20

CHAPTER 20
Iniisip ko kung ano ba ang magandang gawin ngayon, halos wala akong maisip. Hindi pa talaga ako sanay na walang magawa kapag weekend, halos lahat ng nirereview ko ay advance learning pa na ginawa ni Lothaire para saakin.
Hindi ko naman pwedeng baliwalain nalang 'yon dahil siya ang gumawa at pinaghirapan pa niya.
Bumaba na ako ng bahay nang may marinig na katok mula sa pintuan. Sinilip ko ang sala at nakitang wala na si Ate at Kuya. Nasa trabaho na yata silang dalawa, napahikab ako at hinayaan lang ang magulo kong buhok na lumipad sa ere.
I don't care who was that. Kaya malabruhang mukha ang aking hinarap ng buksan ko na ang pintuan.
"B-bakit ka andito!?" Lumubo ang aking mata! Namula ang aking pisngi at pinagsadhan agad ng nakakagulat na tingin si Lothaire na ngayon ay nakatingin saakin, ng may panunuya.
"What? There's nothing wrong with that. I might consider myself as a visitor so welcome me here."
Pinasok niya ang isang paa sa loob ng bahay. Gumilid naman ako upang makapasok siya. Sinundan ko ang kanyang yapak habang ito ay ginagala ang bawat sulok ng bahay.
I can't take it anymore! Nanakbo na ako papasok ng aming banyo. I don't care if I left him there!, Tangina! Bakit kasi hindi muna ako nag-ayos bago ko siya pag-buksan ng pinto kanina!?
Lumabas ako nang makontento sa aking mukha. Naabutan ko siyang naka-upo sa maliit na sofa sa sala namin, napakagat labi ako nang umupo rin sa bangko. Isang himala ang pag-bisita niya dito.
"Nabalitaan ko na hindi ka na pala Papasok, your ate informed me with that." Panimula niya.
Halos mabingi ako kahit na hindi malakas ang pagkaka-bigkas niya nun.
"Kailangan ko ng focus sa pag-aaral eh."
Wala akong maisip na sasabihin. Tumayo ako nang biglang kumalam ang aking tiyan. Lothaire's hair was messy, at mukhang bagong gising din kagaya ko?
"Hindi pa ako nakapag-prepare ng agahan, sorry. U-umupo ka muna diyan, gusto mo ng kape??" Anyaya ko, pinagtaasan niya ako ng kilay nang bigla kong matanong ang bagay na alam ko na rin naman.
I forgot, he's not drinking a coffee.
"Magluluto lang ako! Saglit lang 'to." Napabuntong hininga siya bago ako pumihit sa kusina.
Impit akong napapikit habang niluluto ang almusal naming dalawa. Ano na naman ba ang dahilan at laman ng utak niya at napadalaw siya rito?
Bigla itong pumasok sa kusina. Hindi ko siya pinansin at inabala nalang ang aking sarili sa pagluluto.
"So, honor ka pala noon?" Tanong nito at nakapamulsang tiningnan ang iba pang frame sa dingding.
"Oo," sagot ko.
"Oh, so you want yourself to attained that, huh?"
"Well, most of us wants to grab an opportunity to reach our wanted. And like you, you really want and you are eager to grab your dreams."
Isang kakaibang ngisi ang ginawa niya nang humarap ako sakanya upang kumuha ng pinggan. Tapos na ako sa pagluluto. I don't want to mistreated him here, talagang wala lang ako sa mood para gumawa ng pagkain naming dalawa.
Nilapag ko na ang gatas niya at kape ko. Nasa bandehado ang sinangag at nasa ibang plato naman ang hotdog, itlog, at adobong manok na ulam namin kagabi.
"Ikaw ba 'yang babaeng nasa picture frame??" His questions was being nonstop.
Kahit na parang naninigas na ako saaking kinakatayuan ay lumapit parin ako sakanya para tingnan din ang mga frame na nakasabit sa may sala.
"Oo, noong mag- kinder ako at hanggang mag-college." I took a little bit distance, I still smell his manly scent.
Nagsimula na kaming kumain, ilang sandali pa ay bigla itong tumikim upang magtanong saakin.
"Eh  sa Kuya mo at Ate noong grade school palang sila? Wala?" He ask and licked his lower lip.
Ang gatas sakanyang labi ay unti-unti niyang dinidilaan, nang marahan. Fuck!
Kumalam ang sikmura ko at casual siyang tiningnan. "Wala, nasa kapatid ng pinsan ko ang picture ni Kuya. Habang si Ate naman ay nasa kwarto at nakalagay lang sa photo album."
Tumango si Lothaire. "Yung parents mo?? Asaan pala? Are they far away from you??"
Nawala ang kaunting kaligayahan na namutawi saakin, impit akong ngumiti. "Probably, Yes."
He nodded and take a gulp in his milk before asking me. "Ahh, may trabaho. They'll get really really mad to you if they know you're working too." Umiling siya.
Why do I like too far from him even though he's just that near to me? Kapag naman malayo ang distansya niya ay parang gusto kong lapitan.
"They'd  already know that I am working," nasabi ko.
What if he knew that my parents was dead? Does he's keep on questioning why they'd to let me work on my own? Masakit isipin na nawala silang pareho saamin ni ate.
Namatay si mama na may sakit sa puso, doon nahawa ni ate ang sakit niya. Si papa naman ay may cancer, pancreatic cancer. Nasa genes na ng pamilya nila ang ganoong sakit, mahina na ang naging life span niya kaya hindi na kami magtataka kung kukunin na rin siya gaya ng iba naming kamag-anak sa father's side.
"And what's their reaction?" He keeps on asking me. Parang dinudurog ang puso ko habang iniisip kung sakaling buhay pa kaya sila ay hahantong ba sa ganito ang lahat?
"I don't know. Maybe they get mad like your always saying a while ago. Siguro ay 'yon ang magiging reaksyon nila." Mahina ang aking boses pero sapat na iyon para marinig niya.
"Wala ba silang trabaho para gawin ang sarili nilang responsibilidad?" Taas ang kilay nito.
Binaba niya na ang kubyertos at sumandal sa upuan, halatang tapos na siya. Ako naman ay minadali na ang paglunok sa kinakain ko para masagot na siya.
"Ang sabi ko sa'yo, nasa malayo sila. Palagi nilang alam kung ano ang kalagayan ko." Yes, updated silang parati sa heaven.
"I'm sorry for the word. But if they'd already know, bakit hindi sila nagalit? Bakit hindi sila umuwi at pag-sabihan ka. Your parents was irresponsible." Dumulas ang dila nito na nagdala ng kakaibang sakit saaking dibdib.
Naalala ko pa no'ng namatay ang mga magulang ko, I was damn hurt and such a kid that time. Iniisip ko kung saan ba kami pupulutin ni Ate.
"I said they wasn't. Nagtatrabaho ako para sa sarili ko," sabi ko at parang isang pahirapang pagpipigil ang ginagawa ko para huwag man lang mangilid ang aking luha sa mata.
"No, kahit na ganoon ay mali pa rin ang pagpapabaya nila sa'yo."
"Then probably you have a good parents. Sana nga meron din ako Ng gaya sa'yo. 'Yong nakakasama mo." Nag-iwas na ako ng tingin sa mapukso nitong mga mata.
"What are you trying to say? What did you mean by that?" He said at hindi ko na mapigilang hindi mangilid ang luha.
Kita ko ang gulat sa mga mata nito nang mahuli akong nagpupunas ng luha. Agad itong tumayo para pumunta sa dereksyon ko. Tanging kalampag lang ng pinggan ang nagpatigil sakanya. Sinimulan ko na ang pagliligpit habang siya naman nilalagay sa katabing ref ang mga pagkain.
"They always know what I am doing every now and then." Panimula ko at natigil siyang muli at sinarado ang ref. Ibinaba ko ang mga pinggan at hinarap niya ako.
"Nasa malayo sila. Nasa langit, Lothaire."
I see how the shock in his eyes collapses, tatalikod na sana ako nang bigla niya akong hilahin at ihigit ako paharap.
Parang natali ang hininga ko, hindi ako makahinga dahil sa lapit naming dalawa, ang aking dibdib ay nakadikit sakanyang pang-ibabang dibdib. Kung may hawak lang sana akong baso ay baka nabasag na 'yon kanina.
"I-i don't know." He said with a pressure voice.
Sanay na rin ako at tanggap ko na wala na talaga sila sa piling ko.
Ngumiti ako. Hindi pa rin niya maalis ang tingin saaking mga mata. Ang mga kamay nito ay unti-unti nang pinapakawalan ang aking katawan. Good to him to say sorry.
"Huhugasan ko muna ang mga pinggan."
"Teka lang," aniya nito nang makatalikod na ako.  "I'm very very sorry, Lucy. I should stop saying about that," saad niya na may halong sinseridad at lungkot.
"Okey lang. Kung sana ay sinabi ko na sa'yo agad ay sana hindi na ako naging madrama pa."
"Can I travel to your house?" He ask.
Sinimulan ko na ang paghuhugas, ang agos ng tubig mula sa lababo ang naging hudyat para sagutin ko ang kanyang tanong.
"Oo naman." I didn't saw if he was gone already pero nang lumingon ako ay wala na ito sa gilid ko.
Nang mayari na ako sa pagbaba ng mga damit ay tiyaka ko na iyon nilagay sa washing machine. Ang mga puti naman ay. Pinaghiwalay ko para kusitin ko gamit ang aking kamay.
Kanina ko pa hinahanap sa bahay si Lothaire pero hindi ko na makita pa. Wala na rin ang kanyang kotse sa labas kaya paniguradong naka-uwi na ito.
Biglang napatalon ang puso ko nang may marinig na yapak. I thought it was Jynno or Marrife ngunit nang makita si Lothaire na naman iyon ay parang nakaramdam ako ng kaunting kaginhawahan.
Isang oras siyang nawala, at sa loob nun ay tapos ko nang labhan ang kaunting damit na ginamit nina Ate at Kuya.
"Akala ko kung naka-uwi ka na, wala na ang kotse mo sa labas," sabi ko. Pinagpagan ko ang aking kamay matapos kong mag-sampay. Pumasok kami sa loob ng bahay.
"Bumili lang ako ng pananghalian natin."
Nangunot ang noo ko. "N-natin?? Dito ka kakain??"
"What's wrong with that? Anong oras uuwi ang Ate at Kuya mo?" Umupo siya sa bangko habang ako naman ay parang inaakit ng sofa na humiga dahil sa labis na pagod.
"Mamaya pa sila, si Kuya ay gabi at si Ate ay mamaya sigurong hapon." Sabay tikhim ko.
"Wala ka bang gagawin ngayon??"
"Mag-aaral syempre," aniya ko matapos niyang mag-hugas ng plato, siya na ang nagprisinta kanina kaya Hindi na ako umangal pa.
Subukan niya lang na dito pa maghapunan at- ah basta! Kanina pa kami tapos mananghalian pero bakit nandito pa siya?
"Uhmm." I'll try to confront him. "Ano." Ano?? Tatnungin ko ba kung kailan siya uuwi??
"Do you want to study with me?? I have uhm, office work."
"Ha?? Sa opisina niyo?"
Umiling ito at sinandal ang batok sa sofa habang pagod na nakatingala sa kisame. "No, doon tayo sa cafe gumawa para tahimik. Go ka ba?"
Napaawang ang labi ko. Wala akong ideya kung bakit niya ako gustong isama.
"Bakit? Asaan ba ang opisina niyo??"
"Nasa Maynila pa. Nagbakasyon lang ako dito, but still I have works even in a vacant days."
Napakagat akong mariin saaking labi. "So, okey ba sa'yong mag-date."
"What!? Date?!"
He laugh in my reaction! Seryoso ako! "Ano sa tingin mo?? Tayong dalawa lang naman ang magkasama kaya people might consider it as a date."
Wala na rin kaming naging mahaba pang pag-uusap. Naging tahimik kami buong byahe hanggang sa mapansin kong naka-upo na kami sa isang table, nasa isang cafe kami, it was too far dahil sa katabing bayan pa kaming bumyahe.
Ang lagaslas ng hangin at ang hindi pamilyar na lugar ang natanaw ko mula rito.
"Gusto mong burrito?"
"Ikaw bahala," saad ko.
"Mag-oorder lang ako," anito at nilagpasan na ako.
Dala-dala ko ang mga libro na kailangan ko para magreview habang sa kabilang side ng mesa ay ang laptop ni Lothaire na paniguradong gagamitin niya sakanyang trabaho.
Tumigil na ang waitress sa harap namin nang sabay silang dumating ni Lothaire dala-dala ang milktea, donut at burrito. .
Napaipit ako ng buhok sa tenga. Umupo siya sa dating silya. Hindi na alintana ang pagkain sa hapag, I can't even focus here in studying, nakakabilib na ang bilis bilis na ng mga tipa ni Lothaire sakanyang laptop habang ako ay wala pang nasisimulan.
"Kanina pa kita napapansing tulala. Mahirap ba ang nirereview mo??" Tanong nito nang hindi ako tinitingnan.
"Masyado na kasing, uhmmm- nagtanong ka ba ulit sa uncle mo ukol dito sa lessons namin? Halatang advance learning na ito, at-" natigil ako, hindi dahil sa nahihirapan ako sa pag-aaral. Kundi dahil.
"Sobra sobra na," dugtong ko.
"Hindi ba magagalit ang suitor mo kapag nalaman niyang magkasama tayo?" Pag-iiba niya ng usapan. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya ngayon.
"Wala akong manliligaw- I mean! Meron! Meron!"
Oh come on! My goodness! Kailan ko ba aaminin sakanyang nagsinungaling ako? Kung sasabihin ko man ay nakakahiya naman sakanya!
Kumawala ang isang ngisi sakanyang labi, ibinaba niya na ang laptop at marahan akong tiningnan. "So where is Jynno, then? Hindi man lang tumawag sa'yo?? Hindi ba siya pumupunta sainyo para malaman kung umalis ka ba o hindi?"
"I don't have a suitor, it was a fake." Biglaan kong sabi.
That's true.
Ang akala kong disappointment na kalalabasan ng mukha ni Lothaire ay napalitan ng isang mapang-asar na tingin.
"Ohh, so why are you tell me you have last time. Gusto mong saktan ako hindi ba?" Tumaas ang tono niya.
"W-why would I??" I can visually know that his expression was a dark one even though he's wearing a smile, a mockingly smile. Nag-iwas ako ng tingin.
Lumapit ang mukha niya saakin gamit ang pagitan ng lamesa. I didn't even seem na andito na pala siya sa tapat ng mukha ko at nakamasid.
Marahan niyang hinawakan ang aking baba. Ang aking puso naman ay parang hinihingal dahil sa labis na pagtibok. What the? Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa sitwasyon naming ito.
"You're blushing. And badly, I got so jealous because of what you've said. Good job, Lucy." He even whispered that.
Parang ibon ang puso ko na nakawala sakanyang hawla. Ayaw kong mag-isip, but my feelings did. Ang akala ko ay mapapahiya ako sa sinabi niya saakin.
Pero bakit sumaya pa lalo ako?
I was blushing all along. Buti at umalis si Lothaire para mag-cr, naging maluwang ang loob ko dahil doon. Umilaw ang cellphone ni Lothaire na nakaharap saakin.
May notification doon, at may nagtext, at hindi ko naman intensyong mabasa, talagang nakaharap ito saakin eh.
Denise: Asa'n ka Lothaire? There's something I need to tell you, please. Can I call you?
Denise: I'll call you after five minutes if you don't respond in my message. It may way important.
The two new message gave me an embarrassing one. Nakakahiyang ako pa ang inuuna ni Lothaire. Pero ano kaya ang text na 'yon? Bakit parang kinakabahan ako?..
It was just Denise! Come on!
"Tapos ka na ba sa kinakain mo?"
"I'll pay now, diyan ka na muna."
"Lothaire, kanina pa may tumatawag. Importante yata," sabi ko nang makabalik siya.
"It was just Denise." Nilapag niyang muli ang cellphone sa lamesa.
Napalunok ako. Does Denise ain't important to Lothaire.
"Sagutin mo na, baka importante 'yan." Tumawafg muli ang numero ni Denise.
"Baka magselos ka na naman eh," anito nito na may halong panunuya.
"Why would I?"
Damn it. Niloloko na naman ako ng lalaking ito.
Halatang hindi ayon ang mood ni Lothaire para sagutin si Denise. Pero wala na rin itong nagawa, walang lingon-lingon itong umalis para makausap niya ito habang ako naman ay inaayos na ang papel at iba ko pang libro.
Alas tres na, ilang oras nalang at uuwi na si ate.
"We should go home now. Ihahatid na kita," anito nang makabalik.
Mukha siyang nagmamadali kaya binilisan ko na rin ang paglalakad para makapasok agad sa loob ng kotse niya.
"Care if I ask? Ano ba ang nangyari??"
"Nothing important, just an emergency." Pumungay ang mata nitong nasisinagan ng araw at seryosong tiningnan ang daan.
"Lucy," aniya.
I felt like my heart skip one beat this time. Nasa harap na kami ng bahay pero parang ayaw niya pa akong paalisin.
My hand went through his chest. Mas lumalim ang halik niya at ilang tulak pa saakin ay makakasandal na ang likod ko sa pintuan niya.
I let myself to recieve his hot kisses. Ito man lang ang bawi ko sa lahat ng ginawa niya.
"Don't ever leave me, I know you're too young to feel that. But I just really really wanted to have a serious relationship with you." He said and started to apply his wet lips into my ears.
My brain right now wasn't impotence, But I lose my emotion. Isang malakas na sampal ang ginawad ko sakanya.
Natulak ko ang seradura ng pinto niya kaya umawang iyon ng kaunti.
"Ano ba?!"
I don't know if I am angry or not! Pero mali ang paghalik niya saakin.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. I don't want him to anticipate that's why I get out, marahan ang pagbaba ko habang siya ay nakatulala saakin, I don't want too to hear his thought ukol sa sampal ko.
It was my enough reason though, siya naman ay may simula eh.
Parang naging mabagal ang paggalaw ng pintuan ng kanyang kotse. Isang nakakabaliw na pahayag ang binitawan niya bago ko tuluyang saraduhin ang pinto.
"Damn it."

Komento sa Aklat (52)

  • avatar
    Aliza Mae Metrillo

    bat ganon parang anas q to HAHAHA

    20/07/2023

      0
  • avatar
    Medina Algaba Balboa

    nice🤝👏. keep writing author

    08/02/2023

      0
  • avatar
    Shine Tugusan

    the quality the concept the plot and everything is nice

    02/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata