Thirty Five

Ngumingiti ako habang hawak ko ang tiyan ko dahil sa pagsipa ni baby. Nakaupo ako sa kama while mama was packing my thing. Naghahanda kami ngayon dahil ngayon kami lukuwas sa ibang bayan. Pero napawi ang ngiti ko nang makitang nag overpack na naman si mama. She always does.
“Mama, bakit naman masyadong marami yan? Hindi naman tayo titira don.”
Hindi ako sinagot nito at nagpatuloy lang sa pag-iimpake. Huling buwan ko ngayon at isa sa mga araw na ito ay pwede akong manganak. Walang hospital dito sa bayan kaya kailangan naming lumuwas pa.
Natuun ang mata ko sa pintuan ng biglang may kumatok dito. Hindi naman ito nakasara kaya pagkatapos kumatok ni Aling Merna ay pumasok na ito. Ginawaran ako nito ng ngiti pagkakita sa akin. I smiled back.
“Sunny, pwede ba kitang makausap sandali?”
Napabaling si Mama kay Aling Merna. Gulat pa siya pagkakita dito. Hindi siguro napansin o nadinig man lang ang pagkatok nito.
“Oh, ano po iyon?”
Iniwan niya ang ginagawa sa mga maleta at saka lumapit sa bisita. Nang makita ni Aling Merna na nakatingin ako sa kanila ay niyaya niya si mama na sa labas sila mag-usap. Nagdahilan pang may titignan lang daw ito sa labas. I just sighed. I can sense that what they’re going to talk about was something I shouldn’t know, I guess.
Ako na lang ang nagpatuloy sa ginagawa ni mama. Dahil nahihirapan akong umupo sa floor ay nilapag ko ang mga gamit sa kama at doon ipinagpatuloy ang iniwan ni mama. Hindi rin naman nagtagal ay dumating din ito at inagaw sa akin ang ginagawa. Palagi na lang ako nitong pinapagalitan kapag may binibitbit ako kahit hindi naman ito mabigat.
Even now, I don't even know where they got the money, but Papa got one. Nakahiram siya ng two hundred thousand. I asked him where he borrowed that much money pero palagi niyang iniiba ang usapan para malibang ako. Later on, I gave up asking him.
“Rea!”
Napalingon ako sa likod nang marinig ang malakas na tawag ni Viya. Kasama niya si Mila na lumalapit sa amin. Nasa dalampasigan kami at ang mga bagahi namin ay isinasampa na ni Papa at Pablo sa sasakyan naming bangka. Si Mama ay kausap na naman si Aling Merna at medyo malayo sila sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila.
“Luluwas na talaga kayo?” medyo malungkot na tanong ni Viya.
I rolled my eyes. “Bakit tunog malungkot ka? Para namang hindi na kami babalik sa tuno mo… at isa pa, sa kabilang baryo lang kami.”
Umirap siya. Medyo lumapit sa akin. “Sinong hindi malulungkot kong kasama niyong luluwas si Pablo?” Ngayon tunog irita na ito. Nakasimangot pa.
Narinig ito ni Mila kaya tinawanan niya kami. Napabuntong hininga ako.
“Babalik din naman mamaya. Siya magbabalik ng bangkang hiniram ni Papa.”
"Pero kahit na. Makakasama mo parin siya."
Kung ano ano na naman ang pagmamaldita niya sa akin. Pinapalabas ko lang sa kabilang tainga. Akala ko hindi na siya matatapos pero nang lumapit si Pablo sa amin para kunin ang isang bag na bitbit ko ay tumahimik siya. She arched her brow at him na hindi man lang pinansin.
“I can manage.” I said when Pablo was about to get the small bag.
He smirked. “I didn’t ask," simpleng sagot niya.
Something struck me then. All this time, he can actually speak English. Paminsan minsan ay English niya akong sinasagot. Hindi ko pinapansin noong mga nakaraang buwan pero ngayong may paghihinala akong marahil ay hindi siya ordinaryong taga rito ay lahat napapansin kona.
I glared at him when he gently snatch the bag. Nang bumalik siya sa bangka ay busangot na si Viya.
“Ok lang yan Viya. Buntis naman si Rea kaya malabong magkagusto sa kanya si Pablo at malabong aagawin ni Rea iyang Pablo mo… ano kaba?” si Mila ng makitang nanlilisik na ang mata ni Viya sa akin. Tinaasan ko din ng kilay.
Viya sighed. “Alam ko naman… Nakakainis lang na pinapansin niya si Rea pero ako kahit sulyap wala!” Humalukipkip ito sabay nguso. She then glanced at Pablo saka siya umirap.
“Oh siya. Hindi ako pumunta dito para makipag away.” si Viya na biglang nag iba ang tuno. Lumapit siya ulit at saka ako pahirapang niyakap. Malaki ang tiyan ko kaya hindi niya ako nayakap ng maayos. She patted by back before she drew back.
“Bibisita ako kapag pwede na. May aasikasuhin lang ako dito pagkatapos ay luluwas na ako. “ nakangiti na nitong sabi sa akin. I smiled back. Viya is a good person, except for the fact that she’s possessive. If she only is not that crazy over Pablo, and would not freak when girls talked to him, she’s perfect. Napapasama lang ang tingin ng tao sa kanya dahil sa palagi niyang inaaway ang mga babae na pinapansin ni Pablo. And I’m not an exception. Feel ko minsan, gusto niya talaga akong awayin only if I’m not pregnant. Good thing dahil wala naman akong balak agawin sa kanya si Pablo.
“Bibisita din ako,” masayang sabi ni Mila. Lumapit din ito sa akin matapos yumakap ni Viya at siya naman ang yumakap. “Sana maging madali ang pagluwal mo sa anak mo,” she said, gently tapping my shoulder.
Matapos mag-usap ni Aling Merna at Mama ay nagpaalam na ako kina Viya dahil luluwas na kami. Masaya nila akong kinakawayan habang papaalis ang bangka. I waved back as I get emotional. I didn’t ask for a friend but god give them for me. Kahit papaano, sila ang naging dahilan kung bakit naging bearable ang pamumuhay ko dito sa probinsya.
“Salamat sa tulong mo, Pablo.” Si Papa nang pabalik na ulit ito sa kanila.
Pablo smiled. “Walang anuman, tito Henry.”
Nangunot ang noo ko sa itinawag niya kay Papa. Ever since we left Manila, Papa started to use his second name ‘Marcus’ and now that Pablo called him with his first name made me think if kakilala ba ito ni Papa sa Manila? Everyone in our village called Papa as Marcus and Mama as Sunny. Never did I hear someone call him Henry.
Nagkamayan pa sila bago ito tuluyang umalis. When he’s gone, I face Papa.
“Papa, he just called you Henry. Sinabi mo?” takang tanong ko. He just chucked and rummage my hair. Hindi niya ako sinagot at saka tinulungan na lang si mama sa mga bagahi. I just sighed when I realized I might overreacting.
Nang makarating kami sa gilid ng kalsada ay naghintay kami. Maraming dumadaang sasakyan pero hindi naman ito pinapara ni mama o kahit si papa. Nang isang minutong ganon lang ang nangyayari ay hindi ko napigilang magtanong.
"May hinihintay ba tayo?" baling ko sa kanila.
Mama nodded. Biglang may sinabi si Papa sa tenga nito kaya hindi na niya ako nasagot. They got busy whispering at each other. Sumimangot ako at saka umupo sa maliit na maletang dala namin. Kinuha ko ang isang bag at hinanap ang cellphone ko. Alam kong ditong bag ko ito nilagay pero hindi ko mahanap.
And it was ten minutes ng may isang SUV ang huminto sa gilid namin. Nahinto ako sa paghahanap ng cellphone at binalingan ang isang lalaking naka suit na lumabas sa driver seat. My heart immediately hampered hard nang maisip na isa ito sa bodyguard ni lola.
But then, Papa went beside the car at saka sinalubong ang isang matanda na lumabas sa SUV. Pagkakita ng matanda kay papa ay agad niya itong niyakap. He tapped papa's back genuinely while papa got emotional. Bumaling ako kay mama at kita kong nakangiti siya habang pinagmamasdan silang dalawa.
Lumapit ako dito. Iniwan ang bukas na bag. "Mama, sino yan?" tanong ko nang nakakunot ang noo.
Mama sighed. "Kamag anak ng papa mo."
I was about to ask again when the old man faced us. He smiled at me and then kay mama.
"Ito na ba ang anak mo, Henry?" nakangiti niyang tanong. Papa nooded. Nilapitan ako ng matanda. Nang makitang malaki ang tiyan ko and that hugging me would be hard, he just tapped my shoulder. He then proceeded to mama ang hug her.
Habang nagyayakapan sila ay yong isang bodyguard ay unti unting nilalagay ang mga bagahi namin sa loob ng SUV. And when they finished talking, inaya kami nong matanda na sumakay sa loob. I badly wanted to ask sino ba talaga ito pero hindi matapos tapos ang kumustahan nila ni papa kaya hindi ko magawang magtanong. Sumasabay si Mama sa kanila paminsan minsan pero tumatahimik din para hayaan ang dalawa.
May pinasukan kaming private subdivision. My eyes wandered while we were going inside. Agad pinapasok ng guard ang kotse as if kilalang kilala ito dito. Mangha ako sa mga bahay na dinadaanan namin. Lahat ng mga ito ay malalaki at mistulang mansion. That made me even want to ask who this old man really is. Ang buong akala ko, mag-isa lang si papa. His parent died when he was 10 years old kaya lumaki siya sa isang bahay ampunan. Wala siyang ipinakilalang kamag anak sa amin kaya I assumed he's alone.
Nang huminto ang SUV sa tapat ng isang black gate ay agad itong pinagbuksan ng guard sa loob. And then my mouth dropped when I saw the mansion inside. Sinalubong kami ng maraming kasambahay. Agad nila kaming inasikaso na para bang importante kaming panauhin.
Everything happens so blurry. May nangyaring party sa makalawang araw namin sa mansion at ipinakilala ng matanda si Papa as his heir. I can’t believe what happening. Maraming dumalo pero it was an exclusive party. Hindi invited ang kilala ni mama na mayayaman sa Manila. Only the trusted people of lolo and mama came. Nakita ko si Philip at ang parents niya sa mga dumalo. Hindi lang ako nagpakita dahil natatakot akong malaman niyang buntis ako. Sinabi sa akin ni Mama na tinatago nila ni Papa ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ang mga tao sa probinsya lang ang nakakaalam pero sigurado daw silang itatago nila ang tungkol dito kung may magtanong man. They ask the Mayor, Aling Merna at ng matataas na tao sa lugar.
I was still confused until Lolo Austin made me called him Lolo. He then told me kung kaano ano talaga siya ni papa. So, it turns out si Lolo Austin ay malayong relative ni Papa. Ang lola ni Papa at ang father ni Lolo Austin ay second cousin. Third cousin si Lolo Austin at ang mother ni Papa. Ang asawa ni Lolo Austin ay namatay limang taon ang lumipas. Wala silang naging anak dahil hindi kaya ng asawa. Gusto nilang mag ampon pero hindi pumayag ang asawa ni Lolo. His wife knows about papa at simula nong malaman nilang namatay ang parents ni papa ay ipinapahanap nila ito. Hindi lang mapagtoonan ng pansin dahil busy ang dalawa sa business at palaging out of country. Nang mamatay lang ang asawa ay saka naisipan ni Lolo Austin na pagtuunan ng pansin ang paghahanap kay papa. And now, he made papa as his heir. I can’t believe it.
Papa don’t know about Lolo Austin not until isang araw na nangingisda siya. May lumapit sa kanyang detective at pinagtatanong niya daw ito. At first papa thought he just want to buy some fish pero nagtaka si papa sa mga personal na tanong nito. That’s how Lolo Austin found him. Lolo told me how distance papa was toward him noong unang pagkikita nila. Mga dalawang buwan lang kami non sa probinsya. Nang hindi nakumbinsi ni Lolo Austin si Papa ay si Mama naman ang nilapitan nito. Kaya pala lagi silang wala dahil they were dealing with Lolo. Akala nila, kasabwat siya ni Lola pero napatunayan ding hindi. It took Lolo six month to finally convince them.
“Lolo, ang aga niyo naman pong gumising,” natatawa kong tanong ng nadatnan ko siya sa kusina. It’s only five in the morning at nagkakape na ito.
Binalingan ako nito at saka ako nginitian. “Nakasanayan lang Hija… ikaw bakit ka maaga? Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?” biglang usisa niya. Kita kong magtatawag na siya ng kasambahay ng pigilan ko siya.
“Ok lang ako Lolo…” tumawa ako. “Naninibago lang ako dahil sa bilis ng pangyayari.” He smiled at that. Tinawag niya ang isang kasambahay para gawan ako ng almusal. Nag usap kami habang niluluto pa ang pagkain ko. I learn a lot of things about him. He owns some hotels in Cebu and Manila. Stockholder din siya ng iba’t ibang company. Hindi niya napagtutuunan ng pansin ang pagma-mangage ng hotel dahil siya busy siya sa iniwang hospital ng asawa. And now that he made papa as his heir, ipapasa niya dito ang responsibility ng hotel, sila ni Mama.
It was eight in the morning ng bumaba si Mama sa kusina. Inabutan kami nitong nag-uusap padin ni Lolo at nakisabay na siya. Hindi rin nagtagal ay bumama rin si Papa. Kumakain si Mama ng almusal at nag-uusap na si Papa at Lolo ng biglang naramdaman kong nabasa ang inuupuan ko. I felt some contraction at napasigaw ako ng makitang may tubig na lumalabas sa akin.
Nataranta si Mama nang makita din ang tubig. Lahat ng kasambahay ay nataranta dahil sa akin. Madali ang pangyayari. I was put on the SUV and the next thing I knew, nakahiga na ako sa delivery room. Mabilis ang naging kilos ni Lolo at parang laging handa din ang mga bodyguard nito. Hindi man lang sila nataranta kumpara kay mama at papa na hindi alam ang gagawin sa akin habang sumisigaw na.
Hindi ako makafocus ng magsimulang sumakit ang tiyan ko. I feel like dying for pete's sake. Maraming sinasabi ang mga nurse sa akin but I couldn’t care less. Pinahiga nila ang half sa katawan ko at pinadapo nila ang dalawang paa ko sa isang apakan. Dumating ang isang doctor na sinasabi sa aking umiri pero tagatak na ang pawis ko. I wanted to stay conscious pero hindi ko kinaya. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay unti unting pumipikit ang mata ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
….

Komento sa Aklat (180)

  • avatar
    yaneeee_

    ang ganda ng blurbbb, macucurious ka talaga about sa story. a must read, agos author!!

    06/05/2022

      0
  • avatar
    Fely Ramilo Alayon

    ang ganda

    16/05/2025

      0
  • avatar
    Rj Bugtay Soco II

    thanks

    16/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata