Chapter 36

Rafaela Amber Reyes Pov.
Nang magising ako sa alarm ko ay bumangon na ako agad para patayin ito. Tuwing gabi bago ako matulog ay inilalayo ko ang cellphone ko sakin para kapag nag-alarm mapapabangon talaga ako. Nang mapatay ko ang alarm ay tinignan ko si miya na sobrang hibing ng tulog, grabe ang babaeng 'to anong oras na ata nakatulog. 
Kumuha lang muna ako ng susuotin ko bago nagtungo sa banyo upang maligo. Mamaya ko na lang gigisingin si miya kapag tapos kong maligo. Nang matapos akong maligo at mag-ayos ng sarili ay nilapitan ko na si miya upang gisingin. 
"miya." gising ko sa kanya at bahagya niyugyog ang balikat niya. "huy gumising kana" anya ko pa sa kanya ng lumayo lang siya sa akin. Dumilat na din naman siya at nag-unat. 
"goodmorning" bati niya sa akin "bitin tulog ko, ang sarap dito" sabi niya pa. 
"bumangon kana dyan at maligo. Dalian mo" sabi ko sa kanya at naglakad na sa may pintuan. "pag balik ko dapat ayos kana" sabi ko pa bago tuluyang makalabas. 
Habang pababa ako ay nakita ko si raven na tulog pa habang si tyson naman ay nakaupo na at mukhang kagigising lang. 
"goodmorning" ngiting bati ko kay tyson pagbaba ko. Tinanungan lang naman niya ako. Nagtungo naman na ako sa kusina para puntahan si chef ferran "goodmorning chef" bati ko kay chef na gumagawa na ng breakfast. 
"goodmorning rafaela" balik na bati nito sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. 
Simula nung tuesday maaga na akong gumigising para makatulong kay chef ferran, assist lang naman ako. At para maihanda ko na din ang mga dadalhin ko para sa kanila. Ibinaba ko na ang water bottle nila at ibinaba ko na din ang mga containers na paglalagyan ng breakfast namin. Sa sasakyan na din kasi ako nag-aalmusal. Nasasanay na din naman silang lima na nag-aalmusal sa sasakyan nila. Kahapon nga pagbaba nila kinukuha na nila agad sa akin ang almusal nila. 
Hindi ko alam dun sa limang yun, pwede pa naman silang mag-almusal dito pero lagi silang nagmamadaling umalis. Pero kahit hindi sila nag aalmusal dito gumagawa padin naman si chef ferran ng almusal nila. Hindi naman nasasayang yun dahil kinakain din nila yun. Pero kasi ako nanghihinayang ako sa pera nila, puro sila bili. 
Lumabas muna ako ng kusina upang lagyan ng tubig ang bottle water nila at para kumuha na din ng drinks nina raven, miko, at danger dahil may training sila ngayon. Nang makakuha ako ay nagtungo muna ako sa waiting area upang ipatong sa lamesa ang drinks at water bottle nila bago ako bumalik sa kusina. Nang matapos si chef ferran ay ako naman na ang naglagay sa mga container ng mga ginawa niyang breakfast. Healthy breakfast lagi ang ginagawa ni chef ferran para sa kanila at ngayon na sa kotse sila kumakain, ang ginagawa niya lang ay yung mga madaling kainin. 
"salamat chef" pasalamat ko kay chef bago lumabas. Nang makarating ako sa waiting area ay ibinaba ko na muna ang mga dala ko sa lamesa at umakyat na para tawagin si miya. Sakto naman pag-akyat ko ay lumabas na siya ng kwarto na ayos na at sukbit na ang backpack niya. 
"sandali lang" aniya ko kay miya at pumasok ng kwarto para kunin naman ang gamit ko. Nang makuha ko ang gamit ko ay sabay na kaming bumaba at nag-antay na sa waiting area. "sabayan na natin sila mag-almusal sa sasakyan." sabi ko kay miya at ibinigay sa kanya ang isang breakfast. Bigla naman siyang naghikab. 
"inaantok pa ko" sabi niya "araw-araw siguro masarap tulog at pagkain mo dito" bahagya akong natawa sa sinabi niya. "girl ang swerte mong nilalang" sabi niya pa sakin. 
Saglit pa kaming nag-antay ng bumaba na si miko at tyson. Agad naman akong tumayo at kinuha ang water bottle nila at almulsal. Iniharap ni miko ang bag niya ng makababa siya at binuksan ito. Inilagay ko naman sa bag niya ang mga inumin niya at ibinigay sa kanya ang almusal niya. Kinuha lang naman ni tyson sakin ang tubig niya at almusal. 
"salamat" sabi niya at nagtungo na palabas. 
"mukha kang baby sitter nila" bulong ni miya sa akin ng maka-upo akong muli sa tabi niya. 
"sira" anya ko sa kanya. Napatayo naman akong muli ng sabay-sabay ng bumaba yung tatlo.  Ibinigay ko na lang ang water bottle nila at almusal pagbaba nila at sumunod na kami ni miya palabas sa kanila. Bahagya naman akong ngumiti at yumuko kay Mr. Lawrence bago kami pumasok ni miya sa sasakyan ni raven. 
Nang umandar na ang sasakyan ni zyion na nasa pinaka harapan ay umalis na din kami. Pansin ko laging nasa unahan ang sasakyan ni zyion, lagi siyang nangunguna at lagi naman nasa likod o hulihan si tyson. Sina raven paiba-iba sila, minsan nasa harap ni tyson si raven, minsan naman nasa likod ni zyion. Basta ang hindi lang nababago si zyion at tyson. 
*****
Pagbaba namin ng sasakyan ay pinagtitingin agad kami ng mga estudyanteng naglalakad. Isa na sa dahilan ang lima, pero dahil talaga kay miya. Halata sa itsura nila na nagtataka sila kung bakit bumaba si miya sa sasakyan ni raven, kung bakit namin siya kasama. 
"haynako, ako naman ang magiging usap-usapan ngayon" anya ni miya sa akin. Napatawa naman ako sa kanya. Sumusunod lang kaming dalawa sa likuran nina raven. 
"hot topic" natatawang sabi ko sa kanya. Napatingin naman kami ni miya sa gilid ng mapansin namin ang kambal, napatingin din sila sa amin pero agad din na nag-iwas ng tingin. 
"mabuti iniiwasan ka ng dalawang yun. Nawala ang sakit sa ulo mo"saad sa akin ni miya bago kami pumasok sa building. 
"hayaan mo na sila" sabi ko kay miya. Pagdating namin sa second floor ay humiwalay na din si miya samin, nag pasalamat pa siya sa lima bago siya umalis. Kami naman ay nagtungo sa klase namin. Magkaka-klase kami ngayon. 
*****
"rafaela" napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa akin at nakita ko si rhea. Tumigil naman ako sa paglalakad upang antayin siya. "pwede ako sumabay sa inyo kumain sa cafeteria?" tanong niya ng makalapit sa akin. Tumango naman ako sa kanya. 
"oo sige, wala naman problema" sagot ko. Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad papunta sa locker. 
"nga pala kayna raven kana ba nakatira ngayon?" tanong niya. Tumango naman ako. "kaya pala lagi mo na silang kasabay pumasok. Dati din akong tumira sa kanila eh" sabi niya pa sakin. 
"oo nga, sinabi ni danger sa akin" sabi ko. 
"na?" tanong niya
"tumira ka sa mansion" sagot ko
"yun lang?" napakunot na tumango ako sa kanya. 
"paano ka nga pala naging personal maid nila?" tanong ko naman sa kanya. Bahagya naman siyang natawa. 
"wala trip-trip lang talaga nila yun. Hindi naman nila kailangan ng personal maid, trip lang nila. Malakas kasi trip ng mga yun dati. Actually si raven lang talaga dapat yung amo ko kasi siya lang may gusto nun. Paborito niya kasi si sharpay dati, yung dun sa high school musical, alam mo yung movie na yun?" ngiting tumango ako "eh diba meron yung personal assistant, ayun gusto niya din. Nag lagay siya ng mga hiring poster sa mga bulletin board sa high school building noon, wala naman pumapansin kasi nga akala ng lahat trip lang nila, kahit ako hindi ko pinapansin yun nung una. Naalala ko pa qualifications na nilagay nila dun, babae lang tinatanggap nila, same year nina raven, at scholar...nung mga halos magdadalawang linggo na nandoon sa bulletin yung poster at hindi nila tinatanggal, nag-isip na ako na subukan, wala naman mawawala sa akin kung susubukan ko. Siguro pagtatawanan nila ako kasi napagtripan nila ako at nauto pero sakin ayos lang yun, sinubukan ko lang naman. Naisip ko lang naman kung totoo nga yun at makuha nila ako makakatulong ako sa gastusin sa bahay kahit papaano....sa kabutihang palad naman nung lumapit ako sa kanila kinuha nila ako agad. Trip lang nila pero seryoso sila." kwento niya. Napangiti naman ako. Nang makadating kami sa locker room ay inilagay ko na agad sa locker ko ang gamit ko. 
"paano yung sahod mo nun? Hati din?" tumango siya sa tanong ko
"oo, kaya nga silang lima ang amo ko na dapat si raven lang kasi siya lang naman may gusto nun. Kapag kasi si raven lang mauubos ang allowance na binibigay sa kanya. Ayos lang naman sakin kahit maliit ibigay nila dahil dagdag gastusin lang ang nasa isip ko pero ayaw nila. Nung naging personal maid nila ako, ako na yung nagpaaral sa bunso namin." aniya niya. "ikaw paano ka naging personal maid nila?" bahagya akong natawa dahil naalala ko yung sa restaurant dati. Kung dati nalulungkot ako kapag naalala ko ang araw na yun pero ngayon natatawa nalang ako. Kwinento ko sa kanya ang mga nangyari sa akin, mula sa magkabanggan kami ni raven sa vanderbilts company hanggang sa magpunta na ako ng mansion dahil nakita ko na yung baraha. 
Nung marinig ko ang kwento ni rhea na trip lang nila na magkaroon sila ng personal maid naisip ko tuloy na baka trip lang ulit nila 'to. Grabe, ang lakas ng trip nila. Pero naisip ko si raven, impossible na siya ulit ang may gusto na magkaroon sila ng personal maid kasi sabi niya nga sa akin dati hindi niya alam kung bakit siya pumayag na magkaroon sila ng personal maid. 
*****
"rafaela" napatingin ako sa dumungaw sa pintuan ng locker room at nakita si raven "patulong ako" sabi niya pa at inaya akong pumasok. Isa-isa naman ng nagsisilabasan ang mga ka-teammates niya. Katatapos lang ng training nila. 
Kanina nung lunch break, grabe tingin sa amin dahil kasama namin si rhea. Hindi naman na iniiwasan ng lima si rhea pero kinakausap lang nila ito kapag si rhea ang unang kakausap sa kanila. Para bang isang tanong, isang sagot lang sila. Hindi ko naman sila masisisi kung ganun pa ang tungo nila kay rhea. 
"palagay sa training bag ko yung mga nasa locker. Bihis lang ako saglit" sabi niya sa akin at nagtungo na sa shower room. Binuksan ko naman na ang locker niya at napatigil nalang ng makita na puro regalo ang laman nito, may mga surprise box, may mga natutuyo ng bulaklak, chocolates, letters, at iilang mga plushie. Napatingin naman ako kay lexie ng tumabi ito sa akin at kumuha ng isang chocolate. 
"don't worry, raven won't mind this." sabi ni lexie habang binubuksan ang chocolate at kumagat dito "ibibigay niya lang din kay miko ang mga chocolates na iyan" sabi niya pa. 
"at least hindi niya tinatapon" sabi ko at nagsimula ng ilagay sa bag ang mga nasa locker. 
Hindi ko maintindihan ang nasa isip ng mga lalaking nag bibigay ng ganito kay raven, ganito ba talaga pag sobrang ganda kahit may fiancé na ang dami padin nagkakagusto at ang dami padin sumusubok na manligaw? Naalala ko tuloy dati may lalaking naglakas ng loob kay raven, tinanong niya si raven ng date habang katabi ni raven si tyson. Lakas diba? Ang lakas ng amats. Pero bilib ako sa lakas ng loob ni kuya kasi expected niya na marereject siya ni raven pero sinubukan niya padin. Alam kasi nila na arranged lang yung dalawa at hindi talaga gusto ni tyson si raven. Haynako! Ewan ko ba kay tyson, ewan ko ba sa kanilang dalawa. 
"kamusta naman pag s-stay mo sa el olimpo" tanong bigla ni lexie sakin. 
"masaya, nakakapanibago lang" sagot ko at ngumiti. Napatingin naman kami sa pintuan ng may pumasok at nakita namin si lorayne. Nagtaka naman ako ng i-lock ng babaeng kasama ni lorayne ang pintuan. Volleyball player din siya. 
"si raven?" lalo akong napakunot sa maangas na pagtatanong ni lorayne. 
"shower" casual na sagot ni lexie. Napatingin naman kami sa pintuan ng shower room ng lumabas si raven. 
"I don't need popcorn, chocolate is enough to enjoy this show" mahinang sabi ni lexie at naupo sa bench. Nagtaka naman ako sa kanya. 
"tell me, what's so good about you?" head-to-toe na tanong ni lorayne kay raven.
"lumalabas na ba tunay na kulay mo?" daretsong sabi ni raven sa kanya. Nanlaki naman ang mata ko ng marahas na iharap ni lorayne si raven sa kanya ng maglalakad na sana papunta sa amin si raven. 
"bakit bumalik kapa? Hindi kana dapat bumalik. Now they are all talking about you!... Let me tell you this straight to your face. Dati kalang ace, hindi na ngayon. So why they are still looking up to you!?" nang-gagalaiting tanong ni lorayne. Daretso lang naman siyang tinignan ni raven. 
"ewan ko, tanong mo sa kanila. Tanong mo nadin sila kung ace nga ba tingin nila sayo o self-proclaimed ka lang." napaawang ang bibig ko sa isinagot ni raven. 
"How dare you!" angil ni lorayne at sinampal si raven. Pupuntahan ko na sana si raven kaso pinigilan ako ni lexie. Ngumiti lamang ito sa akin at tinapik ang upuan sa tabi niya. Sinasabihan ako na umupo na lamang sa tabi niya. 
"wag ka mag-alala kay raven. Isang sampal niya lang dyan taob na yan" wika ni lexie sa akin na kinakunot ko. 
"ano bang kinagagalit mo? Makakapaglaro ka padin naman." wika ni raven. 
"what the? Don't you get it?! Nakakahiya sa parte ko na ace tapos bangko" iritang saad ni lorayne. Tinawanan naman siya ni raven na lalong kinainis ni lorayne. "anong nakakatawa?" iritang tanong pa ni lorayne. 
"ikaw." sagot agad ni raven. Napalunok na lang ako sa tapang ni raven. Akala mo walang kinakatakutan ang babaeng 'to "ace? Pero hindi mo maipanalo yung team mo?" wika ni raven at sarkastikong tumawa. 
"raven" napatakbo ako sa kanilang dalawa ng biglang hablutin ni lorayne ang buhok ni raven. 
"ano tatawa kapa? Ha!? Nakakatawa!?" gigil na wika ni lorayne. Lalo naman akong kinabahan ng hablutin din ni raven ang buhok ni lorayne. 
"gosh ang boring nito!" sigaw na wika ni raven. 
"raven, lorayne. Tama na" natatarantang sabi ko sa dalawa "baka ma-violation pa kayo, parehas kayong hindi makapaglaro" nag-aalalang wika ko pa. "ah!" agad naman akong napadaing at napaatras ng may humablot ng buhok ko sa likuran. "ano ba!" sigaw ko. Itinulak ko yung babae at masama itong tinignan. Nanlaki naman agad ang mata ko ng masama ako nitong tignan at biglang naglakad patungo sa akin. Hahablutin na sana nito ang buhok ko ng biglang pumagitna si lexie at sinabunutan siya. 
"Chaka niyo, mga inggiterang palaka!" sigaw ni lexie. Napabuga ako ng hangin at napahilamos nalang ng mukha sa nakikita ko. Kaliwa't kanan ang sigawan at sabunutan. Natatarantang nagtungo ako sa bench at tinawagan ang group chat naming anim, agad naman sumagot si danger at zyion. 
"tu-tulungan niyo ko. Nag-aaway sila dito. Sina raven, lexie, lorayne" nakita ko na magkasama lang si danger at miko na nasa baba lang, magkasama naman si tyson at zyion na naglalakad. "nandito kami sa locker room" agad kong naibaba ang tawag ng biglang itulak ni lorayne sa locker si raven. 
"ano ba lorayne, isipin mo matataggal ka sa ginagawa mo!" sigaw ko kay lorayne at tinulungan si raven. 
"umalis kana nga!" napadaing at napahawak ako sa braso ko ng malakas na itulak ako ni lorayne at tumama ako sa hawakan ng locker. 
"rafaela" nag-aalalang tawag sakin ni raven. Napakagat naman ako sa labi ko sa sakit, paniguradong magpapasa ito, mayroon pa naman ako ngayon.
"alam mo lorayne mag pasalamat ka hindi kita pinapatulan kundi sa ospital ang punta mo" sabi ni raven kay lorayne. 
"edi thank you" sarkastikong sabi ni lorayne. 
"ah thank you" nanlaki ang mata ko at napatigil ng malutong na sampalin ni raven si lorayne. Napalunok naman ako ng may makitang dugo sa labi ni lorayne. "thank you?" wika la ni raven. Agad kaming lumapit ni lexie kay raven ng tuhurin pa ni raven si lorayne sa sikmura dahilan para mapaluhod ito. 
"rafaela!" "avy!" agad kaming napatingin sa pinto sa malalakas na katok at tawag nina danger at miko sa labas. Patakbo naman akong nagtungo sa pinto ngunit agad akong napa-atras ng hablutin ng babae ang buhok ko. 
"ah!" daing ko. Napabitaw naman agad ang babae sa akin ng hablutin ni lexie ang buhok niya. 
"hindi pa tayo tapos" wika ni lexie dito. Agad akong nagtungo sa pinto at binuksan ito. 
"danger" tawag ko pagbukas ko ng pinto. Agad na tumakbo si miko papunta kayna raven. Napatingin naman ako kay danger ng lapitan ako nito. Bahagya akong napangiwi ng hawakan niya ang braso ko. 
"may masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong nito. 
"h-hindi, ayos lang ako. Si raven" sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. Saglit pa niya akong tinignan bago nagtungo kayna raven. Napatingin naman ako sa pintuan ng patakbong pumasok sina tyson at zyion na hingal na hingal pa. 
"tell me what happened here?" seryosong tanong ni zyion at nagtungo sa kanila. Biglang tumahimik naman ang paligid.
"ayos kalang?" tanong sa akin ni tyson, tumango naman ako sa kanya bago niya ako lagpasan at magtungo kay raven. 
"anong nangyari?" tanong muli ni zyion. Nag-salita naman na si lexie at kwinento ang mga nangyari.
"that's not true, she hit me first!" nangunot ang noo ko sa sinabi ni lorayne. Naalala ko tuloy si daneleigh at analiza sa kanya. Nag mamaang-maangan pa huli na. Buti nalang hindi si lady marelyn si zyion para paniwalaan si lorayne. 
"I'll report this today. Pumunta kayo ng guidance bukas." sabi niya at inilahad ang kamay kay lorayne "I.D" sabi nito. Simangot na ibinigay naman ni lorayne ang i.d niya, sunod na kinuha ni zyion ang kasama ni lorayne, sunod kay raven at kay lexie na ibinigay naman nila agad. Napakunot naman ako at nagtaka ng ilahad din ni zyion ang kamay niya sa akin. 
"kasama ako?" tanong ko. 
"obviously nakipag-away ka din" napaawang ang bibig ko sa sinabi ni zyion at itinuro niya pa ang gulo-gulo kong buhok. Sinamaan ko naman ng tingin yung babae at muling tumingin kay zyion. 
"Nauna sila, sinabunutan—" napatigil ako sa pagsasalita
"I.D" sabi ni zyion. Napabagsak balikat na lamang ako at napabuntong hiningang ibinigay ang I.D ko sa kanya.

Komento sa Aklat (600)

  • avatar
    EncisoMedelyn

    ang tagal na po nato wala pa rin pong kasunod.. pero willing pa ren po ko mag intay.. kahit matagal na pong walang update.. sana mag karoon na po

    27/06/2022

      0
  • avatar
    CernaJovy

    I LIKE IT,ITS THE SAME THING I HAVE THAT HARDNESS IN LIFE,BUT HER CHAPTERS IN LIFE MORE INTENSE,I WANT TO READ MORE OF YOURE NOVELS!!

    18/12/2021

      0
  • avatar
    Anne Tayco Orille

    OMG!!! The story was lit!!!! Sobrang nakaka inspired 'to lalo na sa mga nakakaranas ng ganyan sa real life, highly recommended this story to those pips na mahilig sa mga stories like this!! Girlllll ang gandaaa ng story mo, while reading this I'm just listening some music na swack din sa pagbabasa neto!!! Thank you for this kind of story ackkk<33 relate much kahit wala akong work yung ibang scene niya sheesh<33

    04/12/2021

      2
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo