinagot. Tinanggal niya ang salamin at inabot ito sa akin pati na rin ang cellphone niya.
“Please stay here and call an ambulance.”
“Wait, saan ka pupunta?” Pigil ko.
Huminto siya at tumingin sa akin at sa katabi ko. I know he hesitated for a minute and let out a big loud sigh. “Babalik ako. Be careful, Gab.”
Nanginig muli ang kamay ko when I realized that I was alone… in the dark. Biglang umikot ang tyan ko at nahirapan akong huminga. Then, a cold hand brushed against mine.
“Boss,” mahinang tawag niya. “Jacket? Mahamog na, oh.” Aniya habang nakatitig sa ceiling. Malamlam ito and his voice were almost faint.
Napatakip ako ng bibig. “No, sh*t!”
Hindi ko napigilan ang pamumuo ng tubig sa mga mata ko.
This is all my fault. I led them here, and now someone’s dying!
“Just keep your eyes open. I-I’ll call for help, Please!”
Nang sumilip ako sa screen ng phone ni Kuya, mayroon itong one bar ng signal ngunit agad ding nawala na ng gumalaw ang kamay ko. Iginala ko ang kamay ko hoping na magkaroon ulit pero hindi na ito bumalik.
“No, please kahit ngayon lang. Gumana ka!” Impit kong sigaw habang hawak ang phone.
“Hmm…”
Bumalik ang atensyon ko kay Sumpak.
"Stay awake, I-I'll call for help. J-just stay—"
"Sshhh…" Pagpapatahan niya sakin while brushing his hand on my back.
Just when I thought everything was hopeless, biglang pumasok sa isip ko ang nakitang post about Muts App bot habang nagb-browse ako dati. Hikbi akong pumikit to help me remember and visualize everything I saw that moment.
Kinunot ko ang noo ko. It started blurry, as if it were a zoomed-out shot of a landscape. Then comes news of a murder involving a MatchTyper, a Muts App feature that selects people at random to chat with, flashes through. As I scrolled down the comments, I unintentionally clicked a link to a bot. Then I saw the words that are separated by special characters.
TrackHelp911. District. City. Barangay. Road. Block. Lot.
If what I saw was accurate, that bot can call an ambulance and track it using the Map feature of the app's satellite map.
Fingers crossed.
I took a deep breath and tried typing the command,
"trackhelp911_bot-ambulance/District14-CadaviarB/CercaRuego/Ruego-MejosRoad/Blk14L2".
Pigil hininga kong pinindot ang 'Call for help?' button at pumikit. Then, a click sound confirmed my transaction.
After a few seconds, nagre-direct ito sa zoomed out na satellite map ng lugar. A moving vehicle flashed through the screen.
Ngunit pabalikwas akong napalingon nang may marinig akong yabag sa kabilang parte, kung saan kami nagtatago.
Napakapit sa braso ko si Sumpak, mas lumamig ang mga kamay nito, ngunit parang sabay kaming nabuhusan ng malamig na tubig sa gulat sa lumitaw na pigura ng lalake.
To be continued....I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (28)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
ako rin ang kanilang anak
27/12/2024
0hi??
19/10/2024
0niceeeeeee oneeeeeeeee I likeeeeee ittttt
26/07/2024
0Tingnan Lahat