Homepage/Billion Dollar Wife/
BDW 20
SHION's POV:
"Himala wala ng Amiro ang umaaligid sa atin. Ano kayang nakain niya?" Namamangha na saad ni Kio habang nakaupo siya sa swivel chair niya sa loob ng opisina. Ginagalaw-galaw niya pa iyon gamit ang paa na nasa sahig habang nakahawak ang dalawang palad niya sa isa't isa.
Samantalang ako naman ay nasa katapatan lang niyang upuan nakaupo. May nakaharang sa aming lamesa. Wala ng nakatambak na mga papeles para pirmahan niya. Inutos ko talaga sa kaniya na tapusin 'yon hanggat wala siyang ginagawa.
Ang tanging nandito lamang ay laptop niya, may kotse rin na mahal ang bili. Kotse na Lamborghini na maliit. Ballpen na nasa lalagyan. At maging sketch pad na nasa kaliwang bahagi lang ng laptop niya.
"Hmm. . . Hindi pa rin tayo sigurado na ligtas ka na. Kilala natin si Amiro, hindi siya titigil sa kagustuhan niya. " Seryoso kong sambit sabay nagdekwatro sa upuan.
" Unless, there's someone na tumutulong sa kaniya na alisin ka sa buhay niya. Hindi naman naging ganiyan si Amiro kung may nagmamahal lang sa kaniya. Nabalot siya ng inggit at feeling niya walang nagmamahal sa kaniya. Ikaw lang ang nagparamdam kay Amiro na importante siya. Kaso nga lang. . ."
" Hindi sa paraan na pipilitin niya ang isang tao na mahalin din siya pabalik." Pagpapatuloy ko naman sa ninanais niyang sabihin.
Napalingon pa ako sa kaniya na napatango-tango na lang din.
"Bakit ba hindi mo siya nagawang mahalin?" Tanong niya na ikinataas ng kilay ko.
" Gusto mong mahalin ko siya? Sige lang handa akong puntahan siya. Kung sabagay kontrata lang naman— Aray! Ang sakit nu'n ah! Akala mo ikaw lang! " Matalim kong tiningnan si Kio nang itapon niya sa aking mukha ang panyo niya na bigay ko.
Mabilis kong kinuha ang ballpen na nasa lalagyan at binato sa kaniyang direksyon.
Hindi agad siya nakailag sapagkat mabagal talaga siyang kumilos. Lampa kasi simula bata pa kami.
"Sh*t! My head!" Nakangiwi niyang saad habang hawak-hawak ang kaniyang noo na namumula. Ang ballpen naman ay bumagsak sa kaniyang hita.
Pero umismid lang ako at saka napabaling ang tingin sa kisame.
"Two weeks na pala ang nakalipas. Haist!" Nagpalabas ako nang buntong-hininga.
"H-huh?" Nagugulumihan niyang tanong nang mapansin na bigla akong nawalan ng gana na naman.
"Two weeks ko ng hinahanap ang kasagutan sa katauhan ko. Kaso wala man lang akong hint kung sino ang magulang ko."
" How about sa umampon sa iyo?" Suggest niya naman sa akin na ikinailing ko." Hindi ka pa rin handa na makita. . ."
"Matagal na silang bumase sa China. Kaya hindi ako sumama sa 'yo sa China dahil kilala sila ro'n at minsan ay palaboy-laboy ang dalawang kapatid ko. Baka makita nila ako ng wala sa oras." Pagsasabi ko ng totoo sa kaniya na ikinabilog ng kaniyang bibig.
He didn't expect the real reason of it.
"K-kung ganon. . . how about. . . we can call them through line? Or messenger?"
"Hindi sila mahilig sa social media."
"Instagram?"
Matalim ko na naman siyang tiningnan sa mga pinagsasabi niya. Kakasabi ko pa lang na hindi sila mahilig sa social media, ipagpipilitan pa niya ang kaniyang gusto.
"Suntok gusto mo?" Pagbabanta ko na ikinailing naman niya.
"Ayoko nga. Ang sakit mo na ngang mambato." Nakanguso niyang sagot sa akin na ikinangiwi ko na naman.
" Tsk. Minsan napapaisip na ako kung totoo ka bang lalaki o nagpapanggap lang na lalaki? Tandaan mo ito Kio, kapag bakla ka—'E di wow!"
" I'm not gay. Who told you I'm gay? This face. . .sa gwapo kong 'to? Saka may anak na rin ako kaya bakit ako magiging bakla?" Sunod-sunod na tanong niya.
" Sinabi ko bang magpaliwanag ka? I'm just teasing you. My god Kio!"
"I'm not your god. I'm your husband. " I gave him a death glare that made him gulp.
" Nagawa mo pa akong pilosopohin sa mga oras na ito. Pero anong balita sa bahay? Nakarating na ba sila mommy sa bahay? " Pang-iiba ko naman ng usapan.
Baka makasapak na ako ng asawa ngayon. Nagiging sira*lo na talaga ang nasa harapan ko.
"Hindi mo ba nabalitaan?"
"Tatanungin ko ba kung nabalitaan ko na? Asungot talaga! Sasabihin mo o sisipain muna kita sa iniingatan mo para wala ka ng magiging anak sa susunod? "
" Oo na! Oo na! Pero huwag naman sa pinagkakaingatan ko. Kailangan natin ng babae para may prinsesa ang mga anak natin. "
" Mukha ba tayong royal blood para magkaroon ng princess sa pamilya?"
" Hoy bruha! Nasa'n na ang utak mo at puro saan-saan ka na lang napupunta? Hindi ko naman sinabi na prinsesa talaga. . . paano ko ba ipapaliwanag sa iyo nang mabuti?"
" Huwag mo ng ipaliwanag. Masasaktan ka lang. Ang tinatanong ko ang sagutin mo. "
"Yeah whatever—joke nga lang!" Angil niya nang makita na nasa kamay ko na ang sketch pad niya at handa na siyang saktan pa. "Tsk. Umaga pa lang nasa bahay na sila, pupunta raw sila ngayon dito. Si Daddy tinuturuan na muna ang tatlo kung paano mag-manage ng business. Kaso nga lang may isa ang lumayas sa pagtuturo. Alam mo naman kung sino ang mahilig din sa atin. . ."
Napatango-tango naman ako sa pinapahiwatig ni Kio sa akin sa mga oras na ito.
Sa tatlo, si Shaun lang talaga ang walang hilig sa business. Minsan ko na siyang napapansin na ginagawa ang lahat para lang makapag-drawing lang sa kaniyang sketch pad.
Kahit apat na taon pa lang sila. Shaun doing his best para lang sa edad niyang 'yan marunong na siya.
Marami akong binili na mga coloring pad. Para kahit papaano ay marunong din siyang umayos ng pagkukulay.
Si Kion naman. . . paiba-iba ang gusto niya. Kung ngayon gusto niya maging businessman, bukas naman baka arkitekto. O sa susunod na bukas ay isang artist.
Pero ang pinaka-nakikita ko sa kaniya na gusto niya sa pagdating ng araw ay pagiging singer. He had a great talent in singing.
Kung papalawakin lang niya 'yun, panigurado na makakasali siya sa mga banda.
Si Kian naman? Panigurado na business talaga ang gusto niyang tahakin sa mundo. At baka siya pa ang magmamana ng business ng ama o hindi kaya ay paghatian nila ng Tito Zeus niya ang business nito.
Si Zeus nga pala. . . 17 years old na siya. Pero ang tangkad na rin. Makisig at may ipapanlaban talaga sa itsura.
Kung si Kio ay habulin ng malas, si Zeus hinahabol ng mga babaeng patay na patay sa kaniya. Kunti na lang talaga mapapatay ko na sila. Kidding!
"Natahimik ka ata bruha?"
"Shhh. . . Nag-mo-monologue pa ako sa isipan ko. Huwag kang maingay. Tsk! Masisipa na talaga kita."
" Ano bang pinag-uusapan niyang isipan mo at ikaw? Pati diyan hindi ka—aray!" Hindi niya inaasahan na itatapon ko talaga sa mukha niya ang sketch pad na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin.
Sobrang kapal nu'n kaya hindi na ako magtataka kung masakit bang talaga. Ang ingay 'e!
"What's happening here?" Nagugulumihan na tanong ng kapapasok pa lang.
Tinapunan ko naman siya ng tingin at saka ngumiti nang matamis.
"Naglalaro po kami ni Kio. Ano po bang nakikita ninyo?" Sarkastiko kong tanong na ikinatalim ng tingin ni Daddy Yuolo.
Na-pa-peace sign agad ako. Aba baka maging dragon siya. Tapos paghiwalayin kami nitong si Kio. Aba! Hindi dapat mangyari 'yon, sa libro ko lang nakikita na tutol ang magulang sa babaeng papakasa—
"Aray ko naman dad! Sakit ng batok mo 'a. Nakita ko na agad ang heaven. P'wedeng isa pa, gusto ko pang makita." Pakiusap ko sa kaniya na handa na nga akong bigyan pa nang mabilis akong tumayo saka lumayo sa direksyon niya. "Joke lang naman. Hindi ka mabiro dad. Baka hindi ako tanggapin sa langit kapag ginawa mo 'yan." Dagdag kong sambit na ikinailing na lang niya sabay tingin sa amin nang seryoso.
'Wews mukhang may malaking problema ata ang pamilya. Este kami pala.'
Napansin ko ang pagpasok ng mommy ni Kio kasama ang tatlong bata. Pero ganon na lang ang gulat ko sa aking nakita.
Agaran akong lumapit sa anak kong si Shaun. Lumuhod ako sa harapan niya habang tinitingnan nang maigi ang aking anak.
Nanginginig ang aking mga kamay habang hinahawakan ang kaniyang kamay na may benda na.
"A-anong nangyari kay Shaun, Mom?" Utal-utal na tanong ko sabay baling kay Mommy Shara na hawak-hawak din ang dalawang bata na kapwa nakayuko.
May mga bandaid din sila sa kanilang tuhod.
"May gustong patayin ang mga bata. Nasa parking lot kami no'n. Nakalabas na ang lahat at masayang naglalakad ang mga bata para tumawid sa daraanan ng kotse palabas ng parking lot. Wala naman kaming napapansin na may kotse na lalabas kaya hinayaan namin sila. Pero gayon na lang ang gulat namin nang sumigaw si Shaun. Tinulak niya ang dalawang kapatid niya para makalayo nang tuluyan sa daanan. Kaso may bato na nasa papahulugan nila. At si Shaun ang natamaaan instead of Kion. He save his brother." Mahabang paliwanag ni Daddy Yuolo.
Napalingon agad ako sa direksyon niya. Nakaupo na ito sa kabilang upuan na katapatan din ng inupuan ko. Nakahawak sa sentido habang nakasandal ang siko sa lamesa.
Si Kio naman ay mabilis din ang tayo at agad na lumapit sa dalawang bata pa. Maski kay Shaun ay ganon din ang pag-aalala ang nakita ko.
Napayukom na lang ang aking kamao.
"Sumusobra na si Amiro. . ." Malamig na sambit ko pero biglang pinatigil ako ni Daddy Yuolo sa pagsasalita.
"Hindi si Amiro. . . Black Porsche ang gamit nito. Amiro never try that car. Only Mercedes-Benz and Bugatti. So, it's really impossible. May iba pa ba kayong kaaway maliban kay Amiro?" Tanong nito sa amin na ikinailing na lang namin ni Kio.
Wala naman kaming alam na iba pang kaaway. Maliban na lang kay Bianca, pero imposible rin na si Bianca.
Hanggang salita lang naman 'yun. Saka nabalitaan namin na umalis na ito ng bansa. Napag-alaman na ikakasal na ito kay Marco.
'Sana all kayang makipaglandian habang engaged. Sana all talaga. Saan kaya nakalagay ang katinuan sa utak ng babaeng 'yun?'
"Huwag na muna natin 'yang isipin. Ang pag-usapan na muna natin ngayon ay ang tungkol sa kasal ninyong dalawa. Kailan ba ninyo balak magpakasal ng totoo? Five years na kayong nasa kontrata. Hanggang ngayon wala pa rin? Baka sa huli peke lang pala ang pagmamahal ninyo? " Naiiling na tanong sa amin ni Mommy Shara.
"It will not happen!" Segunda ni Kion sa sinabi ni Mommy.
"Si Mommy and Daddy lang po!" Komento rin nitong si Kian.
"We will hunt Cupid if daddy and mommy will not end up together." Walang emosyon namang pananawsaw din ni Shaun na tinatango-tango ko naman.
" They're right mom. Also Shaun have a great suggestion. " Pagsasang-ayon ko naman na ikinailing na lang nilang mag-asawa.
Napatayo na kami sa aming pagkakaluhod ni Kio at hinarap na nga nang maayos ang dalawa.
"Kapag tapos na ang lahat po. Hindi pa tayo nakakasigurado na ayos lang talaga. Baka sa kasal namin magkaroon pa ng big explosion or something na nakaka-shock. Ayoko nga ng ganon, gusto ko ako ang manggugulat. Tipong sisigaw na 'Wahhh! Ayokong magpakasal sa rapist!' parang—naku! Kanina ka pa Kio! Naiinis na ako sa iyo." Matalim kong binalingan si Kio na nasa kanang bahagi ko.
Si Shaun naman ay nasa kaliwa.
'Ni hindi lang nagpapasabi na may hidden agenda pala siya. I mean hidden talent para lang batukan ako nang batukan. Tsk.'
"Mga banat mo hindi nakakatawa. Baka mag-viral na naman. Imbis na ang maging tema ay ang 'One Billion Dollar Wife real wedding ceremony', turned into 'One Billion Dollar Wife has a rapist husband.' Tsk!" Sabay ismid pa nito pagtapos niyang sambitin ang bagay na 'yon.
Natawa na lang ang mga magulang ni Kio. At ang pag-aalala namin sa mga bata ay pansamantala na munang nawala.
***
SOMEONE's POV:
"Shion Montavidad Franco. She looks familiar. . ." Sambit ng mommy ko habang nakatingin sa laptop niya.
Pinagmamasdan ang viral post na matagal ng naipakita. Ngayon lang namin napagbigyan ng pansin.
Busy kami sa paghahanap kay Shian. Hindi namin alam kung ano ang pumasok sa utak ng babaeng 'yun kung bakit lumayo siya.
Kaso may hint na agad ako. May alam na siya at galit siya sa amin. Hindi magiging ganito ang lahat kung hindi mabigat ang problema niya.
Kilala ko siya. Kilalang-kilala ko ang buong pagkatao niya. Kaso nga lang kinakain ako ng galit noon.
Pero ngayon na-realize ko na ang hirap pala na wala ang amazona na 'yon. Miss ko na si Shian. Miss ko na ang pagdantay ng mga paa niya sa balikat ko habang busy ako sa laptop ko.
Kahit alam niyang galit na galit ako. Wala siyang pake. Gagawin talaga niya ang gusto. Maski kay Daddy ay ginagawa niya rin ito. Kaya labis ang inis ni Daddy kapag sobrang likot ng mga paa ni Shian. Kaso nga lang manhid na babae.
Gusto kong humingi ng tawad sa lahat. Gusto kong maging maayos na kami, kahit hindi ko siya tunay na kapatid. Itinuring ko na siya na parang prinsesa namin. Kaso nga lang palaging lumalamang ang aking galit.
"Of course Mom! She's Shian. Look at this picture." Pinakita ko sa kanilang tatlo ang picture nilang mag-asawa sa social media. Kasama ang cute na mga bata na sa tingin ko ay edad na apat.
May isa lang ang naging kamukha ni Shian. Pati ang kulay ng mata ay nakuha niya kay Shian.
Gray eyes.
Sa Facebook kumbaga ko ito nakita. I'm not into Facebook. But I don't have any choice, we need to find that girl. Lahing teleporter pa naman 'yun, kung saan-saan nakakarating nang hindi namin namamalayan.
Kung ano pa ang mangyari sa kaniya. Baka magaya siya kay Tita na namatay sa pagliligtas sa ama niyang itinapon lang siya na parang basura.
Simula ng malaman ko ang katotohanan sa pagkatao ni Shian. Naawa na ako sa kaniya. I can't believe it. Who would too?
Kaya pala ganon ang galit ni Mommy kay Daddy dahil mas pinaparamdam ni Daddy kay Shian ang walang kwenta. At hindi na dapat binuhay pa.
"That necklace! Nakita ko 'yan kay Shian na suot-suot niya. But, nawala ito when we left U.S. Pero baka may iba pang necklace na kagaya niyan. " Pagdadahilan na naman ni Mommy na ikinaismid ko.
"Customized necklace 'yan mom. Pinagawa mismo ni Shian 'yan. That 4 letters has a meaning. Name maybe. " Sabay kibit-balikat ko pa sa kanila.
" If she's Shian. Then we need to go back in the Philippines." Seryoso ngunit may lamig sa boses na saad ni Daddy na nakatingin lang sa picture nilang magpamilya.
"Why daddy?" Tanong naman nitong kapatid kong bunso.
Matanda na rin siya. Nasa 28 years old na siya. Pero wala pa ring asawa.
I have wife. But she's not here. Pinapunta ko muna sa magulang niya kasama ang mga anak ko. Kailangan ko munang ayusin ang gusot ng pamilya namin.
"Past cycle." Tipid na sagot nito sa amin na ikinataas namin ng aming mga kilay.
"I don't get it dad." Sinsero kong sagot dito na ikinakunot na lang nito ng noo.
'Mahirap talagang kausap ang tumatanda na. '
"Malalaman din ninyo. For today, pack your things and we need to arrived in the Philippines as soon as possible. Before it's too late. "
Kahit na nagugulumihan sa sinasabi ni Daddy. Wala na rin kaming nagawa kundi ang mapatango na lang.
'He's the boss. We need to follow his command. '
****I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (72)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
02/02/2025
0yes
22/01/2025
0nice cute story nyo sobrng gnda highly recommend ibng mgbbsa thanks author
28/10/2024
0Tingnan Lahat