Homepage/Lodestone Abiding/
30
Thank you for letting me to write 'The Undying Affection' I'm so glad I already through this slight romance story. Hoping you'll still on hand to me to support for my next story...
CHAPTER 30
"Simula ngayon lalayuan ko na siya."
Kagabi ay dumating na sina Jynno at Marrife. Gaya ng ibang bisita, naging emosyonal din sila sa pagkawala ng kapatid ko. Maging ako, kapag kasi may bagong bisita ay parang nanunumbalik ang grabeng sakit sa dibdib ko eh. Grabe na ang dinaranas ko, lalo na sa isiping hindi lang ako ang nawalan, pati rin ang iba pang mga taong malapit sakanya.
Noong nagkausap kami ni Denise ay tiyaka ko lang narealize na tama naman pala siya. Hindi lang pala ang habol niya ay saktan ako. Kundi parte lang iyon ng pagpapa-alala niya na dapat ay layuan ko na ang lalaking dapat kong iwasan.
Baka mangyari na naman ang nangyari noon. Nabulag na naman ako saaming dalawa, at hindi ko na iniisip kung pwede ba kami o hindi na.
Iniwasan ko na siya nang magpaalam ang mga Flavier na uuwi na sila. Ang akala ko ay sasabay na si Lothaire sakanila pero hindi pa. Kumalabog ang dibdib ko nang makita ko siyang tumutulong muli lamay.
"Sigurado ka ba, Lucy? Baka mamaya niyan ay umiyak ka na naman." Paalala nawa ni Marrife, nginusuan ko siya at eto naman ay umirap sa harapan ko.
"Hindi naman ako lalayo kung alam kong masasaktan ako. I mean, oo masasaktan naman ako pero dahil lang 'yon sa konsensya." Naguguluhan kong aniya sakanya.
Pinapaalala ko lang sa sarili ko ang mga tamang bagay kaya nasasabi ko 'yon sakanya. At tiyaka siya naman ang nag-open ng topic kay Lothaire, edi sana hindi na ako nagsabi pa kung kokontra naman siya.
"Pero natigil na rin hindi ba ang kasal nilang dalawa base sa kwinento nung Sydney? Baka pwede ba neneng kong bait?"
Napabuntong hininga ako. Hindi pa rin ako naniniwala sa sinasabi niya. Nang bago pa kasi sila lumarga ay kwinento na saakin ni Sydney na wala na sila ni Lothaire. Na natigil ang kasal noon. Pero noon 'yon eh, paano naman ngayon? Malakas talaga ang kutob ko na matutuloy ang naudlot nilang kasal.
Kaya ngayon, ay umiiwas na ako sa lalaking iyon.
"Try mo lang naman."
Dahil sa kakulitan nito ay inis ko siyang tinapunan ng tingin. "Doon ka na nga lang kay Haechie. Kanina ka pa nun tinatawag."
"Ayaw ko nun, feeling close eh hindi nga ako nilibre ng milktea!"
Nang iwanan ko doon si Marrife ay tiyaka lamang ako napagdesisyunan na umakyat na sa taas para makapasok ako sa kwarto.
Malaki kasi talaga ang bahay ni Kuya Gerald at Kuya James kaya kahit papaano ay hindi kami nakukulangan ng space.
Naabutan ko sa malapit si Jynno. Napabuntong hininga ako at hinintay ang paglapit ng kaibigan ko. May nilabas ito sa bulsa at nang ibuka nito ang kamay ay tiyaka ako nagtaka ng makita ang laman nun.
"Lucy, eto nga pala ang necklace na ano- binili ko pa bago kami pumunta rito..." He gently touch my hand. At mas lalo lamang nangunot ang noo ko dahil siya na ang naglagay nun sa kamay ko.
"Jynno naman, para saan ba 'to? Saakin?" Natawa kong ani.
"Loka ka, alangan saakin eh pambabae 'yan." Umiling ito.
Hinablot niya ang kwintas sa kamay ko. Ang kamay nito ay unti-unting lumakbay patungo sa batok ko. At nang tuluyan niya nang inihubad ang kwintas na suot ko ay tiyaka niya naman nilagay ang kwintas na bigay niya saakin.
Nahulog ang paningin ko sa kamay na may hawak na kwintas. Kwintas pa ito na regalo saakin noon ni Lothaire, para na ring hiniwalayan ko siya dahil sa paghubad ng kwintas na ito. Walang kupas ang kinang nito kahit na matagal na ito saakin.
"Just kidding. Ang seryoso mo naman Jynno?"
"Wala, kasi. Pinagipunan ko 'yan ng matagal kaya may kamahalan. Kaya sana ingatan mo at lagi mong suotin." Kumamot ito sa batok niya.
"Oo naman ano! Salamat dito ah? Kahit papaano ay napangiti mo ako." Aniya ko at pinalo siya sa braso. Natawa ito at hindi ko maiwasang hindi hawakan ang pendant nito na flamingo.
"Basta, andito lang kami, pamilya ka na rin namin eh..." Umiling siya sa harapan ko at niyakap ako. Doon, muli na namang nagsipatakan ang aking luha.
"Oo n-naman."
"Shs, don't cry okey?" Pag-aalo niya. At tumango ako kahit na hindi niya naman iyon nakikita.
Inalis na namin ang yakap sa isa't isa. Pero imbes na sa mukha niya tumama ang paningin ko ay bigla itong napako sa lalaking paparating saamin. His eyes were dim but serene, umigting ang panga niya at unti-unti ay nagsalubong ang makakapal nitong kilay.
Kita ko sa gilid ko na napalingon din doon si Jynno. Halos malagutan ako ng hininga, lalo na nang makalapit siya saamin.
"Did you hurt my girl?" Tanong niya. I can see his beast collapsing in every words he say. Halos mawalan ako ng tamang katinuan ng kuhanin niya ang aking braso at pinalapit iyon sakanya.
Ngunit bago pa man makaapila ang kaibigan ko ay natagpuan ko na ang sarili ko na dinadala ni Lothaire papunta saaking kwarto. Magaan ang pagkakahawak niya saaking braso pero kahit na anong kawala ko ay hindi ko iyon maalis.
"Lothaire ano ba." He doesn't do thats, he's being disrespectful.
Ngunit sa halip na gantihan niya ang sinabi ko ay nilock niya ang aking kwarto. My feet was shaking when his hand finally reach my jaws, hinalikan niya ang basa kong pisngi at napapikit ako sa sensasyong iyon.
Next, he gently press my hands until our lips met. My inner self groan while he was giving me a wild kisses, nakagat niya pa ang labi ko at hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin saakin. His kisses was making me ill at ease but calmly.
Nang mahinto iyon ay tiyaka ako nakakuha ng hangin dahil masyado akong naubusan. Laglag pa rin ang panga ko sa ginawa niya.
"Why are you crying?" He said with husky.
Napabuntong hininga ako at kinalma ang aking sarili. "Lothaire. We're just talk, there's nothing wrong with that," aniya ko. Pero sa tingin ko naman ay hindi siya maniniwala dahil sa tingin nitong mapantimbang saakin.
"Eh ano 'yong pagsakal niya sa'yo? Sakal ba 'yon? I'm not going to hurt him just to tell me if he hurts you and I'll punch him a missile."
"Hindi niya ako sinampal okey? He's just locking this necklace." Aniya ko.
"Saan galing 'yan?"
Hinawakan ko pa ang pendant nun bago ako mapalunok. "Sakanya..."
His jaw moves wildly. At parang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.
"Where's the first one? The one that I gave to you? It's more expensive than that.." nalaglag ang panga ko sa sinabi nito.
"Lothaire, please hindi naman sukatan ng pera eto. Mahalaga lang saakin ang tao kaya ko sinuot ang regalo niya..."
He laugh with serious tone. Unti-unti nitong binitawan ang kamay ko at parang alam ko na ang kakahantungan ng lahat-lahat.
"So you mean, walang halaga ang bigay ko sa'yo noon?" See? I know it.
Paguran ko siyang tinapunan ng tingin. Ano ba siya? Boyfriend para maging seloso? Clingy na partner? He's been gluey to me. Na kahit anong tapon ko sakanya ay hindi pa rin ito aalis sa tabihan ko.
Bago pa man ako makaapila ay may kumatok na sa pintuan.
"Lucy? Andiyan ka ba?" Si Kuya na muntikan nang magpatalbog sa puso ko.
My feet slowly take far apart to him. Hindi ko na rin magawa pang tingnan siya sa mata dahil maging ako ay naguguluhan na.
"O-opo, Kuya." Aking sagot. At in-unlock ang pintuan. Bago pa man iyon bumukas ay tiningnan ko ng madalian si Lothaire at nagsalita...
"Mauna na ako.."
Gaya ng laman ng utak ko. Iniiwasan ko na si Lothaire, hangga't maaari ay dumidistansya ako sakanya. Hanggang may rason at dahilan pa akong dapat ipagtakpan saaking sarili ay sasabihin ko sakanya para kahit papaano ay lumayo ako sa lalaking iyon.
Pansin ko rin na halata niya ang pag-iwas ko. Hinayaan niya nalang ako sa ginagawa ko. Mabuti naman.
A melodic, dim and anguish sound of music enters to my senses. Ngayon na ang libing ni Ate, at habang tinitingnan ko ang kabaong niya na dinadala sa dapat nung paglagyan ay parang dumidistansya ako sakanya, palayo.
My mind was torment. Full of tears, I can't accept that this is the last I saw my sister's body. Hindi ko na rin nakayanan pa at nang nagsitapunan ng puting rosas ay doon na ako humagulhol ng iyak.
Ang mga tao sa paligid ko ay puro naka-itim. They're mourning too, just how I do right now. At ang live na kuha ay napapanood din ni Kuya sa ibang bansa.
Siguro ay tatanggapin ko nalang ang nangyari ngayon... Dahil alam kong hindi na rin kaya pa ni Ate, at kung magpapatuloy lang siyang mamuhay sa mundong ito ay mas lalo lamang siyang papahirapan ng sakit. I just let her with my parents. At sa bawat kinang ng kabaong niya sa tirik ng araw ay nanunumbalik ang lahat ng ala-ala ko na kasama siya. Noong nagkapuwang na ang mga isipan namin at maging sa huling pagkakausap naming dalawa.
Hindi ko lubos isipin na iyon na pala ang huling naging salita niya bago ako umalis. Kaya pala parang kinabahan ako noon sa lagay niya.
Nagsi-alisan na ang mga bisita. At tanging kami nalang ni Jynno ang narito. Andito pa siya, para daluhan ako sa aking paghihinagpis. Nakapako ang mata ko sa itim na lupa na kanina'y pinantabon sa kabaong ni Ate. Hindi na talaga, hindi ko na siya muling makikita pa.
Masaya ako dahil masaya na rin siya kung saan man siya naroroon. Pero hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang masaktan dahil maiiwan na naman akong mag-isa. Ito na naman ang pakiramdam noon, kung kailan kami nawalan ng parehong magulang. Andito na naman ang sakit na kahit na anong kalma ng tao saakin ay hindi ko maiiwasang hindi madama.
"Babalik ka ba sa probinsya, Lucy?" Tanong wari ng kasama ko. Nasa likod ko ang kamay niya at ako naman, kahit papaano'y nawala na ang kahit kaunting kirot sa puso ko.
Pumikit ako at siya naman ay mas lalong idinikit ang sarili niya saakin. "H-hindi ko alam Jynno, s-sobrang sakit pala k-kapag l-libing niya na. N-noong nakaraang araw, sobra na 'yong sakit eh. P-pero, ngayon parang p-puputok na ang puso ko..." Aniya ko, nasasaktan.
Muli na naman akong umiyak. Walang tigil na luha. At kahit na niyakap niya ako ay hindi pa rin maalis sa dibdib ko ang bigat na pinapasan ko.
"Shh, iiyak mo lang 'yan, Lucy."
"H-hindi ko kaya, Jynno. P-please pati ba kayo ay i-iiwanan ako?"
Pinapatay na ako ng sariling sakit eh. Dahil baka pati rin sila ay iwanan ako. Hindi ko na yata kaya. Kung umalis man sila ay parang pinatay na nila ang buhay ko.
"H-hindi naman, Lucy. Andito lang kami sa tabi mo ha?, Magpakatatag ka. Maging masaya ka rin, dahil hindi na madaranas ng Ate mo ang sakit niya," saad niya at hinalikan ang noo ko. Kahit papaano ay uminit ang katawan ko dahil sa yakap niya.
"Ganoon ba? K-kapag ba talaga may sakit, a-ay kinukuha na nila?" Tanong kong nagtataka pa rin. Kapag ba may sakit ako, kukunin din ba ako?
Gulong gulo na ako. Para akong batang iniwan sa parke ng magulang nila.
"Lahat ng bagay Lucy, may rason para diyan..." He touches my nose and I smiled even a little.
Nagpaalam muna si Jynno upang bumili ng makakain namin. Nagugutom na kasi ako. At tiyaka ayaw ko pa talagang umalis dito. At pasalamat na rin ako dahil hindi siya umalis sa tabi ko.
Habang naghihintay sakanya ay may biglang huminto na kotse sa malapit. Biglang kumalabog ang puso ko nang mamukhaan kung kaninong kotse ang naroroon. Bumaba ang lalaki at deretsong naglakad patungo sa tent na tarpaulin na kanina ko pa tinatambayan.
"Lucy, bakit ikaw lang andito? Asaan si Jynno? Iniwan ka ba niya?" Nag-iwas ako ng tingin at hindi siya sinagot pero kumakabog pa rin ang puso ko dahil sa biglaan niyang pagsulpot.
Ayaw kong umalis dito dahil kay Ate. Pero gustong gusto ko siyang iwasan. Sana naman ay bumalik na agad si Jynno eh. Napakagat labi ako at tiningnan nalang ang dress kong itim at ang aking palda na hinihipan ng malakas na hangin.
Umupo siya sa tabi ko. Gusto kong umusog pero kung gagawin ko iyon sa lupa na ang bagsak ng pwetan ko. Malakas akong napabuntong hininga at sa gilid ng mata ko ay kita kong paglingon niya.
His manly smell redolent in my nose. Napasinghap ako nang maramdamang umisog pa ito at nagdikit ang aming braso. I really miss him but I'm working hard to take away myself. Ayaw ko nang muli pang mangyari noon.
He's good but it doesn't mean I will pursue myself to him.
He's already tied to somebody I talked to last time...
"Lucy, kung ako lang ang kasama mo kanina. Hinding hindi kita iiwang mag-isa rito."
At kung anuman ang sinabi noon ni Denise. Iyon nalang din ang paniniwalaan ko.
Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa hita ko. His touches was weightless and feathery. Parang hindi mabigat ang pagkakayapos ng kamay niya.
Muli ay hindi ko siya magawang tingnan. Ayaw kong makita ang ekspresyong ibininigay ng mukha niya. Why Lothaire's here? Does he follow me? Does he stay like how he do last time? I have conscience and much appreciated from what efforts he do to me. But if I continue, it just like pushing myself into misery and pain.
"Why are you not looking to me?" Baritono nitong saad.
Napabuntong hininga ako. At itinuon ang atensyon sa black sandals na suot ko. Mas lalong lumakas ang ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa.
"Lucy, nasasaktan na ako sa pag-iwas mo saakin," anitong muli.
Napalunok na ako at buong lakas siyang hinarap.
"L-lothaire. Please tama na. I-I'm mourning because of Ate." Rason ko dahil totoo naman talaga.
He moved his Adams apple. "Sorry, a-akala ko ay ako ang dahilan ng luha mo..."
"Pero alam ko sa daang butil ng luha na dumaan sa pisngi mo, isa na ako sa mga dahilan nun."
I know.
"Lucy, can't you hear me?" Humarap siya saakin at napatayo naman ako bigla nang dahil sa ginawa niya. Shit, I think I'm full right now.
"Please lang Lothaire! Hindi mo pa ba naiintindihan!? Umiiwas ako sa'yo! Ayaw kitang makita sa mata ko dahil hindi na tayo pwede!" Humagulhol ako.
"P-pagod na pagod na ako sa nangyari sa kapatid ko! Kung a-anuman ang balak mo ay dahil lang 'yon sa awa! Dahil alam kong masasaktan lang ulit ako sa pag-abante ko!"
Napaupo ako sa sahig at doon ko ibinuhos lahat ng sakit sa dibdib ko. 'Yong sakit na alam kong sa dalawang tao lang ang dahilan kung bakit ko nararamdaman eh.
Ang taong iniwan ako.
At ang taong nananatili sa tabi ko kahit na hindi na rin pwede.
I love him. But this is very wrong. I know he feel the same way. But I was anxious to tell him that we can't really be together.
"L-lucy, I don't understand... Can we f-fix it?" Nasasaktan niyang tanong at hinalikan ang buhok ko habang ako ay humahagulhol ng iyak sa dibdib nito... Unti-unti niya akong itinayo habang yakap yakap pa rin ng malalaki nitong braso.
Nang makarinig ng yapak ay doon kami parehong napalingon.
"Lucy, anong nangyayari dito?"
I know it was hurt for him. But I push Lothaire away and fix my tangled face. Hinarap ko si Jynno ngunit nanatili pa rin ako sa kinakatayuan.
"J-jynno. Umuwi na tayo."
"Lucy, huwag mo akong iwanan."
Lothaire's whisper was heartbreaking and it cause my heart into uneasy pain. Kahit din na bulong lang ay parang narindi na ang buong pagkatao ko. Na parang dinidinig at sinasabi ng puso ko na huwag siyang iwanan.
"Tama na Lothaire. Maging masaya nalang tayo sa kahapon..."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (52)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
bat ganon parang anas q to HAHAHA
20/07/2023
0nice🤝👏. keep writing author
08/02/2023
0the quality the concept the plot and everything is nice
02/08/2022
0Tingnan Lahat