BDW 6

SHION's POV:
"So dark." Hindi na ako lumingon pa sa aking likuran.
Kahit na matagal siya sa China alam ko pa rin ang boses niya. Napakalalim. Baritono. At malamig.
Pero nababawasan na rin naman niya when it comes to me. Ang ganda ko kasi. Char!
At ang amoy rin ng pabango niya ang gusto ko. Pero ngayon parang mas sasabak pa ata ako sa pagkaadik sa amoy niya.
"How did you say so?" Tanong ko sa kaniya habang nilalagyan ng pinta ang ginawa kong obra. Konti lang matatapos na ako. Sakto sa pagdating niya.
Isang babae na walang mukha. Pero ang kaniyang ulo ay nasa bandang puso niya. Sumisigaw. Nakanganga.
Pero may pumipigil. Ang kaniyang kaliwang kamay na  hawak nang mahigpit ang dibdib niya. At ang kanan naman niyang kamay ay nakatutok ang isang kutsilyo sa may mukha ng babae sa mismong dibdib niya.
Dark ang ginawa kong theme. Sobrang dilim kung anu-ano na lang din na kulay ang nilapat ko sa walang mukha. May pula, dilaw, puti, gray, black at bloody red na rin.
At sa ibaba ng t'yan ng babae may iba't ibang kulay rin. Resembling that there's something in her tummy na nabubuo.
"She's pregnant right?" Tanong niya ulit na ikinatango ko naman. "Pero bakit gan'yan naman? She need to be happy and embrace her soon to be child. May nangyari ba sa kaniya? She raped or harrased by someone that's why it's killing her. Hindi niya tanggap na magkakaanak siya. Pero she's faking her face and her emotion. That's why she doesn't have a proper face to fill in. 'Yung totoong sarili niya at ang gusto niyang ipakita ay nagtatago sa pinakailalim ng pagkatao niya. Sumisigaw at humihingi ng tulong. Pero pinipigilan niya." Mahabang paliwanag niya sa dinrawing ko.
Patapos na ito kaya alam na agad niya ang mangyayari. Ilang araw ko na rin itong pinag-aksayahan ng oras. At ngayong nakabalik na siya galing China panigurado na limang araw ko itong nililibangan.
Pero hindi ko aakalain na sobrang lawak ng kaniyang pagkakaintindi sa gawa ko na hindi ko lang sinasadyang maisip gawin.
'Wala lang trip ko lang.'
" Galing! Ipatumba na 'yan! Wait, ang aga naman ata ng balik mo?"
" Bakit ayaw mo akong makita? "
" Oo hindi pa ba halata? " Tinaasan ko pa siya ng aking kilay samantalang nakakunot ang kaniyang noo." Huwag kang kumunot d'yan. Hindi bagay sa 'yo. Saka kung gutom ka kumain ka na lang d'yan. Sakto na nakaluto na ako. Hindi pa ako kumakain dahil gusto kong matapos itong gawa ko. "
" Are you into dark theme? " Tanong niya sa akin sabay turo pa sa canvas ko.
" Nope. I'm available in every theme. Kapag may nakikita ako o nababasa, bigla na lang sasagi sa isipan ko ang mga imahe. Tapos ilalapat ko na lang siya sa canvas. " Nakangiti kong sambit sa kaniya at muling ibinaling ang tingin sa obra ko.
Tumayo na rin ako sa aking pagkakaupo sa mataas na upuan. Medyo sakto lang sa taas din ng stand.
Nasa loob na ako ng sala namin sa may garden. Mainit na kasi sa pwesto ko kanina kaya naisipan ko namang dito na lang ipagpatuloy ang aking ginagawa.
"Para sa iyo. Ano ang kahulugan mo r'yan? Sound so dark and emotional. Saan mo rin nakuha ang ideya na gumawa ng ganiyang obra?" Sunod-sunod na tanong niya na ikinasimangot ko.
Sinipa ko pa siya sa kaniyang tuhod na ikinangiwi niya.
"Nanakit ka na lang baga!" Inis na singhal niya at matalim pa akong tiningnan pero ngumisi lang ako.
"Ayoko sa paratanong 'e. Kasalanan mo na 'yan." Muli kong sinulyapan ang nasa aming harapan saka napaseryoso. " Maraming rason. Maraming meaning. Pero alam mo bang masaya ang ina niya na magkakaanak na siya, "
" How did you say so? " Tanong niya sa akin nang seryoso rin habang pinagmamasdan ang pinta ko.
Inulit lang naman niya ang sinabi ko noong una. Iba ring lalaki.
" Dahil dito," tinuro ko na lang ang invisible hand o shadow na nakahawak din sa t'yan ng ina. At ang mukha ng babae na akala mo talaga walang mukha pero meron.
Hindi ko lang talaga siya pinakita nang tama. Kung titingnan lang nang segundo, parang wala lang talaga. But when you see it clearly. May makikita kang kilay, ilong at bibig na nakangiti, behind the mixed color.
"She's smiling. The color you mixed is the reason why there's something happened na hindi mo mahahalata na masaya ang ina."
" Yeah. Masaya ang ina niya pero sa sinabi mo nga maraming sagabal sa lahat. Hindi niya magawang maging masaya nang totoo sa ibang tao. Maraming nakatutok na patalim. At mga what ifs sa isipan niya kaya hawak-hawak niya ang dibdib. Pinipigilan na sumigaw at ilabas ang nararapat na emosyon sa kaniya." Napangiti ako nang mapait habang pinagmamasdan ang ginawa ko.
Ngayon ko lang napagmasdan nang matagal. Kaya bigla akong nalungkot sa babae.
"Sino o saan mo iyan nakuhang ideya?"
Gusto kong sabihin na sarili ko. 'Yung ibang pagkatao ko.
'Yung ibang emosyon na gustong kumawala sa nag-aalab na sakit at pait ng tunay na ako.
Pero hindi ko magawa.
Ayokong kaawaan ako.
Ayokong makita na naman ang mga malungkot na mukha ng taong pinagkakatiwalaan ko.
'I hate them. But also miss them.'
"Someone from the social media. I mean, someone write about a girl who love her husband so much. To the point na nakalimutan na niyang mahalin ang sarili. May nangyari sa kaniya. Gusto ng lalaki na ipaalis o ilaglag ang bata sa sinapupunan ng babae. Pero… hindi ko na alam ang susunod na eksena. Ang haba kasi 'e. Pero nakikita ko ang imahe ng babae. Kitang-kita ko at hindi man lang ako pinapatulog nang mahimbing. Kaya 'yan ang binigyan ng oras ko."
" Wow! I'm impress again. So, let's go outside and we will enjoy ourselves. Pambawi lang sa pag-iwan ko sa iyo. Ayaw mo rin naman sumama sa mga lakad ko."
Tama siya. Inaaya niya ako na pumunta kasama siya sa China kaso ako ang umaayaw.
'Lols. Paano naman ako mag-eenjoy? Puro business lang naman ang pag-uusapan nila.'
"Boring. Sino ang matutuwa na mapunta sa gano'ng klaseng meeting? Mag-sa-suggest ka, then they will give their opinion or blah blah blah. Boring." Naparolyo pa ako ng aking mata na ikinatawa niya. Kaya sinipa ko na naman siya sa tuhod niya.
Hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakasangga sa bawat atake ko.
"Amazona ka talaga. But wait where's my kiss?"
"Ipakiskis kita sa semento. Gusto mo? " Pambabanta ko naman na ikinanguso niya.
" Oo na. Sira ka! " Inis na singhal ko.
Na-ku-cute-an kasi ako kapag nakanguso siya. Kaya binigyan ko siya nang mabilis na halik sa labi. Aalis na sana ako nang hapitin niya ako palapit at siya naman ang humalik sa akin.
Sa una dampi lang 'yon hanggang sa galawin na niya.
Nandito na naman ang kakaibang kuryente na nanggagaling sa bibig niya papunta sa akin. Nakikiliti ako. At the same time nalulunod ako sa ginagawa niya.
Hindi ko namalayan na hinalikan ko na rin pala siya pabalik. Inilagay ko ang aking mga braso sa leeg niya. Pero inilayo ko ang kamay ko na may pintura.
Mas diniinan niya ang halikan namin. Ang kaniyang dila ay nagpupumilit na pumasok. And I give him my permission, he finally slide his tongue to my mouth. Naglabanan kami ng aming mga labi.
Ang kaniyang kamay ay nararamdaman ko na rin kung saan pumunta.
Pero napatigil kami nang lumayo na agad ako sa kaniya. Kita sa kaniyang mukha ang pagkabitin. But I managed to smile devilishly.
"May pupuntahan pa tayo, remember?" Nakangiti kong sambit pero siya naman napablangko na lang ang tingin.
" Bakit ba ayaw mo? " Nahihimigan ko sa kaniya ang inis pero seryoso ko lang siyang tiningnan.
"You can't easily get what you want. Hanggat hindi mo sa akin sinasabi ang rason mo. Wala ring magaganap na ganito. Kung ayaw mo ng umalis. Then fine. May gagawin pa ako. Tsk! " Sigaw ko saka nagdadabog na umalis sa harapan niya.
Bahala na siya sa buhay niya. Hindi pa sa akin nawawala ang lahat.
Napatigil lang ako nang biglang tumunog ang phone ko. Kaya kinuha ko ito sa aking bulsa at saka tiningnan ang text galing kung kanino.
Pero sana hindi ko na lang pala tiningnan. Sana hinayaan ko na lang na nakatanga 'yon sa aking telepono.
Dahil sa labis na nararamdaman ko. At dahil sa emosyon na nangingibabaw sa aking dibdib.
"AHHH! F*CK YOU! F*CK YOU!" Napasigaw ako nang malakas at saka itinapon na sa pader ang cellphone.
Nagkaroon ng crack. Nasira ang telepono na nag-iisa na lang.
At may tao ang papunta sa direksyon ko.
Namalayan ko na lang na nasa bisig na niya ako. Inaalo ang likuran ko. Pero nakayukom lang ang mga kamao ko. Nandoon pa rin ang galit.
Sobra ang poot ko sa pamilya na 'yon. Bakit gano'n sila?
"Just cry," rinig kong bulong niya sa tenga ko.
Pero umiling ako. Hindi ko alam kung paano umiyak.
"I can't. I don't know. Kahit gusto ko, walang lumalabas." Tanging sagot ko na lang sa kaniya.
"Tara na. Pumunta na lang tayo sa lugar na makakapagpawala sa galit mo. Pack your things and we will leave this house now. "
" Where we will go? " Tanong ko sa kaniya at napatingin sa kaniyang mukha.
Dinampian naman niya ako ng halik sa aking labi sabay tapik sa aking ulo.
" Province. Sa family ko. They want to know you." Natigilan naman ako sa sinabi niya.
"Baka hindi nila ako tanggapin..."
"They will."
"Sa gandang demonyita kong ito. Baka wala pa ako sa loob ng bahay bigla na lang akong tumalsik. Alam mo naman ang mga magagandang demonyo hindi kayang—aray! Sakit mo namang mamitik ng noo. Grr!" Malakas ko rin siyang sinuntok sa kaniyang t'yan na naging sanhi na napaupo na lang siya sa sahig.
"Ouch! Argh!" Angil niya habang namimilipit sa sakit. Napangiwi ako dahil malakas ngang talaga ang naibigay ko.
"H-hey... Sorry na hindi ko sinasadya. Ikaw kasi—hep! Hep! Na'yan na naman ang batok mo 'e." Pagpapatigil ko agad sa kaniya nang mapansin na may paparating na naman sa akin na kamao papunta sa batok ko.
Ang sakit kaya niyang mambatok.
"Tulungan mo na lang kaya ako bruha kaysa tumingin ka lang sa akin." Malamig na aniya pero nandoon pa rin sa kaniyang mukha ang sakit.
" Oo na nandito na." Sa sinabi nga niya, tinulungan ko si Kio na tumayo sa pagkakaupo.
Hawak-hawak pa rin niya ang kaniyang t'yan na nasuntok ko. Samantalang nakangiti lang ako nang malawak.
"Papatayin mo ba ako nang maaga?"
"Oo inuunahan lang kita. Sabi mo sa akin sa kasal, you can kill me. Nasa'n na kaya 'yon? Hmm... " May paghihinala kong tanong sa kaniya na ikinaismid naman niya.
'Bakla na si Lampa.'
" Tsk. Mag-impake ka na lang at pupunta na tayo." Napanguso naman ako nang maalala ko na naman ang sinabi niya.
Wala na ba talagang urungan 'yan? Meet to meet na talaga?
"Bakit ba hindi mo sila pinapunta sa kasal natin?"
"Wala naman sila rito. Paano sila makakapunta?" Sarkastiko naman niyang tanong pabalik sa akin.
Sisipain ko sana siya nang makalayo na siya sa akin habang matalim ang tingin.
"Hindi ko kasalanan kung tanga at lampa ka." Pagtatanggol ko naman agad sa sarili ko.
" Amazona. "
" I know. Sige na mag-iimpake na! " Sukong saad ko at nauna na ngang maglakad palayo sa kaniya.
Napadako pa ang tingin ko sa cellphone na basag pero tanging pagbuntong-hininga na lang ang nagawa ko.
'Sana hindi ko na lang sila naging pamilya. '
****
"Wow! Ang ganda naman dito! Dito na lang kaya ako magpapakamatay! " Tuwang-tuwa na aniko habang nakatingin sa buong paligid.
Naglalakad kami ni Kio sa malawak na damuhan. Sobrang damo pero maganda ang tanawin. Wala kang makikitang mga punong pinuputol. Mas maganda nga 'yon 'e.
Kapag may pera ako mabili ako ng maraming lupa. Saka ako magtatanim ng mga puno. Dahil alam ko na darating ang araw na iinit ang buong mundo kapag patuloy na pinuputol ang puno.
Ang mga kalikasan dapat nating alagaan. Sila na lang ang nagpoprotekta sa atin. At ang kalikasan na lang din ang dahilan kaya ako masaya.
Kaya ako nabubuhay hanggat may gusto pa akong gawin habang buhay ako.
Pero napatigil ako sa aking pagtitingin-tingin. May dumapo na naman kasing kamao sa aking ulo.
Matalim ko namang tiningnan si Kio na walang mababakasan na kahit isang emosyon man lang.
"Kapag kasama mo ako huwag na huwag kang magsasabi ng kung anu-ano. Kung may problema ka, nandito ako para makinig. "
" Awtts! Ang cute ni Kiki ko. "
" Kiki? " Nangungunot ang noo niya sa sinabi ko.
Napatango naman ako sabay taas ng dalawang braso sa himpapawid.
"Kiki for Kio. Ang cute kaya! Tapos ako si Shishi! Kulang na lang M para maging kimchi. Nagugutom na ako. Iyon na ang bahay ninyo hindi ba? " Tinuro ko pa ang malaking bahay.
I mean mansyon na itinayo talaga sa direksyon ng taniman nila. Hacienda na nga ata ito. Sobrang ganda ritong manirahan.
Puro puno. Ang kapaligiran ay napakasarap pagmasdan. Ang mga damo ay nakikisama sa hangin kapag ito ay humahawak sa kanila.
"Gutom ka na nga. But I like that too. You're my Shishi now. Pero bakit naging lalaki ang pangalan mo?" Takang tanong niya.
Ngayon niya lang ba napansin na panlalaki ang pangalan ko? Ahaha.
"Shian sana iyon. Kaso nga lang nagkamali sa birth certificate. Hindi na rin naasikaso kaya hinayaan na lang na Shion. Bagay rin naman daw sa akin dahil lalaki akong kumilos." Muli kong tiningnan ang bahay. Nakaparada lang sa loob ng gate ang kotse niya.
Hacienda ngang talaga at malayo ang pinakabahay.
Nakita ko sa hindi kalayuan ang apat na katao... Ay lima na rin pala.
May binatilyo kasi na lumabas.
"Uy! Uy! Kapatid mo pero inampon lang ng mama mo? Tama ba ako?"
"Oo, you're right. Be yourself. 'Yang lalaki na 'yan mas cold pa sa akin. Pero malapit kami sa isa't isa. Hindi siya kilala ng lahat ng tao dahil siya mismo ang ayaw magpakilala. Mas gusto niya na magsolo sa kwarto niya. "
" Ayts boring na buhay. Kung ganiyan ako, baka nasunog ko na talaga ang bahay ninyo. Naalala ko noong araw na naburyo ako sa bahay na tinutuluyan ko, sinunog ko lang naman siya. Kaya ayon napagalitan ako pero kinahangaan din daw dahil may nakita silang mga bangkay na tinatago sa basement. Ewan ko lang sa kanila, kapag ako na-boring kung anu-ano na lang ang ginagawa ko."
" Seriously? " Nakataas ang kilay niya na akala mo hindi makapaniwala sa ginawa ko.
Tumango naman ako. "Bata naman ako ng mga panahon na 'yon. S'yempre hindi ko na ginawa pa noong lumaki na ako. Baka ikulong na ako sa ginawa ko."
" Pasaway ka ata ng mga bata ka pa."
" Hindi ba halata ngayon? " Natatawa kong sambit pero napatigil din nang marinig ko ang mga boses nila.
'This is it pancit. Meeting up his whole family. Soon to be real Mrs. Franco na ba is this? Char! Hindi ko pa nga mahal si Kiki. Ahahaha akala mo may something kahit wala.'

Komento sa Aklat (72)

  • avatar
    Aldrich Tyler Cuaresma

    nice

    02/02/2025

      0
  • avatar
    Mara C Ondol

    yes

    22/01/2025

      0
  • avatar
    FacunlaRhymaRose

    nice cute story nyo sobrng gnda highly recommend ibng mgbbsa thanks author

    28/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata