Homepage/Billion Dollar Wife/
BDW 26: IS THIS THE END?
KIO's POV:
Masaya akong nakatingin sa babaeng naglalakad palapit sa aisle. Para siyang diyosa. . . diyosa nga lang ng mga dem*nyo.
Isang buwan pa ang aming inilagi bago mangyari ang kasal na ito. Ang tunay na kasal naming dalawa. Gusto niya muna raw makasama ang kakambal kahit ilang araw lang.
Hindi ko nga aakalain na magwawakas ako sa isang amazona na tulad niya. Isang amazona na tinatago pala ang tunay na ganda.
Pero isa na rin 'yung magandang dahilan para hindi ko mahalin ang ibang katauhan niya, minahal ko si Amira o Shion dahil sa ugali niyang pinapakita.
Hindi man siya sweet sa akin. Na ultimo ang good morning dapat na bati ay isang malakas na sampal ang bubungad sa akin tuwing umaga.
Tapos ang halik naman ay suntok.
Pati sa anak ay hindi man lang niya binibigyan ng kahit isang halik man lang din.
Napakadamot na asawa.
Pero magugulat ka na lang talaga kapag bigla na lang siyang gagawa ng hindi mo inaakala. 'Yun ang gusto ko sa kaniya.
Laging pa-surprise ang gusto.
Kahit dem*nyo pa 'yang babaeng 'yan. Siya ang pinaka-da-best na chief ng buhay naming pamilya.
Pati ang mga magulang ko at si Zeus ay pupunta lang tuwing may free time sa bahay para sa luto ni Shion.
'Haist! Perfect wife na talaga siya. Kahit napakabungangera at amazona. Husgera rin ang bruha.'
Pero ganon na lang ang gulat ko ng tumigil si Shion sa gitna. Pinanliitan niya ng mga tingin ang mga tao.
Ano na naman kaya ang pumapasok sa utak ng babaeng ito?
"PUNYETA MAMAYA! BAGO AKO IKASAL! MAY GUSTO BANG TUMUTOL SA KASAL NAMIN NI LAMPA?" Malakas na sigaw niya sa lahat ng mga umattend sa kasal namin.
Napuno talaga ang mga upuan. Ganon pa rin ang get-up namin. Sa park pa rin ginawa ang kasal namin.
Hindi man katulad noong unang nangyari na nagwawala siya dahil ako ang mapapangasawa niya.
Ngayon ay sumisigaw siya kung may tumututol ba sa kasal naming dalawa.
'Wala talagang hiya sa sarili. Panigurado na viral na naman ang babaeng ito.' Napahilot na lang ako sa sentido ko dahil sa pasakit ng babaeng ito.
Ni hindi man lang siya nagpasama sa ama niya na ilakad siya sa harapan ko. Ayaw niya raw gayahin ang mga kababaihan.
Gusto niya raw ay makabago naman.
'Bruha talaga kahit kailan.'
"Nagsisisi ka na ba na magpapakasal ka sa baliw na babaeng 'yan?" Bulong na tanong sa akin ni Amiro habang nakatingin sa kakambal na nagtatanong pa rin.
Hindi na lang kasi ipagpatuloy ang kaniyang paglalakad.
"I don't know too."
"Kami na ang bahala." Sabay-sabay na saad ng tatlo at naglakad na nga para pumunta sa direksyon ni Shion.
Parang naalala ko na naman ito 'a.
"Hey! Shion! Your groom is already waiting," pasimula nitong si Naver na nasa kaliwang bahagi ni Shion.
Natatabunan nila si Shion kaya hindi ko makita ang itsura ng babaeng ito. Siguro nagtataka at napapaisip na rin ito.
"Oo nga! Kaysa naman sumigaw ka nang sumigaw. Lumapit ka na lang sa asawa mo na kanina pa naiinip." Dagdag na rin na sabi ni Jrake.
" Nahiya naman kasi kami sa iyo. Viral ka na naman sa social media. Dami mo ng tagahanga." Naiiling na sagot din nitong si Hansel sa asawa ko.
" Dami pa ninyong dakdak! Buhatin na ninyo ako at siya!" Napatikom naman ang aking bibig para pigilan ang pagtawa. Pero si Amiro ay hindi nakayanan kaya napatalikod siya.
Doon niya naipalabas ang kaniyang halakhak.
"Ang bigat mo na! Grabe ka!" Angil ng tatlo sa asawa ko.
"Bubuhatin ninyo ako o papatayin ko kayo sa harapan ng pari na nasa direksyon ni Kio?" Ayan na naman po siya sa pagbabanta.
Kailan ba mawawala ang ugali niyang 'yan?
Panigurado na nasa pagkatao na niya. Hanggang salita lang naman siya. Pero kung suntok, sampal o sakal ang sasambitin niya. . . tumakbo ka na.
Baka nga hindi ka na makaabot pa sa susunod na umaga.
"Heto na nga!" Wala sa sariling sambit na lang ni Naver.
"Yeah! Yeah! Ano pa bang magagawa namin?"
"Amazona na dem*nyo pa. Pero nag-asawa ng dem*nyo lang ang mukha pero matatakutin naman pala sa asawa."
" Aba't. . ." Nanggigigil na bulong ko nang marinig ang sinabi ni Hansel.
Pero bigla akong hinila nitong si Amiro para hindi ako makalapit sa direksyon nila.
"Huwag kang mag-eskandalo. Hayaan mo silang mag-viral. Este joke lang."
" Tsk!"
Simula ng malaman ng dalawa na magkambal sila. Hindi na naging tahimik itong si Amiro. Madaldal din katulad ng kambal niya.
At ang Rieza rin ay nagkaayos-ayos na.
Lalo na ang pamilya ng mama nila Amiro. Montavidad pala ito.
"Ang bigat mo!" Napabaling muli ang tingin ko sa tatlo na buhat buhat na si Shion na nakangisi habang papalapit sa aking direksyon.
Hindi katulad noon na nagsusumigaw habang nagpupumiglas na makalayo sa tatlo.
Matatanda na kasi sila. Kaya hindi na nila mabuhat pa ang bruhang si Shion.
" Woh! Ang pagod!" Angal ni Naver bago maunang umalis sa aming direksyon.
Pumunta lang pala kay Amiro.
"Hindi ko na pala dapat pinuntahan si Shion. Para akong nagpasan ng isang sakong bigas. 'Nyeta!" Segunda rin nitong si Jrake at pumunta na rin sa direksyon ni Amiro.
" Sana all mabigat. Sana all nagiging bab—hehehe joke lang naman Shion. Ang ganda mo kaya. Ciao!" Mabilis na kumaripas ng lakad itong si Hansel saka nagtago sa kakambal ni Shion.
" Lagot ka sa akin kapag natapos na ang—aray naman Kio! Ang sakit mo talagang mambatok." Angil niya sa akin na ikinaismid ko naman.
" Hold my hand and we will face the priest now." Utos ko na ikinataas naman ng kilay niya.
"Akala ko may pabanta-banta ka pa. Buti naman wala na. Kasi papakasalan talaga kita. Tara na! Wala ng atrasan pa 'to! Magiging real wife na ako at hindi na One Billion Dollar Wife." Excited na sambit niya at kusa na nga akong hinila para lang makalapit sa pari na napapailing na lang sa aming dalawa.
Akala ko mag-uumpisa na ng tahimik na kasal pero umarangkada na naman ang pagiging madaldal nitong asawa ko.
"Father ikaw rin 'yung nagpakasal sa amin five years ago right?" Tanong nito sa pari na napatango naman pero halata sa mukha ang pagtataka.
"Oo ako nga iha. Anong problema?"
"Wala lang po. Siguraduhin ninyo na totoo na talaga ito. Dahil kung hindi ayoko ng magi—joke lang father. Kayo naman hindi mabiro. Sige lang po simulan na natin ang seremonya ng kasal. M-mabuhay! " Medyo nakangiwi si Shion habang nakatingin sa akin nang masama.
Kinurot ko lang naman ang tagiliran niya sa pagiging makulit. Ano bang nangyayari sa babaeng ito?
She's acting so weird lately.
***
Hanggang sa matapos ang seremonyas ng kasal ay hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang lahat ng mga bagay-bagay.
"I pronounced you as husband and wife. You may now kiss your bride. " Anunsyo ng pari sa akin kaya nakangiti ko namang binalingan muli si Shion.
Dahan-dahan kong itinaas ang kaniyang belo papunta sa kaniyang likuran.
Nakita ko na naman ang maamo niyang mukha. Pero nakakatakot kapag nagsalita na. Sobrang lamig din niya na bagay lang sa kulay ng kaniyang mata.
Muling bumilis ang tibok ng aking puso nang magtama ang aming mga mata. Animo ay nag-uusap ang dalawa. Hinaplos ko muna ang mukha ng pinakamamahal ko.
Saka naisipan na halikan na lang siya sa labi na ikinahiyaw ng lahat ng manonood. Pati ang mga magulang namin ay nakikisigaw na rin sa tuwa.
Pero mas lalo ata akong natuwa nang ilagay na naman niya ang kaniyang bibig sa aking kaliwang tenga.
"I pronounce you to be a father again to our 4th child, my Kiki."
" T-talaga? " Nagtatanong kong saad sa babaeng ito na tanging tango lang ang sinagot.
Naninigugurado lang ako kaya ko tinatanong 'yon. Natuwa naman ako sa nabalitaan ko at hindi nagpasabi na binuhat ang asawa ko na napatili na lang saka napahawak sa leeg ko.
"YES! MAGIGING TATAY NA ULIT AKO!" Walang hiyang sigaw ko na mas lalong ikinagulo ng venue ng kasal.
Lahat ng mga kapamilya namin ay nagmadaling nagpuruntahan sa direksyon namin para lang dambahan din ako ng yakap.
Muntikan pa akong ma-out of balance kung hindi lang ako hinila nitong si Amiro para hindi kami mahulog ni Shion sa lamesa ng pari.
Mga tarantad* talaga lalo na sila Jrake, Hansel at Naver. Pasimuno ng kaguluhan!
Tsk!
"Magiging ninong na ako!" Sigaw ni Amiro na ikinasang-ayon naman namin ng asawa ko.
Ibinaba ko na rin siya para hindi maipit ang nabubuong bata sa t'yan niya. Magsisimula na naman ako na magpasensya sa pagiging bipolar ng asawa kong si Shion.
"Sana babae para ligawan ko!" Ayan na naman si Naver.
Ano bang nakain nitong hinayupak na ito at pati ang mga anak ko ay dinadamay niya?
"P'wede bang manahimik ka na lang Naver? Huwag ang mga anak ko." Pagbabanta ko rito na ikinakibit-balikat na lang niya.
"KJ!" Asik nito saka naglakad na para makalayo sa aking direksyon.
Hindi ko na rin hinabol pa. Baka saan pa kami mapunta.
"Tara na sa reception. Nagugutom na ako!" Nagsalita na naman si Patay Gutom.
Walang iba kundi si Hansel.
"Oo nga po tito. Ang tagal ng kasal. Kakagutom." Sang-ayon din naman ng anak kong si Kian sabay hawak sa braso ng kaniyang tiyuhin na nakangiti sa anak ko.
Kakaibang ngiti.
"Punyeta! Hansel huwag si Kian kung ayaw mong masapak kita nang wala sa oras." Pati ba naman itong si Hansel nakiki-Naver na rin.
Mga tarantado.
"Hay! Huwag mo na silang pansinin pa. Nagbibiro lang sila. Sineseryoso mo naman. As if naman papayag ako na mga senior citizen ang makatuluyan ng mga anak natin. Haler never!" Sabat naman nitong asawa ko at saka ako siniko sa aking tagiliran.
Gustong-gusto niya talaga na sinisiko ako. Ang sakit-sakit kaya.
"HINDI NGA KASI KAMI SENIOR CITIZEN!" Sabay-sabay na sigaw naman ng tatlo na ikinatakip ng aming tenga.
Ano ba namang mga bibig 'yan? Nakakain ng mikropono.
SHION's POV:
"Sino ba ang mag-aakala na ang isang bruha na in-offer-an lang ni Boss Kio noon ay makakatuluyan pala niya?" Naiiling na panimula nitong si Naver habang nakatingin kaming magkakaibigan sa itaas ng kalangitan.
Gabi na at lahat ng mga tao ay tulog na. Kami lang talagang anim ang mga gising.
At ang pinag-uusapan nila ngayon ay tungkol sa akin. . . sa amin ni Kio.
"Mahirap pa nga natin na makumbinsi na ipasuot ang wedding dress sa kaniya kung hindi lang nagpalusot itong si Naver na kailangan talaga. Genius brad!" Natatawang sambit ni Jrake sabay nag-apir pa silang dalawa sa isa't isa.
" Binuhat pa nga natin si Shion para lang makalapit sa direksyon ni Kio. Kahit na alam naman nating mabigat si Shion noon, ginawa pa rin natin para lang mapasaya ang kaibigan nating walang ka-emosyon emosyon kapag kasama tayo." Natatawa naman na saad nitong si Hansel sabay iling ulit.
" Sino bang mag-aakala na ang isang bilyong dolyar na asawa lang sa kontrata noon ay marami pa lang tinatago sa buhay. . ." Muling sambit nitong si Naver bago magpalabas ng buntong-hininga.
May script na naman siguro ang mga ito. Pa-palit palit kasi 'e. Kanina pa!
"Isang karanasan na hindi ninanais marinig ninuman. Napakagaling niya at pinabilib niya kami sa pagiging matatag niya. She's the only One Billion Dollar Wife who change you too. . . without your prior notice." Napangiti na lang sila Kio sa komento ni Jrake.
Maski ako ay napailing na lang. Hindi inaasahan na mababago ko rin sila. Wala naman kasi akong ginagawa.
"A One Billion Dollar Wife who I never thought that she's my twin sister. Kung alam ko lang na si Amara pala ay kapatid ko, hindi na ako gumawa ng malaking kasalanan sa pamilya nila. Pero like father, like son nga naman. Saan pa ba ako nagmana kundi sa ama ko lang din naman. Dahil sa kalokohan, ayon nagsisisi sa bandang huli. Pero sa sinabi nga niya. Itapon ang lahat ng negatibo sa ating buhay at tanggapin ang masayang bukas na naghihintay." Napangiti naman ako sa naging sagot din nitong si Amiro saka ginulo ang buhok ko. Nasa kanang direksyon ko lang siya na nakaupo.
"Dami ninyong pakulo! Si Bruha ay si Bruha. Kahit na binili ko siya sa halagang bilyong dolyar. Minahal ko naman siya sa pagiging kakaiba niya. Iniligtas ang mga taong nasa sakuna at hinayaan ang sarili na masaktan na lang nang masaktan. Pero andito ako para ibangon siya sa pagkakaluhod at itatakwil sa madilim na sulok. Tatanggapin at mamahalin ko siya. Kahit na malapit na akong mamatay sa mga kamay niya."
" Tsk! Mamatay ka muna sa pagmamahal ko. Tanga!" Walang emosyon kong singhal sa asawa ko na napapailing na lang at saka ipinasandal sa kaniyang balikat ang aking ulo.
"Haist! Because of One Billion Dollar Wife. . . naranasan natin ang ganitong set-up sa ating buhay. Mas lalong tumatag ang pagsasamahan natin."
" Oo nga! Tama ka nga Naver!"
" Lagi naman kayong nagsasang-ayunan. Remember may mga script kayo? Nasa'n na ba para maihampas ko na agad sa mga mukha ninyo. " Pagbabanta ko sa kanila at binigyan pa ang tatlo ng masamang tingin.
" Amazona!" Tawag ni Naver sa laging sinasabi sa akin. Pero ngumiti lang ako.
Dahil totoo naman.
"Sadistang gaga!" Napasimangot naman ako sa katagang inilabas ng bunganga nitong si Jrake.
"Kung noon ay bruha ang tingin ng asawa. Ngayon binabakuran na, baka raw may umekstra pa. Mga malalanding pag-ibig nga—hindi naman kayo mabiro. Joke lang!" Pagpapakalma agad nitong si Hansel nang mapansin na handa na kaming bigwasan siya ni Kio.
Pero napabuntong-hininga na lang ang asawa ko at saka niya ako hinawakan sa kaliwang kamay ko.
"Amira's still my One Billion Dollar Wife. Kung hindi iyon nangyari, maybe we didn't meet too."
" Fate give a way to see each other. Hindi lang ikaw maski ako ay nakilala ko ang kakambal ko na akala ko mukha ring pera." Natatawang sambit ni Amiro na ikinaismid ko.
"'Yung tatlo lang ang mga mukhang pera. Sinagad na nila lahat ng pera sa bangko ko. Tsk!"
" Hindi na namin kasalanan 'yon!" Naver.
" Oo nga!" Jrake.
" Ikaw ang nagsabi!" Hansel.
"Tse! Mga hangal talaga kayo!" Inis na singhal ko sa tatlo na nasa kaliwa ni Kio.
" Bumalik na tayo sa loob. Baka kung saan pa mapunta ang lahat. Remember. . . buntis ang inaasar ninyo baka mapunta na kayo sa impyerno n pinanggalingan ninyo." Paalala ni Kio sa lahat na ikinasinghap naman nilang tatlo.
Pero hindi na lang din kami nagsalita pa. Nagsimula na kaming tumayo sa aming pagkakaupo sa damuhan.
Pinili naming pumunta sa bahay ng mga Franco. Mas masarap kasi rito at dito namin nasabi ang lahat. Pati ang pag-amin ko sa kaniya na mahal ko siya.
Habang naglalakad kaming tatlo. Bigla na lang kaming pinatigil ni Naver. May hawak siya na cellphone at tutok na tutok ito rito.
"Wait! Tingnan ninyo ito oh! Viral ka na naman Shion!" Natatawang sambit ni Naver saka ipinakita sa amin ang video kung saan nagwawala este nagtatanong lang naman ako.
"Ang galing ng paksa nila ah!" Naiiling na sagot din nitong si Hansel pero nakangiti.
"She's no longer One Billion Dollar Wife but a Talkative and Amazona one." Basa nitong si Amiro sa nakasulat sa itaas ng video.
Napasimangot naman ako sa narinig ko.
"HINDI NAMAN AKO MADALDAL AT AMAZONA 'A! GRABE NAMAN SILA!"
"Tama na 'yan. Magpahinga ka na lang at siya." Pagpapakalma nitong si Kio sa akin sabay halik sa aking pisngi.
Napanguso na lang ako sabay irap. Tinulak ko pa si Kio sabay lakad na parang walang ginawa.
"Hoy bruhilda ang sakit ng pagkakatulak mo! Bruha ka!" Malakas na sigaw nitong si Kio pero binelatan ko lang siya pagkalingon ko sa direksyon niya.
"Lampa ka kasi ugok! Kasalanan mo na 'yan! Bleeh!"
"Lagot ka sa akin!" Nagbabanta niyang sigaw kaya nagmadali akong tumakbo para lang makalayo kay Kio.
"KYAHHH!"
"Huwag dito! Mga ugok sa kama kayo!"
"May anak pa sa loob! Hinay-hinay lang!"
" Wow! P*rn! Pero ang tatanda na! Umalis na kayo!"
" Anong klaseng palabas 'yan? Ang pangit!"
Mga komento ng mga ugok na kaibigan at kakambal ko ng bigla bigla na lang akong hinalikan nitong si Kio sa harapan nila.
"TSE! PAG-SURUNTUKIN KO KAYO 'E!" Malakas na sigaw ko sa kanilang apat na nakangiwi na agad.
" Joke lang!"
" Hindi mabiro!"
" Mahal ko pa buhay ko!"
"Oh god! I'm just kidding my twin."
Mga siraulo talaga. Ganon na ba talaga ako ka-amazona kaya sila ganito?
Siguro nga. Pero kung hindi dahil sa ugali ko walang mabubuong pagkakaibigan sa amin. Baka hindi ko makilala nang lubos itong si Kio.
At s'yempre hindi ko rin makaka-close ang mga magulang ni Kio. Remember! They don't like shy and bitchy personality!
'Ahahaha ang ganda ko talaga. Ang umangal. . . s'yempre wala namang bago ro'n.'
I am Amira Shariya Rieza-Franco but also known Shion Montavidad Franco is finally signing out—wait! Is this the end?
No, because this is the beginning of our relationship as a real family.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (72)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
nice
02/02/2025
0yes
22/01/2025
0nice cute story nyo sobrng gnda highly recommend ibng mgbbsa thanks author
28/10/2024
0Tingnan Lahat