24

CHAPTER 24
If someone threatened you while you're moving on. You must accept it in a strange and new ways. Kasi alam mong may bagong mangyayari sa'yo, at malilimutan mo na ang nakaraan na magdadala lang sa'yo sa kalungkutan.
But what if you're in a stage of moving on, but someone made you doleful?
"May bahay si Ate rito eh. Kaso malayo. Isang oras ang byahe."
Marahan ang pagbaba ko ng bag habang tinitingnan ang pinto ng isang mamahaling restaurant. Katabi ko sina Haechie at Clenette. Buong byahe ay tahimik lang ako, I'm worried to Ate lalo na't hindi niya sinasagot man lang ang tawag ko. Pati na rin si Kuya Gerald ay hindi niya sinasagot.
"Pwede na rin siguro doon Clenette. Hindi mo ba sinabi na uuwi ka ngayon?" Tanong ni Haechie. Agaran kong iginala ang aking mata sa mamahaling restaurant na aming pinasukan. I don't know why we're here, hindi naman saamin sinabi ni Clenette.
Nag-kibit balikat ito nang umupo kami sa labas ng restaurant.
"Sinabi pero hindi naman ako uuwi talaga totally kaya ayun. At isa pa ay baka masayang Lang ang oras natin sa pagbabalik-balik dito ano."
Oo nga naman. Pupunta kami ngayon sa Bfar since sa report ay ibabase kung paano pinapalago ang business ng isang tao. Gaya ng pangingisda.
Tumikhim ako. "Mainam sigurong maghanap nalang tayo ng hotel na malapit dito." Naidugtong ko iyon bago pa man dumating ang waitress para kunin ang order namin.
Hindi ko nabilang kung ilang oras kami bumyahe. Masyadong malayo at hindi ko na masukat dahil nakaidlip ako sa byahe. Nakalimang stop kami gamit ang kotse ni Clenette.
Nag-kwentuhan kaming tatlo habang hinihintay ang orders. We've decided to dine out since may table naman sa labas ng restaurant at alas tres na rin naman ng hapon kaya makulimlim na. At isa pa, masyadong maingay ang dalawa sa harap kaya distraction lang sa ibang customer kung papasok pa kami sa loob nun.
Nang dumating ang order namin at tiyaka naman may pumaradang kotse sa gilid ng resto. I looked away, I always remember him kapag nakakakita ako ng kapareho niyang kotse.
Pero hindi ko mapigilang 'di tumalbog ang puso ko kahit na iba iba naman ang sakay ng mga kotseng kapareha ng kanya.
And since then, I never expect he'll find me. At kung magkita man kami, alam kong aksidente lang at may iba siyang agenda.
But it was opposite from what I've thinking. The door of the car opened, my jaw dropped when I saw a man escaped from montero car. There was a still a mixture of luminous but sunless shades in his eyes. Lumaki ang katawan niya, his hair looks the same pero parang malaking malaki na ang pinag-bago niya.
Yumuko ako upang 'wag siya at 'wag niya akong makita kung sakaling papasok man ito sa restaurant.
Goodness, what now?
"Ohh Lothaire! Andito ka lang pala!" Ang mga salita ni Clenette ang nagpagising sa diwa ko.
Natahimik din si Haechie at nang mag-angat ako ng tingin ay sakto iyong napatama sa mata niya. It may looks serene but solemn. He was emotionless at ako na mismo ang nag-iwas ng tingin nang makaramdam ng kakaibang bigat sa dibdib ko.
"Bro! Musta??"
Hindi ko man nakikita ngunit alam kong nagyakapan ang dalawa. They both laugh, at ang tanging pag-tawa lang ni Lothaire ang nagpadala saakin ng iba't ibang emotion. I thought this scene was only my dream but it's true. Kahit na anong sampal ko sa sarili ko ay alam kong totoo at nakikita ko siya exactly saaking mga mata.
Niyakap na ako ng iba't ibang emosyon. Hindi ko alam basta nakatulala lang ako habang nakatingin sa kahoy na lamesa na nagdudugtong saaming dalawa nang umupo siya saaking tapat.
"Ayos naman," sagot nito.
"Ang guwapo." Si haechie nang pa-bulong.
But I know I am already moved on. Nginitian ko siya nang mag-angat ako ng ulo, sapilitan. May natitira pang lungkot saakin ngunit nang ngumisi siya sa harap ko ay parang nanumbalik ang aking nakaraan. Kung paano ko nasimulan ang magmahal ng naaayon sa puso ko, at ang ngisi niya ang nagpaalala saakin kung paano ako nasaktan ng aking pinaka-unang pag-ibig.
"Oh siya pala, ito 'yong ipapakilala ko sa'yo. Si Haechie, kaibigan ko, at si Lucy." Si Clenette nang tumayo siya upang ipakilala ito saamin.
Nanuyo bigla ang lalamunan ko.
"Guys, si Lothaire nga pala. Pinsan ko."
What!? Pinsan!?
Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig at hindi matanggap na mag-pinsan silang dalawa. Ang bago kong kaibigan ay kamag-anak pala ng isang lalaking minsan ko nang minahal.
What a small world.
"Nice to meet you, kuya. Pwedeng pa-shake hands??"
"Ohh sure." Tinanggap naman ito ni Lothaire.
Ang maugat nitong kamay ang nagpaalala saakin kung paano niya hagkan ang manipis kong palad.
"Have a seat," paalala niya. Kanina pa pala ako nakatayo at tulala. I didn't accept his hands. Iritado akong napaupo pabalik, mukhang si Lothaire lang ang nakapansin na ngayon ay nakataas na ang kilay. Umiling siya at umupo na rin.
"So, uhmm. Na-istorbo ba kita?"
"Not really. Wala naman akong masikip na schedule kaya matutulungan ko kayong tatlo."
And now he's helping again. And I can't help myself but to felt delighted on how he helps other people, like me.
"Okey naman pala Lucy! Oh tahimik ka diyan?" Tanong ni Haechie na ngayon ay katabi ko.
"Kailangan ko bang mag-ingay. I was still listening." Pag-iinarte ko na sinabayan naman ng pag-tikhim ni Clenette.
"Sungit mo losyang ah." Ngumisi siya, I was irritated.
"Bwiset ka," aniya ko at pinigilan nitong huwag matawa sa reaksyon ko.
I heard Lothaire's finger that was tapping on the table. "Mag-uusap ba tayo o magdadaldalan nalang kayo?" Ang mga salita nito ang nagpatigil sa pagiging iritado ko.
How can this man controls my inner soul. Gusto kong mainis sa sinasabi nito dab wala namang masama kung mag-asaran man kami. Pero bakit kinokontrol niya ako? I can't even let myself to glare at him with my irritated face. Pero sa loob loob ko ay naiinis talaga ako.
Ayaw ko lang ipakita dahil wala na rin naman iyong mapapala.
"True Kuya! Jusko! Sarap niyong bigyan ng latigo! Maghampasan kayo oh ano!?"
"Bet ko 'yan! Hampasan!"
"Huwag na nga tayong m-magulo. Nakikinig kaya si Sir Lothaire." Sa wakas ay nasambit ko na ang pangalan niya bibig sa bibig.
"Maka-sir ka naman. Magalang ka ses? Kuya o bebe nalang para sweet!"
"That's fine, I like her saying those words again," he said.
"Uhhm, magkakilala kayong dalawa??" Gulat na turan nila kaya nagulat ako nang marealize ang sinabi niya kani-kanina lang.
"No! Hindi! Ofcourse not! Ang dami nating gagawing report presentation sa school. Kailangan na nating mag-inquire ano!" Asik ko.
"Defensive! Gora na nga! Hay naku," aniya nito.
Pasalamat na rin akong natigil sila sa pagtatanong. Kaliwa't kanan ang diskusyon ni Lothaire saamin para sa reporting. Hindi naman ako masyadong nakakapag-focus dahil sa tuwing nagkakatitigan kami ay parang nawawala ako sa sarili.
"Hoy, individual presentation 'to. Huwag kang manggaya."
Napairap ako nang hilahin palayo ni Haechie ang kanyang laptop saakin. I don't care if Lothaire saw it.
"Sorry naman! Kukunin ko nalang ang laptop ko sa kotse ni Clenette." Hindi ko pinakita ang pag-kainis ko.
"No need, here. Pwede mong gamitin ang akin."
I was going to stand up when Lothaire grab my hands. Natulala ako doon ng ilang sigundo at gaya ng dati, isang kakaibang kuryente ang bumalot doon.
"But I have too. Uhm, I can use my own." Pinigilan kong huwag ma-utal. He's making me nervous again. Ayaw ko man, pero hindi ko mapigilan na huwag makaramdam ng kakaibang gaan sa dibdib ko ngayon.
"Mainit sa labas at-" natigilan ito. He licked his lips at nag-iwas siya ng tingin. "Just use it."
Para akong asong sumunod sa maamo at paguran nitong boses. He opened first his laptop bago ko iyon tanggapin. Napakagat-labi ako nang mag-simula na siyang magdiskusyon.
"Choosy," bulong na parinig ni Haechie.
I can't help but to smirk.
"Inggit ka lang."
Nakikinig lang kami sa sinasabi ni Lothaire. Since na magkatapat kami ay madalas itong tingnan ang aking mukha. Kaya binusy ko ang aking sarili sa pagtipa sakanyang laptop gaya ng iba.
Natigil lang ang aking kamay ng wala nang maisip na itipa. At dahil makati ang aking kamay ay inexit ko ang aking document at tila lumipad ang aking puso nang makita ang bawat dokumento na naroroon.
Puro tungkol sa businesses na hindi ko naman magawang buksan.
Ngunit parang nanikip ang aking dibdib, nasa gitna na kasi ako nun nang makita ang dokumento na nakasave pa rin doon kahit na ilang buwan ang nakakalipas.
Document iyon tungkol sa advance lessons na tinuro saakin ni Lothaire noon. I was happy that we've completed those bago pa man ako umalis.
"Kuya patulong naman dito. Hindi ko understand eh."
Tumayo si Lothaire at lumapit sa dereksyon ko upang tabihan si Haechie. Hindi ko alam kung nagpapatulong lang ba si Haechie.
"Ang kati!" I teed off.
"Ha?"
"Ah wala. Sabi ko ang Kati ng batok ko."
Natawa bahagya si Haechie nang hawakan niya ang braso ni Lothaire. Fuck! "Pakamot mo kay Clenette, busy pa kami rito ni Kuya Lothaire."
"Sobrang kati mo Haechie." I was annoyed this time. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung si Lothaire ba kahit na imposible. Pero iritadong iritado ako.
"Tangina mo Lucy. Kung hindi ka lang maganda, naku baka nahampas na kita ng dos por dos."
"If you're here with your poppycocks, much better to leave." Walang lingon lingon na saad ni Lothaire.
"Sorry," aniya ko.
I heard nothing to him. Parang ang layo-layo ko sakanya habang pinagsasadhan nito ang atensyon kay Haechie upang turuan.
"Ikaw kasi Lucy," saad naman ni Clenette na ngayon ay tumabi saakin.
"Hindi ako ah. Nag-sabi lang naman ako na makati ang batok ko, Clenette. Ang dali pala magalit ng pinsan mo, I don't know ha," I opinionated.
"Malamang na hindi mo alam dahil hindi mo pa kilala- teka." Mas lumapit ito saakin. Nagtaka naman ako ngunit hinayaan ko siyang lapitan ang aking mukha. Hinawi niya ang buhok ko sa batok kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang kanyang gustong gawin.
"What are you doing?"
"Uhmm, kakamutin?" He said with not surely words.
"Hindi naman makati ang batok ko para kamutin mo." Bulong ko. I heard him laugh, naduduling ako sa lapit ng mukha niya.
"Pero 'di ba sabi mo ay makati?" Napatalon ang kaluluwa ko nang idikit niya ang kanyang kuko sa batok ko at marahan iyong kinamot. He keeps on smiling while doing that. Para akong tangang laglag ang panga dahil sa ginawa niya.
Agaran kong pinalo ang kanyang braso at ito naman ay natatawa na sa harap ko.
"Hindi na ngayon!"
"If you're here again just to chit chat with your-"
"Okey na! Magfofocus na! Feeling bossy! Pangalawang saway na 'yan ah?!" Mas lalo akong nairita. At nasabi ko pa 'yon nang hindi siya tinitingnan.
"Hoy! Talian mo nga ang dila mo Lucy! Nagsasabi lang naman ang tao. Naku! Ikaw pala itong makati at hindi ako!"
Hinarap ko siya. "Tayong dalawa ang makati, happy? At pwede ba? I know what I'm doing, we're just have a small talk with Clenette. At kung big deal sa'yo 'yon. Well it was not my fault. And don't ever get your place to control me from what I am doing."
Parang nanginig ang kalamnan ko. Humarap siya saakin at may galit na ito sakanyang mga mata. I can see how he was serious about my thoughts. Pero hindi, hindi ako magpapatalo sakanya.
"Bakit? Ganito ka ba noon? You can't even talk without any permission from other people. Pero hindi na rin ako maninibago pa." Ang mga salita niya ang nagpahina saakin ng todong todo.
"Hoy, tama na." Awat ni Haehie. Maging si Clenette ay hinawakan ang aking braso.
How can he tackle here about our past!?
His eyes remains in mine. Gusto kong umiyak ngunit napigilan na iyon nang tumalikod na siya bago pa man ako makapagsalita pa.
"Hala ka, pinagalitan mo si Kuya. Umalis tuloy."
"Hindi ko siya pinagalitan. Pinagsabihan ko lang." Nag-iwas na ako ng tingin nang umalis na ang kotse niya.
It was much better if he leave. Pero hindi ko pa rin maalis sa utak ko ang mukha niya lalo na at kasama ko pa ang kanyang laptop.
"Linyahang nanay ah? Losyang na ina ka ses?" Si haechie at natawa pa.
"Kabayo ka ses?"
"Bakit?" Taas ang kilay nito.
"Gusto mo yatang habulin si Lothaire eh!"
"Hala, malamang! He needs some comforts duh! Inaaway away mo pa kasi! Para kang tanga."
"Edi habulin mo." Iritado kong saad.
"Tsk." Tumayo ito. Hindi ko na mapigilan pang huwag isipin kung ano ba ang reaksyon ni Lothaire kanina. Kung nainis lang ba siya o galit talaga.
Inis ko pang inismiran si Haechie nang lumayo ito saakin.
"O sige! Project o siya."
"Hoy ano 'yan. Walang gaguhan! Subukan mo lang i-delete at malilinikan ka saakin!" I laughed sarcastically. Sige at pumili ka. Isang click ko lang sa laptop mo at deleted na ang report mo.
"Manahimik nga kayong dalawa! Lucy, umupo ka! Ikaw rin Haechie! Huwag na kayong magbangayan!"
"Ikaw kasi eh. Kaloka kang makati ka."
"Gaga ka ring habol kabayo." Natawa pa ako.
***
Hindi na muling bumalik pa si Lothaire sa restaurant. Tumawag pa ito kay Clenette. Hindi ko alam kung ano pa ang pinag-usapan nila. Basta ay nagsend daw itong adress para sa condo na tutuluyan namin pansamantala. My heart calling me to say sorry pero pinipigilan iyon ng utak ko. Hindi ako hihingi ng tawad sakanya.
"Kasing gaspang ng mukha ko ang Business ad, bakit kasi may reporting pa? Tapos dito pa sa BFAR? Required bang maging serena?" Napahilamos ng mukha si Haechie gaya ko ay stress na stress din ito. Now we ended up riddling this shit.
Ang hirap nga talaga kapag wala si Lothaire!.
"Loka loka ka, huwag ka nang mag-reklamo, mabuti nga at tinulungan tayo ng pinsan ko." Binigyan kami ni Clenette ng maiinom. Hindi gaya ng dati, sa dagat na pinuntahan namin ay hindi ako umiinom. Pero ngayon oo, I am trying, stress reliever ko rin ito gaya ngayon.
"Kung hindi man siya, baka ibang pinsan mo talaga ang para saakin ano?" Natatawa pa si Haechie niyan. Napangisi ako. Hindi pa naman siya nakaka-inom eh parang lasing na ang kanyang utak.
Naka-indian sit kami. Balot na balot na ng papel ang buong coffee table na ito, at problemado ako kung paano 'to tatapusing lahat.
"Tangina, si Miguel nalang. Pasensyahan kayo sa ugali niya ah."
I didn't understand their sillies. Lalo na at nagkakasiyahan ang dalawa sa mumunting alak na iniinom namin. Nakatoka lang ako kay Lothaire, He made me serious this time at kung bakit sa lahat ng oras ay dito pa talaga kami magkikitang dalawa, muli.
Haechie giggled with her redish face. "Ayan na pala si Kuya!"
Napalingon din ako saaking likod. Doon nga ay nakita ko siya. Napako ang mata ko sa mata nitong nakatingin lang sa hangin. Laglag ang panga nito nang tumabi saakin.
"Sorry kung natagalan ako. I just brought food since gabi na. Let's eat," aniya at naamoy ko agad ang kanyang pabango. He opened one can o bear at parang wala lang sakanya na katabi ako habang ako ay parang matutumba na dahil sa labis na dikit nito saakin.
"Clenette. Samahan mo muna ako." Nanuyo agad ang lalamunan ko. Taka naman akong tiningnan ni Clenette. Saaming tatlo ay si Haechie lang ang lasing na lasing.
"Luh, kakain na tayo eh mamaya nalang!" Reklamo nito.
"Libre ko! Dali na!"
"Saan ba 'yan? Pwede namang mamaya nalang." Busangot ang bibig ko. Para naman siyang bata kung magmaktol!.
"Doon lang, libre kitang betamax, dali na Clenette." Dinikit ko pa ang dalawa kong palad at nagmakaawa.
"Lucy naman, mamaya nalang."
"O sige, ako nalang ang aalis." Inis kong turan at tumayo na.
"Okey fine! Eto na! Ano ba 'yang betamax? Brand ng sapatos o ano?"
"Basta."
Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. At hindi ko rin alam kung bukas pa ba ang bentahan ng betamax kanina na dinaanan namin bago makapunta sa condo. Basta ay gusto ko lang na lumayo kay Lothaire.
Pumayag nalang din si Clenette. Nag-CR pa ito at ako naman ay dumeretso sa kwarto ko upang kumuha ng pera. Saktong paglabas ko ay ang akalang si Clenette iyon ngunit ang madilim na mata ni Lothaire ang nakita ko.
"Lucy," aniya. His voice were wretched but heavenly. Parang nagmamakaawa ang kanyang boses.
Hinagkan nito ang aking kamay. Unti-unti ring nanlabo ang aking mata dahil sa punyal na tumama saaking puso.
How do this man makes me down?
"Sir Lothaire. I'm sorry from what I've said last time. Hindi ko intensyon 'yon."
Pinunasan ko na ang aking luha matapos ko siyang iwan mag-isa.

Komento sa Aklat (52)

  • avatar
    Aliza Mae Metrillo

    bat ganon parang anas q to HAHAHA

    20/07/2023

      0
  • avatar
    Medina Algaba Balboa

    nice🤝👏. keep writing author

    08/02/2023

      0
  • avatar
    Shine Tugusan

    the quality the concept the plot and everything is nice

    02/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata