Homepage/The Choice He Made/
Forty Six
Maaga kaming umuwi ni Azrelle kinabukasan. It didn’t help na pagkatapos tumawag ni Mama ay si Avery na naman ang tumawag sa akin. She told me nagtatampo na daw si Andy kay Azrelle dahil sa tagal nilang hindi nagkita. Kaya ayun, kinausap ko ang bata at sinabing sa kanila matutulog si Azrelle para matapos na siyang umiyak. Ngayon ko lang din napagtanto na mas clingy pala si Andy kaysa Azrelle sa kanila. Kasi those days na hindi sila nagkikita ay wala naman akong naririnig kay Azrelle na miss niya na ang kaibigan.
Pagkauwi namin ay agad kong inusisa si Mama tungkol sa trabahong sinasabi niya pero halos mairita na lang ako dahil sa si Azrelle lang ang binibigyan niya ng attention. Miss na miss nga niya. Puro siya Azrelle ng Azrelle. Hinayaan ko lang. Nag bonding sila sa buong araw. It was when six strike nang dumating si Avery para sundin si Azrelle kasama si Andy. Muntik na akong matawa ng mag salubong ang kilay ni Mama nang marinig niyang sa kanila matutulog si Azrelle. I saw her glaring at me.
“Why did you let Azrelle? Ngayon ko lang nakasama ulit ang apo ko, Clayire. Pinapalayo mo pa!” galit niyang sabi nang makaalis sila.
“Mama, para namang hindi kayo sanay. Palagi namang sa kanila si Azrelle.”
“It’s different. Matagal ko ding hindi nakakasama ang apo ko. Mas may karapatan ako kaisa sa kanila. They are just strangers.”
I sighed as I rolled my eyes. “Common, Mama. Ngayong gabi lang. Bukas ay kukunin ko din siya.” Sabi ko na hinihilot ang sentido. “At kanina pa kita tinatanong anong work ba ang iniwan ni Papa,” pag-iiba ko ng usapan.
Kita ko pa rin ang iritasyon sa kanya pero nagawa niya paring sumagot. “Iniwan niya sayo ang hotel. Ikaw pansamantala ang magma-manage non.”
Agad akong nagulat sa sinabi niya. Nanlaki ang mata ko. I was expecting something not related to business.
“Ano? Bakit ako?”
Mama was so disappointed at me dahil sa pag-alis ni Azrelle kaya hindi niya na pinahaba ang usapan. Tanong ako ng tanong bakit sa akin iniwan. Sinabi kong siya na lang ang mag manage pero ayaw niya. Nag-inarte siyang masama ang pakiramdam niya ng wala na si Azrelle. Bago siya pumasok sa kwarto niya ay sinabi niyang bukas na akong mag-uumpisang mag trabaho at siya na rin daw ang susundo kay Azrelle.
Kinaumagahan ay agad akong ginising nito. I whine again telling her na siya na lang ang mag manage pero ayaw niya. Kaya wala akong nagawa. Unang araw ko lang ay sobrang busy na. Halos sumabog ako sa sobrang daming ginagawa.
Sunod sunod ang meeting ang nangyari. Halos wala akong masabi kapag tinatanong nila ako. I would just always say na I needed Papa’s approval. Mabuti at tinatantanan din ako ng board kapag ganun ang sinasabi ko. Mabilis lumipas ang mga araw. Halos wala na akong time kay Azrelle at hindi ko na din nabibisita si Azrael dahil sa naging schedule ko. Mabuti at si Azrelle ay palaging nakay Mama pero ang inaalala ko ay si Azrael. Sinasama kaya siya ni Leo?
Sa halos dalawang linggo kong pamamahala sa hotel ay hindi ko namalayan ang oras. Pati pagkain ko ay nauuwi sa pagtatrabaho.
I sighed when I glanced at the time. Lunch na naman at marami na namang kailangang taposin. I'm sure na kapag dito na naman ako kakain ay hindi ko mapagtutuunan ng pansin ang pagkain. I then decide to eat outside para kahit papaano ay ma-enjoy ko naman minsan. Kaya yon ang ginawa ko.
I was about to leave the elevator when I stopped midway. Kabababa ko lang galing sa office at bumungad sa akin ang chismis ng mga employee namin. I arched a brow dahil ang ingay nila. I was not in the mood for something like this. Gusto ko silang pagalitan as my sour mood leveled up pero buti at napigilan ko. Hindi siguro nila ako nakitang lumabas ng elevator at panay parin ang usapan nila.
“Kalat na kalat teh. Hindi ko alam kung bakit tinanggihan nung una. Sila rin pala sa huli.” Kinikilig na sabi nong isa.
“I know right. Two powerful family tapos magkakaisa. Ngayon pa lang sinasabi kong swerte ng magiging anak nila. Grande at Silvano.” Sabi ng isa pa.
Napaawang ang kabi ko nang marinig ko ang surname na Silvano at ang Grande. Natigilan ako. I got intrigued. Parang biglang kumalat sa akin ang kaba kahit hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila. Medyo humarap sa akin ang isa kaya mabilis akong tumalikod at kunwaring may kinukuha sa bag ko pero nakikinig talaga ako.
“Kaya nga. Imagine. Magme-merge ang Grande Realty at Sil-O. That would create an indestructible company then.” Manghang sabi ng isa pa. My mind haywire dahil sa naririnig. Bakit may merge? Bakit wala na naman akong alam dito? I thought wala na sa amin ang Grande Realty? Ano to?
Hindi na nadugtungan ang usapan ng dalawa ng makita nila ang manager nila. Agad silang umalis at nagsimulang mag trabaho. I on the other hand left with question in my head. Kahit guluhan ay pinilit ko paring umalis. Plano kong kumain sa isang malapit na restaurant dahil nauumay ako sa loob ng office. I decided to left the office for a while para mag-aliw aliw pero mas nabagabab pa ako lalo.
Anong tinutukoy nilang Silvano at Grande?
I shook my head nang makarating ako sa restaurant na gusto ko. Inisip kong balewalain na lang ito. This would affect my work if I let my mind be affected by it. Isang waitress ang gumaya sa akin sa isang table. Pero natigilan ako nang makita kong masayang kumakain din si Karina at nong mama ni Leo sa tapat kong saan ako iginaya ng waitress.
Leo’s mother has her back on me pero alam kong siya iyon. Karina immediately saw me at agad nanlaki ang mata. She then smirked at me. I arched a brow at her and decided to just ignore her. Binalikan ako ng waitress ng hindi ako sumunod sa kaniya.
“Is there a problem, Ma’am?” tanong niya sa akin.
I gritted my teeth. “I want another table. Ayaw ko diyan.”
She eyed the table confused kung bakit ako umayaw doon pero wala rin siyang nagawa. Ignaya niya ulit ako sa may pinakamalayo kina Karina. I wanted to just get out of the place kung hindi lang ako nakita ni Karina pero since nakita niya naman ako ay hindi kona itinuloy. I won’t give her the satisfaction. Pero bakit kung kailan ako binabagabag nang narinig ko kanina ay ngayon ko pa siya makikita?
Matapos kong mag order ay mabilis ding umalis ang waitress. Mabilis din akong nagulat ko ng biglang umupo si Karina sa unahan ko. I slit my eyes at her. Binalingan ko ang kinauupuan niya kanina at nakita kong mag-isa na roon si Mrs. Silvano.
“Long time no see." maarte niyang sabi. "Alam mo na ang balita?” Ngumisi siya sa akin. She has this aura na nagsasabing she has something in her sleeve na alam niyang ikakainis ko.
I laughed sarcastically. “Oh, spare me. I have more important things to do than waste my time making an effort knowing what's happening to you. You’re not that important.”
I saw her grit her teeth pero nagawa niya paring ngumiti. “Well, sinasabi ko sayo… Diba wala kang ginawa para maisalba ang Grande Realty?” Tumawa siya dahil don.
“Pwes wala na sa mga magulang mo ang company. Nakay Leo na… And guess what?” Mas lalong lumaki ang ngiti niya. “Tinuloy ni Leo ang engagement namin after getting your company." she trailed off as she shook her head.
"Naisip ko na baka kaya niya kinuha ang company niyo ay dahil alam niyang mahalaga ito sa akin, sa amin ni Mommy. Tapos baka alam niya rin na hindi ako ang tunay na Grande kaya niya kinuha sa inyo at balak ibigay sa akin?”
I was smirking pero nagawa niyang burahin yon sa mukha ko. I was so determined to not give her satisfaction on affecting me pero nagtagumpay pa rin siya. I blinked several time bago ko ma proseso ang sinabi niya. My heart then shattered into pieces again. Ano? May engagement?
Biglang lumipad ang utak ko sa nangyari sa penthouse. Ano pala sa kanya yong three days na pinanatili niya ako roon? Is he playing with me? Is he fucking playing with me while planning their engagement?
I was too stunned to speak kaya nagsalita ulit siya, getting the opportunity para may masabi pang iba.
“Asan kaba nitong nakaraang linggo. Hindi mo tuloy nalaman nong nag announce si Leo about sa kasal namin. I would love to see your reaction pero hindi kita mahanap.”
Napaawang ang labi ko. My lip trembled. I did expect bad things about the chismis earlier pero hindi ganito kalala.
She then laughed flirtatiously. "Pero siguro kaya wala ka ay dahil nasa penthouse ka niya? Ikinulong para hindi malaman?" she said knowingly.
My heart tug a painful heartbeat. Nangyari ba ang engagement ng nasa penthouse pa niya ako? Kaya pala wala akong balita dahil nasa kanya ang phone ko? Kinuha niya!
Napasinghap ako sa napagtanto. Nagdilim bigla ang paningin ko nang makita ang ngisi ni Karina, like she was so sure na ganun ang nangyari. Sinabi ba ni Leo ang tungkol sa pagpunta ko sa penthouse niya. But then paano malalaman ni Karina kong hindi niya sinabi, diba? That only means she is telling the truth?
Nanikip ang puso ko. Tumayo ako para sana umalis pero tumayo din siya. Hinarangan pa ako para hindi makaalis. I don't want to create commotion pero I had my limits. Hindi ko napigilan dahil sa sobrang betrayal na nararamdaman. Tangina! I feel used. I landed a forceful slap on her cheek. Wala masyadong tao sa tabi namin dahil nasa may pinakadulo ako kaya wala sigurong nakapansin sa ginawa ko.
“If he announced then, paki ko?” kunwaring tumawa ako. Pero ang totoo durog na ako. “Bakit noong unang engagement niyo may paki ba ako? Wala, so I don’t see why this second engagement matters.” Matapang kong sabi habang walang emosyong nakatingin sa kanya. Pero Tangina, ang sikip sikip na ng dibdib ko. Hindi na rin maganda ang paghinga ko.
Nang bamaling siya sa akin ay kita kong may luha na sa mata niya. I saw her face redden. Kita ko ang pag apoy ng mata niya and I am so sure she would land a much more painful slap on me when she stop midway.
Nabaling siya bigla sa lumapit sa amin at nakita kong biglang nawala ang apoy sa mata niya. Bigla siyang naging maamo. I was busy calming my inner self at inaalo ang sarili para hindi maiyak kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras para tingnan kong sino yon. Karina, though, fakely smiled at the person.
“Tita, uuwi na ba tayo?” mahinahon niyang tanong as if walang nangyari. As if hindi siya nasaktan sa pagsampal ko. But she was clenching her fist secretly.
Don ko lang tinignan kong sino ang kausap niya. I stared at the Mrs. Silvano who eyes me shockingly pagkakilala sa akin.
Umawang ang labi niya. “Umuwi kana pala, hija?” gulat niyang tanong. Hindi siguro nakita ang nangyari dahil sa mahinahong tuno niya sa akin. I just slapped her daughter in law kaya malabong ganito ang tuno niya sa akin pagkatapos kong sampalin ito. Unless hindi nga niya nakita.
Iniwas ko ang mata sa kanya at saka ibinaling kay Karina. I saw her glaring at me.
“Reany, right?” biglang tanong ulit ni Mrs. Silvano. I gritted my teeth and annoyingly looked at her. Kailan sila aalis. Hindi ko alam kung kailan ko pa mapipigilan ang luha ko.
“Yes. Do you need anything?”
She was offended by my tone pero paki ko? Pero kahit ganun ang trato ko sa kanya ay nagawa niya pa rin akong kausapin.
“Hija. Does Leo allow you to be with Azrael?” parang may natunugan akong desperation sa tanong niya.
“Tita, nong party ni Azrael sa Boracay ay nagawa kong lumapit sa kanya. I can tell Leo to allow him to visit you.” Biglang sabat ni Karina. My heart skipped a beat. I know that. I was there. I saw how Azrael called her Mommy in front of me.
Huminga si Mrs. Silvano sa sinabi ni Karina. “You’ve been telling that to me. Pero wala parin nangyayari.” Disappointed nitong sabi kay Karina. I saw how Karina smile fade.
“Hija, is my son allowing you to met Azrael? He was protective of him at pati ako ay hindi niya pinapalapit.” Tanong niya ulit. I would love to tell her yes, he allowed me pero I was too hurt knowing that he maybe only allow me dahil sa ako ang ina niya at palagi akong hinahanap ni Azrael. He didn’t actually do that dahil somehow, he want me again. Dahil if he really wants me, bakit may engagement ulit? Umasa ako dahil sa nalaman kong hindi pala sila kasal ni Karina after five years.
“He is your son, why are you asking me when you can ask him instead?” mahina kong sabi. Nakita kong medyo ngumis si Karina. Napansin siguro ang nambabadyang luha ko.
I was so mess at hindi ko na pinansin nong umalis sila. Nang ma-serve ang pagkain ko ay hindi ko magawang kumain dahil sa pinaghalong galit at sama ng loob. Gusto kong magwala pero hindi dito.
Pagkaalis nina Karina ay agad kong tinignan ang sinabi niyang engagement na publicized daw sa maraming magazine. I was long detached from social media kaya palagi akong naiiwan sa balita. I laughed humorlessly when I saw the article. It was indeed publicised. Marami ang nag feature non at kalat na kalat ang tungkol don. Walang silang picture na dalawa pero may picture doon si Leo smiling handsomely at the photos.
Hindi ko tinapos ang kinakain. I was too stunned to even afford to eat. I then called Papa’s secretary at saka sinabing e-reschedule ang meeting ko. I have two meeting mamaya pero I know I wouldn't function well. I have to do something about this. Pigil na pigil lahat ng ginagawa ko.
Hindi ko alam paano ako nagbayad sa waitress. Sumasakit ang puso ko at gusto kong umiyak sa harap nila. Nang makasakay ako ng kotse ay doon lang nagsihulugan ang luha ko. My tears keep on falling while I’m driving to Sil-O company.
Hindi ako pinigilan ng guard pagkarating ko. Maybe naawa dahil sa luhang kumakawala sa mata ko. Hindi rin ako dumeretso sa front desk dahil alam ko kung saan ang office niya. Many gazes were thrown at me pero I was too hurt to even mind their curious gazes. Dumeretso ako sa office niya. Kaso lang ay wala siya, pati ang secretary niya. Wala akong nadatanan.
“Bakit ganito?” bulong ko. Gusto kong manakit at the same time saktan ang sarili. Umasa na naman ako. Bakit ba ang clingy niya kong sasaktan niya din pala ako? Anong plano niya? Did he just fuck me again for what? For revenge? Dahil tinago ko si Azrelle?
I saw his laptop. It was securely put on the center table pero pinulot ko at saka marahas na itinapon. I saw his documents at isa isang pinagtatapon. Lahat nang nakikita kong pwedeng masira ay sinira ko. Wala akong tinira sa executive table niya. Pati lahat ng documents na nakatago sa maliliit na cabinet ay pinagsisira ko. Isang oras akong ganon. Kaya nang mapagod ako ay nagmistulang inatake ng bagyo ang office niya. Pero hindi pa rin mawawala ang sakit ng dulot ng balita. I'm still miserable.
Unti-unti akong naupo sa paanan ng sofa niya at doon humagulgol ulit. I hate this. I hate him. I hate his mix signal. I am a mess again.
Hindi rin nagtagal ang pag-iyak ko ng biglang bumukas ang pintuan niya. Napasinghap ako when I heard him groan and loudly curse the moment he saw the state of his office. Ramdam ko ang nagbabadyang galit sa kanya.
Nanghihina akong tumayo at doon nagtagpo ang mata namin. Hindi ko alam pero umawang ang labi niya pagkakita sa akin. He immediately ignored all the things scattered around his office at itinuun sa akin ang attention.
“What happen?” seryoso niyang tanong. Biglang nag-iba ang reaction. Namungay ang mata niya nang makita ako. Agad niya akong nilapitan at saka hinawakan sa braso.
“Don’t you fucking touch me!” luhaan kong sigaw. I saw him stunned. Nangunot ang noo.
“Baby, what is it? Tell me.”
I wiped my tears away. “Quit the pretension, Leo. Alam mo kung ano ang nangyari!”
Niluwagan niya ang tie niya at takot na tumitig sa akin. I saw him clenching his jaw maybe because nagpipigil din siya ng galit. “I don’t. Please tell me. What’s the problem?” mahinahon niyang tanong.
Tumawa ako kahit rumaragasa pa rin ang luha sa mata ko. Kahit anong punas ko ay kusa paring kumakawala. “Why did you let me in your penthouse…. kung magpapakasal karin pala kay Karina? B-Bakit? Did you use me?” garagal kong sabi.
Natigilan siya. Naibaba niya ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Hindi siya nakapagsalita ulit. Kita ko ang unti-unting pag iba ng mata niya at biglang nagalit ito. Tuluyan akong nanghina dahil don.
So, totoo nga?
Si Karina naba? Did he only allow me near him, dahil kay Azrael. Napipilitan lang kaya siya? Biglang bumundol lahat ng katanungan sa utak ko.
…I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (180)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda ng blurbbb, macucurious ka talaga about sa story. a must read, agos author!!
06/05/2022
0ang ganda
16/05/2025
0thanks
16/04/2025
0Tingnan Lahat