Homepage/Lodestone Abiding/
18
CHAPTER 18
Ilang araw ko nang hindi nakaka-usap madalas si Lothaire. Simula nang umamin ako ay naging mailap na ako sakanya.
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako? O Hindi dahil sa nangyari saamin. Nakakahiya rin kasi, I know he's not interested about my feelings. Pero kung anuman ang nararamdaman ko? Alam kong totoo iyon.
Ngayong araw na ang last day namin. Napagdesisyunan kong bumili ng pasalubong kay Ate at Kuya. Uuwian ko nalang siguro sila ng t-shirt. Ayos na iyon, at isa pa. Kaunti lang ang perang nadala ko papunta rito.
Lumabas na akong kwarto. Naabutan ko sina Miguel, Marrife at Jynno na nasa long sofa at nanonood ng t.v. nilagpasan ko sila, sumunod naman saakin si Jynno kaya hinarap ko na.
"Saan ka pupunta??"
"Magpapahangin lang?" Walang kasiguraduhan kong tanong sa sarili. Seriously?
"Sasamahan na kita," anito.
"Huwag na. Ako nalang. Kaya ko naman eh," Sabi ko. Nangunot pa ang noo nito. Yeah, I need some air, ang being a loner this time.
"Baka mapano ka. Sasamahan na nga kita." Bago pa man niya maisuot ang kanyang tsinelas ay umiling muli ako at kinontra siya.
"Huwag na nga eh diba? I can walk alone. Doon lang naman ako sa mga ma-tao, kaya kung ano man ang nasa isip mo, hinding hindi iyon mangyayari, walang mangyayaring masama saakin." I saw that he didn't relief from what I said. Tinapik ko siya sa balikat at kahit hindi siya payag ay ngumiti nalang ito saakin nang sapilitan.
Medyo maingay sa bilihan ng mga souvenir. May mga iba't ibang lahi pang nadadaanan ko, maraming mapagpipilian pero natigil ako dito sa may mga alahas.
"Bibili ka miss?" Anang manang na nakasalukbong ng sombrero sa ulo. Hinimas nito ang kanyang kamay na parang hinihintay ang aking sasabihin.
Napalunok ako at kinuha ang isang porselas. "Uhmmm. Mag-kano 'tong bracelet na may L?"
"Sisenta miss, kukunin mo ba?"
Napakagat labi ako at tinititigan ang bracelet na hawak ko ngayon. May L nga talaga iyon, parang pareho lang ng kwintas ni Lothaire.
Biglang kumalam ang aking tiyan. "Hmm. Hindi. Salamat po," aniya ko. Tumango lang ang manang.
Wala akong makitang kahit na anong bagay na ibili para kay Ate at Kuya. May mga nakikita naman ako, pero hindi sapat ang mga iyon saaking wallet.
Nang ilang minuto akong walang makita ay bigla na lamang kumalam ang aking tiyan. Kakaunti na ang mga tao sa pamilihan ng mga souvenir, ang iilang tindera naman ay kumakain na.
It's already in a noon. Kailangan ko na ring kumain.
Bumili ako ng isang putahe na nakalagay sa isang manipis na Tupperware. May terno itong kanina at plastic spoons. Napabuntong hininga ako at nagbayad na.
The splashes of water started to cover up my parched knees. Napapapikit pa ako tuwing may tumatalsik na tubig saaking mukha.
Naglakad ako patungong floating cottage. Medyo pagewang gewang pa ang portable Bridge, kaya dahan-dahan lang akong naglakad dahil sa may hawak akong ulam.
Napangiti ako nang makatapak na sa tatlong malalaking kawayan na nagsisilbing daan patungong iba't ibang cottage. Naglibot libot ako upang maghanap ng mapepwestuhan nang matigil ang aking mga paa dahil sa ingay na aking naririnig.
Sinilip ko ang haban ng pinto at ganun na lamang ang aking gulat nang makitang si Denise at Lothaire ang naroroon. Nakatopless siya habang ang babaeng kaharap niya ay magulo na ang buhok. Hindi ko alam kung mugto ang mata ni Denise dahil sa madilim sa loob.
"Yes! You're just concerned to her because of what just happens! Hindi mo naman siya mahal hindi ba!?"
"Yes, ofcourse Denise." I sense how distress Lothaire here.
Parang nagpipigil ako ng hininga nang magsalita ang isa sakanila. "And what's with that another her? Bakit sinama mo pa siya rito? Does she even important to you?"
"She's just my friend."
"Oh, a friend??! Nagbago na naman ang isip mo ngayon? 'Di ba??"
"Denise, what are you trying to say here?" Lumapit si Lothaire sakanya. Halos mahigpitan ko ang pagkakahawak sa tupperware habang nakasilip pa rin sa siwang ng pintuan nila.
What are they talking about? Who's that another her? Ayaw kong mag-assume. Pero hindi ko mapigilan. Ako ba 'yon? Ako ba ang tinutukoy ni Denise?
Or maybe, Sydney? Lothaire really inlove with his finance kaya sila nag-aaway ni Denise ngayon, diba?
"That you're just playing around Lucy!" Something hard bump into my chest right now.
I saw how Lothaire presence turn into a beast like feeling. "You're just being closed to her! Hinuhulog mo lang ang loob niya dahil gusto mong maka-ganti sa kapatid niya! You're using her because atleast in that way, masasaktan mo rin ang kanyang ate!"
"Fuck this Denise!" Tinampal ni Lothaire ang lamesa dahilan ng pagkakaroon din ng kakaibang ingay saaking utak.
Ayaw kong gumawa ng iba't ibang konklusyon sa ulo ko. But goodness! I can't help myself but to listen from what they're talking about.
"Ako nalang kasi Lothaire! A-andito naman ako eh, m-mahalin mo lang ako. Sapat naman ako ah?? Can you just leave Sydney? Or even that maid of yours." Mas lalong nahimagan ang lungkot sa mga salita ni Denise. Wala akong ibang magawa kundi ang idikit ang aking tainga at pakinggan kung ano pa ang magiging usapan nila.
"Denise, we already talk about this right? No feelings connected, just a fling! Just a fun. Don't ever dare to fall for me because I don't want to do the same thing as you."
I never talk to myself about asking for his privacy. I know I don't have any rights. Pero mali talaga ang ginagawa niya. Denise was so harsh to herself to pursue into Lothaire's side, base on what I'm thinking.
Parang may tumamang punyal saaking puso. Tahimik silang dalawa at unti-unting lumapit si Denise kay Lothaire. Their room was too dim but I clearly see how Lothaire accepts Denise kisses. Parang lumigaya ang mga ngisi ni Denise nang palaliminin pa niya ang kanyang halik.
It was too much. Para akong batang iiyak sa walang kabuluhang bagay. Unti-unti akong umayos ng tayo, I walk slowly para hindi nila marinig ang mga yapak. Wala na rin akong alam Kung bakit nakaalpas pa ako papuntang buhangin habang dala ang bigat ng pinapasan ko saaking dibdib.
Mali talagang umasa ako sa isang tao. Maling desisyon ang sabihin ko ang aking nararamdaman sa isang taong may mahal nang iba. Para akong nagiging desperada.
Biglang tumulo ang aking mga luha nang makapasok ako sa mga bilihan ng souvenir. Siguro ay hindi ko pa sigurado ang laman ng puso ko, nagpapakita siya ng motibo eh! And here I am! Stuck in between curiousness!
Balak kong maglakad at hayaang idistansya ang aking paa upang makapunta sa ibang parte ng isla nang biglang may humigit saaking braso.
"Lucy! Kahit saang lupalop na kita hinahanap. Andito ka lang pala. Hindi ka Pa gutom? Kain tayo! Treat ko!"
Napakagat ako ng labi at inangat ang aking tingin sakanya. "M-may Bibilhin lang ako Jynno." Medyo kabado ko pang saad.
Wala akong nakuhang sagot sakanya. Nagpatuloy muli ako saaking paglalakad. Medyo wala ako sa sarili at kung bakit ako napadpad sa dating tindahan ay hindi ko na alam.
Kinuha ko ang bracelet na nagustuhan ko kanina. Nagbayad ako sa ale, nilingon ko naman si Jynno na ngayon ay nakabuntot saakin.
"Ano 'yan?? Para ba sa'yo?" Ngunot noong tanong niya at hinawakan ang aking kamay upang makita pa lalo ang binili kong bracelet.
Umiling ako sakanya. Sakto namang pagtingin ko sakanya ay ang pagtama ng aming mga mata. I have this argue in myself about being perplexed to somebody. My brain was being cutthroat on my heart. And surely, hindi si Jynno ang laman nun. Kundi ang ibang tao na hindi ko naman kayang abutin.
Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi, hindi saakin 'to."
"Eh para kanino? Imposible namang para saakin 'yan dahil hindi naman L ang pangalan ko!" Tumawa siya nang malakas at nakakaloko.
Napangisi ako sakanya. Binitawan niya na ang aking kamay pero nanatili pa rin ang aking palad sa hangin. "Sa'yo talaga ito, Jynno."
"We? Sigurado ka Lucy? Baka nakakalimutan mong J ang pangalan ko at hindi L?" Lito niyang saad.
Now he's mentioning that L, huh? Wala na akong ibang naiisip sa sinabi niya kundi si Lothaire. Wala lang saakin 'to! Pero bakit parang naaapektuhan ako sa palitan nila ng salita ni Denise?.
"T-tanggapin mo nalang, please." May pag-aanlinlangan kong saad.
Mas mabuti pang sakanya ko nalang ito ibigay. Tutal ay parang hindi naman ito magugustuhan ni Lothaire. This was just a dust in his wrist, he's a high standard man, I really really know that thing.
"Teka lang. May problema ka ba?" Inangat niya ang aking baba. Bigla naman akong napayuko habang hinahayaan ang mga taong dumaloy sa buong pamilihan.
"W-wala naman akong problema-"
"Meron. You're crying. May nangyari ba kanina? May nam-bastos ba sa'yo? Sabihin mo, Lucy." May pag-aalala na ang mga boses ni Jynno ngayon. His hands was on my both shoulders. At tama nga siya, may butil nang luha ang tumulo saaking dalawang pisngi.
I can't help myself but to feel the pain.
"Wala. Wala saaking nambastos, Jynno." Sinubukan kong maging casual pero mas sumakit ang aking mata, Hindi ko nga alam kung bakit nagiging emosyonal ako ngayon.
"Then why are you crying? You're acting weird this time. Sabihin mo nga saakin ang totoo?" Bumaba ang dalawang kamay ni Jynno. Hinawakan niya ang aking kamay pero hindi na ako nagpa-huli pa. Binuka ko ang kanyang palad at nilagay doon ang bracelet.
Ngumiti ako sakanya pagkatapos.
"Tanggapin mo nalang 'yan, Jynno. Masaya lang akong naging kaibigan ka kaya ako umiiyak."
Ngumuso siya. "Palagi mo naman sinasabi ang bagay na 'yan. Pero hindi ka naman umiiyak!, Ngayon lang."
Hindi ko na napansin pa ang sinabi niya. Namutla ako at biglang bumilis ang pintig ng aking puso nang mamataan ko ang dalawang mata na nakamasid saakin. Lothaire's expression already in a dark tone, he's flexing his jaw while freely walking on our distance.
Nag-iwas agad ako ng mukha. "Mauuna na muna ako," sabi ko.
"Saan ka pupunta??" Tanong niya.
"Magpapahangin lang!" Napalakas ang aking boses. Ako na ang kusang nagbaba sa kamay ni Jynno na nakakapit saaking mga braso.
"Sasamahan na kita, baka mapaano ka," sabi niya. Papalapit na saamin si Lothaire.
"Huwag na!" Pilyo akong ngumiti. "A-ayos lang ako!" Gusto ko na talagang lumayo.
Kahit na nagtataka ay pumayag na rin si Jynno sa gusto ko. Para akong isang bilanggo na nakatakas at tumatakbo sa isang krimen na nagawa ko.
Napasapo ako ng noo nang makitang hawak ko pa rin ang bracelet na para sana kay Jynno. Hindi niya talaga tinanggap?? However.
Nakalayo na ako. But I wasn't expected of his outcome. Lumabas siya mula sa isang Kanto ng korean restaurant sa may gilid ng isla. Umigting pa ang panga niya bago ko siya lagpasan. I want to curse badly! Lalo na nang sumunod siya saakin.
"Lucy," anito, halatang pawisan siya. "Buti at naabutan pa kita rito. Ayos ka lang ba? You seem, uhm. Sad." His voice bring me into a serene tone.
"Hindi ako malungkot, gusto ko lang na maglakad-lakad mag-isa." Walang kabuluhan kong sagot.
Why am I taking a distance from him? Dapat ay hindi ko ito ginagawa, nagmumukha lang akong tanga. He's trying to be friends with me, right? Dapat ay gantihan ko rin.
"Am I burdening you?" His voice almost broke my heart.
Wala akong naging sagot sakanya. Umupo ako sa may duyan na gawa sa gulong. Ganoon din siya sa kabilang duyan. Ang puno ng santol ang natatanging nakakapagsilong saamin mula sa init ng araw.
Bukas na ang alis namin. It was almost one week here.
Narinig ko itong magbuntong hininga. "Mabuti at ayos na kayo ni Jynno." He sounds even interested with that.
Napangiwi ako. "How do we need to get long our problems kung kaya naman naming ayusin hindi ba??" Napangiti ako at tinanaw ang dagat na naghahati sa dalawang isla sa kabila.
They like a two people who've taken aside from each other. Na tanging sulyap lang nila ang nagpapatunay na nagmamahalan ang kanilang mga puso. And the water give them moment to collide, low tides will come, water may vanish. And those two islands can be together.
It was their happiest moments in life. But it wasn't really happens at all.
"You got really really have that wide brain." Ngumiti siya nang sumulyap ito saakin. Bakit ganyan ka saakin Lothaire?. Bigla naman akong natahimik at ilang sandali pa'y bigla itong tumikhim.
"Wala ka man lang i-ke-kuwento saakin?"
"Si ate," aniya ko at lumingon muli ako sakanya. "Anong meron sakanya kay Sydney at sa mga Flavier?" Bigla kong natanong..
Yeah right, Denise mentioned her. Kanina lang ay narinig kong binanggit niya ang ate ko. What's with her? At bakit ngayon lang ako nagtaka?
"Ha? What are you trying to say?" Naguguluhan nitong anito saakin.
"Uhm. Matagal na siya sainyo hindi ba? Anu-ano naman ang trato ng iba sakanya?" Bumaba ang aking mata sa aking tuhod habang kuyom ang aking kamay na nakapatong doon.
"We threatened her as a good person? Why? May bumabagabag ba sa'yo? May mga sinabi ba ang mga kasambahay tungkol sakanya? O may sinabi ba si Denise sa'yo??"
He sounds like over-asking. "Why are you acting weird? Nagtatanong lang naman ako kung ayos lang ba siya roon noon, wala naman akong narinig na ibang sinabi nila tungkol sakanya. Bakit? Meron ba?"
"Wala," anito at nag-iwas ng tingin sa sagat.
"When did you buy that?" Tanong nito nang mapansing nakalawit ang bracelet na ngayon ay hawak ko pa rin. Ini-angat ko iyon upang makita naming dalawa.
"Kanina lang. Sa may merchs na tindahan."
"L? Sa'yo 'yan?"
"Hindi." Napanguso ako. "K-kay, Jynno ito."
Normal lang ba ito? Kanina ay parang masaya lang ako pero bigla bigla agad malulungkot? I know I was lying, I feel conscientious this time. Pero wala akong magagawa, alam kong hindi niya maiintindihan ang mga bagay bagay kung susundin ko ang itinitibok ng aking puso.
"Why are you giving him that kind of gift? Dapat ang ate mo at pinsan mo ang inuuwian mo ng ganyan." Seryoso niyang saad. "At mas bagay saakin 'yan. I had a pendant, with L. And uh." Hindi niya na nadugtungan ang kanyang sinasabi. Tila ay natigil ito.
Sa'yo naman talaga ito eh.
"Bibilhan din kita ng ganito kapag may ipon na ako."
"Can't you just give me that?" Umarko ang kanyang labi dahil doon.
No, I don't. Ayaw kong bigyan ka ng mga values ko, it doesn't special to you tho, may parte saaking napapaisip na baka nga. Baka nga sinsero siya sa mga pinag-sasasabi nito.
"Ibibigay ko nga kay Jynno!" Singhal ko agad.
"Seriously? Why are you so defensive?" Baritono ang kanyang boses.
"Ha?? Hindi ah! Pinapaalala ko lang sa'yo." Namula ang aking pisngi dahil doon.
Mali na itong nararamdaman ko sakanya. And maybe tama nga ang iniisip ko kanina. He had his fiance, bawal na magkaroon ako ng connection sakanya dahil nakatali na ito sa iba.
And maybe, I can give my whole time for someone who was worth it with that.
"You're making me confused everytime, Lucy. Tell me, may nararamdaman ka ba para saakin-"
"Pumayag na ako, payag na ako." Putol ko sakanya.
Eto lang ang tanging paraan na alam ko sa ngayon. I'm sorry.
"What?"
I look at him before giving a forceful smile. "I'm giving Jynno this kind of gift dahil pumapayag na akong ligawan niya ang isang katulad ko."
Biglang sumakit ang dibdib ko, I never expect this feelings will come. Para akong nanakit ng tao kahit hindi ko naman ginawa!.
I saw how the curve in his lips vanish. Parang nawalan siya ng gana, parang isang lantang gulay na nawalan na ng sustansya.
"Okey, besh wishes then." Seryoso nitong saad.
"Lucy! Tara na at kumain!" Napatayo akong bigla nang dumating si Jynno at Marrife. Taka pa nilang tiningnan si Lothaire at maging ako.
Agaran naman akong napatayo sa duyan. Without looking back to the man that slowly hurting me.
And as I said to him. I need to let go this kind of damn feeling. Hinawakan ko ang kamay ni Jynno at nagtaka pa ito sa ginawa ko.
"May pahawak-hawak ka pa ng kamay saakin? Ano 'to? Pauso lang?"
"Just let with the flow," aniya ko.
"Bakit?" He sounds in curiosity.
Bakit ganito? Ginagamit ko lang ba si Jynno para kalimutan si Lothaire? At, masama ba ang manggamit ng ibang tao.
Alam ko sa sarili ko na hinding hindi ko bibigyan ng pag-asa si Jynno.
"Basta. Hawakan mo lang ang kamay ko. Huwag kang bibitaw."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (52)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
bat ganon parang anas q to HAHAHA
20/07/2023
0nice🤝👏. keep writing author
08/02/2023
0the quality the concept the plot and everything is nice
02/08/2022
0Tingnan Lahat