Homepage/Billion Dollar Wife/
BDW 21
SHION's POV:
"Saan ka pupunta aber? Bakit bihis na bihis ka?" Tanong ko sa magaling kong asawa na naka-jacket na akala mo hindi mainit.
Nakasando lang siya na terno. At camouflage pants na ang sapatos ay Nike ang tatak. Hindi ba pwedeng Naver na lang? Kung meron man. Char!
"Someone wants to meet me. I know you're worried, but Kion needs you. He's sick. " Pagpapaalala niya sa anak naming nasa kwarto nito habang mataas ang lagnat.
" Pinakain mo kasi ng maraming ice cream. Sino bang hindi magkakasakit? 'Yung selecta na isang buo na malaki, sa kaniya mo lang pinakain. Sira ka talaga! " Sasapakin ko sana siya sa mukha niya nang mabilis siyang tumakbo palayo sa akin.
Dumila pa ito nang makalabas ng bahay. Isip-bata kahit kailan.
'My god! He's already 34 years old. But acting as if he's a child.'
"I'LL GO HOME! DON'T WORRY!" Malakas na sigaw niya habang naglalakad na palabas.
" MALAMANG! ANONG SA TINGIN MO? MAKIKITULOG KA SA KABET MO! HOY! KIO HINDI KA KUMAKAIN NG PINAKBET? REMEMBER?!" Pagpapaalala ko sa dambuhalang asawa ko na ni minsan ay hindi man lang kumain ng gulay.
He's not a vegetarian. Carnivorous kasi siya. Char!
"KAPAG MAGANDA ABA SWERTE NA!"
"HOY ASUNGOT LAGOT KA SA AKING LALAKI KA! HINDI SA LAHAT NG ORAS MANANATILING MAGANDA! TANG*!"
" UMAYOS KA NGA! BUNGANGA MO PANG-KALYE!"
" IKAW ANG UMAYOS! MAMAYA NIYAN MADA—AHAHAHA LAMPA! OGAG NA LAMPA!" Napahawak na lang ako sa dibdib ko habang nilalabas ang aking halakhak.
"SH*T!"
Sino bang hindi matatawa kung ang magaling mong asawa na nakikipaglokohan sa akin. . . Ayun! Muntikan ng madapa pagkalabas niya ng gate.
"AHAHAHA!"
"Mom? What are you laughing at?" Nagtatakang tanong ng isang maliit na boses na panlalaki sa aking likuran.
Mabilis akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Shaun na nakataas ang kilay.
'Siguro iniisip nitong anak ko na nababaliw na ang kaniyang ina. Aba! Sa ganda kong ito? Magiging baliw lang? Pero wala namang pinipili ang pagiging baliw.'
"Oh! Your dad, son. Muntikan na siyang madapa sa may gate. Lampa kasi." Pagke-kwento ko sa anak ko.
Sakto naman ang pag-alis ng kotse sa aming bahay. Panigurado na nakaalis na nga ang lalaking 'yon.
"Like Kian, muntikan na rin po siyang madapa. Mabuti na lang nakahawak agad sa hagdan." Napapailing na lang ako sa sinabi nitong si Shaun.
" Mag-ama nga talaga. . ."
"Parehas pong lampa?" Tanong niya sa inosenteng mukha na ikinangiti ko.
" Oo. Kaya tara sa kwarto ng kakambal mo." Yaya ko sa anak kong tumango naman.
"Yes mom!" Nagsaludo pa siya.
Nakuha niya talaga sa akin ang lahat. That face, that color of eyes and his attitude.
Amazon. Crazy and of course we're good looking!
Pero biglang tumambol ang aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan. Napalingon pa ako sa labas ng gate. Kaso wala naman akong nakita.
Sino kaya 'yon?
"Do you felt that too, mom?"
"Yes anak. . . Kanina pa may nagmamatiyag sa atin. Pumasok ka na sa loob at ako na ang bahala sa labas." Utos ko sa anak ko.
Nagdadalawang-isip pa siya kung susundin niya ako. Pero binigyan ko siya nang walang ekspresyong tingin. Hindi dapat siya madamay sa ganitong problema.
"O-okay mom. . . Take care!" Napatango-tango naman ako sa anak ko.
He's worried.
" I know son. Babalik ako. "
Hindi ko na pinansin pa ang anak ko at naglakad na nga para lumabas ng aming bahay.
Palingon-lingon pa ako sa buong sulok. Sa may sala, garden sa kaliwang direksyon ko. At sa kanan din na puro halaman lang ang nakikita ko saka fountain na may statue.
Hanggang sa mapalapit na talaga ako sa direksyon ng pintuan na bukas. Hinahanap ang presensya ng taong 'yon pero ganon na lang ang taka ko nang may makita akong box sa gilid ng gate. Sa may kaliwa.
Nakalagay sa damuhan.
Napakunot ang aking noo kung bakit kulay itim na may pula ito. Hindi basta-bastang kulay pula kundi pulang-pula na bloody.
Kahit na nagugulumihan ay kinuha ko pa rin ito sa kinalalagyan. Tinitingnan ang buong gilid nito.
Wala naman akong nakikita na kakaiba. Parang normal na box lang. Ang sukat nitong kahon ay panigurado na parehas lang. 8 inches kumbaga. Marunong kasi akong sumukat. Pati ng ano. . . nang tangkad ng mga anak ko.
"Ano kaya ang laman nito? Ni hindi man lang sa amin ibinigay nang face to face. Sira ba ang nagpapabigay?" Tumaas pa ang aking kaliwang kilay sa naiisip.
At ginawa na nga talaga ang dapat kong gawin. Hinawakan ko na ang takip ng kahon. Pero nanginginig ang aking kanang kamay. Parang may pakiramdam na naman ako na hindi normal ang nasa loob nito.
Tumatambol na naman ang aking dibdib sa matinding kaba. Oh sh*t!
"What the hell? Ano na namang nangyayari sa akin?" Inis na singhal ko sa aking sarili.
Saka tuluyan na ngang binuksan ang box. Ganon na lang ang paglaki ng aking mga mata at ang aking bibig ay napaawang na lang.
"They are crazy! Sinong hangal ang magbibigay ng patay na manok sa bahay namin? Ni hindi man lang inayos ang pagpatay. Ang baho pa! Sira ang ulo nun ah! May pa-letter pa ang ogag!" Inis na singhal ko at binagsak sa lupa ang kahon matapos kong makuha ang kulay puting bond paper na hinati lang sa sukat na apat.
'Guess who? You have 30 minutes left to figured it out! Watch out! -A.G. '
"Watch out daw? Ogag ba siya? Tado kung sino ka mang dem*nyong naghahasik ng lagim sa mundo. Ipaparanas ko ang galit ng isang magandang diyosa ng impyerno. Hindi ko pa nga ginagawa ang kagustuhan ko sa mundo." Madiin na sambit ko sa papel na ito na akala mo ay nasa harapan ko lang ang kalaban ko.
A.G.? Sino bang mga hinayupak ang gumugulo sa buhay namin at hindi man lang kami pinapatahimik?
Haler sa ganda kong ito. Haist!
"Kio huwag na huwag kang uuwi sa aking may sugat ang katawan mo. Kung ayaw mong makapatay ako nang wala talaga sa oras." Malamig na sambit ko sa hangin.
Kung si Kio ang tinutukoy sa papel. . . Dahil siya lang naman ang mahilig sa manok. Ako rin naman.
Kaso si Kio nga lang ang wala rito. Umalis siya para makipagkita sa kung sino mang tao.
"Haist! Ang hirap naman nito! Sino ka bang A.G. ka?! Kakatayin talaga kita nang pinung-pino! Huta ka! "
Kanina pa ako mura nang mura. Hindi ko lang mapigilan ang mainis at magalit sa mga nalaman ko ngayong araw. Kung kailan wala na si Amiro at Bianca. Saka naman may papasok na bago?
Haler? Mukha ba kaming masama na kailangan ng patayin?
'Kailangan ko na talagang gumawa ng plano. Papapuntahin ko muna ang mga magulang ni Kio rito. Haist! ' sabi ng isipan ko at tinapon na lang kung saan lang ang sulat na nakayupos na.
Naglakad ako para lang tawagan na ang mga magulang ng k*pal na 'yon. Kaysa naman sa tumunganga na lang ako rito at walang gawin.
"Tsk!"
KIO's POV:
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa lalaking ito na nakaprenteng nakaupo sa labas ng cafe.
May mga upuan sa labas at ganon din ay pabilog na lamesa. At maging payong na rin para hindi masilaw kami sa init.
Alas dyes na ako nakarating sa sinasabi niyang cafe sa siyudad.
Akala ko nga mauuna siya pero ako pa rin. Hindi na kataka-taka.
Naging magkaibigan kami ni Amiro noong umalis si Shion sa U.S., ang tanging naalala ko lang noon ay may hinihintay kami.
Tukoy ko noon ay si Amazona. Mahilig kasing manghampas at manlait na rin. Samantalang siya ay si Amara na masayahin at madaldal.
Kaya akala namin ibang tao ang hinahanap namin sa isa't isa. Dahil sa paghihintay na 'yon nabuo ang pagkakaibigan na hindi namin inaasahan.
Palagi kaming magkasama. Tumatakas ako minsan sa trabaho ko bilang bagong mamumuno ng kompanya para lang makipagkita at makipaglaro rito kay Amiro.
'Yeah! Amiro. . .'
"I want to warn you. . ." Panimula niya.
He's using his serious face again. Sa pagiging tahimik niyang tao, may tinatago talaga siyang masangsang na katauhan.
"And?" Sabay taas ng aking kilay.
Hindi ko matukoy kung ano ang pumapasok sa isipan niya. Warn me? For what? May gagawin na naman ba siyang masama sa akin?
"Don't play around, Amiro. We know. . . Shion love me so much. May mga anak na rin kami. Siya na lang ang dahilan ko para maging masaya." Seryoso ko ring pagpapaalala sa kaniya noon bago kami magkalayo.
Matatanda na rin naman kami.
Sinabi ko sa kaniya na kapag may babaeng pumasok sa buhay ko at pinaramdam sa akin ang halaga ng mundo. Kahit sino o ano pa man siya, tatanggapin ko siya at mamahalin nang buong-buo. Sa kaniya ko na lang ibabaling ang buong atensyon ko at sa magiging anak namin kung sakali.
" You're lucky. . ." Malungkot na sambit niya sabay labas nang mahinang buntong-hininga. "You have Amara, the girl I love the most. The girl who accept me as I am. Ginagawa ang lahat para hindi ako mapunta sa maling daan, nand'yan siya lagi para paalalahanan ako na ayusin ko ang buhay ko. Pero tama ka nga. . . She loves you the most. Masyado akong naging makasarili, pati anak ninyo dinadamay ko sa pagiging makasarili ko. Muntikan ko na kayong mapatay, gusto kong humingi ng tawad. Naging gahaman ako. Pinipilit ang bagay na hindi tama. Kinukuha ang hindi sa akin talaga. Sana mapatawad mo ako. . ." Nagpalabas pa siya nang mahinang buntong-hininga saka napayuko.
Napangiti naman ako nang tipid at saka tumayo sa aking pagkakaupo. Lumapit ako sa direksyon ni Amiro at tinapik siya sa kaniyang balikat.
"Mai—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sumabat siya sa akin.
" Pero hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa ginawa ko. I'm really really really sorry kuya. . ."
"H-huh?" Imbis na matuwa ako na marinig muli ang katagang 'yon sa kaniya nang magtaka ako nang mas lalo siyang nalungkot.
Anong pinagsasabi niya? Hindi ko siya maintindihan.
Nanginginig ang mga kamay niya na nakapatong sa lamesa.
"A-ano bang pinagsasabi mo?"
"I-I. . . 2 years ago nakipagsabwatan ako sa isang gang. Babayaran ko sila ng malaking halaga para lang mapatay ka. . ." Bigla akong nanigas sa aking narinig. Nanginginig na rin ang aking kaliwang kamay na nakahawak sa balikat niya.
Ang aking puso na dapat normal lang ang tibok ay nagsilakasan na. Hindi ako makapaniwala.
S-Si Amiro. . . Nakipagsabwatan sa gang na patayin lang ako.
Hindi niya ba alam na masyadong mga tuso ang mga gangster ngayon. Kapag hindi sila nasiyahan sa pera mo. Gagawin nila ang kanilang gusto. Baka pati ang mga anak namin ni Shion ay idamay.
"A-Amiro. . . hindi magandang biro 'yan." Pagpapatigil ko sa nais niya lang idugtong. Pero umiling siya.
Tumingin siya sa akin nang seryoso kaso kita pa rin doon ang pagsisisi sa kaniyang mga mata.
"I hope too! Sana nga lang hindi totoo. Sinabihan ko na sila na itigil na ang pagpatay sa 'yo. Bibigyan ko sila ng malaking halaga basta huwag ka na nilang sasaktan. B-but. . ." And he sigh again.
Napasabunot na lang ako sa aking buhok. Naiinis ako kay Amiro sa mga oras na ito. Gusto ko siyang saktan at patayin sa ginawa niya.
Pero hindi ko magawa, kaibigan ko pa rin siya.
F*ck this! Damn it! Why him?
"Kilala mo naman ang mga gangster ngayon. Hinding-hindi sila titigil sa kanilang gusto. Kahit bigyan mo pa sila ng malaking pera. . . Kasiyahan nila ang susundin nila. Hindi nila kami titigilan, papatayin din nila ang mga anak namin. Kukunin ang mga perang pinag-ipunan namin. Pero wala akong pakealam sa pera. . . kaligtasan ng mga anak ko ang iniisip ko ngayon. . . Ni Shion!"
" That's why I'm warning you. Dalhin mo ang mga anak mo at si Shion sa ibang bansa na hindi kayo makikita. Ako na lang ang bahala sa kanila. Ako na lang ang gagawa ng paraan para tigilan ka na nila. Oh! Sh*t!" Nanlalaki naman ang mga mata ni Amiro sa harapan namin.
Sa mismong kalsada. Titingnan ko na rin sana ito nang dambahan ako ni Amiro at ibagsak niya ang lamesa sa aming harapan.
Napatakip agad ako ng aking tenga sa sunod-sunod na pagtama ng baril sa aming direksyon.
Pero dahil sa kahoy na lamesa. Dito ito tumatama. Ginawa naming dalawa ni Amiro ang lamesa na panangga sa mga bala.
Hindi ko aakalain na mangyayari na naman ang nangyari sa 'kin noon.
Pauwi na ako sa bahay nang pagtambangan ako ng mga kalalakihan sa parking lot.
Mabuti na lang may mga rumorondang pulis kaya nakipagbarilan sila sa mga ito.
Pero ngayon walang pulis. Mga sigawan lang ang aming naririnig. At pagbagsakan ng mga salamin na takip ng cafe.
Ilang minuto ang pagbabaril sa aming direksyon. Akala namin ni Amiro ay tapos na. Kaya tumayo kaming dalawa.
Pero gayon na lang ang gulat ko nang iharang ni Amiro ang kaniyang katawan sa akin.
Nagpalabas pa siya nang dugo sa aking mukha na ikinagulat ko. Napalaki ang mga mata ko sa nasaksihan.
Namamawis ang aking buong katawan. Hindi ako makapaniwala.
Nanginginig ang mga kamay ko na hinawakan si Amiro na nakangiti.
Ang gumawa naman ay biglang nawala na sa aming harapan.
" A-Amiro. . . F*ck you! Bakit mo sinangga ang bala?" Naiinis kong bulyaw sa kaniya na ikinangiti lang niya lalo.
" I-I want to save my. . . K-kuya. . . F-for the f-first time. . . I'm the one who will. . . save you from bad guys. . . I-I'm already happy. . . to see you both. . . happy. D-don't ever cry. . . don't cry. . . h-hindi ko—Arghh!" Angil niya sa sobrang sakit.
Natataranta naman akong binuhat siya na parang bagong kasal. Matalim ko pa siyang tiningnan.
"Don't you ever leave me. . . Us. Mabubuhay kang punyeta ka!" Inis na singhal ko sa kaniya at pinasok siya sa kotse ko sa tabi ng driver seat.
At nagmadali na rin akong pumasok sa driver seat. Pinaandar ko na ang kotse ko, pero si Amiro ay napahiga na lang sa hita ko.
Habol-habol niya ang kaniyang hininga.
"F*ck! Huwag kang mamatay ogag!" Galit na galit kong sigaw at hindi na nagdalawang-isip na pabilisin ang takbo ko.
Hindi ko hahayaan na mamatay ang taong tinuring ko na ring kapatid ko. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (72)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
02/02/2025
0yes
22/01/2025
0nice cute story nyo sobrng gnda highly recommend ibng mgbbsa thanks author
28/10/2024
0Tingnan Lahat