logo text

Chapter 22: Blurred

Kinabukasan, mabigat ang loob kong pumasok. Parang ayoko nga na magpakita ngayon sa school dahil namamaga ang mata ko kaso gusto kong malaman kung pumasok ba sila ngayon. Parehong umalis si Raven at Cyviel kahapon. Umuwi kaya sila sa mga bahay nila? Kung hindi, sa'n kaya sila nagpunta?
Alam kong mayaman sila pero pareho namang matigas ang ulo ng mga 'yon. Hindi ako sure kung umuwi ba talaga sila lalo na dahil sa issue. Nag-aalala tuloy ako. Sana nakahanap sila ng maayos na matutulugan kagabi.
Gulong-gulo ang ulo ko nang biglang may dumikit sa uniform kong malagkit at medyo may amoy na bagay. Binaba ko ang tingin at nakita ang isang basag na itlog.
"Ang kapal ng mukha mo!" Boses ng isang babae. Tumingin ako sa paligid at nagulat nang makita ang iilang mga babaeng nakaharang sa'kin sa may gate. Ngayon ko lang sila napansin sa sobrang lutang ko.
Prinotektahan ko ang mukha gamit ang mga braso para hindi matamaan. Seryoso, ano bang problema ng mga babaeng 'to?
"Sa akala mo ba hindi namin malalaman na nakatira ka kasama sina Raven at Cyviel? Kapal talaga ng mukha mong babae ka!"
"Kaya pala feeling close ka kay Raven kahapon!"
"You think mase-sekreto mo 'to sa'min habang buhay?!"
Tinignan ko sila nang hindi makapaniwala. Paano kaya nila nalaman ang totoo? Saka ang dami ko na ngang iisipin, dumagdag pa 'to.
Inayos ko ang kamay at humugot ng malalim na hininga. Nagpatuloy ako sa paglalakad at iniwan sila na patuloy akong binabato no'ng mga itlog. May tumama pa nga sa ulo ko at tumulo ang laman nito sa buong mukha ko. Binalewala ko 'yon at nagpatuloy sa paglalakad as if nothing happens. May mas malala na nangyare sa'kin kahapon kaya wala lang sa'kin 'to.
Maya-maya din naman ay tumigil sila nang makitang wala talaga akong pakialam. Sinasaway naman sila ng iilang SSG officer at guard pero hindi talaga sila nakikinig. Ang sabi pa nga no'ng isa babalikan pa nila ako at hindi pa sila tapos sa'kin.
Dumiretso ako sa shower room at naglinis ng sarili nang maalala kong wala nga pala akong dalang damit. Nasanay na kasi ako na hindi na ako ginagambala ng kahit na sino rito sa school.
Walang lakas na napaupo ako sa sahig ng restroom. Niyakap ko ang mga tuhod. Pakiramdam ko ako nalang ulit mag-isa. Back to zero gano'n.
Masasabi kong iniyak ko na ata kagabi ang lahat ng luha na pwede kong iiyak. Paulit-ulit ko ring sinabi sa sarili ko na pag nakita ko sila, hindi na magiging katulad ng dati. Mag-iiba na ang lahat simula ngayon.
At 'yon ang masakit.
Wala akong choice kundi isoot ulit ang madungis kong damit na tinanggalan ko nalang no'ng mga yolk para makapasok. Nangangamoy malansa ako kaya iniiwasan ako ng lahat at tinitignan nang may pandidire.
Natigilan ako sa pinto ng classroom namin nang makitang wala sila. Hindi sila pumasok pareho. As expected.
Pagkatapos ng klase, dumiretso ako sa office ni Principal kahit hindi niya naman ako pinatawag.
"Anong nangyare kahapon?" tanong niya nang makaupo ako sa kaharap na upuan ng mesa niya.
"Galit na galit po sila sa'kin." Nakayuko at mahinang sabi ko. "Umalis sila pareho kagabi."
"Well, I kinda expect that..." Hinilot niya ang ulo. "Cyviel confronted me last night at ilang mura din ang natanggap ko sa kanya for using-"
"Principal?" agap ko sa mga sasabihin pa niya.
"Yes?"
"Ayoko na po."
"What do you mean?" Kumunot ang noo niya.
"Ayoko ng makipagkasundo. Umaatras na po ako. I'm sorry."
Pinag-isipin ko na 'to kagabi at isa rin 'to sa dahilan kaya pumasok talaga ako ngayon. Alam kong hindi nito mababago ang nangyare na pero at least, nagawa ko parin.
"No, it's okay." Umiling siya.
"Sa totoo lang po, kahapon ko pa sana gustong sabihin na ayoko na kaso nangyari 'yon. P-pinagsisihan ko na... hindi ko 'to tinigil noon pa."
Hindi nagsalita si Principal. Pinilit kong lunukin ang bukol na bumabara sa lalamunan ko ngayon dahil ayokong umiyak sa harap niya.
"Maraming salamat nalang po sa offer."
"Alright, I understand." Nagbuntong hininga siya. "I'm sorry for the trouble."
Tumango ako. Umalis na ako pagkatapos kong sabihin lahat ng gusto kong sabihin. Plano kong umuwi sa bahay para magbihis ng uniform kaya nagtungo ako sa main gate. Natigilan ako nang biglang may marahas na humawak sa backpack ko.
"Hi bitch," rinig kong sabi ng isang boses.
"Diba sabi namin sa'yo hindi pa kami tapos?"
"Oo nga, bilis mo naman makalimot."
Eto na naman sila...
Hinawakan ko ang kamay na nakahawak sa backpack ko at sinubukan itong tanggalin.
"Pwede bang tigilan niyo ako? Bakit ba napakadesperada niyo sa atensyon?" Naiinis kong tanong at nagpumiglas. "Wala na nga sila! Nagsialisan na sila bahay ko kaya pwede ng tumahimik mga kaluluwa niyo."
"Hindi kami desperate! Ikaw 'yon diba?" Mariing bulong niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa bag ko. Napapikit ako at sinubukang pahabain pa lalo ang pasensya.
"Kung gusto niyo talaga sila, edi hanapin niyo. Bakit ba ako ang pinagdidiskitahan niyo? Hindi ko naman kayo pinipigilang puntahan sila ah? Saka hindi na sila nakatira sa'kin kaya-"
"Still, naramdaman mo paring makatira sa iisang bahay kasama sila kaya dapat kang parusahan!"
Seryoso, napaka immature ng mga 'to.
"Hindi pa ba sapat na parusa 'yong galit sila sa'kin!?" singhal ko at malakas na tinulak 'yong nakahawak sa bag ko.
Napasinghap siya sa ginawa ko. "Aba?"
"Tigilan niyo na ako! Tama na 'to! Wala akong oras para dito!" sabi ko at tinalikuran sila.
"Ah gano'n ah!"
Hindi ko alam anong balak niyang gawin sa pagtalikod ko pero nagpatuloy ako sa paglalakad. Wala na akong pakialam, kung gusto nila akong patayin, sige na!
"Hindi niyo ba siya narinig? Sabi niya, tama na."
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses na 'yon. Nilingon ko sila at nakita si Malou na sinasalag ang kamay ng babae kanina'y sumasabunot sa'kin. Bahagyang nanlaki ang mata ko, nagulat sa biglaan niyang pakikisali at sa panig ko pa.
"At sumali pa talaga ang reynang laos? Bakit? Bestfriend mo na ba ngayon ang dati mong binubully? Sabagay, pareho naman kayong talunan!"
"Anong sinabi mo?"
"Sabi ko, laos ka na kaya shut up!"
"Laos pala ha? Tignan natin anong kayang gawin ng laos na 'to!"
"Teka, Malou!" sabi ko at sinubukan siyang pigilan.
Nagsimula silang magsabunutan sa harap ko. Nilapitan ko sila para awatin pero nahawakan no'ng isa ang buhok ko kaya nasali ako sa cat fight. May kuko pa nga na bumaon sa balikat ko at nagsugat doon, hindi ko alam kung kanino. Naulit 'yon nang naulit hanggang sa nakaani ako ng iilang sugat. Bukod pa ro'n, may malakas na sampal akong natanggap na tumama diretso sa kaliwang parte ng mukha ko. Bahagya akong nahilo pero bago pa man ako matumba ay biglang may humila sa kamay ko palayo sa kaguluhan na iyon.
Hila-hila niya ako at hawak na mahigpit ang kamay. While looking at him, my eyes blurred with tears.
"Raven."

Komento sa Aklat (20)

  • avatar
    Maxine Raymundo

    part 2 plssssssss

    11/02/2025

      0
  • avatar
    Carla Andrea

    ahahhahaha

    25/09/2024

      0
  • avatar
    Sheyn Auron

    Very interesting story

    26/02/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata