Homepage/When Mr.Cold Guy Fell In Love/
Chapter 39
Nagising ako mula sa kalabog ng pinto mula sa labas. Tinakpan ko ng unan ang tenga ko at hinayaan ang kumakatok.
Ang aga-aga pa eh. Sino na naman ang nang gigising sa'kin?
"Gising na, Hailey!" tapos mas lumakas ang kalabog ng pinto sa labas.
Ano ba yan? Natutulog nga yung tao eh. Hmp! Nagslesleeping beauty pa ako.
"Isa pa, Hailey pag ikaw hindi ka tumayo diyan at hindi mo ako pinagbuksan, sisiguraduhin kong hindi ka na talaga makakatayo habang buhay diyan sa kama mo!" sigaw mula sa labas at hinala ko ay si Kylie.
Ihh naman eh. Si Kylie kasi dito na siya natutulog at para mabantayan na rin niya daw ako, pagkatapos kong maoperahan sa nabaling kamay ko ay inuwi kaagad nila ako at sinamahan naman ako ng besfriend kong si Kylie
Inalis ko ang pagkakakumot ko at tumayo para pagbuksan ang nanira ng magandang tulog ko.
"Ano? Matutulog pa ako eh." nakanguso kong sabi sa kanya.
"Wag kang ngumuso diyan. Papasok ka na. Wala na din Kuya mo, Kaya sasabay ka sa'kin. Maligo ka na tapos magbihis. Yung maayos." sabi niya at naglakad na paalis.
OO nga pala. May pasok na naman. Ayoko ko pa. Baka makita ko lang siya.
Alam niyo na...
Huli kaming nakapag-usap ni Kurt noong bagong gising ako mula sa pagkakatulog ng 3 weeks, then hindi na ulit siya nagpakita. Medyo namimiss ko na nga siya...
Nakakamiss yung presensya niya... Super.
Huminga ako ng malalim at sinara na ulit ang pinto. Gusto ko na rin sanang kausapin si Kurt, kung magagawa ko.
----
"Hailey, diyan ka lang ha? babalik kaagad ako. Wag kang aalis." sabi niya at tumakbo paalis.
Saan naman yun pupunta?
Umupo na lang ako mula sa bench at inayos ang nakahawing buhok sa mukha ko.
"Uy, Hailey. Kamusta?"
Napaangat naman ang ulo ko at nakita ko si Bryan na nakangiti ng malawak.
"Ayos naman. Bakit nandito ka? Nasan kasama mo?" tanong ko sa kanya.
Umiling iling siya tsaka hinawakan niya ang kamay ko.
"Si Kylie nasa loob na ng building niyo. Tara?"
Tumango na lang ako at nagpahigit sa kanya,
Hanggang sa makarating kami sa harap ng building namin.
"O, para sayo." may ibinigay siyang isang rosas.
"Anong gagawin ko dito?" takang tanong ko.
"Basta tara." naglakad ulit kamit tapos binigay ni Bryan ang kamay ko mula kay Gian.
May ibinigay din siyang rosas.
Mas kumunot ang noo ko.
Tapos si Gian naman ang naghatid sa'kin mula kay Kylie.
"Hehehe, sorry. White roses." binigay niya sa'kin ang rosas at hinatid naman kay Kuya Chris.
"Be good girl, Hailey." sabi niya at may ibinigay na rosas ulit.
"Ha? Eh good gi--"
"Shhh, tama na. Nandyan ang mommy ni Kurt."
Nagulat ako ng makita ko si Tita Rebecca.
"Hi iha, come with me." sabi niya at may binigay na rosas ulit.
Medyo nahiya ako kay tita rebecca pero kinuha ko naman.
Next kong nakita si Tito Luis.
"Hey, young lady. Tara, meet my Father." nakangiti nitong sabi, may ibinigay rin itong rosas.
Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko ang hukluban na lolo noong isang araw!
"O, bakit gulat ka diyan? tara na nga at ihahatid kita sa ama mo." sabi niya at may ibinigay din rosas.
"Eh lolo, paano pong nangyare na lolo ka ni Ku--"
"Bakit hindi ko ba kamukha ang apo ko?"
"Hindi po, ang layo layo. mukha ka po--"
"Hindi ka pa rin nagbabago! Pasalamat ka, ako'y matanda na, naku, kung hindi lang talaga."
Hehehehe! Buti nga eh. Baka mapatay niya ako. Mainitin din ang ulo. Manang mana talaga si Kurt dito sa lolo niya.
Next na pumunta kami ay kay Daddy!
"Daddy!" tuwang tuwa kong sabi. sabay yakap sa kanya.
"Anak, dahan dahan lang. Baka may mangyare na naman sayo." sabi niya at nginitan ako, bago ibinigay ang rosas.
"Dad, ayos na ako noh. Dad, anong nagyayare dito? Bakit may mga bulalak na binibigay sa'kin?" takang tanong ko.
"You'll see." sabi niya at naglakad na sa isang lugar ng school, na ngayon ko lang nakita! Wow. *o*
Puno ng decoration, may mga petals at ilaw din. Nasa loob kami ng ewan na lugar, pero ang ganda ha?
"Dad, ang ganda po di-- Dad? Dad! Nasan ka na?" bakit bigla nawala si Daddy nasan na yun?
Naglakad ako dahan dahan at sobrang tahimik. Waaah! Bakit wala si daddy? Huhuhu.
May gumalaw mula sa likod ko at laking gulat ko ng makita ko kung sino ang gumalaw.
Si Kurt.
"Hi, Hailey." nakangiting sabi nito, Ang gwafu naman niya ngayon. Litaw ang mapuputing ngipin niya.
"H-Hello." naiilang na sabi ko.
"I've waited for this day, Hailey. And now." tinignan niya ako sa mga mata ko. Ang mata niya ay puno ng pagsisisi at pangugulila. "You're here. I want to tell you, how much I love you, and how much I regret all, what happened, I'm really sorry, Hailey." then niyakap ako.
Hindi ako nakagalaw. Ang bilis. Kanina naglalakad lang ako, ngayon nasa harap ko na agad siya.
dahil hindi ako kumibo ay kumalas siya sa'kin.
"Are you still mad?" nag aalalang sabi niya.
"I-I'm n-not." bigla na lang lumabas mula sa bibig ko ito.
sa gulat niya ay nayakap niya ako.
"I love you Hailey, I'll promise na hindi na ulit kita sasaktan. I will promise that." niyakap ko siya ng mahigpit at pinikit ang mga mata ko.
I miss him, so much. Sa tagal namin hindi nagkita, parang mababaliw na nga ako eh.
"Hailey? Why are you crying?" sabi niya at pinunasan ang luha ko.
"K-Kurt. Sorry t-tlaga. *hik* Hindi na ulit ako ma-magagalit. SOrry kasi hindi kita pinapakingan, at sobrang pasaway ko. Sorry kasi ang sama sama ko sayo, wala akong ginawang tama, lahat---"
"Shhh, Hindi na yun importante. Hailey, take this flower. THis is symbolizing, Together as long as we live. This is nine roses and now, I'm ready to face all problems, kasama ka..."
Then we kissed...
Napaluha na naman ako, dahil sa tuwa. My second kiss... Oh My gosh!
"Yuhooo!"
"Ayiiieeehh!"
"Gravee! Hahaha." nakarinig kami ng ingay kaya.
Naghiwalay ang mga labi namin.
Tinignan ko ang buong lugar at nandon lahat ang nagbigay kanina sa'kin ng mga bulalak. Pati na rin ang mga estudyante! Waaahh! Wala na. Nakakahiya. Sobra.
Ihhhh!
"I'm now your officially boyfriend, Hailey. Lahat ng nandito ay nakasaksi na sa ating pagmamahalan. I love you Hailey."
"I... I love you too, Kurt." sabi ko. Lumaki ang mga mata niya.
Yes! Nasabi ko na rin na mahal ko siya!
"I love you so damn much Hailey." then he kiss me again.
"Woooohh!" hiyawan lahat ng tao na nandito sa lugar na ito.
I'm happy now. Sobrang saya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sh*t naman eh! Kinikilig talaga ako! Parang naiihi na nga ako e! Hahaha.
"You're my princess, and always my princess, forever..."
He's my Prince too..I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (264)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
i really like the story ate pinky! paano po kayo nakakapag sulat dito sa novelah? i also want to be like you! a writter! please teach me how to create a story here🥺🥺 definitely deserve a 5.0 star! if i could rate this by 10 i will! keep bleeding ate!
25/12/2021
0grabe ang story sobrang kilig wala pa nga lang sa climax pero dobleng kilig at excitement ang nababasa ko. iba yung story nila eh,,mala meteor garden ang story pero kilig2x pa more..excited talaga ako sa mga susunod na mangyayari kay hailey at kurt..I love this kind of love story..
05/12/2021
0masakit talagang makakita ng mga ganitong eksena, ung naisip mong my nararamdaman kaung dalawa, pero wala pala, masakit din umasa, kc dun ka kumakapit sa pag-asang alam mong my something na sa inyong dalawa, pero mas masakit pa sa sampal ang matamo m kung ang katu2hanan na ang syang nagpa2kita sau, kaya umabot tau sa puntong down na down tau, pero, kahit ganun, my tym dn na la2ban tau para sa sarili natin
30/11/2021
1Tingnan Lahat