Homepage/Billion Dollar Wife/
BDW 5
SHION's POV:
2 weeks na ang nakalilipas nang may mangyari sa amin ni Kio. At wala naman akong nararamdamang kakaiba. Saka kung hindi man ako mabuntis, baka hindi ito ang tamang panahon.
Dahil nasa marriage contract lang kami ni Kio. Hindi totoo. Kami 'yung mag-asawa na nasa kontrata na akala mo may something sa isa't isa pero wala naman talaga.
We're just doing it because we're challenging ourselves to know more about each other.
Parang magkaibigan na hindi rin. Kasi naman puro na lang kami away nang away.
Kapag walang away, tiyak na may ginawa ang isa sa amin na kasalanan.
At kapag tahimik naman kaming dalawa. Aba himala na lang mangyari 'yon.
We're not sweet. Hindi naman kami pagkain.
Tao pa rin kami at hindi bagay.
"Shion aalisin ko ba talaga lahat ito?" Takang tanong ni Jrake habang tinuturo niya ang mga damit niya at mga pantalon na sa tingin ko ay hindi maganda sa paningin ko.
Nasa bahay kami ni Jrake. Hindi namin kasama si Kio. Nasa China siya para makipagkita sa business partner niya. Matatagalan siya sa pag-uwi.
Panigurado na mga isang linggo siya ro'n. Ayos lang sa akin. Hindi naman ako nababagot. Kasama ko naman ang mga kaibigan niya. Pero kapag may meeting din ang isa, pupunta siya malamang. Minsan ay iisa lang ang natitira sa bahay namin ni Kio para bantayan ako.
Kahit na kayang-kaya ko naman na ang sarili ko. Bata pa lang ako sinanay ko na ang sarili ko na mag-isa.
"Yeah. Hindi bagay sa 'yo. Hindi kaaya-aya sa paningin ko. Lahat ng nabili mong mga damit na pambahay at panlayas ay sa itaas, naka-indicate na kung saan si pambahay at si panlayas. Nilagyan ko na ng label huh? " Tinuro ko pa ang nakalagay na kataga sa may lagayan ng damit niya.
Whether it is outside or indoor shirt.
" Oo na nakita ko."
"At 'yun namang mga pambahay na short at pantalon mo, sa ibaba naman ng mga damitan mo. 'Yung mga panlayas na shorts at pantalon naman ay nilagay ko sa pinakaibaba pa. Got it? "
" Opo boss. " Sumaludo pa siya sa akin na parang tanga. Kaya napaismid na lang ako.
Lumapit naman kaming dalawa sa isang cabinet pa na mataas. Gawa sa kahoy ang lahat ng cabinet ni Jrake.
Matibay kasi.
Nang buksan ko ang pinto nito. Nakita ko ang mga nakasampay na mga tuxedo, sleeves at kung anu-ano pang damit pang-business. Maayos na ang pagkakalagay kaya sinarado ko na. Sinunod ko naman ang ilalim nito na may lalagyan pa. Kaya binuksan ko na at dumapo naman sa akin ang mga sapatos, tsinelas na nasa maayos na kalagayan.
Napatango-tango na lang ako at sinarado na rin.
"Wala na pa lang problema. 'Yan lang talagang panlayas at pambahay na sinusuot mo lagi ang ayoko. Kaya itapon mo na. Gusto mo kainin mo para hindi ka manghinayang. "
" Grabe ka naman sa akin. Hindi naman ako matakaw. " Nakanguso niyang sambit na ikinatawa ko na lang at saka napailing pa.
" Joke lang naman naniwala ka. Tara na sa labas. Baka tapos na rin maghanda ang kaibigan mo. "
" Kaibigan ka na rin namin kaya. Hindi na boring ang buhay namin dahil nandito ka na sa piling namin. " Nakangiti pa si Jrake ng sinasabi iyon.
Alam kong sinsero siya pero hindi ko feel ang ganito.
Hindi ko keri na may nag-we-welcome sa iyo na maging parte ng buhay nila.
Masyadong komplikado ang lahat. Ewan ko kung kaya ko pa bang magtiwala?
Lahat kasi ng taong pinagkakatiwalaan ko… maraming sekreto na hindi man lang sinasabi sa akin.
" Aguy! Huwag mo akong bulahin. Wala akong pera, pero sapak kayang-kaya kong ibigay sa iyo. " Pinakita ko pa sa kaniya ang palad ko na ready na sa gagawin.
"Hmmp! Amazona talaga. " Iyon na lang ang narinig ko matapos naming makalabas ng kaniyang kwarto.
Naglakad na rin kami sa hagdan. Pero sobrang layo pa ng lalakbayin namin. Nasa third floor kami ng bahay niya. At ang kusina ay nasa first floor. Punyeta.
Parang papayat ako rito. At panigurado na matatagalan pa kami sa pagdating sa paroroonan namin.
Kaya nagkwentuhan na lang kami ng mga kung anu-ano habang naglalakad. Para iwas panghihina sa tuhod.
'Hindi ba siya nahihirapan sa ginagawa niya?'
"Napagod ka ba, Shion? Sabi ko na sa 'yo 'e. Dapat hindi mo na lang tinulungan si Jrake. Katanda-tanda na hindi pa marunong mag-asikaso ng sarili." Mapang-asar na saad ni Hansel nang makita kami na kakababa pa lang sa hagdan.
Nanghihina ang tuhod ko pero keri ko pa naman.
"'E di ikaw na ang magaling sa pormahan. Mali naman sa panahon."
" Anong sabi mo? Anong mali?"
" Mainit ang panahon nakayjacket. Kapag malamig ang panahon naka-sando. Anong trip mo sa buhay?"
" Pake mo! Eh ikaw nga kulang na lang ipakita ang tinatago mo!"
" Style 'yon! Style!"
" Tama na 'yan. Hindi ba kayo nahihiya kay Shion? Ang iingay ninyo. Para kayong mga bata." Pagpapatigil naman nitong si Naver sa kanila.
Magkakaroon na naman kasi ng away sa pagitan ng dalawa.
"Ayos lang 'yon. Mukha naman silang mga bata. Kaya mamaya rarapasin ko na sila ng tubo. " Mahinang sagot ko naman kay Naver at naisipan na lang na kumuha ng tinapay na ang palaman ay squeeze.
"Grabe ka talaga sa amin. Amazona ka talaga. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin kayo nagkakatuluyan ng isa pang dem*ny*? "
" Bakit dem*ny* ba ako sa paningin mo, Hansel? " Tinaasan ko pa siya ng kilay nang balingan ko siya ng aking tingin.
Kinagatan ko na rin ang tinapay habang gigil na gigil na nginunguya iyon sa mukha ni Hansel. Napangiwi naman siya sabay peace sign.
"J-joke lang naman. Hindi ka mabiro." Nauutal na aniya sa akin pero inismiran ko lang sila.
Samantalang ang dalawa naman ay prente lang na kumakain ng salad na ang mommy ni Jrake mismo ang gumawa. Umalis siya para raw samahan ang bunsong kapatid ni Jrake na puntahan ang daddy nila sa opisina.
May dala ang kapatid ni Jrake na baunan. At panigurado na lunch box 'yun para ibigay sa ama.
Ang sweet na batang babae.
"Uuwi na ako pagkatapos nito. Kailangan kong asikasuhin ang mga imbistasyon ko sa mga taong makikita ko sa eskinita. Pero kasama kayo dapat. Hindi ako p'wedeng lumayas, remember? "
"'Buti ka pa kaya mong mamalagi sa bahay at hindi aalis ng walang permisyo ni Kio. Kaysa sa unang inalok niya ng kasal na… wala pa sa isang linggo nakatakas na. Kinuha pa ang mga mamahaling gamit ni Kio sa bahay niya. " Napatigil naman ako saglit sa sinabi ni Naver sa akin.
Unang inalok ng kasal? Ibig sabihin hindi lang pala ako ang inalok niya? Grabe naman 'yan.
Pero sa sinabi nila ay bigla akong nagkaideya.
"Kaya ba wala siya sa bahay ng isang linggo dahil ti-ne-testing-an niya ako? At kaya ba minsan ay hindi kayo sa akin nagpapakita dahil nagmamatiyag din kayo? Tama? "
" Yep! " May kasamang tango pa si Naver.
"Yes! " Sagot din ni Jrake sabay kain na naman ng fruit salad.
"Tumpak ka talaga Shion! Ikaw talaga ang itinadhana sa lalaking 'yon. " Naiiling na lang ako sa sinabi nitong si Hansel.
Tama naman. Dapat kami ang itatadhana ni Kupido. Kung ayaw niyang panain ko siya pabalik. Masakit masaktan. Kaya huwag lang siya pana nang pana.
" Pero you prove us wrong. Naalala mo noong nagwala ka?"
"Oo." Sagot ko agad sa tanong ni Naver. At binalingan naman ng tingin si Jrake. "Ikaw na ang susunod na magsasalita. Asan na ang script? Ihahampas ko lang sa 'yo?" Napanguso naman ang lalaking ito sa naging turan ko.
Pero wala akong pake. This is the real me. I can't change it.
"Grabe ka talaga sa akin. Pero heto na nga, simula ng gawin mo 'yon. Na-realize namin na iba ka sa lahat. Ibang-iba ka, "
" Amazona at sadista. May ganda pero para kay Boss ay bruha. Complete package. Magpakasal na ulit kayo at magmahalan ng totoo. " Papikit-pikit pa si Hansel habang sinasabi 'yon.
Animo ay nakikita ang mga nangyayari. Nakangiti tapos ngingisi.
"Sira! We're just friends."
"With benefits." Sabay na anito na sinamaan ko ng tingin.
"G*go!"
" Ang lulutong talaga ng mga mura mo. We're wondering kung saan ka ba pinanganak ng nanay mo?" Natahimik naman ako saglit sa naging dahilan nitong si Jrake.
Hindi ko alam pero biglang sumakit ang dibdib ko sa sinabi niya.
Pero ipinagsawalang-bahala ko na lang ito.
"Sa impyerno s'yempre. Kaya iilan na lang ang magagandang dilag ang napupunta sa lupa."
" Ahahaha!" Sabay-sabay na tawa nila sa sinagot ko.
Napangiwi na lang ako at muling pinagtuunan ng pansin ang aking sarili sa pagkain.
"And being your new friend we want to tell you something about Kio's past relationship." Napagawi ang tingin ko kay Jrake nang magsalita siya nang seryoso.
Napaupo rin ang lahat nang ayos. Ang akin namang puso ang nagwawala. Anong meron?
Bakit kinakabahan ako sa maririnig ko?
"Ano naman 'yon?"
"Bianca Seris. The one and only first love ni Kio,"
" Huh?" Tiningnan ko si Naver nang nagtataka ang aking mukha.
Bakit wala akong nakita na tungkol sa relationship ni Kio? Para naman prepare ako sa araw na ito. Saka ano namang pake ko kung nagkaroon siya ng past relationship?
Ako nga rin ay meron…
"Walong buwan lang silang dalawa. At si Bianca lang ang nag-iisang babae na naging girlfriend ni Kio. Sa una okay naman ang lahat. Bagay na bagay sila at si Bianca lang ang nakakapagpasaya kay Kio noong mga araw na down ito sa kompanya at pamilya. Hanggang sa dumating sa point na naging toxic na. Si Kio na lang ang umiintindi sa babae, si Kio na lang ang nagpapasensya at si Kio na lang din ang humihingi ng tawad sa pagiging selosa ni Bianca. Pati mga empleyado na lumalapit kay Kio para sa negosyo nila, binibigyan pa ng ibang meaning." Naiiling na kwento nitong si Hansel.
Sabay pa silang napahalumbaba at nagpalabas ng buntong-hininga. Para silang triplets.
Kung magka-anak man ako. Gusto ko triplets ang anak ko. Parang kagaya nila, akala mo may binabasang scripts. Palaging sunod-sunod. Pero minsan nauuna si Jrake. Si Hansel lang talaga ang panghuli o hindi kaya panggitna.
"Grabe naman si Girl. Sarap ilampaso sa mainit at umaalab na sahig habang pumapalakpak na dem*nyita." Pabulong-bulong pa na sabi ko kahit na narinig naman nilang tatlo.
" Amazona pa rin talaga. Buti ka pa nga, linggo pa lang at tatlong araw naging mag-close na agad kayo ni Kio. Samantalang 'yung dalawa naman nagkakahiyaan pa."
" Huwag mo akong ipagkumpara sa babae ni Kio, Naver. I'm Shion Montavidad Franco. The wife, the only living h*ll girl in Kio's house. Kung bumalik man si Babaita para kunin sa akin si Kio. Dadaan na muna siya sa kutsilyo, palaso, tinidor, kutsara, plato, platito at mga kamao ko." Pinakita ko sa kanina ang kanang kamao ko na pilat na lang ang nakikita. May pinapahid akong ointment para mawala ang pilat na ito.
"But you don't know her. She's one of the tenth richest family. Anak siya ng mga Seris na nakabase sa Thailand." Pangangatwiran naman nitong si Jrake. Sabay pakita pa sa akin nang palad niya na nakabuka.
"And then? You don't know what Shion's can do. Just wait, relax and feel the heat of my ultimate power. I will bring that Bianca girl in h*ll. Ahahaha—aray! Bakit kayo nambabato ng tissue?" Inis na singhal ko nang matamaan ako ng mismong lalagyan ng tissue sa noo.
"Baliw ka na," ayan na naman sila.
"Brutal,"
"Dem*nyitang tumatawa." Napangiwi ako sa sinambit naman sa akin nk Hansel.
" Dem*nyita talaga? Hindi ba diyosa? Kasing ganda ni Maria Makiling?"
" Hindi. Mag-ayos ka muna ng buhok mo. Bruha!"
" Che!" Inirapan ko pa sila at pinakita ang kutsilyo para sa tinapay. " Saksakin ko kayo 'e."
"Joke lang." Tinaas pa nila ang kanilang mga kamay nang sabay-sabay.
"Triplets ngang talaga." Naiiling na aniko at hindi na nakipagtalo pa.
****
"Hays! What a life? What a good day and a worst day. Nalaman ko na ang identity ni Girl. Pero nakisali pa ang punyetang sikmura ko na ito." Napagawi ang tingin ko sa pregnancy test na nakalagay sa loob ng bulak na malaki. Itatago ko 'yon doon at itatapon ko na lang sa labas lahat ng basura ko sa loob ng banyo.
Dalawa ang guhit. Meaning buntis ako.
"Ahhh! Mapapatay talaga kita Kio!" Sigaw ko sa loob ng banyo. Napaupo pa ako sa sahig habang hawak-hawak ang aking t'yan.
"Sana wala siyang malaman. Ayokong ibigay sa akin ni Kio ang lahat ng oras niya dahil may anak na kaming dalawa. Ayokong… ayokong mahalin niya ako dahil may anak kami." Napayuko ako sabay hawak sa aking sentido.
'Ano na ang gagawin ko?'
Alam kong selfish ako. Alam kong napaka-makasarili ko. Kio wanted to have a child with me.
Gusto niya anak at hindi ako. I'm just his baby maker.
Natatakot lang ako sa magiging resulta.
Ayokong matulad ako sa iba. Ayokong maging peke ang mga kilos ni Kio dahil may anak kami.
Marriage thingy is an important part of our life. My family goal. Hindi sila tulad ng ibang tao na ipapa-arrange marriage na lang ang anak nila sa iba.
Gusto nila na mapatunayan na muna ng lalaki o babae na worth it ba sila sa pamilya. Hindi basta-bastang pagsubok 'yon.
Malala.
Kaya nga naiinis ako sa sarili ko. What if may malaman na sila? Paano kung matunton na nila ang pinagtataguan ko?
Umalis ako sa bahay namin. Ayoko na silang makita. Nagagalit ako sa kanila… na pati apelyido nila ayoko ng ilagay sa aking katauhan.
Pero kung matunton man nila ako, sana totoo na si Kio sa akin. Sana kaya niya akong ipaglaban. Sana kaya niya akong mahalin gaya ng pagmamahal na iginawad niya kay Bianca.
"What a worst experience of my life. Bakit ba ako napunta sa ganitong pangyayari? I just want to leave. I just want to be happy for once. But... It all gone. "
Gusto kong umiyak. Gusto kong ilabas ang sakit ng aking naalala.
Pero hindi ko magawa. Hindi kaya ng sarili ko.
Ayaw lumabas ng luha ko.
Pagod na ako.
Pero hindi ibig sabihin nito, susuko na ako. Hindi ko hahayaan na ma-stress ako. Aalagaan ko ang sarili ko. Iwawaksi ang lahat ng mga malas sa mundo.
At kapag minahal ako ni Kio.
Doon ko na rin sasabihin sa kaniya na buntis ako.
Gusto kong makita ang priceless niyang mukha.
Just like what my mom's do when my father unexpectedly heard to my mom's mouth na may bagong pamilya na muli kami.
'Si Kio kaya? Mukhang malabo. Hindi pa lumilipas ang taon na nag-break silang dalawa.'I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (72)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
02/02/2025
0yes
22/01/2025
0nice cute story nyo sobrng gnda highly recommend ibng mgbbsa thanks author
28/10/2024
0Tingnan Lahat