Homepage/Love Foolosophy/
Chapter 20: Found Out
"Xyra, napanood ko nga pala 'yong interview mo kanina para sa school paper. Malapit na pala ang birthday mo? Ba't 'di mo man lang sinabi?" tanong ni Cyviel habang nakahalumbabang nakatingin sa'kin.
"Malayo pa naman 'yon," sagot ko habang seryosong nagbabalat ng pipino.
"Ang duga mo! Malapit na kaya 'yon!"
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "E kasi nga---aw!" Nabitawan ko ang hawak kong kutsilyo nang makaramdam ako ng hapdi. Nahiwa ko ata ang sariling dalire. Nilagyan ko kaagad ng pressure at saka tinignan kung malaki ba.
"Okay ka lang?" Kaagad na nilapitan niya ako. "Patingin?"
"Maliit lang naman," sabi ko at tinalikuran siya. Hinugasan ko 'yong sugat at saka pinatuyo. Tumigil na sa pagdugo kaya nilagyan ko ng betadine at saka band aid.
Ngumisi si Cyviel sa'kin at umiling. "Tutulong sana ako kahit sa pagbukas ng band aid pero mukhang hindi mo na kailangan. Sanay na sanay ka ng gamutin ang sarili mo e."
"Mahigit eighteen years na rin akong naninirahan mag-isa kaya sapilitan akong natuto." Ngumiti ako at bumalik sa pagbabalat ng pipino. Medyo binagalan ko ang kilos kasi humahapdi ang sugat.
"Sana ako rin." Tumatawang sabi niya at bumalik sa inuupuan kanina.
Umiling nalang ako at binanlawan ang pipino saka hiniwa at nilagyan ng powdered orange juice.
"Masarap ba 'yan?" tanong niya.
"Tikman mo," sabi ko habang sumusubo. Umupo ako sa kaharap na upuan ng sa kanya kaya magkaharap na kami.
Kumuha siya at kumain. Bahagyang nanlaki ang mata niya at kumuha ulit.
"Masarap diba?" Ngumisi ako.
"Masarap, hindi ko inaasahan. I usually don't eat these stuff." Tumawa siya. Pareho kaming napalingon sa pinto nang pumasok si Raven.
"Anong kinakain niyo?" tanong nito at sinilip ang laman ng bowl.
"Pipino na may orange powder juice," sagot ko at ngumiti. Busy kasi si Cyviel na kumain kaya ako na ang sumagot.
Nilampasan niya kami at lumapit sa ref. Kumuha siya ng tubig at uminom habang nakatitig sa'min.
"Ang lagkit mo naman makatingin Ven! Para sa pipino ba 'yan o para sa iba?" Tawa ni Cyviel nang lingunin niya ito.
"Gusto mo mamatay?"
"Ikaw? Gusto mo?"
"Ikaw ang tinatanong ko!"
"Syempre hindi!"
"So kung ayaw mo mamatay tantanan mo ako!" anito at tinulak si Cyviel para maupo. "Patikim."
"Edi kumuha ka, papasubo ka pa ata kay---"
"Bwesit ka!" aniya at binatukan ito. Tumawa lang naman ang kaibigan kaya nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Hindi ko mawari pero parang may iba silang pinag-uusapan bukod sa pinag-uusapan nila ngayon. Parang gano'n? Ewan. Ang gulo talaga ng mga lalake.
Nagsabay kami sa pagkuha ni Raven kaya nagkabanggaan 'yong mga kamay namin malapit sa bowl. Uminit ang pisnge ko at pinagpatuloy ang pagkuha. Sumunod siya sa'kin.
"Sus, ang landi niyong dalawa," ani Cyviel at tinulak ang kamay namin Ven saka nilapit ang bowl sa kanya. Sunod-sunod siyang sumubo.
"Ba't ikaw nalang 'yong kumakain!?" Inis na sabi ni Raven at inagaw ang bowl ng pipino. Tinulak niya si Cyviel palayo na tawa nang tawa sa'min. Lumabas ito sa kusina na punong-puno ang bibig ng pipino.
"Alam mo? Ang harsh mo sa kanya," sabi ko at nanghalumbaba. "Pag ikaw iniwan niyan, mag-iisa ka nalang talagang tatanda."
"I think that won't happen." Umiling siya na animo'y problemado pa dahil ayaw siyang iwan ni Cyviel.
"Sure na sure ka ah." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Yeah. Nakadikit na kasi yata ang hayop na 'yon sa'kin na parang talangka kaya kahit anong gawin kong pang aalipusta sa kanya sumusunod parin."
"Napakamatiisin naman ni Cyviel," sabi ko at nagkunwareng umiiyak habang ngumunguya ng pipino.
"Why? Ikaw din naman ah? Natitiis mo ang ugali ko. So if Cyviel leave one day, I still have you."
Natigilan ako sa sinabi niya at nagkatinginan kami. Pakiramdam ko unti-unting nagbaga ang pisnge ko sa sinabi niya.
"Kidding." Bawi niya at nag-iwas.
Hindi ako nagsalita at tinulak ang pipino sa harap niya. Ang awkward na tuloy.
"Anong nga palang nangyare sa dalire mo?" tanong niya habang nakatingin sa kamay ko.
"Nahiwa."
"What the heck?"
"Oh?"
"Ang tanga mo naman, wala ka na bang ibang hihiwain kaya 'yong sarili mo nalang?"
Tumawa ako dahil sa sinabi niya. Minsan talaga napakatabil ng bibig nito ang sarap tuloy bumili ng samurai tapos hiwa-hiwain siya ng pinong-pino. Nakakagigil e.
"Ang bait talaga ng Raven na 'yan."
Tumitig siya sa'kin at nagbuntong hininga.
Ano ba talagang meron at parang ayaw niyang tanggapin na mabait siya.
~*~
Mabilis ang mga sumunod na araw at mas lalong napalapit ang loob ko sa dalawa. Unti-unti na akong nasasanay na nasa tabi ko sila kahit minsan nagsusungit si Raven at niloloko ako ni Cyviel.
Nandoon na ako sa point kung saan, nalimot ko na kung anong buhay ko noong wala sila. Araw-araw kasi masaya. Naisip ko na sana ganito nalang palagi. Na sana wala ng misunderstanding. Sana rin umuwi na si Auntie. Ilang araw nalang mababayaran ko na 'yong utang niya kasi ibibigay na sa'kin 'yong cash prize.
"Isang lap pa!" sigaw ng P.E. teacher namin na si Mr. Agoncillo.
Hingal na hingal ako kakatakbo tapos maalinsangan pa. Hindi mainit pero hindi rin naman malamig kaya tagaktak na 'yong mga pawis ko sa noo.
Nilingon ko 'yong mga kaklase ko na nasa likuran. Ang iba tumatakbo, ang iba gumagapang na sa sobrang pagod. As in literal na gumagapang talaga.
"One last lap students!" sigaw ulit ng guro. Sa sobrang pagod na-iimagine kong may dala siyang latigo, may sungay at nagbabaga ang mata. Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo, determinadong matapos at makapagalit.
Nauna akong natapos kagaya ng palaging nangyayare. Nakita ko si Cyviel sa hindi kalayuan na nagpapahila nalang kay Raven na naglalakad. Hindi naman sila mukhang pagod pero tagaktak na ang pawis nila. Naisip kong papatayin ata kami rito.
Pagkatapos ng P.E. pinagpalit niya kami ng uniform. Ang iba nagpuntang shower room dahil nanglalagkit at wala na atang pakialam sa next sub.
"Xyra, pinapasabi nga pala ni Principal na pumunta ka raw sa office niya mamayang uwian," ani ng napadaang si Shylo. May dala siyang mga papel at mukhang galing sa office.
"Bakit daw?"
"Hindi ko alam e."
"Sige, salamat!" sabi ko at sinukbit ang bag sa likod.
Ano na naman kayang sasabihin ni Principal? Baka tungkol sa misyon ko. Medyo hindi na kasi kami nag-uusap tungkol do'n e. Saka nitong mga nakaraan lang naiisip ko na putulin na ang kasunduan na 'yon. Baka magdulot 'to sa'min ng misunderstanding kaya napagdesisyonan kong tatanggihan ko na 'yong offer ni Principal. Hindi naman sa ginagamit ko talaga sila pero baka 'yon ang isipin nila kaya I'm willing to give it up para sa pagkakaibigan na binubuo namin.
Pagkatapos kong magpalit ng uniform bumalik kami sa classroom para sa next subject. Pansin kong lingon nang lingon sa'kin si Raven kaya tinagilid ko ang ulo. Kapag nagtatagpo naman ang mata namin nag-iiwas siya.
Ano kayang problema niya?
"Good afternoon po," sabi ko nang pumasok sa office ni Principal.
Sa kanya ako dumiretso pagkatapos ng klase namin.
"Hi good afternoon," aniya at nagtanggal ng salamin. Binaba niya ang hawak na ballpen at saka tiniklop ang sinusulatan niya.
"Pinapapunta niyo raw po ako?" tanong ko at umupo sa upuan nang turuin niya ito.
"Hm? Nothing important." Ngumiti siya. "I just want to ask how's your mission. Nasabi sa'kin ng teacher niyo ang tungkol sa dalawa. Ven is not that studious yet pero he is improving. Nagpa-participate na siya sa ibang mga school activities."
Marahang tumango ako. "Gi-ginagawa ko po ang lahat para matulungan sila gaya ng pagtulong nila sa'kin."
"It seems like tama ang desisyon ko na humingi sa'yo ng tulong." Tumango-tango siya.
"Wala naman po akong masyadong ginawa e." Nahihiyang sabi ko at yumuko. Pinaglaruan ko ang mga kamay na nakapatong sa hita. "Ang ginawa ko lang ay i-assist sila at kulitin kapag may projects at assignments."
"No." Umiling siya at ngumiti. "You're a big help Xyra. They will never show this much improvement kung wala ka sa buhay nila. You see, those two delinquents are a pain in the ass. Wala silang ibang ginawa kundi magbulakbol."
Ngumiti ako. Masaya ako kung ganoon. Isa pa, hindi lang din naman sila ang nagbago nitong mga nakaraan. Ako rin naman e. Marami ang nag-improve sa'kin simula no'ng nakasama ko sila. Pakiramdam ko dinidiligan namin ang isa't-isa kaya yumayabong kaming tatlo ng magkakasama.
"Ni-report ko na ang improvements na 'to sa mga parents nila and they seem very happy lalo na 'yong parents ni Ven. Nasabi ko na rin sa kanila 'yong kondisyon ko sa'yo. Na susuportahan ka nila sa college pag nagtuloy-tuloy 'to. They agreed at willing pa na magbigay ng higit pa ro'n sa napag-usapan. Actually, they want to meet you."
"Uhm... Principal tungkol diyan---"
Napatigil si Principal at napalingon kaming dalawa nang bumukas ang pinto. Niluwa no'n si Raven na hindi ko mawari kung anong pinapakitang ekspresyon sa mukha.
"Raven!" Gulat na sabi ko at tumayo. He looked at me. Malamig ang ekspresyon ng mga mata niya kaya unti-unting napawi ang ngiti ko.
"Tama ba 'yong mga narinig ko?"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (20)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
part 2 plssssssss
11/02/2025
0ahahhahaha
25/09/2024
0Very interesting story
26/02/2023
0Tingnan Lahat