Ang nangyari kami ni Ali ang unang nag usap kasi mas prefer ko na kami mag usap. Since comfortable naman akong magsabi kay Ali at alam ko namang open minded siya at ‘di niya ako iju-judge kaya magaan sa akin na sabihin sa kan’ya lahat ng mga hinanakit ko at ang buong pangyayari noong birthday. "Ang hirap Ali, ang sakit para sa ‘kin ang mga nangyari. Mas nagpapabigat pa sa akin ang sinabi ng isang close friend ko na parang kapatid ko na din. Ba’t kailangan ko daw magpapaka sugar mommy kay Georje? Grabe ‘di ko akalain na marinig ko ‘yon sa kan’ya. Para sa ‘kin ginagawa ko lang naman ang tingin kong tama. Pero maling mali na pala ‘yon sa paningin ng mga nakakarami. Ang hirap, sa pamilya ko ‘di s’ya matanggap dahil sa family background. Kasi nga raw kilalang maraming babae ang papa niya, baka ‘yan din ang gagawin niya. Pero hindi ko sumuko Ali, lahat ginawa ko pa din para sa kan’ya. Pero bakit feeling ko ako lang ang ng e-effort para sa aming dalawa at para relasyon namin? Ikaw nga Ali, sabihin mo sa akin saan ako nagkamali? Oh, saan pa ba ako nagkulang? Dahil ako, hindi ko na alam?” sabi ko habang umiiyak na. Buti na lang nasa pinakasulok ako nakaupo sa isang coffee shop kaya ‘di masyadong halata. Kung makakita sa amin talagang mapagkakamalan na may relasyon kami ni Ali. “Pagpasensyahan mo na ang tol ko. Pinagsabihan na namin ‘yan kasi medyo napansin ko nga na may something na kakaiba. Pinagsabihan pa nga namin noong nakaraan, noong nalaman namin na binigyan mo pala ng pera, kasi nakita namin ang atm card mo nasa kan’ya. Sabi ko nga tol, nakakahiya kasi ikaw ang lalaki pero ikaw pa ang sinusuportahan ni Lui,” napaiyak na lang ako lalo. “Grabe Lui, kung alam na gan’yan ka magmahal eh ‘di sana noon hindi na ako nag alangan na sabihin sayong crush kita,” sabi niya sa akin sabay tinulungan niya ako sa pagpupunas sa luha ko gamit ang panyo niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o seseryosohin ko ba ang sinabi niya. Kasi punong-puno ako ng emosyon tapos ‘di ko inasahan na marinig ko ‘yon sa kan’ya. “Ikaw talaga ‘yong mga banat mo ha ‘wag mo sa ‘kin i-apply utang na loob,” sabi ko sa kan’ya sabay hampas sa braso niya. “Aray ko naman! ‘To talaga sadista ka talaga eh no! Kaya nga ‘di ako nag confess sa’yo dati kasi baka kawawa lang ako sa’yo. Sayang ang pagiging gwapo ko tapos gawin mo lang akong battered boyfriend,” nakanguso niyang sabi habang hinihimas ang brasong hinampas ko. “Ikaw kasi, kita mo nang emote na emote na ‘ko dito tapos heto ka naman sa mga banat mo! Pero alam ko sana ikaw na lang ng boyfriend ko, kasi mas napapagkamalan pa tayong magsyota kompara kung s’ya ang kasama ko,” sabi ko saka nagtawanan kaming dalawa. “Naku Lui! Behave ka nga! ‘Wag kang paasa alam ko naman sobrang inlove ka sa tol ko,” sagot niya tapos natawa ulit. “Tol mong tuod! Cold as ice,” sabi ko sabay inirapan siya. “Naku, naku, ‘wag ako Lui! Nagrereklamo ka pero love mo naman!” sagot niya sabay batok sa akin. “Ay lumalaban ka na pala ngayon? Kala ko ba kawawa ka sa akin kasi magiging battered boyfriend kung nagkataon? Eh ba’t parang hindi naman?” sabi ko sabay tinaasan ko siya ng kilay. “Peace hindi na!” sabi niya sabay pakita ng kamay niyang naka peace sign. “Kidding aside, mas magaan ka nga kasama, kausap saka parang ‘di mo ‘ko ikinakahiya kasama. Kasi napapansin ko lagi kang nakaakbay sa ‘kin kahit saan. Samantalang ang tol mong pinagmamalaki mo, ikinakahiya ako at worse he denied me right in front of my face,” sabi ko sa kan’ya saka ako sumipsip ng chocolate shake. Ngumiti lang siya sa ‘kin sabay napailing. “Okay ka na? Ano ready ka na bang kausapin siya?” tanong niya nang makitang naubos ko na ang iniinom ko. Tumango lang ako sa kan’ya saka nginitian ko siya. Bakit kaya wala pang girlfriend ang mokong na ‘to? Gwapo naman saka mabait, sweet din naman. “Ali, may tanong ako sa'yo,” casual kong sabi habang papalabas na kami ng coffee shop. “Ano ‘yon?” balik niyang tanong sa ‘kin. “Ba’t wala ka pang girlfriend hanggang ngayon?” tanong ko. “Eh, wala pang nagkamaling patulan ako eh,” sagot niya na kumakamot sa pisngi. “Weh? Ganoon talaga? May itsura ka naman, mabait saka may pagkasweet din,” sabi ko kunyare ini-eksamin ko siya. Saka hindi ko p’wedeng sabihin na gwapo siya kasi lalaki lalo ang ulo niyan. “Grabe Lui! May itsura lang talaga ako para sa'yo?” maktol niyang sabi. “Luh! Ano pala gusto mo? Sabihin kong pangit ka? Na may itsura ka naman talaga!” nagmamaang maangan kong sagot, kasi alam ko na ‘yan na gusto niya talagang marinig na gwapo siya. “Ba’t ‘di mo na lang diretsang sabihin na ang gwapo ko?” sabi niya na may malaking ngiti taas initaas baba pa ang kan’yang mga kilay. Sabi ko na nga ba eh, hinding-hindi ako nagkamali na gustong-gusto niya talagang sabihan ng gwapo. “Huwaw! Nakakahiya naman sa pagiging conceited mo!” sagot ko tapos inirapan siya. Tapos sabay kaming natawa na dalawa. Pinuntahan namin sila Georje at Jed sa isang malapit na bar, pero hindi pa ganoon kaingay dahil maaga pa naman. Saka nasa labas sila na mga mesa sila nag occupy na mas maganda kasi mahangin, at over looking ang place. “Lui, dito ka lang. Kami ‘doon sa kabilang mesa papalipatin ko na lang si Georje dito para magkausap kayo ng masinsinan, okay?” sabi ni Ali na inalalayan ako sa pag-upo bago ako iniwan ng tuluyan at siya na lang ang lumapit sa mesa nila. May sinabi siya sa kanila pero hindi ko marinig kung ano, sakto ko lang sila makita na nag-uusap. Nakikita kong seryosong nakikinig sila Georje at Jed sa mga sinabi sa kanila ni Ali. Mga ilang minuto din ang naging pag-uusap nila bago ko nakitang tumayo si Georje sa kinauupuan niya at papunta sa loob ng bar. Pa simple lang akong nanonood sa paligid, wala pang masyadog tao dahil past ten in the evening pa lang naman. Kaya para hindi ako ma-bored sa kahihintay, plinay ko ang cd player ko na inilabas ko sa bag ko at ipinatong sa hita ko. Inisip ko na din ang mga sinabi sa akin ni Ali kanina. Sa tingin ko wala naman sigurong mali kung susundin ang mga sinabi niya dahil siya ang mas higit na nakakilala kay Georje dahil sila ang mas unang nagkakilala at nagkasama kaysa sa akin. Nakita kong lumabas na si Georje may dalang basong may lamang iced kasi brown eh, at suminyas sa kanila sa puntahan ako, nag thumbs up naman ang dalawa bilang tugon niya sa senyas na binigay ni Georje sa kanila. “Hi,” bati niya agad pagkalapit. “Hi, upo ka,” sagot ko naman. “Lui, sorry kung umabot pa tayo sa ganito. Sorry kung nadamay na naman sila Ali at Jed. Hindi ko kasi alam kung paano ka malapitan na wala sila, kasi alam kong galit na galit ka sa akin the last time we talked. Sorry kasi hindi talaga ako marunong magsalita, I mean, I don’t know how to express my feelings. Since I was a child, I learned to be alone. Nobody asked me how I was, when I was still a child since I lost my mom. My father was always busy with his work, my stepmom took care of me, she’s nice, but it’s really different when she’s not my biological mother. I hope you get what I mean? At school, yes, I have friends but mostly I just joined them for the sake that I belong to a group but I am more of a listener type of person, I am not good at speaking. When it comes in handling situations or problems with my family, I don’t think about it I’d rather spend my time sleeping or reading books than to think about my life or my family which I know it's just full of sh*ts. My life was a mess Lui and it is still a mess,” he explained. “And about our misunderstanding, I am truly sorry coz I really don’t know what to say to you that time I saw you freaked out. I know that no matter how my guilt ate me up that time, it doesn’t matter to you anyway coz you were so angry with me. I can see pain in you Lui, specially when I saw you crying so hard. But I know I could no longer bring back the time. I already inflicted you pained, dismayed you and worse I felt I took you for granted. Lui, I didn’t take you for granted, its’ just I don’t know how to handle relationship. This is new to me Lui. I hope you understand me,” he continued explaining while staring straight at the glasses in our table. “Tapos ka na ba?” I asked. “Uhm, thank you for the gift and for your effort with your friends for my supposed to be surprise birthday party,” he added and he nod at me. “Naisip ko ‘yon kasi ‘di ba nga nabanggit mo sa akin na huling maalala mong nag-birthday ka was noong kasama mo pa ang mama mo?” tanong ko sa kan’ya. Tumango naman siya. “Naisip ko, since andito naman ako na girlfriend mo why not prepared you something special on your special day? And it came like that. Nasaktan ako oo, kasi sino ba naman ang matutuwa na hindi ka pala siputin ng pinaghandaan mo ng taong may birthday. Kahit sino naman ang tanungin mo eh! Sana kasi nagsabi ka na hindi ka makakarating kasi maintindihan ko naman eh, ‘wag mo lang akong gawing tanga. Kasi alam mo ‘yon hindi ko talaga maiwasan na maramdaman na binalewala mo ang mga ginawa pati ako mismo. Masakit kaya,” sabi ko na naluluha na naman. “Sana ‘wag na maulit ‘to Georje. Nakakapagod ang mga ganitong mga bagay, as much as possible ayaw ko nang dagdagan pa ang stress sa buhay ko. Kasi kung baga quota na ako masyado. Stress ako family ko, sa studies ko pati ba naman sa ating dalawa stress din ako?” sabi ko at tiningnan siya saktong namang paangat ang tingin niya sa akin mula sa mga baso na kanina pa niya tinititigan na para bang nandoon nakalagay ang kodigo ng kan’yang mga sinabi sa akin. Kasi himala ang haba ng mga sinabi niya this time. Saka hindi rin siya nauutal sa pagsasalita niya. “Sorry ulit saka thank you ulit,” sa ganoong way natapos ang misunderstanding namin. Ewan ko ba hindi ko na maalala ‘yong mga gusto kong sabihin sa kan’ya noong wala pa siya sa harap ko, ang dami kong gustong sabihin. Pero ngayon wala na, halos hindi na ako makahagilap ng mga salita na dapat sabihin sa kan’ya, kung kailan nasa harapan ko na siya. Siguro dahil din na nailabas ko na sa kanila Zette, Mitch at kanina kay Ali. Kaya imbis na siya ang kaharap ko wala na akong masabi. Niyaya ko na siya na lipat na lang kami sa table ni Ali saka Jed, kasi wala naman na kaming pag uusapan pa na kailangan ng privacy. Masaya ang naging kwentuhan kasi may kasamang tuksuhan, s’yempre pasimuno na naman ni Ali at sinabayan pa ni Jed. Saka napainom akong konti kasi umiinom sila Jed at Ali noong lapitan namin. Pero hindi ako uminom ng marami kasi may pasok pa ako kinabukasan. “Thank you sa inyong dalawa at saka sorry kasi lagi na lang kayong nadadamay sa problema naming dalawa, which is supposed to be kami lang dalawa ang umayos pero lagi kayong naka-support sa amin,” sabi ko after sa mga banat ni Ali na kaming dalawa ang pinapatamaan. “Hay naku Lui! S’yempre magkakaibigan tayo. Kaibigan namin si Georje, ikaw kaibigan ka namin mula elementary ‘di ba anong rason para hindi kami tutulong at susuporta sa inyong dalawa?” pagmamayabang niya, medyo may tama na yata ‘to kasi may mga ganoon linyahan na eh. Samantalang si Jed ngumiti lang saka tinapik ako sa balikat. Habang si Georje tumayo saka pinagtatapik ang mga balikat ng dalawa. “Tol, ingatan mo Lui lagi! ‘Wag mong sasaktan ‘yan, kasi magagalit talaga ako sa’yo pag ‘di mo ingatan. Alam mo ba ito, ngayon ko lang sabihin sa inyo ‘to! Kung hindi lang dahil sa’yo hindi ako magpapaubaya tol. Matagal ko na kayang crush si Lui…” hindi niya natapos ang sasabihin niya kasi sumabat si Jed sa usapan. “Alam ko kaya kasi sinabi mo sa akin noong grade six tayo na pagdating sa high school aaminin mo na kay Lui na crush mo siya, pero hindi mo naman ginawa! Duwag ka kasi, kasi lagi mong sinasabi dinadaga ka. Pero ang totoo takot ka lang mabasted ni Lui kasi alam mong hindi ka sasagutin kasi puro ka kalokohan!” pambubuking sa kan’ya ni Jed, nagtawanan silang tatlo. Ako nahihiya ako sa mga naririnig ko kasi hindi ko naman inakala na ganoon pala. “Alam mo Lui, kaya ka nga laging inaasar nito noon eh, para mapansin mo siya palagi. Tol, sabi niya kay Georje, ‘wag kang magalit ah? ‘Wag kang mag alala nangako siya sa akin na hindi siya makikialam sa inyong dalawa kung hindi susuportahan niya kayo,” paliwanag ni Jed kay Georje na itinaas pa talaga ang mga kamay sa ire para lang masiguradong niyang titingnan at papakinggna siya ni Georje. Habang si Georje naman, tatawa-tawa lang. Naku kung iba pa siguro ‘yan nagalit na sa selos, pero siya parang tuwang-tuwa pa siyang nakikinig sa mga kalokohang pinagsasabi nitong emirating ‘to. “Pabalikin kita ngayon sa inyo eh, puro ka talaga kalokohan Ali ewan ko lang sa’yo. Kaya siguro hindi nagka girlfriend ang mokong na ‘to kasi akala ng mga babae hindi marunong magseryoso.” “Una, na ako sa inyo may pasok pa kaya ako bukas. Buti kayo kasi parelax-relax lang. Ala una na pala hindi ko man lang namalayan ang oras,” sabi ko sabay tatayo na nang. “Wait. Hatid na kita. Tol, hatid ko lang si Lui,” sabi ni Georje sabay tumayo na. “Dapat lang tol kasi anong oras na, hindi na safe mag-isa si Lui na uuwi mag-isa. Saan ka ba uwi ngayon Lui sa apartment niyo or sa bahay ni Mitch?” tanong ni Ali. “Wow! Kilalang-kilala mo si Mitch ha! ‘Di ako nainform!” pang aasar ko sa kan’ya. “Tigilan mo ‘ko Lui kung ayaw mong umuwing luhaan,” pagbabanta niya sa akin na alam kong niloloko na naman ako nito. “Ay! May pagbabanta! Akala mo talaga takot ako sa’yo ha!” sabi ko sabay tapik sa balikat niya nang makalapit para magpaalam na. “Sige na! Alis na kayo! Hindi naman talaga ako mananalo sa’yo!” pagtaboy niya sa akin. “Uy alam ko kung bakit? Kasi nga crush mo ‘ko noon!” pang aasar ko lalo saka nilingon ko si Georje para makita ako kung ano ang reaksyon niya. “Naku Lui, ‘wag kang umasa hindi yata marunong magselos ‘yan eh.” “Huwaw! Nakakahiya naman sa pagiging conceited mo!” sabi niya na tumatawa pa. “Hoy linya ko ‘yan! Wala kang originality!” panunukso ko pa sa kan’ya. “Lika ka na nga nang makaalis na kayo at uuwi na rin kami. Alam kong hindi talaga ko mananalo sa’yo!” sabi niya sabay hatak sa akin para yakapin. “Thank you ulit! Saka ingat kayo,” sabi ko habang magkayap kami. “Thank you so much! Ingat kayo!” sabi ko naman kay Jed habang siya naman ang niyakap ko. Nauna na kaming umalis ni Georje at nagtaxi na kasi madalang na ang jeep papunta sa bahay nila Mitch. “Lui, bati na tayo na ha. ‘Wag ka na magalit.” bulong niya sa akin habang magkatabi kami sa likod ng cab. “Oo na nga di ba? Alam mo pasalamat ka talaga kina Ali at saka Jed kasi kung hindi dahil sa kanila hindi na kita babatiin talaga, or worse baka mauwi na lang sa hiwalayan kasi hindi talaga kita maintindihan,” mahinang kong sabi sa kan’ya kasi nakahiya namang marinig pa ng cab driver. Nagngitian kaming dalawa saka hawak hawak na niya ang kamay ko mula kanina pagsakay pa namin. Pagkarating namin sa bahay ni Mitch, hinintay pa niyang pagbuksan ako ni Mitch ng pinto bago siya aalis para umuwi. “Sorry Mitch ngayon lang ako,” sabi ko agad pagkabukas ng pinto, kawawa kasi pupungas pungas pa habang pinagbubuksana ko ng pinto. “Morning Mitch,” bati naman ni Georje sa kan’ya. “Morning din. Buti hinatid mo ‘to. Pasok ka muna,” bati ni Mitch sa kan’ya pabalik at nginitian. “Kasi alanganin na sa oras, pasensya na nagising ka tuloy namin,” sagot niya kay Mitch. “Hay naku! Paano kasi sobrang madaldal si Ali lalo nang medyo tama na.” “Lui, ‘wag mo na lang kaya pauwiin sa kanila si Georje eh kasi almost three naman na. Dito na lang sya sa sofa para makaidlip naman kahit konti tapos sabay na lang natin s’ya pagpasok,” sabi niya nang sinundan pala ako sa kusina kumukuha akong tubig. “Pasensya na, naabala ka pa tuloy. Pero sige. Salamat,” tanging tugon ko habang naglalakad pabalik sa sala kung saan naghihintay si Georje. “Sus! Tigil-tigilan mo ko d’yan sa kadramahan mo! Hindi bagay ‘wag madrama lalo na’t madaling araw na,” pagbibiro niya sa ‘kin.
Super thankful talaga ako na naging kaibigan ko si Mitch. Minsan sinabihan niya ‘kong kunin ko na lang daw ang mga gamit ko sa apartment para wala na raw akong babayaran doon na renta. Kaso nahihiya ako kanila Nika saka VM. Baka kako mas lalala lang ang hindi namin pagkakaintindihan kung tuluyan akong aalis doon. Baka imbis maayos pa namin, baka tuluyang masira ang pagkakaibigan namin ni VM kapag nagkataon. Mabuti nang paminsan-minsan nakakauwi pa din ako doon para tulad ng dati iisipin pa rin nilang dahil lang sa busy ako o kami sa mga ginagawa. Which is half truth and half lie. Busy naman kasi talaga kaso kaya naman umuwi kaso mas pinipili ko lang na hindi. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Di lang talaga ako comfortable lalo na’t alam kong nagalit si VM kay Georje at may point naman talaga s’ya sa ikinagagalit niya sa akin. Naintindihan ko naman kaso ewan, ako lang talaga ang may problema. “Tubig,” sabi ko habang inaabot sa kan’ya ang basong dala kong may tubig para sa kan’ya. Kasi tapos na akong uminom kanina sa kusina. “Dito ka na lang muna sabay na lang tayo pagpasok namin. Okay lang ba sa’yo dito sa sofa?” tanong ko sa kan’ya habang tinitignan ko ang haba ng sofa at saka ang height niya para malaki yata ang kulang. Maiksi ang sofa compare sa height niya. “Okay. Ipagkakasya ko sarili ko dito, anyway, it’s past three in the morning its just a couple of hours. You go catch a sleep you have classes tomorrow,” pagtaboy niya sa kin. “Okay,” tanging nasabi ko. “Ako na bahala sa sarili ko. Just go get some sleep you need energy for school, I know you’re busy. Night,” dugtong niya. Agad akong pumasok sa kwarto na inuukopa ko. Mabuti na lang may nilagay pa lang unan at kumot si Mitch. Sa isip ko kanina ibibigay ko na lang sa kan’ya ang unan at kumot na ginagamit ko. Hindi naman kasi malamig dahil summer na summer ang weather. Dinala ko agad ang nilapag ni Mitch sa kama ko para maibigay at nang makapag bihis na ako’t makatulog na rin. “Aba Lui! Panda ka na naman nito mamaya sa school. Parang naging hobby ko na yata ang maging kamukha ang panda ah! Correction please wala po akong pangarap maging mascot!” “Ito oh. Sige na night. Patayin ko ang ilaw dito tapos ‘yong sa kusina ang iiwan kong ilaw para masyadong madilim,” sabi ko pag abot ko sa kan’ya sa dala kong unan at kumot tapos palapit ako sa may ilaw para ma-switch off ko na. Akma paalis na ‘ko para makapasok na sa kwarto at para makapagbihis, he holds my wrist gently. “Bakit?” kinabahan ako bigla kasi medyo madilim na kasi though not totally dark, there are some are small light that peeks at the window from the street lamps. There’s no light yet in the kitchen czo I already turned it off earlier when I left. “Are you sleepy? Uh… never mind just go and get some sleep. I’ll just wake you up so you’ll not gonna be late for your class,” sabi niya. “Okay. Night,” agad niyang bitaw sa palapulsuhan ko at umalis ako agad papasok sa kwarto ko. Whew! Akala kung ano na? Grabe ang kaba ko doon ah! Mas lalo akong binabanas. Putek talaga! Hindi na ako mag wash up kasi mas lalo na akong maubusan ng oras kung gagawin ko pa. Saka ang bigat na lalo ng pakiramdam ko nang makita ko ang kama. Higang-higa na ako talaga. “Weh? Talaga Lui? Higang-higa pero kanina hinawakan lang ang palapulsuhan mo readyng-ready ka makipagpuyatan agad!”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
jhgffdfioojggf
16/11/2024
0so fantastic
21/06/2024
0nice
06/06/2024
0Tingnan Lahat