(29)

Aziel POV
Pag kinaumagahan ay maganda ang gising ko. I don't know bakit ang saya ko ngayon at napapangiti si Nana lusing nang makita ako sa hapag
"mukhang maganda ang gising mo ngayon iho ah" ngiting saad nya
"Oo nga po nana ewan ko bat ganito ako kasaya sarap sa feeling hehehe" masayang sagot ko naman
"asuss inlove siguro tong alaga ko ano" pangaasar nya sa akin habang nila lapag ang baso at juice
"di naman po siguro nana" ngisi kong saad saka inumpisahan nang kumain nag paalam naman si Nana may lilinisin pa daw sya kaya heto ako ngayon mag isa sa hapag pero kahit ganon ngiti parin ako nang ngiti at habang kumakain ay pinagmamasdan ko ang bracelet na suot suot ko ngayon.
I just finish my breakfast bago na pag pasyahang umalis na
Dumaan muna ako sa isang SM at namili nang mga anim na malalaking lata nang biscuits at anim na boxes na Juice wala kasi akong naisipan na pwedeng idala doon pwede na siguro to kahit papano at may dala man lang akong kaunting tulong.
Tinuro lang sa akin ni waze ang daan papuntang Haven Children’s shelter, Nang makarating sa gate ay agad kong binati si manong at nag tanong kong nandyan na ba si Lio nong una hindi nya pa na kilala pero agad nyang sinasabi sakin na si Aurelio daw ba ang hinahanap ko umuo agad ako dahil iisa lang naman siguro yon diba? Si lio parin yon? Nag hanap muna ako nang mapapagparkingan malapit dito sa maliit na gymnasium, I check the time nang makalabas na ako sa sasakyan ko it's already 8:23 medyo na late ako nang kaunti
Agad ko naman na tanaw ang mga kabataan na nag lilinyahan kaharap ni Vittoria! Mas lalo akong napangiting lumapit sa kinaroroonan nya nang mapansin ako ay agad na nangunot ang noo nyang tinignan ako
"you're here already" agad na singit ni lio sa likuran ko kaya agad akong bumaling
"Ah yeah, I brought some boxes of juice and biscuits it's on the back of my car do you have any available staffs here to help me?" medyo nahihiya kong saad
"oh what a good Samaritan, let me help you then" ngiting saad nya saka sinilip si vittoria sa likuran ko lumingon din ako pero di nag tama ang mga mata namin dahil mukhang busy sya kakabigay nang mga pagkain sa mga bata
Tinulungan ako ni lio na buhatin ang mga dala kong boxes.
"You really came" ngising saad nya sakin habang binubuhat ang ikalimang box ng juice
"yeah of course" Nginisihan ko din sya then suddenly he laugh
"You really like my sister huh" natatawa nyang usal medyo na ilang naman ako sa sinabi nya di ko alam kung ano ba and dapat kong sasabihin
"no, I'm not" na iilang kung sagot sa kanya
"hmm.. You're still in your in denial stage huh" natatawa parin nyang saad saka umalis buhat buhat ang last na box. Naiwan naman akong tulala at paulit ulit na tinatanong kong may gusto ba ako sa kapatid nya? Maybe nangaasar lang yon pero hindi eh parang may something talaga ewan ko ba kong matutuwa ako kapag totoo ngang may gusto ako sa kanya o hindi.
Lutang akong bumalik sa loob nang gymnasium at tumulong sa mga nag di distribute nang pagkain. Lumayo ako nang kaunti kay vittoria at hindi sya gaano binabalingan nang tingin. Pag talaga totoong nahulog ka sa babaeng yan ziel siguradong pagtatawanan ka nang mga kaibigan mo baka sabihin nila nawalan naku nang taste!
Dahil sa pagkatulala ay muntik na akong madapa dahil sa wire na nasa sahig! And the last thing I knew... My heart beating faster while we're making eye contact and she's holding my waist to support me and also to stop me from falling onto the ground
"you're too heavy" na pabalik ako sa aking katinoan nang matapos nyang sabihin iyon agad akong tumayo nang maayos at marahan syang tinulak palayo
I heard some children are teasing us na sanhi nang lalong hiya ko. In some movies dapat lalaki ang gumagawa non sa babae  hindi 'yong babae! Arghh!! Nakakahiya sobra!
She cough before she talk
"why are you here?" seryoso nyang tanong
"Because your brother wants me here!" pilit kong tinago ang hiya ko saka sya sinagot
"At sumunod ka naman?" taas kilay nyang Saad. Ha! I can't believe her! Sila na nga tinutulungan!
"sabihin mo lang kong ayaw mo kong makita!" naiinis kong asik
"tinatanong ka lang bat ka naninigaw" seryoso nya namang saad
"di naman ako na ninigaw ah!" inis sigaw sa kanyang pagmumukha dahil sobrang naiinis na talaga ako sa kanya! Sabihin nya lang kong ayaw nya kong makita tch
"Oo nga di ka naninigaw" sarkastikong usal nya saka ako tinalikuran
"wala ka talagang kwentang kausap!" pa dabog ko din siyang tinalikuran sa inis na umalis bahala na kong san ako dalhin nitong paa ko! Bahala sya sa buhay nya nakakainis!
Napadpad ako sa isang mini garden kaya napag pasyahan ko na mag pa hangin na lang muna ako baka maibsan tong inis ko kay vittoria. I sit under the tree and close my eyes, I really love sitting under the tree cause its always calms me saka feeling ko kasi pagnatutulog ako minsan sa ilalim nang puno tinatabihan nya ako I know she's in the better place now but I can't stop missing her.
Di ko namalayan na nakatulog pala ako nagising na lamang ako dahil parang kumakati yong ilong ko! Para akong mababahing and only to find out the little boy in front of me tickling me nose with a small grass!
I sneeze and look at him annoyed
"why did you do that?!" medyo nainis kong wika
"kala ko po kase patay ka na po" He innocently said and about to cry
"mukha ba kong patay pag natutulog?" Inis kong bulong sa sarili at bigla na lang umiyak yong bata sa harap ko!
"H-hey stop crying" takte naman oh eto ba kabayaran sa masayang gising ko kanina?!
"huwaaa!!" patuloy parin syang umiiyak kaya dali dali kong kinapa ang bulsa ko at sa kabutihang palad ay may fres Candy akong na kapa!
Dali dali akong kumuha nang isa saka ipinakita ito sa kanya
"You want this kiddo?" natataranta ko paring Saad baka kasi may makadinig na madre at sabihin na inano ko yong bata. Tumango sya sakin saka inilahad ang kamay
"ibibigay ko sayo to basta wag kanang umiyak ha" tumango lang ulit sya kaya ibinigay ko na lang sa kanya dinagdagan ko pa nang dalawa yung candy
"tentyuu!" usal nya saka dali daling kumaripas nang takbo! Ha! Ano yon scam?!
Tumayo na ako at pinag pagan ang sarili I look at my watch and it's already 2 pm ganun ba talaga ako katagal natulog? Kaya siguro inakala nang bata na patay na ako tsh
"there you are" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si vittoria sa likuran ko
"ano ba! Nang gugulat ka eh!" singhal ko sa kanya
"kanina pa kita hinahanap" walang emosyon nyang Saad tch sana di na nya ako hinanap kong hindi sya sincere na hanapin ako!
Oa lang ziel
"bakit mo ba kase ako hinanap sinabi ko ba ha?!" naiinis kong saad
"tch, kaartehan" asik nya saka ako tinalikuran paalis! Nakakain is talaga sya kahit kelan ano na lang kaya pag naging jowa ko to di marunong manuyo ?! Teka jowa? Ha! Asa
"Where's lio?" agad na tanong ko nang mapansin na wala na ang sasakyan ni lio
"kanina pa umalis" bored nyang saad napahinto naman ako saka tinitignan ang likuran nya na nag lalakad palayu
Eh bakit di sya sumama paalis?
"sakay" kahit medyo naiinis ako na touch din naman ako konti na talagang nagpaiwan sya para hanapin ako
"wag na taxi na lang ako" sagot nya naman
"tch sasakay ka o isasakay kita" Inis kong saad sa kanya taas kilay nya naman akong binalingan kaya Inis ko syang hinila papasok sa sasakyan at nag maneho pa alis.
While were on the road the silence is killing me yawa! Talagang makikipag kompetensya talaga sya sa katahimikan!
"a-ah I didn't know your brother has a good heart" pagbabasag ko sa ka tahimik i glance at her and I saw her smirk before answering
"good heart, by the way only child ka lang?" pag-iiba nya nang usapan
"ahm yeah" alanganin kong sagot
"then good for you"
"how bout you where is your parents?" pagiiba ko din nang usapan
"somewhere outside the country" walang gana nyang saad na para bang ayaw nyang pagusapan ito kaya tumahimik na lamang din ako...

Komento sa Aklat (92)

  • avatar
    Dave Cuenca

    diamond

    02/04/2023

      0
  • avatar
    Duyogan MarieLou

    WOW AMAZING😊

    06/08/2022

      0
  • avatar
    SalingayJean

    the story is very interesting and fun

    06/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata