31

"May report tayo mamaya." tumango naman ako sa block mates ko.
Lumabas ako sa room at dumeretso sa cafeteria para bumili ng juice may ilan pa akong nakasalubong na nagtatakbuhan patungo sa may gate.
"Ano bang pinagkakaguluhan don?" tanong ko sa sarili bago magpatuloy sa paglalakad nang mabangga.
"Sorry! Di kase ako nakatangin." sabi ko bago tingnan kung sino ang nabangga ko.
"Love." nakangiti itong nakatayo sa harap ko.
Ang mga ngiting ito ang nakakapag palakas ng tibok ng puso ko ito rin ang nakakapag palambot ng tuhod ko.
"N-Nate." niyakap ako nito bago halikan sa noo.
Teka? Galit ako e! Bakit ako hinahawakan nito!
"Layo!" sabi ko bago itulak si Nate.
Nang makawala ako sa yakap nito ay nilampasan ko na ito na para bang hindi ko ito kilala.
Hindi rin naman ako nito sinundan kahit na ako ang umiwas gusto ko pa rin s'yang makita. Gusto kong maramdaman ulit ang yakap nya.
"Kiana!" masiglang bati sa 'kin ng isa sa mga tindera sa cafeteria.
"Hello po!" nakangiti kong bati.
"Juice?" tumango ako. "Sasamahan ko ba ng cupcake?" napatigil ako ng maalala ko si Nate.
"H-hindi na po." inabot nito ang juice sa akin at ngumiti. "Thank you po."
Bumalik na ako sa room at nakita ko ang mga block mates ko kausap si Lea at Euryy.
"Dapat hindi n'ya malalaman." mahinang sabi ni Lea at mukhang di nila napansin na narito na ako sa likuran nila.
"Saan ba kase ihahanda?" binatukan ni Euryy si Christopher.
"Manahimik ka, Tope!" sumulpot naman ako sa harapan nila.
"Ano ba yan baka makatulong ako?" tanong ko.

Nanlaki ang mga mata ng mga ito bago nanahimik. Tiningnan ko naman si Tope at Ben.
"Anong meron?" umiling ang mga ito bago bumalik sa upuan nila.
Umupo na rin ako hindi rin naman magsalita mga tao rito kahit si Lea at Euryy hindi sinabi sa akin kung ano ba pinag usapan nilang lahat.
"Love." bigla na lamang bumalik sa 'kin ang pagsulpot ni Nate sa harap ko.
"Love."
"Love."
Tinakpan ko ang tenga ko paulit ulit kong naririnig ang boses n'ya. Bumibilis rin ang tibok ng puso ko.
"Kiana." rinig kong tawag sa akin ni Lea tiningnan ko naman ito bago nito ituro ang pinto kung saan nakatayo si Nate.
Lumakad ako papunta ron at sinabi kong sa ibang lugar kami mag-usap.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba may balita na engaged ka na baka mamaya may makakita satin at mabalita pa ako." deretsang sabi ko habang nakatitig sa kanya.
"Love, let me explain." ngumiti ako.
"Wala ka namang dapat eexplain sa akin, Nate." umalis ako sa harap nito at bumalik sa room.
"Anong pinag usapan n'yo?" tanong ni Lea habang nakikinig si Euryy.
"Wala. Pinaalis ko lang s'ya baka may makakita sa amin ay masali pa ako sa balita." seryosong sagot ko.
Buong araw pasulpot sulpot si Nate kung saan saan para kulitin ako. Dinala pa n'ya si Jian para kay Euryy para lang mapilit ako nito.
Kung ano ano rin ang dumating sa room namin pagkain, bulaklak at isang box na cupcake pero ang mga block mates ko ang kumain ng mga yon at ang bulaklak? Ibinigay ko rin sa kanila.
"Kiana, kausapin mo na si Nate!" sabi ng mga block mates ko.
Inirapan ko lamang ang mga ito dahil pagkain lang naman ang gusto nila at nasulsulan sila ni Nate.
"Hindi ka ba naaawa sa kanya?" tanong ni Trixie.
"Hindi! Kung ikaw ang naaawa kausapin mo!" ayoko sa lahat ay pakikialaman ako sa disesyon ko.
Mga galit naman ang mga ito sa akin kapag oras ng reporting dahil ako ang kagrupo nila at walang aalis kapag hindi nakakatulong. Minsan pa ay hindi nilagay ng mga ito ang pangalan ko kaya bumagsak ako sa major na yon.
At ngayon ay may kapal sila ng mukha na sabihin sa akin na kausapin ko si Nate. Mag-ambag muna kayo sa report!
"Kiana." saway sa akin ni Euryy.
"Wag kase kayong makisawsaw kumakain nalang kayo andami n'yo pang dada." singit ni Lea.
Nang dumating matapos ang klase ay sumabay na ako kay Lea dahil mags-sleep over kaming tatlo nina Euryy sa bahay ni Lea.
"Kita nalang tayo sa bahay." paalam ni Lea kay Euryy tumango naman ito.
Dumaan pa kami ni Lea sa isang shop para bumili ng kung ano anong pang skin care na gagamitin raw namin mamaya kahit wala naman kaming pimples. Talaga lang mga nag-iinarte itong mga kaibigan ko.
"Ikaw? Baka may bibilhin ka may katabing cafe tong shop na to." umiling ako.
"Sasamahan nalang kitang mamili rito wala rin naman akong bibilhin."
Nang matapos kami ay dumeretso na kami sa counter para magbayad.
"Daan tayo drive thru?" tanong ni Lea.
"Sige, gutom na rin ako."
Nag-order lang kami ng pagkain naming dalawa dahil magagalit si tita kung hindi kami kakain ng luto n'ya.
Nagpaalam naman ako kay Mama na mags-sleep over ako kay na Lea pumayag naman ito.
"Tita Beca!" niyakap ako nito.
"Kiana! Antagal mo na rin di pumupunta rito. Kumusta na si Kiara?" ngumiti ako.
"Malapit na rin po s'yang manganak." tinawag nito ang isa sa mga katulong nito sa bahay at ipinahanda ang mga pagkain.
"Kumain muna kayo. Lea, magpalit na kayo." umakyat kami ni Lea para magpalit at nang makababa kami ay nakaupo na si Eurry sa may hapag.
"Kompleto ang mga baby ko!" nakangiting sabi ni Tita Beca.
"Kumain na kayo."
Sa dami ng nakahain sa lamesa ay nabusog kaming tatlo hindi na rin kami nakakain ng dessert dahil sumasakit na ang t'yan namin.
"Lea, alam mo isuggest mo kay Tita na mag tayo ng restaurant." sabi ni Euryy.
"Gaga! May restaurant na si Lolo syempre kung gusto ni Mama edi sana andon palagi yon at nagluluto ron." nakaupo na ang mga ito rito ngayon sa kwarto at nagsisimula nang magpahid ng cream sa mukha.
Nang marinig ko na tinatawag ako ni Tita mula sa baba. "Babalik ako." paalam ko sa dalawa.
Bumaba ako at nakita ko si Nate na nakatayo sa tabi ni Tita Beca. Nakangiti si Tita bago umalis sa tabi nito.
"Kiana—" hinila ko ito papalabas ng bahay.
"Anong ginagawa mo dito?" inis kong tanong.
"Gusto kong magpaliwanag."
"Kung ano anong narinig at nabasa ko! Nalaman ko na may fiance ka na at kalat na kalat yon sa internet!" sigaw ko.
"Ilang linggo ka ring walang paramdam, text o tawag ko wala kang sinasagot tapos bigla ka nalang susulpot at tatawagin akong LOVE?!!" unti unting tumulo ang luha ko.
"NANG GA-GAGO KA BA?"
Niyakap ako nito at pinunasan ang luha ko. "Sorry. I had a fight with my dad and i can't contact anyone." paliwanag nito.
"Yung engagement hindi ko yon gusto.
Dad reconciled me with his friend's daughter for the support of our company." paliwanag nito.
"Being a singer in the band, Dad is against on it and when he found out that someone was hiring us as artists he did not agree. He even locked me in my room." unti unting pumiyok ang boses nito.
"I know your in pain right now and it's all because of me. I didn't mean to cause you any pain but all i can do now is to apologise, I'm aware i've hurt your feelings, but please don't push me away. Please, love." naramdaman ko ang paghinga nito sa aking balikat.
"Please, Kiana." mahina nitong sabi.

Komento sa Aklat (35)

  • avatar
    Jonathan Climaco

    good

    28/08/2024

      0
  • avatar
    Justine Somoson Manisan

    salamat Sa LAHAT po

    08/04/2023

      0
  • avatar
    Cristina Reyes

    hi Ganda ng story ng sound of love

    11/11/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata