"Kumusta ang pag aaral anak" bungad na tanong ni mama pagkapasok ko sa bahay. Nagulat pa ako dahil andito ito ngayon na dati ay pagkagaling ko sa University ay wala pa at nagtitinda pa. "Ayos naman ma" sagot ko dito at ibinababa ang bag ko sa sofa. Pumunta ako ng kusina para kumuha ng maiinom. "Anak napapansin mo ba si Kiara? O nakakausap mo man lang ba?" nagtataka ako sa tanong ni mama. "Hindi po ba umuuwi dito si Kiara?" baling ko kay mama habang umiinom. "Hindi nga e. Tinatanong ko ang mga kaibigan nya pero sabi ng mga ito ay nakikituloy ito sa isang kaibigan" sabi ni mama. "Baka naman ma gusto lang makisleep over ni Kiara, hayaan nyo na uuwi rin yun dito" kalmado kung sagot kilala ko si Kiara at hindi ito aalis ng bahay ng hindi nagpapaalam. Wala akong pasok ngayon sa restaurant dahil rest day ng restaurant. Kaya naman maaga akong umuwi at iniayos ang kwarto ko. Halos ilang buwan na rin ng huling malinisan ito, dahil na rin sa hindi ako nakakauwi dito madalas dahil kayna Lea na ako umuuwi pagkagaling sa trabaho. Pinalitan ko lang ang bedsheets ng kama ko at nilinis ang study table ko. Sa paglilinis ko nakita ko ang gitara ni papa na ibinigay sakin noon. Nilapitan ko 'yun at kinuha. Naupo ako sa kama habang hawak iyon at tinesting kung maayos pa at kung naka tono pa. Maayos pa ito at pwede pang gamitin kaya naman triny ko tumugtog gamit 'yun at sabayan ng kanta. Somebody told me you were leavin' I didn't know Somebody told me you're unhappy But it doesn't show Miss na miss ko na si papa. Miss ko na ang pagtuturo nya sakin ng gitara kahit wala akong interes dito noong una. Isip ko at ipinagpatuloy ang kanta. Somebody told me that you don't want me no more So you're walkin' out the door Nobody told me you've been cryin' Every night Maganda raw ang boses ko at madali akong matuto kapag tinuruan yan ang laging sinasabi ni papa noon. Dahil sya ang nagtuturo at gumagabay sakin sa pag gigitara at pagkanta. Pero hindi ko naman yun inilabas o ipinakita sa iba dahil nahihiya at wala akong lakas ng loob para humarap sa maraming tao. Nobody told me you'd been dyin' But didn't want to fight Nobody told me that you fell out of love from me So I'm settin' you free Pinutol ko ang pagkanta ko at nahiga sa kama. Tanghali palang naman at wala akong gagawin kaya naidlip na muna ako sa kwarto ko. Nagising ako at tumingin sa bintana ng kwarto ko madilim na at tahimik na ang paligid. Mukhang matagal ang naitulog ko. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si mama na inaayos na ang mga pagkain sa lamesa. "Anak, tatawagin pa sana kita" sabi nito at lumapit sakin at pinaupo ako sa upuan. "Ma, si Kiara po ba umuwi na?" tanong ko kay mama pero umiling lang ito. Ano kayang nangyari kay Kiara at hindi ito umuuwi ng bahay. "Anak, may ibibigay ako sayo mamaya pagkatapos kumain" sabi ni mama habang kumakain kami. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Natapos kaming kumain. Niligpit ko muna ang mga plato at naupo sa sofa. Nakita ko si mama na pumunta sa kwarto at labas rin kaagad na may bitbit na isang paper bag. "Anak, ang sabi ng papa mo ibigay ko yan sayo pag nakagraduate kana pero naisip ko na mas makakatulong kung ibibigay ko na ito sayo" sabi ni mama at iniabot ang paper bag. Inabot ko yun at tiningnan kung ano ang laman sa loob. Isang papel at isang kwintas? Kinuha ko iyon mula sa loob ng paper bag. Locket necklace, binuklat ko ito at nakita ko ang picture namin ni papa at mama kasama si Kiara na baby pa sa picture. Tiningnan ko si mama, nakangiti lang ito sa'kin. Sunod kung kinuha ang papel na naroon sa paper bag. Cheque? Tiningnan ko ang halaga na nakasulat sa cheque na iyon. 300,000 thousand? San naman 'to galing? Tiningnan ko si mama. "Ma, saan 'to galing? Bat may ganitong kalaking pera?" tanong ko. "Pinag ipunan yan ng papa mo ng meron pa tayong negosyo. At ng mamatay ang papa mo, ibinigay nya yan sakin. Ibigay ko raw sayo kapag nagcollege kana" sagot ni mama na umupo na rin sa sofa katabi ko. "Ma, bakit ngayon mo lang nilabas? 3rd year college nako? Edi sana ma hindi kana nagtrabaho" sabi ko kay mama. "Kaya ko pa naman kaya ginawan ko nalang muna ng paraan at hindi mabawasan ang pera na para rin sainyo ng kapatid mo" sabi ni mama at hinawakan ang kamay ko. "Ikaw ang panganay at ikaw ang maghahati sa perang iyan para sa pag aaral mo at pag aaral ni Kiara". Napatingin ako sa sinabi ni mama. Para bang nagpapaalam ito sa mga sinasabi nya may kung ano saakin ang gustong tanungin kung may nangyayari ba pero alam ko na hindi sasagot si mama. "Ma, pwede naman ikaw ang magtabi nitong pera" sabi ko dito pero hindi ako nito sinagot kundi nagsalita lamang ulit ito. "Hanapin mo ang kapatid mo ha! Hanapin mo para masigurado nateng ayos lang sya" sabi ni mama at niyakap ako. Hindi ko na iintindihan ang sinasabi ni mama para bang may gusto syang sabihin bukod doon pero hindi nito masabi. Tumango ako at pinahid ang luha sa mata ni mama. "Matulog kana, may pasok ka pa bukas kailangan mo ng lakas" sabi nito at hinalikan ako sa noo. "Ma!" tawag ko kay mama, lumingon naman ito. "Good night ma" sabi ko ngumiti ito at tuluyan ng pumasok sa kwarto. Kinuha ko ang locket necklace at ang cheque, dinala ko ang mga 'yun sa kwarto. Habang nakahiga sa kwarto iniisip ko kung bakit parang may kakaiba kay mama. Hindi ko naman maitanong dito dahil alam kung hindi nito sasabihin. Nakatulogan ko ang pag iisip sa binigay ni mama at kay Kiara kung na sa-saan ito.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good
28/08/2024
0salamat Sa LAHAT po
08/04/2023
0hi Ganda ng story ng sound of love
11/11/2022
0Tingnan Lahat