Sa opisina ay lumilipad ang isip ni Anna sa mga sinabi ni Jake. Totoong ng umalis siya ay matagal na hindi siya nagkaroon ng communication with Gab and Natasia. Nito na laang ilang buwan bago niya nacontact muli ang mga ito. Wala namang nabanggit ang mga ito sa kaniya na hinanap siya ni Jake, maging ang tiya Belen niya ay hindi din nagkwento sa kaniya. Nalilito si Anna, may bahagi ng isipan niya ang gustong marinig ang mga paliwanag ng binata, ngunit sa isang banda ay alam na niyang wala naring saysay ang mga iyon dahil may kani-kaniya na silang buhay. She doesn’t want to get involved with Jake again, especially after what happened between her and his tito Henry..and Jane. “Okay ka lang ba? Natutulala ka ah!” tanong sa kaniya ni May. “Yes. S-sorry,” sagot niya at nagsimula na ulit siyang magtrabaho. Hapon ng mag-ring ang cellphone niya at ng tingnan ay si Alex ang tumatawag. Pinagmasdan niya ang pangalan nito na nakarehistro sa cellphone niya. Bigla ay parang ayaw niyang sagutin ang tawag nito. Parang wala siyang lakas para harapin ito kahit panga ilang araw narin silang hindi nito nagkikita dahil naging busy narin ito. “Anna!” tawag sa kaniya ni Alex habang papalabas siya ng building kinahapunan. May bitbit pa itong bulaklak. Nakaramdam siya ng guilt ng makaharap ito. “Oh Alex! B-bakit ka nandito?” pinilit niyang pasayahin ang boses. “Hi Anna. Nag-aalala lang ako because youre not answering my calls,” nakangiting baling nito sa kaniya at inabot sa kaniya ang mga bulaklak. Napatungo naman siya para hindi nito makita ang lungkot niya. “Sorry Alex, naging b-busy kasi ako.” “A-are you okay Anna? May sakit ka ba?” hindi parin niya nagawang itago sa binata ang lungkot niya. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang pagkagulat ni Alex ng makita ang mga mata niya. “What’s wrong?” nag-aalala nitong tanong. “W-wala,” naiiyak na niyang sagot dito. Nao-overwhelm siya ng mga pangyayari at iba’t-ibang emosyon na ang nararamdaman niya. Ang epekto sa kaniya ni Jake, ang pagkalito sa mga sinabi nito sa kaniya, ang guilt kay Alex. Lahat na ng emosyon at nalilito na siya sa dapat maramdaman. Gusto niyang magalit sa sarili because she knew that part of her ay umaasam na may magandang paliwanag si Jake sa sa pakikipaghiwalay nito sa kaniya. Part of her still longs for him. Sa ikalawang pagkakataon ay naapektuhan siyang muli sa binata. “Anna, I’m always here for you. You can tell me what it is that’s bothering you,” bulong ni Alex sa kaniya. Napatitig siya kay Alex. Sana ikaw nalang ang mahal ko. Siguro hindi ako masasaktan ng ganito. “S-sorry Alex..ang bait mo..kasi,” sobrang guilty siya ng sandaling iyon. “Eh bakit ka naiiyak?” nag-aalala pero natatawang sagot nito. Hinila siya nito at niyakap. Nararamdaman niya ang marahang paghaplos nito sa kaniyang ulo. Kung puwede lang na ito nalang ang mahalin niya, siguradong wala siyang masyadong magiging problema. Naiinis siya kung bakit wala siyang maramdaman para dito. “Alam ko na, may alam akong masarap na kainan dito to cheer you up. Let’s go?” Panay ang kuwento ni Alex sa kaniya habang kumakain sila. Nahihiya siya dito ngunit hindi naman niya magawang sabihin dito ang mga bumabagabag sa kaniya. Matapos kumain nag-aya na siyang umuwi dahil pakiramdam niya ay pagod na siya. Nauunawaan naman siya ng binata at hindi na din ito nag-usisa sa kaniya. Inihatid siya nito pagkatapos ay umuwi narin. Kakapasok palang niya sa bahay ng makarinig siya ng mahihinang katok. Nagtatakang lumapit siya sa pinto para buksan iyon. May naiwan kaya si Alex? Labis ang pagkagulat niya ng makita kung sino ang nakatayo sa pintuan niya. Jake is standing there, his eyes pierced through her, and she didn’t know what to do or say. Ilang segundo ang lumipas na nakatingin lang siya dito. Hindi niya mabasa ang reaction nito pero mukha itong stressed. “Anna,” basag ni Jake sa katahimikan sa pagitan nila. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya. Lihim na pinagagalitan niya ang sarili sa mumunting tuwa na naramdaman pagkakita sa binata. Dapat ay wala na siyang maramdaman para dito! Inihilamos ni Jake ang mga palad sa mukha. “Can we please talk? Kahit kaunting oras lang..” “Ano ba? Hindi mo ba nakikitang gabi na at matutulog na ako. Umalis ka—“ “Is it because of him?” tila nagdilim ang mukha nito at magkasalubong ang kilay. “Hindi ko kailangang mag-explain. Wala kang paki—“ ganun nalang ang panlalaki ng mata niya ng biglang pumasok ang binata sa loob ng bahay niya. “H-hindi kita pinapapasok dito. Please leave!” Matigas ang pagkakasambit niya sa bawat salita. Itinuro pa niya dito ang nakabukas na pinto. “Do you like him?” seryoso ang mukhang tanong sa kaniya ng binata. Hindi naman niya kayang salubongin ang mga tingin nito lalo na ang sagutin ang tanong nito. “Wala kang mapapala saking sagot, Jake! Umalis ka na, bakit ka ba nandito?” Unti-unti ay lumapit ang binata sa gawi niya. Bigla siyang kinabahan sa paglapit nito sa kaniya. Sa bawat paghakbang nito ay napapaurong siya hanggang sa naramdaman niyang napasandal siya sa wall. Itinukod nito ang magkabilang kamay sa pader at nakulong siya sa pagitan niyon. Tinitigan siya ng binata sa mga mata. “You wanna know why I’m here?” Napigil ni Anna ang paghinga dahil sa maliit na distansya sa pagitan nila ni Jake. She can smell his manly scent and feel the heat radiating from his body. “Because I still love you,” bulong nito at nanlaki ang mga mata niya sa narinig. “Ha?!” hindi makapaniwala sa sinabi nito. Anong kalokohan ang sinasabi nito? “Anna, I know its hard to believe, pero sa mga nakalipas ay hindi ako tumigil mahalin ka,” mahina at puno ng lungkot ang pagkakasabi nito. “Breaking up with you is the biggest mistake of my life. I regret everything..could you please give me another chance?” nakikiusap ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, tila nahipnotismo siya at napako lang siya sa kinatatayuan habang nakatingin dito. Aminado siyang namiss niya ang lalaking ito, akala nga niya ay hindi na niya ito makikitang muli. Walang wala sa isip niya na magkrus ulit ang landas nila at maririnig buhat dito na mahal pa siya nito. Hinawakan ng isang kamay ng binata ang pisngi niya. Bumaba ang tingin nito sa kaniyang mga labi at bahagyang gumalaw ang adams apple nito. Alam niya ang iniisip ng binata, and she knew she wanted it too. Bigla ay nanuyo ang kaniyang lalamunan. Bakit tila nauuhaw siya? Wala siyang ginawa para pigilin ang binata ng bumaba ang mga labi nito sa kaniya. Kahit ngayon lang bulong niya sa sarili habang ipinipikit ang mga mata. Hindi na ni Anna nagawang pigilan ang sarili at pinagbigyan niya ang nararamdaman. Ayaw man niyang aminin ay kaytagal niyang inasam muli ang binata. Namalayan nalang niya ang sarili na tumutugon narin sa bawat halik ni Jake. Noong una ay maingat ang ginawang paghalik ng binata sa kaniya. Naramdaman nito ang kaniyang pagtugon kaya unti-unti iyong lumalim. Tila sila uhaw sa isa’t-isa at binabawi ang bawat araw na nagkahiwalay sila. Habol niya ang hininga ng maghiwalay sila. Nang magbalik sa reyalidad ay hindi siya makatingin sa binata. Inayos niya ang sarili. “A-Anna—“ tawag nito pero pinutol niya ang anumang sasabihin nito. “Jake, please. Mali ito. Wag mo nalang akong gulohin ulit please. M-Masaya na ako dito,” pakikiusap niya dito. Pinigil niya ang mga luha dahil nasasaktan din siya sa sinasabi. Alam niyang sa lalaking ito lang siya nakakaramdam ng kasiyahan, ngunit natatakot siyang mahulog muli dito kung hindi niya ito itataboy. Natahimik ang binata na tila nag-iisip, hindi niya mabasa ang expression nito. “Anna I’m sorry..,” sagot nito at tila may patalim sa sumaksak sa puso niya. “Pero hindi ko kayang gawin ang hinihiling mo.. No matter how many times you reject me, I'll still be here. I'll wait until you forgive me,” dugtong nito na ikinagulat niya. Hindi siya sumagot. Maya-maya pa ay nagsalita ulit ang binata. “Anna please. . liligawan kita if you want—“ “No!” putol niya sa sinasabi ni Jake. Hindi niya gusto ang ideya na liligawan siya nito. Hindi pinansin ng binata ang sinabi niya. Naramdaman nalang niya ang paglapat ng labi nito sa noo niya at napapikit siya sa pamilyar na pakiramdam na iyon. She remembered how he used to comfort her with his kisses. “Good night, Anna,” bulong nito sa kaniya bago lumabas. Hindi na siya nakasagot at naiwan siyang nakatulala sa pintuang nilabasan nito. Wala sa loob na hinawakan niya ang mga labi.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
i love the story it reflect me for who i am ..
03/08/2022
0thanks writer ang Ganda Ng story
09/09/2025
0i love it
05/09/2025
0Tingnan Lahat