Homepage/Lodestone Abiding/
15
CHAPTER 15
Natural lang bang maging masaya?
Ewan ko lang, pero ang saya-saya ko ngayon. Knowing that Ate and Kuya agreed with Lothaire's invitation. Pumayag na silang sumama ako, kaso nga lang ay hindi sila makakasama.
Pero nalilito ako. Hindi ko alam kung bakit masaya ako. Masaya ba ako sa kadahilanang pumayag sila? O sa kadahilanang gumawa ng paraan si Lothaire para makasama ako. It was really, really mean to me. Hanggang nga sa pagtulog ay nakangiti pa ako.
Huling linggo na ito ng klase namin at sa susunod naman ay bakasyon na ng one week. Umupo ako sa loob ng library at salubong ang kilay habang binabasa ang notes ko.
"Mag-isa ka lang??" Napaangat ako ng tingin sa bagong dating na si Lothaire.
Kanina ay nakita ko siya sa dean's office kaya hindi na ako magtataka kung maaabutan ko siya rito.
"Oo," sagot ko. Umupo siya sa tapat kong silya. Busy ako sa pagbabasa, Hindi ko makita kung nakatingin ba siya saakin o hindi.
Tumikhim ito. "Yung kasama mong kaibigan nung isang araw. Asan na? Hindi ka ba sinamahan?"
Napakurap pa ako bago ko ibaba ang libro upang harapin siya.
"Uhm. Iba ang course ni Marrife kaya mag-isa lang akong nag-aaral. Pero minsan ay magkasama kaming dalawa kung mag-self study." Ngumiti ako, kita kong nahimagan siya saaking sinabi.
Nakasuot ito ng polo shirt habang may nakasabit na silver necklace na may L pang pendant.
Napatingin siya sa kwintas na suot ko. "Why are you studying? Eh bakasyon niyo naman next week?" Deretsong tingin nito saakin.
Napanguso ako. "Nahihirapan kasi ako dito. Nakatambak din ang mga aralin ko next week. Inuuna ko ito kasi mahirap."
Lothaire was good looking as always. Pero nakakailang din dahil agaw pansin siya, lalo na ngayong pinagtitinginan kami ng ibang tao sa loob ng library. Napatikhim ako at hindi nalang sila pinansin pa.
"So you're bringing your books in our vacation?" Deretsong tanong nito na parang hindi napapansin ang mga bulungan at tingin ng iba saaming dalawa.
"Oo," aniya ko, nahihiya.
He laugh in a low tone like he used to talk to me everyday. "Ibig sabihin hindi iyon bakasyon. Dala mo pa rin ang stress mo doon. Dapat inuuna mo rin ang pagpahinga mo minsan."
Napanguso pa lalo ako sa sagot nito. "Wala naman akong magagawa. Mahirap kaya ang college noh."
Pwede naman sigurong dalhin ang pag-aaral ko doon. Para na rin makapagfocus ako ng mabuti at may matututunan pa.
Nagulat ako nang bigla niyang kinuha ang notes ko at libro sa ibabaw ng mesa. Wala akong nagawa, baka mas tingnan kami ng iba kapag inagaw ko pa! Mahaba ang bibig nito habang binabasa. And I was amazed how fast he reads my notes. Ang bilis ng galaw ng kanyang mga mata.
"Ang dali lang naman pala nito," anito at ibinaba iyon. Pinatong niya ang dalawang siko sa mesa at tinaasan ako ng kilay. "Dito ka nahihirapan."
"Sorry, hindi kasi ako nakapag-focus sa lesson namin na 'yan eh." Napayuko ako.
Pinipigilan ko ang mamula dahil may naalala lang ako. That time, hindi ako nakapagfocus dahil sa halik niya saakin, and now I was in a regret why I always think about that!.
"Why? Is there something bothering you?"
"Oo," hindi ko mapigilang hindi sumagot.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Kung ganoon nga. Ano iyon?" He ask as if he really wanted to know my answer.
"Ikaw."
Napatikhim ako. "I mean, ikaw? Is there something bothering you? About uhm, sydney between Denise?" Pinilit kong huwag ma-utal.
Napataas siya ng kilay dahil sa pabalang kong sagot. Tumango naman siya, Phew! Muntikan na 'yon!.
"It wasn't a sin if I flirt with Denise. I don't even love Syndey. It was just a forced commitment," he said while a gleaming expression in his eyes gone.
Sinubukan kong maging pormal.
"Bakit siya nasa hospital kung gano'n nga?"
"Nasagasaan siya ng kotse bago pa man kami ikasal," sagot nito. I didn't expect he will answer that to me.
Ganoon na ba ako ka-trust worthy para sabihin niya saakin ang dahilan? And I don't know how I feel this way. Kung mahal man ni Sydney si Lothaire, alam kong masasaktan siya sa ginagawa ni Lothaire sakanya. And if ever, ayos lang din naman kung wala siyang nararamdamang iba kay Lothaire at sanhi lang ng sapilitang pag-ibig.
Pinilit kong maging casual. "Meaning ikakasal dapat kayo?"
And that's why Flavier set this as their private information? Wala akong ideya kung bakit hindi nila ito sinasabi sa publiko. Kung sinabi kasi nila ay dapat nasa mga diaryo na ang mga ito.
"Yes, for me it was a blessing in disguise. Ikaw ba naman ang ipakasal sa taong hindi mo naman mahal." Parang pagod si Lothaire habang nakapatong pa rin ang dalawa nitong siko sa lamesa.
Parang kami lang ang natitira dito sa library. All people faded in my sights at tanging ang problemadong mukha ni Lothaire lamang ang nakikita.
And I don't like to feel, that my heart was pounding so hard when we cross our eyes.
"You mean? You like to marry Denise dahil mas mahal mo siya?" Wala sa sarili kong tanong.
Nanliit ang mata nito. "You're making me perplexed." Umiling siya.
Napatikhom ako ng bibig. What's meaning of being confused to me?
Tumawa ito nang mahina. "Just kidding, Hindi rin kung si Denise eh. I'm just exploring the world called Love."
Napatango ako. Inalis niya na ang siko sa lamesa at sinarado ang notes ko at libro. Nakatuon lang ako sa mukha niya. Ibinalik niya na ang libro ko. Nagulat naman ako nang hawakan niya ang aking kamay at marahan iyong niyapos.
"Kaya ikaw."
My heart pounding so hard. An electric feeling envelopes my body.
"Don't love a man forcefully. You will feel something for someone, intentionally."
Para akong kinokontrol ng isang hipnotismo. Dahan-dahan akong tumango na parang sinusunod ang kanyang gusto.
I'm in a legal age. I need to explore love like how he do it.
Binitawan niya na ang kamay ko at binuklit ang librong nakaharap saakin. "Mag-aral na tayo. Tuturuan na kita."
Nginitian ko siya habang hinahanap ko sa reference ang mga lessons namin.
"T-thanks."
Natapos ang lesson namin maghapon pero hindi pa rin maalis saaking isipan si Lucy. Nagpaalam na si Marrife saakin na aalis na. Punuan ang tricycle ng papa niya kaya nag-abang ako. Sasakay na sana ako sa bagong dating na tricycle pero biglang akong natigil nang may matanggap na message saaking cellphone.
Sir Lothaire: Please wait for me. Susunduin kita.
Parang natambakan ako ng napakaraming acid saaking tiyan. Kumukulo iyon, at nakikiliti ako habang hindi pa rin naaalis saaking mata ang message ni Lothaire.
Gaya nang sinabi niya ay hinintay ko siya. As usual events namin, hindi ko na pinigilan ang aking sarili, nginitian ko ang kawalan kahit na pinagtitinginan ako ng mga taong nagdaraan.
Alas kwarto na pero wala pa rin si Lothaire nang biglang umulan nang malakas. Napanguso ako at tiningnan ang aking cellphone, wala pa rin siyang text saakin. Itinago ko nalang iyon saaking bulsa at pinagmasdan na lamang ang mga butil ng ulan na tumulo saa labas ng waiting shed.
Napatayo ako nang biglang pumasok si Jynno sa loob. Agaran niyang sinarado ang payong, umupo ulit ako. Lumapit naman siya saakin. Nasa harapan ko na siya nang iangat ko ang paningin sakanya.
I thought it was Lothaire.
"Lucy?" Taka nitong ani.
Hinubad niya ang kanyang jacket at napaawang ang aking bibig nang isinakbit niya iyon saaking balikat. Lumuhod siya saakin at marahang inangat ang aking mukha. Malungkot ko siyang tiningnan.
Asaan na ba kasi si Lothaire?
"Crap! Ang lamig na oh." Niyakap niya ako na mas lalo kong ikinagulat. I let him to hug me, parang isang kumot ang nakayapos saakin.
Napatikhim ako. "Sorry, araw-araw nalang ay walang tricycle dito kapag ako na ang sasakay."
Kinalas niya na ang yakap saakin. Tinitigan niya pa ako bago siya lumingon sa likod. Tinitigan ko na rin kung sino sino ang mga 'yon at nakitang mga kalaro iyon ni Jynno.
"Mauna na kayo."
Tumaas ang isang kamay ng isa. "Sige pre, Inuman mamaya!" Naghiyawan ang ibang lalaki habang unti unti silang umalis.
"Halika ka na, umuwi na tayo." I let him hold my hand.
Ibinuka niya ang payong at pinasilong niya ako dito. Alas singko na siguro kaya wala na ang mga tricycle na dumaraan. Binalangkas namin ang daan, mabuti nalang at hindi na malakas ang ulan, pero patuloy pa rin ito sa pagbuhos.
"Jynno, nababasa ka."
"Ayos lang, kaysa naman sa ikaw ang mabasa dito." Napakagat labi ako sa sinabi niya.
Wala na sigurong ikakatahimik pa ang paglalakad naming dalawa. Ramdam ko ang malamig niyang braso na nakadikit din sa malamig kong balikat.
"Sorry, nang dahil saakin ay naging ganito na tayong dalawa, Lucy."
It was destitute to caught up on his words. Wala akong naiisip na dapat kong sabihin. Wala naman sigurong masama na maging tahimik. Sumampa na kami sa may krosing kung saan kami liliko para makapuntang bahay. Tumila na ang ulan kaya sinarado na niya ang payong. Dumistansya naman ako nang kaunti para lang hindi magkadikit ang aming balikat.
"Naaawa na ako sa'yo, palagi ka nalang mag-isa kung umuwi. Lalo na ngayon." Deretso ang mga tingin niya sa daan.
Napakagat akong labi, malapit na kami sa lumang gate at wala pa rin akong iniisip kung ano bang sasabihin sakanya. Nakapako lang ang isip ko kay Lothaire! Hindi siya sumipot.
And why do I expect right? Isang maid lang ang ako, There's nothing important for him to me but a girl who's fulfilling my credits.
"Sige na, Jynno. Wala na rin namang ulan. Umuwi ka na, baka hinahanap ka na sainyo."
Ewan ko kung bakit hindi ko siya kina-usap ng mabuti. Nginitian niya akong pilit at siya na ang nagbukas ng gate namin.
"Magpahinga ka ng mabuti Lucy. Mauuna na ako."
Mabilisan kong hinawakan ang gate para mas buksan pa iyon lalo. Napako naman ako sa isang kotseng tumigil.
Lumapit ako doon at bumaba naman ang lalaki doon.
And I was shocked when he hugged me, "You scared me, I'm sorry." Anito at binitawan ang aking katawan.
Napayuko ako. "Lothaire, ayos lang. Hindi mo naman responsibilidad na sunduin ako palagi."
Malapit lang sa bahay kung saan niya pinarada ang kanyang kotse. Binitawan niya ang kamay niya sa pintua ng kotse na nakabukas. Hindi ko pa rin naman alam kung bakit buong lakas akong lumapit sakanya kanina.
"But I promise to you. Sorry nakalimutan ko na eh, nakatulog ako. I'm a little bit exhausted." Umiling siya saakin.
"Lothaire. Bakit mo ginagawa saakin ito?" Naguguluhan na ako, as in.
Kung ano man ang intensyon niya saakin ay huwag niya nang gawin pang mas malalim. Dahil wala na akong ideya, hindi ko na siya maalis sa isipan ko.
"Ang alin?" Nangunot ang noo nito at mas lalo lamang may tumarak na punyal sa dibdib ko nang marinig ang kanyang boses.
He hold my hand, pero bigo siya. Nagkunwari akong may sinisilip saaking cellphone. Napatikhim siya dahil doon. Pinigilan kong huwag palabuin ang mata ko dahil sa luhang nagbabadya.
"W-wala. Ang ibig kong sabihin, magpahinga ka, huwag kang maging obligated sa mga bagay na hindi naman importante para sa'yo."
Parang mas piniga ang puso ko dahil sa sariling sinabi.
"You're important to me, Lucy," anito na mas lalo lamang nagpakaba sa puso kong nagtataka.
Ibinaba ko na ang aking cellphone. Buong tapang ko siyang tinitigan sa Mata kahit na mabilis ang pagtibok ng aking puso.
"Why are you doing this kind of care? I thought you're a no time man? I mean, gaya rin ba ni Miguel, kaibigan na rin ang turing mo saakin?" Ngumiti ako ng pilit.
Damn.
Parang isang linya nalang ang nakakonekta sa mata niya nang kumurap siya. "Yes, a friend of course." Walang gana nitong saad.
So I assure that. He was my friend. Walang dapat asahan na kahit na ano.
Hindi ko na rin inusisa ang nararamdaman ko para sakanya. Siguro gaya ng sinabi saakin ni Denise noon ay nahuhumaling lang ako kay Lothaire dahil sa physical appearance niya.
"Come in!" Malakas nitong sigaw.
Napalunok ako habang bitbit ang limang libro na nasa eco bag. Unti-unti akong pumasok sa kwarto ni Lothaire.
It was my second time to enter here, kaya hindi pa ako sanay sa mga istraktura ng kanyang kuwarto.
Tinitigan niya muna ako bago muling ibinalik ang tingin sa laptop. Tumikhim ako. Nakatopless siya habang nasa lamesa at nakaupo sa sofa, basa rin ang buhok nito. I still smell his manly scent from afar. Lumapit pa ako sakanya lalo para makita nito ang aking dala.
"Eto na po ang mga libro na hiniram ko."
"You're returning that?" Ngunot noo niyang tanong at hindi pa rin inaalis ang tingin nito sa laptop niya.
"Oo, sorry kung natagalan bago ko naibalik."
His eyes lingered in my face when he suddenly approach me.
"Sabi ko naman saiyo diba, sa'yo nalang 'yan, 'di mo na kailangan pang isauli."
When we say borrow it means ay ibabalik. Hindi naman library sa school ang library dito para magnakaw ako ng libro ano.
"Pakipulot."
Napatigil ako sa ballpen na nahulog sa ilalim ng mesa ni Lothaire. He slightly move right his head, senyales na inuutusan niya akong pulutin iyon.
Tumango ako, dahan-dahan akong lumapit sakanya. Iniingatan kong huwag magdikit ang hubad niyang katawan saakin. Yumuko ako at bumagsak ang aking buhok sa sahig nang bigla akong hapitin ni Lothaire.
"Sir!" Napahiyaw ako lalo. His hands was still on my hips.
Dinikit niya nang kaunti ang bibig saaking tainga. "Ayos na pala kayo ni Jynno?"
"Ha?"
Para siyang nakayap saakin. Yapos pa rin ng kamay niya ang aking baywang.
Namulahan ako ng pisngi dahil sa posisyon naming dalawa.
Pupulitin ko lang naman ang ballpen pero nauwi na sa ganito!?
"I saw you and him yesterday." He almost say it with a manly voice.
Mas manly pa sa manly. Mas baritonong baritono talaga.
"Ha?" He laugh with my confused reaction.
Dumidikit ang mabango niyang dibdib saaking balikat. Kaunting galaw nalang ng kamay ko ay mahahawakan ko na ang abdominal muscles niya.
"Aalis na po ako," paalam ko. But he still hug me with his two large biceps.
Biglang nanubig ang bibig ko dahil sa mapanglaway niyang katawan.
"Dito ka lang. Let me teach you."
Nangunot ang aking noo. Biglang nairita ang kalooban ko. Para akong mahinang bata na kinakalas ang sarili sakanya. Tumawa lang siya nang hindi ko man lang nagawang makaalis sakanya.
I really hate how he was strong too much to control me!
"I don't want you to teach me, we're just friend with him. I know what I am doing. At kung takot ka na mahulog pa siya saakin lalo ay hindi mo na iyon lugar para manghusga. Kung araw-araw ay pa-a-alahanan ko na hindi ko siya gusto ay gagawin ko." Giit kong galit.
Sa susunod, hindi na ako manghihiram ng libro sakanya kung ganito nalang.
"Did you know what you're saying? Tuturuan lang kita sa lessons niyo."
Nanlaki ang mata ko nang pagsadhan ang laptop niya.
Tumawa siya sa gulat kong mukha.
"Congrats, Advance na ang utak mo, Lucy." He chuckled.
Inalis niya ang isa niyang kamay saakin at iginaya iyon sakanyang laptop. Nanliit ang mata ko doon at hinayaan niyang basahin ang laman ng Microsoft niya. Nagrant naman ako bigla.
"Hindi naman ganyan ang lesson namin!"
Gumalaw ang mga daliri niya kaya nakilit ako!
Ano ba!
Isa pa nga!.
"Tinatanong ko si Uncle, at ang professor mo. 'Yan na ang susunod niyong lesson next week after vacation. Mas mabigat pa ito kaya mas mabuti ang handa na."
"Pero hindi naman kailangan na ikaw ang magturo saakin. Ayaw kong nakakaabala ng oras." Pabalang kong sagot kahit na gusto kong Turuan niya ako.
Magaling talaga siyang magturo. At sayang naman ang pagkakataong ito. Kaya umayos ako ng upo at hinayaan ang kamay niyang humawak sa kabilang baywang ko.
"Pero gusto ko 'to eh. Wala akong magagawa, ang also let me be. Gusto ko lang tumulong sa mga taong walang alam."
Isang-daang minuto ang nakalipas nang matapos na kaming mag-aral.
Namulahan ako nang kumalam ang kanyang tiyan.
Gutom na siya.
"K-kukuha lang akong meryenda mo." Tumayo ako.
Tumingala siya nang tumayo ako."Natin. Meryenda natin," he corrected me.
Hindi na naman nagtaka ang mga maids kung bakit ako nawala ng ilang oras. Rinason ko ang paglinis ko ng roof top, 'yon naman talaga ang ginawa ko bago ko isinauli ang libro kay Lothaire.
"Tulala ka. Kainin mo na 'yang ginawa mo." Andito na ako sa loob.
Tulala talaga ako, I can't believe he do some hard times to teach me! Nakakataba ng puso.
Tinapik niya ang aking hita.
"Hey, masarap naman!" Anito. "Kung 'yan ang iniisip mo. I like it like an adobo you made last day," he said.
Napanguso ako sakanya."Hindi naman sa ganoon. I appreciate what you made, thank you very much."
"It was a small thing for me," sabi niya.
Sumandal siya sa sofa matapos nitong uminom ng juice. Hinihilot niya pa ang kanyang batok, halatang pagod sa pagtuturo saakin.
"So, I have plans for us on vacation." Nakasandal pa rin ito sa sofa nang lumingon ako.
"Ano?" Tanong ko.
Us? Plan for us?
"Let's bring this stuffs para may matutunan ka kahit nasa dagat tayo."
"Mas teacher ka pa sa teacher namin eh!" Bulyaw ko at sabay kaming nagtawanan.
" A little bit." Umiling siya at naka-pluster pa rin ang ngiti sa labi nito.
"Ano ba ang gusto mong kapalit dito?" Natanong kong bigla sakanya.
"I don't want you to pay back. Pero sapat nang imbitahan ang mga kaibigan mo next week. Para na rin marami tayo."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (52)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
bat ganon parang anas q to HAHAHA
20/07/2023
0nice🤝👏. keep writing author
08/02/2023
0the quality the concept the plot and everything is nice
02/08/2022
0Tingnan Lahat