Wakas

After being bitter for five years, never did I expect na hahantong pa ako sa sitwasyong ito. I never thought na makikita ko pa si Leo noong umalis ako. I never thought na mako-complete pa ang family na gusto ko. Pero tadhana nga naman. Those thoughts happened today. It feels surreal. It made me scared just thinking these thoughts are finally happening now.
Nabaling ako sa katabi ko nang humagikhik ito. “Ma’am your so beautiful. Kahit walang makeup ay umaapaw pa rin ang ganda mo,” puri ng makeup artist na kinuha ni Mama. “I’m sure malalaglag ang panga ng groom mamaya pagkakita sayo." Tumawa lang ako. Kahit naman nong hindi pa kami kasal ay palaging nalalaglag ang panga non.
Napabaling din kami sa pintuan nang pumasok si Rael.
“Why are you here? You should not be here.” Si Azrelle sa medyo mataray na boses. Nasa katabing vanity table siya at minimake up-an din. Si Rael ay dapat nasa kay Leo dahil dinadamitan din sila.
“Baby, why are you here, hmm?” tanong ko din. Binaliwala niya si Azrelle at saka dumeretso sa akin.
“Mommy, dad want me to check on you. Baka daw tumakas ka.” Sumimangot siya. “You’re not doing it, right...Mommy?”
Tumawa ulit ako. “Of course, baby. Why would I do that? “ Niyakap ko siya. I sighed as memory attacked me. Those memory kung saan siya na kidnap. Grabi ang kaba ko nong gabing yon.
I could still remember kung paano kami lahat balisa ng magtagal sina Leo. Pinauwi ni Tita ang ibang bisita na hindi nila kamag-anak. Naiwan ang mga relative nila. Una ay guluhan sila kung bakit biglang natapos na lang ang party ng wala sa oras. Hindi pa nila alam ang pagkawala ni Rael. Pero dahil sa balisa kaming tatlo, they got curious kaya nagtanong sila. Ang mama ni Lucio ay may hinala na dahil nandon siya noong tinanong ko si Tita tungkol kay Rael pero nalaman lang niya ang totoong nangyari nang sabihin ni Tita sa kanilang nawawala si Azrael. Yong mga lalaking pinsan si Leo ay gustong sumunod pero hindi macontanct ang umalis. Pati si papa na kasama nila ay hindi rin macontact.
Hindi matahan tahan ang luha ko dahil sa takot, kaba, pangamba na baka kung ano ang nangyari kay Rael sa araw na yon. Pinatulog ko si Azrelle ng mag eight at wala parin sila. Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyayari kahit panay ang tanong niya kung nasaan daw ang dad niya at si Rael. Sinasabi ko na lang na may pinuntahan sila.
“Mama, wala parin sila?” umiiyak kong tanong pagkababa ko. Kakatulog lang ni Azrelle at iniwan ko siya.
“Wala pa anak. I’m trying to call your papa pero hindi siya macontact. Walang ma contact sa kanila." Nanginginig ang boses ni Mama.
Walang antok ang dumapo sa akin. Si Tita Sam ay nakatulog sa living area kakahintay din sa kanila. Ang mga pinsan ni Leo ay may nakatulog din at may kagaya ko ding hindi dinadapuan ng antok.
“Are you ok? Matulog ka muna.” Si Lucio ng makita ako. Kagagaling lang niya sa labas para makibalita pero wala rin siyang nakuha. Hindi ma contact ang mga pumunta.
“Hindi na," pagod kong sagot. Ramdam ko ang pamamaga ng mata ko.
He sighed. Wala rin siyang nagawa nang tumanggi ako. It was when the clock struck at two in the morning nang dumating sila. Karga ni Leo si Rael na hindi ko alam kong tulog o ano.
Bumuhos ang luha ko pagkakita ko sa kanila. Agad akong lumapit.
“Is he alright?” Nanginginig kong tanong. Paano kasi ay hindi ko alam kong tulog ba ang anak ko o ano.
Leo nodded. Pumungay ang mata niya habang nakadungaw sa akin. “He’s sleeping. Why are you still awake?” paos niyang tanong.
Marami ang lumapit sa amin. Nagising na din ang mga tulog kanina. Mabuti at si Tito at Papa ang kumausap sa mga tanong nila.
Isinama ako ni Leo sa taas. Hindi na umapila ang mga kasama namin nang sabihin ni Leo na kailangan naming magpahinga especially Rael. Nilapag niya si Rael sa kwarto niya sa mansion. Hindi man lang siya nagising nang ibinaba siya ni Leo.
“Let’s go? You need to rest too.” Paos paring sinabi nito. Umiling ako.
“Dito ako matutulog.” Masyado akong kabado na kahit ang pag-iwas ng tingin kay Rael ay hindi ko kaya. Baka mawala na naman siya sa akin. Unti unti akong pumunta sa kama niya.
I heard Leo sighed. “Alright. Maliligo lang ako.” Hindi ko siya pinansin. Nahiga na ako sa tabi ni Rael at saka siya niyakap ng mahigpit. Doon ko lang naramdaman ang pagod. I don’t know how long. Patulog na ako ng maramdaman kong may yumakap din sa akin. He snaked his hands on my waist at saka siniksik ang ulo sa leeg ko. I felt his warm breath that soothe me. Hindi ko na naimulat ang mata ko dahil sa sobrang antok pero naamoy ko ang pabango ni Leo. With his warm hug, tuluyan na akong nakatulog.
Kinaumagahan ko lang nalaman kong sino ang kumuha kay Rael. It was Karina. He tricked my son on going out with her dahil sinabi niyang sosopresahin niya ako at kailangan niyang sumama sa kanya. According to what they got, Karina will use Rael para mapasang-ayon niya si Leo na sa kanya siya dapat maikasal.
Unfortunately, bago pa niya magawang umalis ng bansa ay na ban na siya ni Theo. Na trace na siya ni Wyatt at sa airport pa lang ay naharangan na siya ng mga bodyguard ng Silvano at Guevera. Leo wanted her in jail pero nakiusap si Tita Helen na huwag na. Karina was just desperate dahil mahal niya daw si Leo. Siya daw ang kasama nito noong wala ako at umasa siyang mahal din siya ni Leo. I freaking laughed at her reason. Nakakasakit ng ulo. Nakakabanas. Kung hindi lang ako naawa kay Tita Helen ay ipapakulong ko na. May restriction lang siya na bawal lumapit sa mga Silvano at Grande. Ban siya sa lahat ng property namin.
Napakurap ako nang magsalita si Rael.
“Mommy, Dad is being paranoid. Why can’t he see you?” guluhang tanong nito. Tumawa lang ako. Hindi naman ako naniniwala sa hindi dapat nagkikita ang ikakasal sa araw ng kasal nila pero nag insist sina Tita at Mama kaya magdudusa talaga si Leo. Hindi pa naman yon mapakali kapag hindi ako nakikita non.
“Your lolas don’t want me to see him, baby. Why don’t you go to him and tell him I would not run away?”
He pursed his lips and nodded. Kita ko ang pagsunod niya sa sinabi ko ng biglang tumayo si Azrelle. “I’ll go with you, Rael. I want to see dad.”
Lumapit muna sa akin si Azrelle bago siya lumabas. “I’ll watch Dad for you, Mommy.” She then giggled then. Natawa din ako sa kanya.
Silang dalawa ang umalis at naiwan ako sa makeup artist. Ipinagpatuloy namin ang pagma-makeup sa akin kahit mukhang malapit na itong matapos.
Maraming pumasok sa room habang nagbibihis ako. Si Tita Sam na gustong Mama na ang tawag ko sa kanya, sila ni Tito. Si Mama na umiiyak dahil sa ikakasal na daw ako. Si Papa ay malungkot lang. Nagtagal ang yakap niya sa akin. I almost cry in his arms. Pumasok din ang mga pinsan ni Leo na tinukso tukso ako. And of course sina Kath, Gian at Bea na mga busy sa buhay. Mabuti nga at nakadalo pa sila. Marami silang chismis sa akin lalo na si Kath pero hindi kami nagtagal mag-usap dahil marami pa ang gustong kumausap sa akin. Laking gulat ko rin ng nakadalo si Viya. I badly wanted to ask her about Pablo pero kagaya nina Kath ay hindi sila nagtagal. And then here comes Sofia. Pinanliitan ko siya ng mata nang makapasok siya. Hindi ko na siya nausisa tungkol kay Harden. Ano kaya nangyari kay Logan at parang may something na sa kanila ni Harden? And how come may something sa kanila? The last thing I remember before I left Harden Academy is that alalay pa siya nito.
“Girl, you’re so pretty. Dapat ako ang ginawa mong bride’s maid.” Tumawa siya. Her cheek was glowing, and she look glooming. Mas lalo siyang gumanda these days. I wonder why?
Hindi ako tumawa. “You owe me a story, Eleanor Sofia!”
“What? Anong story ba yan, girl?” nanunuya niyang sabi.
“What with you and Harden? Bakit hindi ko na nakikita si Logan?” Tinaasan ko siya ng kilay.
She grinned. “It’s a long story. I’ll tell you when I’m not busy.”
“I want it now!”
Tumawa siya. “Pag dina ako busy. I’m getting married three months from now. After my wedding, I’ll tell you,” tunog malandi niyang sabi. Nalaglag ang panga ko.
Just when I was about to ask her kanino siya ikakasal ay bumukas ang pintuan at pumasok si Azrelle.
“Mommy, dad is…” hindi niya natapos ang sasabihin ng biglang pumasok si Leo. Agad na tumawa si Sofia at lumabas. Pati ang mga makeup artist at ang ibang tao sa loob ay nagsilabasan. Pumasok si Rael at saka sinara ang pintuan. Naiwan kaming apat sa loob. Kumunot ang noo ko.
“Ano to? Bakit ka nandito? Bawal diba?”
Tumawa lang siya ng pilyo. Agad niya akong nilapitan. “Fvck that belief!”
I arched a brow. Hindi naman din ako naniniwala sa belief na yan. I check out Leo's expensive outfit. He looks like a prince charming and a knight in shining armor in his white coat. Pumungay ang mata niya ng nasa harap ko na siya.
“Baby, don’t run away,” hirap niyang sinabi. He snaked his arm around my waist, and he rested his head on my shoulder.
Nangunot ang noo ko. “Who told you I’ll run away?”
He didn’t respond.
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang idea na tatakas ako. God! I would never run away. Not now and not ever. Not unless he wants me gone.
Naramdaman kong yumakap din sa amin si Rael at Azrelle.
“Dad, I’ll watch Mommy for you. I’ll call you if she run away.” Si Azrelle kay Leo.
Tumawa ako. “My god, people… saan niyo napulot ang ideyang yan? Why would I run away?”
Tumango si Leo at saka umupo para magpantay sila ni Azrelle. Hinalikan siya ni Leo sa noo. “I’ll keep my phone on me. Call me when your mom tries to run away, ok?” Tumawa si Azrelle dito.
I rolled my eyes. Seriously? Hinawakan ni Rael ang kamay ko. Umupo ako nang makitang may gusto din siyang sabihin sa akin.
“Mommy, I’ll watch dad too, for you,” bulong niya. Natawa talaga ako sa inaasta ng mag-ama ko.
Lahat kami ay natigilan ng biglang bumukas ang pintuan. Pumasok doon si Lucio na may ngisi na sa labi.
“Goddammit! Everyone is looking for you, dude. Akala namin ay tumakas kana,” tumatawang sabi ni Lucio.
Agad siyang minura ni Leo at itinago ako sa likod nito. Humalagpak ng tawa si Lucio dahil don.
“Dude, she’s getting married to you. Why so protective?”
“Get out!” Leo shout glaring at him.
Tumatawang lumabas si Lucio. Agad ding sumunod si Leo at Rael sa kanya dahil mauuna na sila sa church para antayin kami. Bago sila lumabas ay bumaling sa akin si Rael at saka tumatangong nakangiti. Tumango din ako ng naiiling.
Pero natigil din sila sa paglalakad ng biglang bumalik si Leo. He immediately went towards me and captured my lips, kissing me passionately.
“My last kiss before you officially become my wife,” he whispered hoarsely.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan ng papunta na kami sa venue. I still can laugh noong nasa makeup room pa ako pero ngayong papunta kami ay hindi ko magawa. My heart beats erratically against my chest. Kung ano ano na lang ang pumapasok sa isip ko. Kagaya ng baka kung anong mangyari? Paano kong wala akong makitang Leo doon? Paano kong hindi matuloy ang kasal? Mas lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko nang maaninag ko ang church kung saan kami ikakasal.
Naunang lumabas si Papa. Naka linya na sa labas ng church ang mga mauunang papasok at pang huli ako. I don’t know how I managed to stand, stay and be sane. Basta nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad papunta kay Leo na medyo emotional. Hindi ko rin tuloy napigian at nangilid ang luha ko.
Everything happened smoothly. But when I finally said my I do’s, that the time I’m finally at ease. Leo is mine now, officially.
“You may now kiss the bride,” sabi ng pari. Marami ng pumalakpak sa likod but I couldn’t care less. Not when Leo has this genuine smile on his face. Hindi ko maiwas ang mata ko doon.

“Finally, my Mrs. Silvano,” he said before capturing my lips for a kiss.
Hindi rin nagtagal ang lahat sa simbahan at agad silang tumuloy sa reception. Lahat ay excited sa amin. Sina Mama at Tita Sam ay magkasundo na rin sa wakas. Well, they have to. Kung gusto pa nilang nakakasama ang mga anak ko. Narindi ako sa kanila noong panahong hindi sila nag-uusap at ako ang ginagawa nilang messenger.
It was time for dance when Leo got a hold of me. Paano naman kasi, matapos ang pictorial ay ang daming gustong kumausap sa akin. Mostly mga friends ko.
“Damn, I can’t wait for this party to end.” Medyo may inis sa boses niya. Natawa ako doon.
“Bakit naman? Hmm… Mr. ko?” I teased. Kita kong medyo napaawang ang labi niya. I felt his grip tighten around my waist. Mas lalo niya akong nilapit sa kanya.
“Don’t tease me, wife. Baka itakas kita dito,” banta niya. Namamaos pa ang boses. He put his head on my shoulder as we kept on dancing.
“I miss you,” he suddenly whispered.
I let out an audible laugh. Medyo guluhan sa mga sinasabi niya. “Why? Andito naman na ako.”
“I love you, so damn much,” pagpapatuloy niya. Ramdam ko ang bawat salita niya. We're supposed to be happy now but I don’t like his tone now. It made me want to shed tears.
“I love you too… Leo. But seriously you’re making me scared.” Ang bilis na ang tibok ng puso ko. I badly wanted to know what bothering him.
Nakahinga din ako ng maluwag ng tumawa siya. Iningat niya ang ulo para tingnan ako sa mata. Mapupungay parin. “You were supposed to be my Mrs. Silvano five years ago, wife. Dammit! It took me five years to change your surname.”
Pumungay din ang mata ko. I smiled wearily at him. Gusto ko tuloy umiyak.
“It’s alright. I’m your Mrs. Silvano now, and that's what matters.”
He sighed as he licked his lips. "And I am your Mr. Silvano, Wife. Wala ng iba."
….

Komento sa Aklat (180)

  • avatar
    yaneeee_

    ang ganda ng blurbbb, macucurious ka talaga about sa story. a must read, agos author!!

    06/05/2022

      0
  • avatar
    Fely Ramilo Alayon

    ang ganda

    16/05/2025

      0
  • avatar
    Rj Bugtay Soco II

    thanks

    16/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata