logo text

Chapter 19: Forgiveness

Alas-onse 'y medya na ako nakatulog. Katabi ko lang 'yong inaakupahan ni Alliyah, ang ex ni Cyviel kaya rinig ko pag may ingay sa kwarto niya. Nagigising ako tuwing naririnig ko siyang umiiyak. Gusto ko man siyang aluhin pero pinipigilan ko 'yong sarili ko na 'wag manghimasok sa problema nila. Baka magalit siya kasi hindi naman kami close.
Wala ako halos tulog buong gabi. Wala na rin naman si Alliyah sa kwarto niya no'ng nagising kami. Nag-iwan lang siya ng note na nagsasabing,
Salamat Xyra. Sorry sa abala Cyviel.
- AL
"Hindi man lang nag-sorry sa'kin. Rinig na rinig ko siyang parang multo na umiiyak kagabi," ani Raven at umiling habang kinakalikot ang tenga. Papunta na kami sa school tatlo.
"May assignment kayo?" tanong ni Cyviel na parang iniiwasan ang topic.
"At kailan ka pa may paki sa assignment?" Tinaasan siya ng kilay Raven.
"Edi ngayon."
"Heto, may assignment ako," sabi ko at kinuha ang notebook sa bag. Binigay ko kay Cyviel na kaagad din niyang tinanggap.
"Thanks, pakopya ako ah? Kopya ka na rin Ven," ani Cyviel at binaliktad ang bag niya. Doon siya nagsulat habang naglalakad.
Nagkatinginan kami ni Raven, parehong nawe-weirdohan kay Cyviel pero hindi na nagsalita.
Naghiwalay kami no'ng nasa gate na. Pagpasok ko palang, sinalubong ako ng isang babae at isang lalake kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Hi!" bati ng babae. "Good morning sa'yo!"
"Good morning din," sabi ko at ngumiti.
"I'm Kanri Ichika and this is Saturn Aristotle Vasquez, our beloved SSG president. Do you know us?"
Marahan akong tumango. The girl is the SSG secretary tapos 'yong lalake naman 'yong presidente kaya impossibleng 'di ko sila kilala. Bukod pa ro'n, isa silang dalawa sa mga taong namamahala sa isang club na naglilimbag ng mga newspaper about sa school kaya...
"So ayon, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. We all know na ikaw ang nanalo sa pageant, right? We're writing a special article about the pageant for the next school paper. Sana mapaunlakan mo kami sa isang interview." Pinagdaop niya ang mga kamay at tinitigan ako habang nakangiti ng alanganin.
"S-sure."
Wala naman akong rason para tumanggi sa alok niya.
"Woah! Thank you! Thank you! Maraming-maraming salamat talaga! It will be an honor! See you sa lunch break." Ngumiti siya at yumuko.
"Welcome."
"Sige, mauuna na kami. Hihintayin ka namin at sana dumating ka," aniya at iniwan na nila ako. Tuwang-tuwa 'yong babae habang 'yong lalake tinitignan lang siya with indifference.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagpunta sa classroom. Napansin kong may kumusyon malapit sa ikatlong building. Nakita ko si Malou II na may inaaway sa gitna ng kumpulan. Nasa likod niya ang ibang Malou pero wala 'yong original na Malou. Na-curious ako sinong pinagtutulungan nila kaya lalapit na nasa ako nang biglang nag-bell tanda na time na para pumasok. Dumiretso nalang ako sa classroom.
May bago na naman silang pinagdidiskitahan.
Mabilis lang para sa'kin ang klase sa umaga. Kumpara noon, nakikinig na si Cyviel at Raven. Pa drawing-drawing parin si Raven pero sumasagot na pag tinatawag ng teacher kaya improving na sila.
Kaso no'ng lunch break pasimpleng sinumbatan ako ni Cyviel.
"Hay! Ang galing, komopya ako sa zero," aniya habang nakapamaywang. Inaayos ko ang laman ng bag ko nang sabihin niya 'yon kaya napanguso ako.
"Bakit hindi ka kasi gumawa ng sarili mong assignment, Mr. Premacio?" ani ng teacher na nagsusulat sa table niya saka ako sinulyapan. Nag-iwas naman ako.
Alam kaya niya na sa'kin komopya si Cyviel ng assignment? Hindi naman siguro. Madami kayang na-zero sa assignment pero mostly kasi hindi sila gumawa.
Nauna na silang lumabas sa'kin.
"You're doing good," ani ng teacher no'ng palabas na ako. Tumingin ako sa paligid pero ako nalang naman ang estudyante kaya malamang ako ang kausap niya.
"Po?"
"Happy eating," aniya at ngumiti.
Tumango ako at lumabas ng classroom. Ang weirdo talaga minsan ng guro dito. Dumiretso ako sa cafeteria kung saan ako kumakain palagi. Wala ng bakante kaya napilitan akong maki-share ng table.
Dahan-dahan akong umupo. Akala ko aawayin nila ako ta's papaalisin kaya pinigilan ko ang paghinga. Aalis naman ako kung gusto nila pero ang nakakagulat, hindi nila ako pinansin kaya nakahinga ako ng maluwag.
Aaminin kong nagugulat ako sa mga pagbabago. Hindi ko alam kung nag-level up ang tingin nila sa'kin o nakahanap sila ng bagong aapihin. Pero 'wag naman sana 'yong huli kasi kawawa naman 'yong pumalit sa'kin.
"Kainin mo na!"
Napatingin kami ng mga ka-table ko sa kalapit na lamesa nang makarinig kami ng hampas at sigaw.
"Ayoko nga!"
Ikinagulat ko nang makita si Malou at ang mga dating alipores niya na nag-aaway. Nakaupo si Malou sa isang mesa at nabanggit ni Malou II na gusto niyang kumain si Malou kaya bumaba ang mata ko sa tray. Nakita kong lumulutang 'yong kinakain ni Malou sa isang likido na hinuha ko ay coke.
"Ang arte mo!" ani Malou II at hinawakan si Malou sa buhok saka pinilit na pinaharap doon sa tray. "Kainin mo na, talunan!"
Naguguluhan ako sa nakikita kaya hindi kaagad ako nakapag-react. Teka lang? Nasa ibang dimensyon ba ako? Bakit nagaaway sila at si Malou talaga ang binubully? Anong nangyayare rito?
"I said, I won't---" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang tinulak siya ng isa sa alipore niya sa likod ng ulo dahilan para masubsob ang mukha niya sa tray.
Nagtawanan ang lahat ng nakakita kasama na ro'n ang mga ka-share ko ng table. Napatayo ako.
Kung kaya nila, pwes ako, hindi ko kayang tignan ang mga nangyayare.
Naglakad ako palapit sa kanila at tinulak si Malou II at ang mga alipores.
"What the?"
Pareho silang nagulat sa pangingialam ko.
"Ano ba? Bakit niya ba siya pinagkakaisahan?" tanong ko at tinago sa likod ko si Malou.
"Why are you making sawsaw ba? Aren't you happy na siya naman ngayon ang binubu--"
"Hindi." Mariing agap ko at tinuro ang nasa likod. "Akala ko ba magkakaibigan kayo? Anong nangyare?"
"Duh? Talunan siya. Ang yabang-yabang niya no'ng sinabi niya sa'min na ilalampaso ka niya pero siya naman 'yong umuwing luhaan. What more is nadapa pa siya sa stage! Hindi namin pwedeng respetuhin at gawing leader ang isang kahiya-hiyang nilalang na kagaya niya!" ani Malou II at nag-cross arm.
Napasinghap ako. Doon ko na-realize na, this school is really cruel. Kapag nagpakita ka ng kahinaan, chances are, imbis na tulungan ka aapakan ka nila. Walang mga totoong kaibigan at imbis na alalayan ang nagkamali, tinatawanan. Imbis na bigyan ng lakas ang nanghihina, binabalian. Wala silang paki sa pera o sa estado mo sa buhay. Ang alam lang nila, nasa pinaka ilalim ang hinahayaan ang sarili na magpaapi. Lalo na 'yong mga nag-iisa. Kagaya ko noon.
At hindi ko alam bakit iba na ngayon ang trato nila sa'kin pero isa lang ang sigurado ako. Hindi tama 'to.
"Dahil lang do'n?" tanong ko.
"Oo? Dahil lang do'n!"
Napailing ako. Hindi ako makapaniwala sa mga taong 'to. Beyond human level na ang mga abilidad nila sa pagiging salbahe.
"Umalis ka nalang Xyra! At 'wag ka nalang makialam, pwede? Maging masaya ka nalang na hindi na ikaw pinagdidiskitahan namin---"
"Paano naman ako magiging masaya sa ginagawa niyo? Imbis kaya na inaaway niyo siya e pwede bang---"
"Tama na!" Nagsalita si Malou kaya nilingon namin siya. Dahan-dahang umahon siya mula sa pagkakaupo habang nakatingin sa'kin. "I don't need your pity! Saksak mo 'yan sa lungs mo, Xyra!" aniya at tumakbo palayo.
"Boo!"
"Ikaw na nga tinutulungan!"
"Mahiya ka naman! Pinagtatanggol ka na nga ng dating inaapi mo e!"
"Oo nga! Makapal talaga mukha mo Malou!"
Binalingan ko sina Two at Three na nag-smirk lang sa'kin. Sinamaan ko sila ng tingin at saka sinundan si Malou dala ang bag ko at ang bag niya.
"Malou!" sigaw ko habang sinusundan siya.
"What?! Leave me alone!" Inis niyang sigaw.
Nadaanan ko sina Raven at Cyviel na parehong napatingin sa'min kaya pasimpleng nag-okay sign ako. Nasa palibot kasi ng dalawa ang mga crazy fan girls nila kaya hindi ako pwedeng makipag-usap.
"Yong bag mo!" sigaw ko habang hinihingal. Ang bilis bilis niya kasing maglakad e. Para naman akong pinapatakbo sa track and field nito tuwing P.E.
"I don't care with my bag!" sigaw niya pabalik at tinaas pa ang dalawang kamay. "Leave me alone!"
"Pero mahal 'to diba?"
"Sa'yo na 'yan! Mukha ka namang pera eh!"
Hinawakan ko siya sa braso nang sa wakas ay maabutan ko siya. Mabilis niya rin namang inalis ang kamay ko at pinukol ako ng masamang tingin.
"Don't touch me!" aniya. Nalulusaw na pala 'yong make up niya dahil sa ginawa kanina ni Two at Three.
"Teka lang naman, ang haba kasi ng biyas mo tapos sa'kin tignan mo oh," sabi ko at hinihingal na binaba ang tingin sa mga paa namin. Tumingin din siya roon at saka umismid.
"Bakit mo ba ako sinusundan?"
"Dahil sa bag mo?" Tinaas ko ang bag niya.
"No! Maniwala ako sa'yo? Siguro kaya mo ako sinundan kasi gusto mong tignan 'tong pathetic na mukhang 'to! Siguro tumatawa ka na ngayon sa ulo mo! Siguro sobrang saya mo kasi bumabagsak na ako! Siguro nga nagdidiwang ka ngayon sa utak mo e, 'no?! Aminin mo!" aniya at bahagyang tinulak ako.
"Bakit? May powers ka ba at napasok mo 'tong ulo ko, ha?"
"Wala! Pero alam ko 'yon ang normal na reaction ng mga taong na-bully ko at nakikita ako ngayon! Na dapat lang 'to sa'kin kasi naging masama ako!"
"Edi abnormal nga talaga ako," sabi ko at inayos ang bag sa likod. "Alam mo, hindi tuwa ang nararamdaman ko habang tinitignan ka ngayon."
"Edi what?"
"Panghihinayang." Humugot ako ng malalim na hininga. "Kasi ang taas mo dati. Tapos ngayon, inaapakan ka nalang ng iba. Hindi maganda ang pakiramdam ko na nakikita kang ganyan kasi sanay ako na tinitingala ka ng lahat lalo na ng mga alipores mo. Pero ngayon, sila pa mismo ang nananakit sa'yo."
"And how will I know na hindi ka nagsisinungaling?"
"Nasa sa'yo na 'yan. Pero ako, hindi ako nagtatanim ng sama ng loob sa kahit na sino. Pakiramdam ko kasi pag ginawa ko 'yon pinipigilan ko 'yong sarili ko na maging tunay na masaya. Kaya makakaasa ka sa bawat sinasabi ko. Na wala akong galit sa'yo."
Tinitigan niya ako.
"Saka alam ko 'yong pakiramdam na parang ikaw lang mag-isa kaya kahit alam kong magagalit ka, pinagtanggol parin kita. Ayoko lang kasi na maramdaman mo 'yong naramdaman ko noon. Ayokong maramdaman 'yon kahit pa ng taong gumawa no'n sa'kin." Binalik ko sa kanya ang bag niya.
Hindi siya nagsalita at nag-iwas ng tingin na para bang nahihiya.
"Sige, mauuna na ako. Nangako kasi ako sa isang tao na bibisitahin ko ang club nila." Ngumiti ako at tinalikuran siya.
"Te---teka!"
"At nga pala, sabi nila you get what you tolerate daw. Sa'yo ko 'yan natutunan in a very hard way. Kaya naman, 'wag mo silang hahayaan na api-apihin ka. Ikaw si Malou diba? Malakas ka. Pero sana nga lang 'yong susunod mong trono hindi na gawa sa mga babaeng inaapakan mo."

Komento sa Aklat (20)

  • avatar
    Maxine Raymundo

    part 2 plssssssss

    11/02/2025

      0
  • avatar
    Carla Andrea

    ahahhahaha

    25/09/2024

      0
  • avatar
    Sheyn Auron

    Very interesting story

    26/02/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata