Homepage/Billion Dollar Wife/
BDW 25: FORGIVENESS
SHION's POV:
Kanina pa kami palakad-lakad sa loob ng hospital. Hinahanap ang private room kung saan dinala si Amiro. Napapalingon sa amin ang mga nurse at pasyente na lumalabas ng kanilang silid.
At mga tao na bumibisita sa kanilang kapamilya sa loob. Hindi yata nila inaasahan na may mga nilalang ang may dala-dalang nakamamatay na sandata.
Napapalayo pa sa amin ang lahat. Akala mo naman papatayin namin sila. Ni hindi ko nga kayang gawin 'yon.
Nagbago na talaga si Queen Lucifer. Dahil kay Kio nagiging malapit na ako sa kabutihan. Hanggang salita na lang talaga ako.
At mabuti na rin 'yon para tuloy tuloy na ang paglayo ko sa kasamaan.
Hindi ko na dapat isasama ang pagiging isang mamatay tao ko sa kasalukuyan na isa na akong ina sa tatlong bata.
"Sa sobrang gwapo ko, may nahimatay na matanda." Natawa na lang kami sa sinabi ni Jrake.
At napalingon sa matanda na dinaluhan ng nurse. Nakita kasi kami nito pagkalabas niya ng room niya. Hindi inaasahan na makita sa mismong mukha niya ang mga taong akala mo ay magnanakaw sa loob ng hospital.
"Baka nakatadhana sa iyo ay matanda. Kaya hindi na kataka-taka." Pang-aasar naman nitong si Hansel. Habang may nginunguya na hamburger. Nagawa pang pumunta sa Jollibee para lang sa pagkain niya.
Hindi man lang kami nilibre.
" Ikaw nga ata sa baboy. Mismong baboy ang tinutukoy ko. Ang takaw mo! Wala man lang pakialam sa iba! "
'Magsisimula na naman sila.'
" Bakit alam ko ba na gusto rin ninyo? "
" Hindi ka kasi nagtatanong! "
" Paano ako makakatanong kung ang bilis bilis ng patakbo ninyo? Kaya hinayaan ko na lang kayo. "
" F*ck you kang mataba ka! "
" Hindi ako mataba! Ogag!"
" Tumigil na nga kayo! Wala kayo sa palengke para makipagtalo sa bibilhin ninyo! "
" Grabe ka naman Naver. Alam mo bang 'yun ang pinaka-" hindi na matapos ni Jrake ang kaniyang sasabihin nang unahan siya nito.
" Hindi ko sinabing magpaliwanag ka. Tsk!"
"Malapit na tayo. Huwag na kayong mag-asaran diyan. Parehas lang kayong mga matatakaw. " Sabat ko naman na ikinanguso nilang dalawa.
Nakita ko lang sa peripheral vision ko ang paglingon ng mga ito sa aking direksyon.
"Kapag si Shion talaga ang nagsalita. Ang sakit sa dibdib. Wala bang money r'yan? " Mukhang pera na saad ni Hansel na ikinaismid ko na lang.
" Tig 500 billion pesos kayo. I-ta-transfer ko na lang sa kaniya-kaniyang bank account ninyo. Nahiya naman ako sa mga mukhang pera 'e." Walang gana kong sagot na lang sa kanila na ikinatuwa nila.
"Yes! Money is life!. . ." Malakas na sigaw ni Naver.
Ang pinaka-mukhang pera sa kanila.
"But. . . Can I court your son? The eldest. Si Shaun?" Dagdag niya pa na ikinalaki ng aking mata.
"Damn you! Hindi bakla ang anak ko Naver! Saka bata pa siya. Juicemother ka!" Gigil na singhal ko sa lalaking ito.
Nagawa pang pagtripan ang anak kong si Shaun.
"Bakit ba walang naging babae? Pulos kalalakihan. Wala man lang maligawan, baka anak ninyo sa susunod ang nakatadhana sa amin." Gatong na sambit naman nitong si Hansel na ikinatalim ko ng tingin.
" Grabe kayong mga lalaki kayo. Kapag nalaman ni Kio ito, panigurado na ba-bye friendship na." Naiiling na sagot ko na ikinamutla nila.
"Sinong may sabi na liligawan ninyo ang susunod na anak ko? Maghanap kayo ng babae para sa inyo. Mga ugok." Kaya naman pala. Nasa likuran nila ang kaibigan nilang si Kio at nakaakbay pa kay Naver at Hansel.
Sila lang naman ang nagpipilit na ligawan ang mga anak namin. Mga punyeta!
Ang tanda-tanda na nila. Wala naman akong problema kung ilang taon na sila o ilang agwat ba sila. Pero haler? Ayokong maawa sa anak ko kapag namatay ang mga ogag.
Matatanda na kasi. Saka palaging nasa gulo. Ayaw nila ng tahimik ang buhay. Kaya wala sila kung minsan sa amin dahil nakikipagrambulan sila sa mga ka-ugali nila.
Ang dahilan nila lagi ay sa kompanya. Pero kaya naman nilang ipahabilin sa mga pagkakatiwalaan nila. O baka nag-hire sila ng bagong CEO sa kompanya nila. At sila na lang ang magpapasya sa mga opinyon ng mga nasa loob.
" Hehehe hindi na pala-hi! Kio my man-"
"I'm not your man. Hindi ako pumapatol sa baboy." Pagpapatigil naman nitong si Kio at saka lumapit sa aking direksyon.
Inakbayan niya ako pero siniko ko lang siya. Napanguso siya habang hawak-hawak ang tagiliran.
"Nga pala Kio. Paano mo nalaman na si Shion pala ang kasama namin ngayon?" Nagtatakang tanong ni Jrake.
Maski ako ay nagugulumihan din kung bakit nakilala niya agad ako.
"'Yung si Kuya Saint ang nagpakita sa akin ng tunay na mukha nitong si Shion. Hindi ko nga aakalain na ang bruhildang si Shion ay maganda pala. Akala ko talaga sa ibang lalaki-aray! Ang sakit mo namang maniko!" Angil niya nang sikuhin ko na naman siya.
" Pake mo? Lampayatot ka kasi kaya nasasaktan ka. Tsk!" Sabay irap ko pa sa lalaking ito na masama ang tingin sa akin.
"Saan ka nga pala galing at bakit ang dami mo namang dala na mga delikadong armas?" Nagtataka niyang tanong sa akin habang nakatingin sa mga dala ko.
"You know the Children of Satan?" Tanong ko sa kaniya na ikinaisip niya.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagkagulat ng kaniyang mukha.
"K-kayo? Kayo ang kinatatakutan na mamatay tao. . ."
"Noon 'yun!" Sabay na sambit namin sa mukha ni Kio na ikinatakip nito sa tenga.
"Aray! Ang sakit ng tenga ko!" Nakangiwi niyang komento.
"Matagal na kaming hindi nagpakita sa mga tao. Hindi ko aakalain na sila Naver, Jrake at Hansel pala ang kasa-kasama ko. Noon ang hangad lang namin ay pumatay at ipaghiganti ang mga inosente. Pero nagising na lang ako na takot na akong pumatay. Tama nga ang sinabi ko, kinuha na ng pamilya mo ang masamang ako. Grabe kasi sila makatitig sa akin. Todo kaba ako. . .woah! Ganon pala kapag ipapakilala ka sa pamilya ng mahal mo. Kaso hindi pala kita mahal nu'n. " Mahabang paliwanag ko kay Kio sabay tingin sa kaniya.
Napaismid naman siya sa akin. At hinawakan ang kamay ko kaya nakaramdam na naman ako ng kuryente na nanggagaling sa kamay niya.
"Maganda na sana ang entrada mo. Nagawa mo pang sambitin ang dulo tsk. Saka bakit ba ang tagal ninyo?"
" Ang dami pang drama na nangyari. Kakainis na Bianca 'yun. Siya pala ang may pakana ng lahat. "
" Huh? Pumunta kayo sa kuta ng mga gangster? " Gulat na gulat na tanong niya na ikinaismid ko lalo.
" Ano pa bang gagawin ko? Tumunganga habang isa-isang sinisira ang pagsasamahan natin? Mabuti nga hindi ko pa sila pinatay. Ang pangit ng mga mukha nila. " walang emosyon na sagot ko naman sa tanong niya.
"Ano namang nangyari sa kanila? Sigurado ka na hindi ka na nila babalikan? " Pang-uulit niya pa kaya aambahan ko na sana siya ng suntok nang may marinig akong nagsalita.
"Apo ko!" Napalingon agad ako sa harapan namin.
Hindi ko inaasahan na nandito na pala kami sa private room na kinaroroonan ni Amiro. Nakita ko ang isang matanda na puro accessories ang katawan.
Kulubot na rin ang kaniyang balat sa katandaan. May kasama siyang mga nurse na panigurado na ito ang nag-aalaga sa kaniya.
"Who are you?" Tanong ko rito nang nagtataka. Hindi ko kasi siya kilala.
"A-ako ang mama ng mama mo." Sambit niya na ikinatango ko naman.
"Ah ganon po ba. Mamaya ko na lang po kayo kakausapin. Kailangan kong makita ang kakambal ko. " Medyo harsh ang pagkakasambit ko pero wala akong pakealam.
Gusto ko na talagang makita ang kakambal ko. Ngayon na ngayon din.
Pumasok na lang ako sa pintuan na bukas. Nasa loob pala ang buong Rieza. Pero ng makita nila ako ay agad din silang nagsilabasan para magkaroon kami ng oras ng kakambal ko.
*Engk*
Pagsarado ng pinto kaya kaming dalawa na lang ang nasa loob.
"U-uhm. . . P-papatayin mo na ba ako?" Nahihintakutan na tanong niya sa akin.
Napansin niya rin pala ang mga dala ko. Nakaupo na siya nang maayos. Pero nakahawak pa rin sa tagiliran niya.
Ngumisi naman ako at dahan-dahang lumapit sa direksyon niya. Ang aking ngisi ay parang nagbabalak ng masama.
Kaya ganon na lang ang pagkagulat niya at pagkamutla. Pero hindi niya inaasahan ang ginawa ko.
Niyakap ko lang naman siya ng makalapit ako sa kaniyang direksyon. Napansin ko pa ang pagkatigil niya at ang pagbagal ng paglabas ng kaniyang hininga.
Hindi niya talaga inaasahan ang lahat.
" Sa wakas tuluyan ko na ngang natagpuan ang kalahati ng pagkatao ko. I'm happy to meet my half."
"I-I am. . . t-too." Nauutal niyang sambit sa akin.
Napairap naman ako nang hindi man lang niya ako yakapin pabalik. "Yakapin mo ako. Kung ayaw mong dagdagan ko ang sugat sa katawan mo. "
Pagbabanta ko sa mismong tenga niya. Kaya narinig ko ang pagsinghap niya at ginawa na nga ang inutos ko.
Pero napataas din ang aking kilay sa paraan ng pagyakap niya.
"Papatayin mo ba ako? Nakakahinga pa ako promise?" Sarkastiko kong sambit kaya natawa naman siya nang mahina.
" S-sorry. . . na-miss ko lang ito." Mahina niyang komento at hindi na nga marahas ang kaniyang pagkakayakap.
Kaya napangiti lalo ako at muling isiniksik ang aking ulo sa leeg niya.
"Kung alam ko lang na magkambal pala tayo. Uunahin ko munang makasama ka nang matagal. Kung alam lang natin na magkambal tayo, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Pero. . . dahil na rin sa nangyari, nagsilabasan na ang katotohanan. Mahirap ang lahat, mahirap matanggap pero hindi sa lahat ng oras kailangang galit na lang ang lumalamang sa ating dibdib. . ." Tuluyan na akong nakalayo at saka ngumiti sa lalaking ito.
"Tama ka. Dahil sa nangyari sa akin, napatunayan ko na kung ano bang ibig sabihin ng lahat. Hindi kita mahal bilang babae, mahal kita dahil ikaw 'yung kakambal ko. Ang kalahati ko na dapat sa akin lang nakalaan ang atensyon mo. Kapag nakikita kitang masaya sa mga anak mo, nagseselos ako sa kanila. Kasi sila kasama at lagi kang kapiling. Samantalang ako, pinipilit ko na lang mabuhay dahil kailangan. Pero. . . hindi maganda ang pagiging makasarili, mas lalong nasisira ang lahat. Pati ang pinagsamahan. Kaya patawarin mo ako ate. . . Patawarin mo ako at sana bumalik muli tayo sa dati." Sabay yuko niya at muli na namang napaiyak.
Napataas naman ang kaliwang kilay ko sa mga eksena.
" Bakla ka ba? Umiiyak ka na naman?"
"H-hindi ako bakla. . . Hindi ibig sabihin ng umiiyak bakla na. Bawal bang umiyak ang taong matagal ng gustong makilala ang kalahati ko? " Natawa na lang ako sa dahilan niya at saka siya pinisil sa pisngi.
" Kahit na umiyak ka pa nang umiyak. Ikaw lang ang nag-iisang crybaby ko, ang lalaking gusto kong makita. Kapag gumaling ka na. Hayaan mong bumawi ako sa iyo. Mag-enjoy tayong lahat para makilala pa natin ang isa't isa, hindi bilang magkaibigan . . . kundi bilang magkambal. Ayos ba? "
" Oo naman. P-pero teka. . . may nag-aaway na naman ba sa labas? Kanina ko pa sila naririnig 'e. " Pagpapatigil naman niya sa aming pinag-uusapan at napalingon na lang sa may pinto na nakasarado.
Tama nga si Amiro kanina pa may nagsisigawan sa labas.
"Kailangan na rin natin silang patigilin sa lahat. Hindi gusto ni Mommy Xiara na may sakitan ang pamilya natin. Diyan ka lang muna sa kama. Ako na lang ang bahala. " Utos ko sa kaniya na ikinatango na lang niya kahit na nasa mukha niya na gustong sumama.
Pero hindi pa siya magaling.
Nagsimula na muli ako sa paglalakad para lang makalabas sa kwarto. Gamit ang aking kanang kamay, binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang mga taong galit sa isa't isa.
Nagpapalitan ng mga masasakit na salita. At si Daddy Amaro naman ay namumula na lang sa galit.
"HINDI PA BA KAYO TITIGIL SA GINAGAWA NINYO?! ANG TATANDA NA NINYO!" Malakas na sigaw ko na nagpatigil sa kanila.
Saka bumaling sa akin ang tingin ni Lola. Kasama ang mag-asawang Hendell at Hariza. Nasa likuran si Kuya Saint at Clyde.
Ganon din si Daddy Amaro. Maski ang mga kaibigan at asawa ko.
"A-anak. . ." Dinig kong sambit ni Daddy na ikinangiti ko lang sa kaniya.
"Apo,"
"Amira,"
"Ano na 'yan may tatawag pa ba sa akin diyan na iba? Para maiba naman? " Sarkastiko kong tanong na ikinasingit naman ng isa.
" Bruhilda kong asawa. P'wede na ba 'yun?"
"Gag* umayos ka Kio. Sipain kita palayo." Banta ko na ikinanguso na naman niya.
" Ang sabi mo-oo na! Titigil na. Hindi na nga mangingialam pa." Sabay ismid niya pa nang samaan ko siya ng aking tingin.
Kaya nagpalabas ako ng mahinang buntong-hininga. Bago muling tingnan ang lahat ng narito.
"Walang maitutulong ang galit ninyo sa paggaling ng kakambal ko. Kahit naman balik-baliktarin natin ang nangyari. . . Lahat kayo nagkasala. Ikaw lola! Alam kong may alam ka rin sa nangyari pero itinago mo. At ikaw rin Tito Hendell. . . may karapatan pa rin si Daddy Amaro na malaman ang lahat. Mas masakit sa isang asawa na mabuhay na akala niya niloloko lang pala siya ng asawa niya. Hindi ko kinakampihan si Daddy huh! Hindi talaga dahil may kasalanan din siya sa akin. . . itinapon niya ako sa inyo dahil nagagalit siya sa mukha ko. Pero ang totoo, nasasaktan siya kapag nakikita ako. Mahal niya si Mommy Xiara. Mahal na mahal kaya ayaw niyang makulong sa nakaraan. At ikaw naman daddy-kung kailan matanda na si Amiro saka ka lang gagawa ng paraan para mapalapit kayo. Haler! Hindi kaya siya robot na walang nararamdaman. Tsk! " Sabay ismid ko pa na ikinayuko nilang lahat.
'Wow! Isa na ba akong mabuting nilalang? May dumaan na anghel sa harapan nila. Char! '
"Actually sobrang galit na galit talaga ako sa inyong lahat. . ."
" Kasama kami?" Singit naman nitong si Naver sabay turo pa sa sarili.
"Wala naman kaming alam diyan 'a!" Pananabat din nitong si Hansel at Jrake.
" Ugok kayo! Tumahimik nga kayo! Hindi kayo kasama. Pamilya Rieza ba kayo? 'Di ba hindi kaya manahimik kayo! " Pagpapatigil naman nitong si Kio sa mga kaibigan na napakamot na lang sa kanilang ulo.
Mahilig makisingit 'e. Akala naman nila kasali sila. Mga ugok nga sila! Tama si Kio.
"Okay, sa sinabi ko nga galit ako sa inyong kapamilya ko. Galit kami ni Amiro sa panlilihim ninyo sa amin. Nagtataka na nga ako kung ilang taon na ba ako? Kung kailan ba ako pinanganak? Kung sino ba talaga ang panganay sa aming dalawa ni Amiro? Pero hindi na sa akin problema 'yon. Ang mahalaga ngayon. . . ibaba na natin ang mga pride natin. Aminin na natin ang kasalanan natin sa isa't isa. At magpatawad kahit masakit sa puso ang inyong ginawa. Oo! Pinapatawad na namin kayo ni Amiro. Mga matatanda na kasi kayo, kaya any minute o anytime baka mamatay na lang kayo ng maaga-aray! Joke lang naman! "Angil ko nang may nagliparang unan palapit sa likuran ko at natamaan ako.
Masama ko namang binalingan si Amiro na pasipol-sipol lang na parang walang ginawa.
"You're so mean my dear granddaughter. . . Mukha na ba akong matanda sa iyo kaya malapit na akong mamatay? Mana ka talaga sa ina mo," Napagawi naman ang tingin ko kay Lola na naiiling na lang pero malungkot ang mukha. " Tama ka nga apo. Hindi galit ang dapat namumuo sa ating dibdib. Gusto kong humingi ng tawad kay Amaro. Sa labis na pagkadisgusto ko sa kaniya. Nagawa kong itago ang lahat kay Amaro. Inilayo ko ang bangkay ng anak ko sa kaniya at inilbing sa bansang aking tinitirhan na ngayon. Patawad talaga, Amaro. Sana mapatawad mo ako. " Hinging paumanhin nito sa daddy namin na napakamot na lang sa kaniyang batok pero hindi pa rin gusto ang narinig.
Sino bang hindi? Kung ang asawa mo ay inilibing sa ibang bansa na wala kang kaalam-alam. Ay jusko! Kung mamatay si Kio, sa likod ng bahay ko siya ipapalibing. Char lang!
"Patawad din Kuya Amaro. Itinago ko rin sa iyo ang lahat. At ganon din sa iyo Amira. Naging isang malupit na tiyuhin ako. Kung naging mabuti lamang sana ako sa 'yo, hindi ganto ang kahahantungan ng lahat. . ."
" Kung hindi po nangyari ito baka hindi ko nakilala ang asawa ko ngayon. " Pagpapatigil ko naman sa nais niyang sabihin kaya tipid na lang itong ngumiti.
"Nagpapasalamat ako kay Kio na ibinigay ang lahat ng pagmamahal niya para sa iyo. At sa mga magulang din niya na itinuring ka ng pamilya."
" Walang anuman 'yon. Alam namin ang nararamdaman ni Shion dahil may anak din kami na ampon lang. Si Zeus nga pala, anak ko." Pananawsaw naman ni Daddy Yuolo sabay turo kay Zeus na papalapit na sa akin habang nagniningning ang mga mata.
"Ate akin na lang ang katana mo? P'wede? P'wede?"
"Sure! Basta magsabi ka lang sa mommy mo?" Pagtuturo ko naman sa mommy niya na napapailing na lang sabay thumbs up sa amin. "Oh! Hansel may bago ka ng trainee. Si Kuya Hansel ka magpaturo if gusto mong maging malakas pa."
" Hmmm!" Patango-tango naman ito kaya ibinigay ko na sa kaniya ang katana ko. "Yes!" Natutuwa niyang sabi habang pinagmamasdan ang talas nito.
"Mommy!" Malakas na sigaw ng tatlong mga anak ko sabay yakap sa aking hita. Kaya natawa na lang ako at saka lumuhod sa kanila.
"Hey kiddos! I want you to meet your Lolo's and Lola's." Tinuro ko pa ang bawat isa sa kanila na ikinangiti nila sabay yuko.
"I'm Kio Shaun Franco."
"Kion Shanti Franco!"
"Kian Shanjel Franco po!"
Pakilala nilang lahat sabay bless sa bawat lolo at lola nila. Napatigil naman sila sa dalawang lalaki na si Kuya Saint at Clyde.
"Who are you po?" Turo ni Kion sa kuya ko na nakangiti lang sa kanila.
"I'm Kuya Saint Rieza. Nice meeting you all. Ang laki na ng mga pamangkin ko." Ginulo nito ang bawat buhok ng mga anak ko na natutuwa naman sa ginawa niya.
Pero ganon na lang ang gulat namin nang niyakap nila si Clyde na napangiwi na lang sa ginawa ng mga anak ko.
Humingi naman ako ng pasensya gamit ang aking mata.
"He's the best basketball player. We want to be like him! We want to be a basketball player like tito?" Napatigil si Kion sa sasabihin niya sabay sundot sa tiyan ng kaniyang tiyuhin.
" I'm your Tito Clyde. But don't poke my stomach. Nakikiliti ako mga bata." Pagpapaalala nito na ikinatango naman nila.
"Got it!" Natatawa na lang kaming pamilya habang pinagmamasdan ang mga bata.
Pero agad din lumapit ang isa sa daddy ko. Nagpapakarga. At si Shaun 'yon. Hindi na nag-atubili pang kinuha ni Daddy ang anak ko.
"Kamukhang-kamukha mo mommy ko. But I don't like what you did to her when she's a baby. I'm warning you." Parang matanda nitong banta sa ama ko na napangiwi na lang sa pagkagat nito sa tenga niya.
"Tama na 'yan! Tama na 'yan! Ayos na ba ang lahat? Wala ng awayan? Hindi na ba tayo magsisisihan? Katahimikan at pagmamahal na lang ba ang nasa dibdib natin?" Tanong ko sa lahat na ikinatango naman nilang lahat.
Kaya napangiti ako nang malawak.
" Oo! Pero 'yung kasal ang hinihintay namin! Kailan ninyo balak magpakasal ni Kio?" Rinig kong sigaw mula sa loob kaya napalingon lahat sa kaniya.
"Andiyan ka pa pala, Amiro akala ko patay ka na-joke lang. Ahahaha! Darating din tayo r'yan. 'Di ba Lampa?" Tanong ko kay Kio na nasa harapan ko na.
Inakbayan niya pa ako habang nakangiti.
"Oo naman! Baka gusto ninyo ay bukas na bukas din?" Hirit din nitong asawa ko na ikinahiyaw ng mga kalalakihan. Nakisali na rin ang mga matatanda.
"Aba sige lang 'yan!"
"Totohanin na!"
"Isunog na ang kontrata!"
"Baka may umagaw pa!"
"Si Amiro na nagmahal, pero kambal pala ang hinahangad. O kaysakit naman ng tadhana na nakaguhit sa kaniyang palad." Ayan na naman si Jrake sa pagiging makata niyang hilaw.
"Ut*t! Dati na 'yun!"
Nagsitawanan na lang ang lahat at kasama na ako ro'n. Para kaming mga tanga na tumatawa sa private room habang dumadaan ang mga tao.
Pero wala akong pakealam. Ang mahalaga sa akin ngayon. . . tatanggapin ko na nang buo ang lahat ng pamilya ko.
Kahit na masakit ang ginawa nila, hindi galit ang dapat nating dibdibin. Kundi pagpapatawad at pagtanggap ng malugod sa kanila.
That's the only thing we can do before it's too late. Baka magsisisi pa tayo sa huli. Hanggat maaga pa. Sabihin na ang lahat.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (72)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
02/02/2025
0yes
22/01/2025
0nice cute story nyo sobrng gnda highly recommend ibng mgbbsa thanks author
28/10/2024
0Tingnan Lahat