Fifty

All my life, I never have sibling to talk to. Palaging si Mama and Papa ang tanging kausap ko kapag nasa bahay kami. Sa labas naman ay ang mga kaibigan ko. I never felt that being an only child is boring. But when Leo said being an only child sucks made me think. Ano kaya ang feeling ng magkaroon ng kapatid? Not that I need to pero ngayon lang ako na curious anong feeling. Now to think of it, wala rin akong pinsan. Mama is an only child while Papa were orphan kaya hindi siya nagkaroon ng kapatid. Kaya wala rin akong matatawag na pinsan.
“Mommy, are you done?” Napalingon ako kay Azrael. Pumasok siya sa kwarto. Hindi pa ako nakabihis at naka bathrobe lang ako.
“Not yet, baby. Where’s your dad?”
“He’s downstair, Mommy. He’s cooking.”
Tumawa ako. Ang tagal na nong last kong nakakain ng luto niya. Nong inayayaan niya akong mag study session sa condo niya na kami lang naman pala. I thought hindi na siya nagluluto. Kasi naman, ang successful na niya. Habang ako ay wala pang plano mag trabaho.
Iniwan ko muna si Rael at pumasok sa walk in closet. Napangiwi nga lang ako nang makitang nakakalat pa ang mga damit ko. Umirap ako. Kasalanan naman ni Leo 'to. Kung hindi lang niya ako inayang matulog ng maaga ay tapos na ito for sure.
Hindi ako nagtagal sa loob pero nang lumabas ako ay dalawa na ang nag-aantay sa akin. Parehong nakaupo sa kama si Rael at Leo. Pagbukas ko ng pinto ay agad silang napabaling sa akin. Leo immediately raised his brow. Rael giggled.
“Ano na naman?” reklamo ko. Nagtaas din ako ng kilay.
“Nakahanda na ang pagkain. You seriously took your time, huh?” nanunuyang sabi ni Leo.
Umirap ako. Hindi naman ako nagtagal ah. “Mauna na kayo. Magma-makeup pa ako.”
Tumayo si Leo at saka hinawakan si Rael. Dumeretso ako sa vanity table na kaka assemble lang din kanina. Pero bago pa ako makalapit ay naharangan na ako ni Leo.
“You don’t need makeup. Let's just go downstairs,” he said softly. Tumaas na naman ang kilay ko. Kung gutom pala ay bakit na lang hindi bumaba. Hindi pa ako pinapa-makeup eh ang pangit ko.
“Mag make-up muna ako. Ang pangit ko.”
Umiling si Rael. “No, Mommy. You're beautiful.”
"Really?" Tumawa ako. Hindi na nag make-up. Leo pursed his lip when I didn't argue with Rael. Pagbaba namin ay nakahanda na nga ang lahat. Biniro biro ko pa si Leo na hanggang ngayon pala ay marunong siyang magluto. He would only scowled kapag naririndi na. Paano naman kasi, may time pa pala siya. Ako nga simula ng mag State kami ay hindi na ako nakakapag luto. Tumigil na din si Mama kaka experiment dahil na-realize siguro na cooking is not for her.
“Should we fetch Azrelle? or ang Mama mo na?” tanong ni Leo. He is buttoning his white polo shirt. Nasa vanity table ako. Nagma-makeup. Kakatapos lang namin mag almusal and were now preparing papunta sa Grande Manor.
“Hindi na. I’m sure nasa mansion na yon. Mama is kind of obsess with her,” sabi ko habang nakatingin sa kanya through the mirror. He maybe sensed my stare kaya tumingin din siya sa akin. He licked his lips then. I arched a brow at saka nagpatuloy sa ginagawa.
While I’m busy with my make-up, umalis si Leo papasok sa walk in closet. Agad din namang bumalik with a tie on his hand.
He cleared his throat. “Put this on me,” he commanded with a playful tone. Naka taas ang sulok ng labi niya.
I let out an audible laugh. “Hindi nga ako marunong,” rekalamo ko pero kinuha parin. Tumayo ako at agad naman niyang pinalupot ang kamay niya sa bewang ko. Ginaya ko yong itinuro niya sa akin. He was just smirking while I’m working on his tie.
“Mommy, can you help me with my clothes?” si Rael naman. Mabuti at tapos na ako sa look ko at tapos na din si Leo. Pumunta kami sa kwarto niya at saka ako naghanap ng damit niya. Tumigil si Leo sa hamba ng pintuan at sumandal doon. I glanced at him at nakita ko ang mapungay niyang mata habang nakatitig sa amin. Kinuha ko ang puti ding damit ni Rael.
“Ito baby. Para same kayo ni dad mo.” Tumango lang siya at saka pinasadahan ng tingin si Leo.
Matapos ko bihisan si Rael ay tumuloy na kami. Hindi pa kami nakakaalis nang tumawag si Mama. Gusto na niyang pumunta kami. I understand where her eagerness come. Hindi niya nalalapitan si Rael and this would be her way to be close to my son. Hindi rin naman malayo ang Grande Manor sa kung saan ang penthouse ni Leo kaya mabilis din kaming nakarating.
Nasa labas na si Azrelle at Mama nang dumating kami. Agad na tumakbo sa amin si Azrelle. Si Mama ay agad tinungo si Rael na kausap na si Azrelle.
“Thank you for letting me talk to my grandchild, Hijo.” Si Mama kay Leo. Tumango lang si Leo. He then smiled at me.
“Mama, sa loob na tayo.”
Si Mama na ang kumuha kay Azrelle at Rael. Pagpasok namin ay hindi ko na makuha kuha ang mga anak ko sa kanya. Kita kong hindi pa masyadong nakikihalubilo si Real kina Papa at Mama kaya sinasama nila si Azrelle para makuha ang loob nito. Close na close naman si Azrelle kina Papa kaya siguro hindi rin nagtagal ay nakita kong nakikihalubilo na din si Rael sa kanila.
Napatingin ako kay Leo nang maramdaman ko ang kamay niyang dumaos sa bewang ko. Nakaupo kami sa living area at nakatanaw lang kina Azrelle na nakikipag usap kina Mama.
“Sorry about Mama. Ganyan lang siya siguro dahil matagal na niyang hindi nakakausap si Rael.”
Umiling siya. “It’s alright. It’s my fault why they can’t talk to him.”
I pursed my lips. Nasabi nga sa akin ni Mama na hindi niya nakakausap si Rael kahit na iisang bansa lang sila. Hindi ko naman naitanong kung bakit.
“Bakit hindi mo sila pinapayagan?” tanong ko. Hinarap ko siya.
He sighed. “They hid you away from me. The detective couldn’t even find where you were.” Tumawa siya ng sarkastiko. “If they hid you, then I will fucking hid Azrael too, hanggang sa ikaw na mismo ang lumabas sa pinagtataguan mo.”
Napaawang ang labi ko. “Hinanap mo ako?”
He just tsked.
“Seryoso hinanap mo ako? Hindi mo alam na nasa State ako?” hindi makapaniwalang sabi ko.
“You have no records of leaving the country. You perfectly hid your real identity at akala namin ay hindi niyo afford ang mag-ibang bansa.” Inis na nitong bulong niyo sa tenga ko. Mas lalo pang hinigpitan ang hawak sa bewang ko.
Tumawa ako. “Paano na lang kung hindi ako bumalik? Considering na hindi ko naman alam ang tungkol kay Azrael… Ano ang gagawin mo kung hindi ako umuwi?”
He smirked. Kinulit-kulit ko pa dahil ayaw niya talagang sabihin. Hindi ko nga lang siya napaamin. Naisip kong siya kaya ang nagpauwi sa akin or is it just coincidence? Kasi unang araw namin ni Azrelle ay sa penthouse niya kami dumeretso. I thought kay Papa yon pero kay Leo talaga. Hindi ko pa siya natatanong tungkol doon. But then again, kahit hindi ko naitanong ay alam kong isa siya sa dahilan kung bakit ako nakabalik. If they didn’t bully Lola’s company ay siguro nasa State pa kami ni Azrelle.
“Why did you name our son, Azrael?” pag-iba ko na lang nang usapan.
Inalis nya ang ulo niyang nakasiksik sa leeg ko at saka ako tinignan sa mata. “It was your mother request.” Tumango ako. Kaya pala. Akala ko coincidence na magkatunog ang pangalan ni Azrelle at Azrael.
Buong araw kaming nanatili sa mansion. Si Azrelle ay kung ano anong ginagawa. Si Rael naman ay palaging kay Mama. Kahit may awkwardness pa sa pagitan nila ay kita kong unti unting nagiging comfortable si Rael sa presence nila Mama.
Kinabukasan ay maaga din kaming pumunta kina Leo. Mga alas otso pa ay may sumundo na sa amin. Kakagising ko lang at iyon na agad ang bumungad sa akin.
“Baby, wake up!” Rinig ko ang maliit na pagtawa ni Leo habang tinatawag ako. He then gently tapped my face. I groaned and slapped his hands away. Mas lalo pa siyang tumawa dahil don. Nang hindi ako gumising ay tumigil siya. Pero kalaunan ay hindi na lang siya ang gumigising sa akin. Silang tatlo na.
“Mommy, wake up. We're done changing and you’re still sleeping.” Si Azrelle.
Dumilat ako at doon ko nakitang naka ayos na silang tatalo. Nangunot ang noo ko.
“Saan kayo pupunta?” guluhan kong tanong. Parang ayaw pa gumana ng utak ko.
Leo chuckled. “Sa mansion. May dumating na sundo. Ikaw na lang ang hindi pa nakakapagbihis.”
Irita akong nag madaling maligo. Irita dahil bakit late nila akong ginising at irita dahil bakit ang early naman. Nong kina Mama naman ay alas dyes na kami pumunta. Hindi na rin maganda ang pagkaka-make up ko dahil sa katarantahan. Leo would just laugh at me kapag dumadaldal ako.
Panay ang tawag ng hindi ko kilala kay Leo habang nagbibihis pa ako. Palaging tinatanong kailan kami darating. Kaya ganun na lang ang taranta ko. Dumating kami ng mansion nila ng alas nwebe. Kita kong maraming sasakyan ang nakaparada sa labas ng bahay nila. Hindi kona natanong dahil pagkakita ng isang guard sa sasakyan ni Leo ay agad niya kaming sinalubong at inalalayan papasok.
And when I entered their mansion, all eyes were suddenly turned toward us. Damn, bakit ang daming tao? Sa mansion naman ay kami kami lang pero dito ay ang dami.
Mahina akong tumawa. “Bakit ang daming tao? Hindi mo sinabi.” I whispered while gritting my teeth.
Hindi ako pinansin ni Leo. He just put his hand on my waist at saka ako hinigit papalapit sa kanya. Ramdan ko rin ang paghawak ni Rael sa kamay ko. Binalingan ko siya at kita kong nakatingin siya sa akin. I smiled and held his hand tight. Si Azrelle ay nililibot niya ang paningin sa mga tao.
Unang lumapit si Mrs. Silvano at ang asawa niya. “Thank you for coming, son.” Si Mrs. Silvano kay Leo. Mr. Silvano just tapped his son’s shoulder.
“Thank you Hija for accepting our invitation.” Sa akin namang sabi nito. Tumango ako at saka ngumiti.
Kita kong hinahagilap ni Mrs. Silvano si Azrelle na nagtatago sa likod namin ni Leo. Rael on the other hand ay halatang comfortable naman siya sa presence ng Mama at Papa ni Leo. Naisip kong baka nakakasama naman nila ito pero bakit sabi ni Mrs. Silvano na hindi niya nakakasama?
“Azrelle, come here honey.” Tawag ko dito. Napilitan siyang pumunta sa unahan.
Umupo si Leo para magpantay sila. He gently held her hands. “They are my parents, baby. She’s your Lola Sam and your Lolo Raquel.”
Agad ding umupo si Mrs. Silvano para magpantay din ang lebel nila ni Azrelle. “I am your Lola.” Pakilala nito sa sarili sabay lahad ng kamay niya.
Bumaling si Azrelle sa akin at tumango ako sa kanya. She was kind of hesitant pero nagawa niya paring tanggapin ang kamay ni Mrs. Silvano.
Marami din ang lumapit sa amin pagkarating namin sa table kong saan kami umupo. Gulantang ako dahil lahat pala ng nasa mansion ay relatives lang nila. Although only child si Leo ay marami pala siyang mga cousin. Akala ko talaga kagaya niya akong only child na, pati ang parent. Siya kasi ay may mga cousin siya sa Mama niya at sa Papa niya.
“Hello there beautiful.” Napaaling ako sa pinagmulan ng tinig. I saw a man, probably older than me for three years. He was grinning as he was looking at me.
“I am Lucio. Pinsan ni Leo.” Pakilala niya. Naglahad pa ng kamay.
Tumawa ako sa ka-cocky-han niya. Tatanggapin ko na sana ang kamay niya when Leo slapped Lucio’s hand away. He was annoyingly glaring at his cousin. Pareho tuloy kaming natawa ni Lucio na ikinagalit na naman ni Leo. He shooed Lucio away. Nakakunot na ang noo ng maiwan ulit kami.
“You're so bad with your cousin.”
He snorted. “Don’t talk to him. He’s a notorious playboy.”
Napaawang ang labi ko. Naalala ko dati na palagi siyang naiinis kapag may ibang lalaki akong binabanggit. Hanggang ngayon pala?
Buong araw ay nasa mansion nila kami. Marami akong nakilala sa mga pinsan ni Leo. Mostly mga babae kasi kapag lalaki ay umaasim ang mukha nito. Doon na rin nag lunch at nag dinner ang ibang bisita. Nang mag eleven lang sa gabi ay saka nagsi-uwian ang iba. Uuwi din sana kami pero pinigilan kami ni Mrs. Silvano kaya hindi kami natuloy.
Kinabukasan ay hindi rin kami nakauwi ng maaga sa penthouse dahil bumiyahe kami sa Batangas. Kami lang dalawa dahil nag insist si Mrs. Silvano na iwan namin sina Azrelle at Rael sa kanila. Ayaw pa ni Azrelle pero dahil kasama naman niya si Rael ay pumayag din.
Pagkarating namin sa bahay na pinapagawa ni Leo ay grabe ang mangha ko. It is a three-story mansion with a white color paint. Puro glass ang naka dingding nitos a front making it clear and clean.
“Tapos na pala?” baling ko kay Leo matapos kong maigala ang mata sa bahay.
“Uh-huh. Interior design na lang at titira na tayo dito.”
Agad akong napangiti sa sinabi niya. Bigla akong na excite dahil don. Iginugol namin ang araw na iyon sa pagpili ng designs. May kinuha siyang interior designer at saka ako pinapili sa mga ginawa niyang designs. Wala nang sinabi si Leo habang namimili ako. Lahat ay ako ang pumili. Except don sa bathtub na pinapalitan niya ng mas malaki kumpara sa pinili ko. I glared at him, but he just chuckled. Yon lang ang naiambag niya sa decision.
….

Komento sa Aklat (180)

  • avatar
    yaneeee_

    ang ganda ng blurbbb, macucurious ka talaga about sa story. a must read, agos author!!

    06/05/2022

      0
  • avatar
    Fely Ramilo Alayon

    ang ganda

    16/05/2025

      0
  • avatar
    Rj Bugtay Soco II

    thanks

    16/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata