"Umalis ka na." sabi ko bago tanggalin ang pag kakayakap nito sa akin. "Love." mahinang sambit nito. "Ansakit sakit!" turo ko sa dibdib ko habang umiiyak. "Alam kong nasaktan mo 'ko pero bakit gusto kang yakapin ng puso ko? Bakit napakadali sa 'kin na patawarin ka?" umiiyak na sabi ko bago naupo sa aking kinatatayuan. "Sinaktan mo ko e! Makitang lang na may kasama kang iba at may kinikilala ang ibang tao na girlfriend o fiance mo na hindi ako!" niyakap akong muli nito. "Nate, ansakit nito." nakayakap ito sa akin habang ako ay umiiyak sa bisig nito. Nang kumalma ako ay tiningnan ko ito matamlay ang kanyang mga mata at nangingitim na ilalim ng kanyang mata ibig sabihin ay wala pang tulog ang lalaking ito. "Umuwi ka na." sabi ko rito at tumayo. Tiningnan lamang ako nito at akmang tatayo ng malawan ito ng balanse at matumba. "Nate!" sigaw ko bago kaagad na tingnan ang mukha nito dahil yon ang nauna. Nawalan na pala ito ng malay dahil sa puyat nakita rin naman kami ni Tita Beca kaya tinulungan n'ya akong ipasok sa bahay nila si Nate at dinala sa guest room para don ito ihiga. "Kiana, mukhang pagod na pagod tong boyfriend mo." mahinang sabi ni Tita Beca. "Lalabas muna ako para ipagpatuloy ang meeting ko. Kaya mo na ba to?" tumango ako at ngumiti. Nang makalabas ito ay umupo ako sa sofa na katabi ng kama na naroon tinitigan ko lamang ang natutulog na mukha ni Nate. Kitang kita ang ilalim ng mata nito na nangingitim tanda na wala itong maayos na tulog o pahinga man lang payapa ang pagkakatulog nito mukhang matatagalan bago ito magising kaya naman lumabas ako sa guest room at bumalik sa kwarto ni Lea. "Sinong naghanap sayo?" tanong nito bago napansin ang mata ko. "Umiyak ka ba?" tumingin na rin si Euryy at lumapit sa akin. "Umiyak ka? Anong nangyari?" niyakap ako ng mga ito. "Hindi ko kaya... hindi ko kayang magalit sa kanya." unti unting pumiyok ang boses ko. "Hindi ko kaya—" hinaplos ni Lea ang likod ko at niyakap ako habang si Euryy ay nakayakap rin sa akin. Nasaktan ako pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Oo, kaya kong sabihin pero hindi ko kayang gawin. Ganito ko na ba s'ya kamahal? Ganito ba kapag nagmamahal kailangang masaktan at magpaka-tanga? Kung oo, talaga ngang mahal na mahal ko na s'ya. Nasaktan at umiyak ako pero noong nakita ko s'ya ay nawala lahat ng yon para bang kapag nakikita ko s'ya ay nawawala lahat ng nararamdaman kong sakit at kirot. Nanatili lamang ako sa kwarto ni Lea hanggang sa tawagin kami ni Tita Beca, para kumain. "Umupo na kayong tatlo." sabi nito habang tinutulungan ang kasambahay nila. "Kiana, where's your boyfriend? Why don't you call him so we can eat together." tiningnan ako ni Lea at Euryy. Hindi alam ng mga ito na narito si Nate. "Tatawagin ko lang po saglit." sagot ko bago tumayo at pumunta sa guest room. Nang pumasok ako ay nakaupo na si Nate sa tabi ng kama at nakatulala lamang sa may bintana. Hindi rin nito narinig na pumasok ako o napansin man lang. "Nate," tawag ko rito bago ito lumingon sa akin. Nakatingin lamang ito sa akin ngunit walang laman ang mga tingin na i'yon. "Kiana, let's talk." mahina nitong sabi. "Kumain ka na, gusto kang makasabay ni Tita Beca." sabi ko. "Kia—" "Wag muna ngayon masyado pang magulo ang isip ko." sabi ko bago lumabas ng kwarto at bumalik sa kusina. Tahimik akong umupo habang kasunod ko si Nate sa aking likuran. "Maupo ka, hijo." sabi ni Tita Beca habang nakangiti. Naupo ito sa may tabi ko bago tugunan ng matamis na ngiti si Tita Beca, kahit kita sa mata nito ang tamlay. "You are the son of Yvette and Marcus, right? How did you meet Kiana?" deretsong tanong ni Tita Beca, tumango lamang ito. Tahimik lang na kumakain si Lea at Euryy, habang nakikinig kay Tita at Nate. "I became his stalker po." magalang nitong tugon. "Omg! Bakit? I mean, bakit mo pa kailangang gawin 'yon. Pwede mo naman s'yang lapitan nalang at ayain, diba?" natutuwang sabi ni Tita. "Ma!" saway ni Lea. "Tinanong ko lang naman, anak. Ikaw? Kailangan mo ipapakilala boyfriend mo sa akin?" tanong nito kay Euryy. "Sa susunod po, Tita Beca. Ipapakilala ko s'ya sa inyo." ngiti nitong sabi. Sumusubo ako nang magsalita si Lea. "Hindi mo ba ako tatanungin, Ma?" tanong nito. "Wag mo akong inaano, Lea. Kumain ka nalang ri'yan." sabi nito bago bigyan si Lea ng isang platito ng ulam. "Wala ka rin namang ipakikilala sa akin at wala kang boyfriend o manliligaw man lang." "Ma, meron kaya." proud nitong sabi. "Nako, nagkamali ang batang i'yon sayo. I'm sure of it." bully nitong sabi kay Lea na ikinatawa naman ni Euryy. Nang matapos kaming kumain ay nagstay lang kami sa terrace para magpahulaw ng kinain namin. Narinig ko pa ang boses ni Nate, mukhang nagpapaalam na kay Tita Beca. "Aalis na po ako, Tita." paalam nito. "Masyado ng gabi, hijo. Bakit hindi ka na lamang dito magpalipas ng gabi at bukas na lang umuwi?" pagpupumilit ni Tita. "Pinapatawag na po kase ako ni Dad." pumayag na rin si Tita nang marinig ang sinabi ni Nate. "Mag-iingat ka sa pagmamaneho." paalala nito tumango at ngumiti naman itong si Nate. Lumabas ito mula sa pinto at tumingin sa akin. "Good night, love." mahina ang pagkakasabi ni'yon pero sakto pa din para marinig ko. Dumeretso na ito papunta sa garahe kung nasaan ang kotse n'ya, ilang minuto palang bago ito lumabas ay sumunod ako rito. "Saan ka pupunta?" tanong ni Euryy. Hindi na ako nakasagot dahil tumakbo na ako papalabas. Nakita ko si Nate na papasakay palang sa kotse kaya naman naglakad ako papalapit sa kanya. "Nate." tawag ko bago ito lumingon. "Love." nanatili itong nakatayo habang nakatingin sa akin. Niyakap ko ito bago ko naramdaman ang paghalik nito sa ulo ko. Namiss ko ang presensya n'ya pati na rin ang ngiti n'ya. Namiss kita, Nate. "I love you." sabi ko para marinig ko ang mahinang paghikbi nito. "I love you more, cupcake."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good
28/08/2024
0salamat Sa LAHAT po
08/04/2023
0hi Ganda ng story ng sound of love
11/11/2022
0Tingnan Lahat