Homepage/Cinderella and the Five Heirs/
Chapter 35
Rafaela Amber Reyes Pov.
Kay raven na ako sumabay pag uwi namin galing sa seminar nila sa vanderbilts company. Nang makauwi naman kami ay nagpahinga lang muna ako. Mag-aaral sana ako pag-uwi namin kanina kaya lang naalala ko may group study nga pala kami ngayon.
Nang matapos kaming kumain ng hapunan ay umakyat na ako sa kwarto ko para ayusin ang gagamitin ko sa group study. Napatigil naman ako sa ginagawa ko ng bigla tumawag si miya.
"oh bakit?" bungad na tanong ko ng masagot ko ang tawag, napakunot naman ako ng marinig ko siyang tila humihikbi "umiiyak ka ba?" tanong ko pa.
"rafaela, wala akong matulugan" lalo akong napakunot ngarag-ngarag na boses niya.
"anong walang matulugan?" tanong ko
"kasi.." nag-alala naman ako ng halos hindi na siya makapag-salita ng maayos.
"miya, huminahon ka muna. Nasaan ka? Pupuntahan kita" sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang wallet ko at nagtungo na agad palabas ng kwarto.
"nandito ako sa labas ng bahay." naiiyak na wika niya.
"sige, papunta na ko wag kang aalis dyan. Dyan kalang" ani ko at ibinaba na muna ang tawag. Pag baba ko ay saktong nakasalubong ko naman si zyion. Nilapitan ko ito para mag-paalam na aalis ako.
"zyion aalis muna ako, emergency lang" nag-mamadaling sabi ko.
"saan ka pupunta?" tanong niya.
"kay miya" sagot ko. Hindi na ako mapakali dahil medyo malayo pa ang tinitirhan ni miya at gabi na.
"tara, sasamahan kita" sabi niya sa akin. Napangiti naman at natuwa.
"hala, salamat" tuwang sabi ko at sumunod na sa kanya sa paglalakad.
Nagtaka naman ako ng maglakad kami papunta sa gilid ng hagdan. Napaawang na lang ang bibig ko ng i-slide niya ang pintuan at makita ko na isa itong elevator. Hanep akala ko kwarto to na bawal pasukan! Ang itsura kasi ng pintuan ay blend-in sa pader kaya akala ko parang yung sa third floor siya na sila lang ang pwedeng makaakyat, hindi ka naman kasi makaka-akyat sa third floor ng basta-basta kung mag-isa kalang at wala kang fingerprint. Pero hindi gaya sa taas na elevator na fingerprint lang ang tanging access, dito naman ay may pindutan.
Pagbaba namin at paglabas ay bumungad agad sa akin ang iba't-ibang uri at mga nag gagandahang sasakyan. Nandito kami sa basement parking lot nila. Hindi lang sasakyan ang meron sila, mayroon din mga big bikes sa dulo ng parking lot.
"nag cocollect ba kayo ng mga sasakyan?" tanong ko kay zyion.
"hindi naman" ani niya at bahagyang tumawa.
Nang makasakay na kami sa sasakyan niya ay umalis na din kami agad.
"alam mo ba address niya?" tanong niya sakin paglabas namin ng mansion, tumango naman ako sa kanya "ano?" sinabi ko ang address ni miya sa kanya. Saglit naman siyang huminto bago kami makalabas ng village at inilagay niya sa touch screen sa gitna ng sasakyan ang address na sinabi ko. Hindi ko alam ang tawag doon, infotainment ata. Hindi ko alam. Nang mailagay niya at malocate niya ay patuloy na kaming umalis.
"anong nangyari kay miya at mukhang emergency talaga? Naka pantulog kapang aalis" sabi niya napatingin naman ako sa suot ko at bahagyang natawa.
"tumawag kasi sakin umiiyak." sagot ko.
"ano daw nangyari?" tanong niya pa
"hindi ko nga makausap ng maayos kasi umiiyak" anya ko. Saglit naman siyang napatingin sa akin.
"you're a good friend rafaela. Despite being this late and her home is a bit far, pupuntahan mo padin siya even though you doesn't know whether it is big or just a small problem" sabi niya sakin.
"hindi naman kasi umiiyak si miya dahil lang sa maliit na bagay. Iniisip ko nga baka dumating na yung lilipat sa inuupahan niya" sagot ko. Nagtanong naman si zyion kung anong meron dun kaya kwinento ko sa kanya ang mga kwinento sa akin ni miya.
Nang makarating kami kay miya ay agad ko siyang nakita sa labas ng bahay at nag-aantay sa amin sa tapat ng gate. Pag baba ko ng sasakyan ay agad siyang tumakbo sa akin at niyakap ako. Hinagod ko naman ang likuran niya.
"ano bang nangyari?" tanong ko.
"dumating na yung bagong may-ari. Pag-uwi ko nasa sala na lahat ng gamit ko, pinapaalis na nila ako" muli kong hinagod ang likod niya dahil naiiyak nanaman siya "hindi ko alam kung saan ako matutulog" wika pa niya. Bumitaw siya sa pagkakayakap at pinunasan ko ang luha sa mga mata niya.
"hindi naman pwedeng paalisin ka nila agad, wala kapa ngang nakukuhang bagong uupahan....Kahit ngayon gabi lang ayaw nila?" umiling siya. Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin saglit kay zyion bago naglakad papasok ng gate.
"anong gagawin mo?" pigil sa akin ni zyion bago kumatok ng pinto.
"kakausapin sila. Hindi naman tama ang ginagawa nila. Wala ba silang awa?" anya ko. Tumahimik naman si zyion. Tumingin naman ako ng daretso kay miya.
"kakatok pa ba ako o papasok ka nalang?" mahinahong tanong ko sa kanya.
"ako na" sagot niya at nauna ng pumasok, sumunod naman kami ni zyion. Pagpasok namin ay nagulat nalang ako sa gulo ng bahay, mukhang kakalipat nga lang nila. Nagulat din ako sa dami ng tao, mukhang dalawa o tatlong pamilya ang titira dito sa bahay. Buong akan na ata ito.
"sila na ba ang susundo sa'yo?" tanong ng isang may edaran na babae at lumapit kay miya. Napatingin naman si miya sa akin kaya lumapit ako sa babae.
"hmm, hello po, kaibigan po ako ni miya. Makikiusap po sana kami na kahit ngayon gabi lang po kung pwede dito po muna matulog si miya. Wala pa po kasi siyang nahahanap na bagong mauupahan." anya ko.
"ay nako ineng hindi pwede. Nakita mo ang dami namin dito. Ang tagal ko naman ng sinabi sa dating may-ari na hindi ko gagawin paupahan ang bahay kaya nga ng makalipat kami kanina nagulat kami nandito pa siya." napatingin ako saglit kay miya "tutal sabi mo nga kaibigan niya kayo, bakit hindi niyo nalang muna siya sainyo patuluyin? Mukha naman kayong mayayaman. Naka silk kapa at ito ang gwapo" napatingin ako kay zyion at napapigil ng tawa sa naging reaksyon niya sa sinabi ng babae. Tumingin naman si zyion sa akin at bahagyang yumukong inilapit ang mukhang sa tenga ko.
"usap tayo sa labas" bulong niya. Napatango naman ako.
"sandali lang po" ani ko sa babae at sinenyasan ko si miya na sandali lamang bago ako sumunod kay zyion palabas.
"zyion kung hindi naman pwede sa mansion mayroon naman malapit na motel dito. Pwedeng doon na muna siya ngayong gabi" nahihiyang sabi ko kay zyion.
"no. She can stay in the mansion for a meantime hanggang hindi pa siya nakakahanap ng mauupahan." bahagya akong nagulat at napangiti sa sinabi ni zyion. "Hindi mo pwede patulugin si miya dito kahit isang gabi lang, hindi mo ba nakita? Halos puro lalaki ang nakatira dito." napatango ako.
"tatawag ako ng guard at driver to pick her things up. Mukhang yung mga gamit naman niya yung mga nasa gilid, hindi naman madami yun, kasya na sa isang van" sabi pa ni zyion. Napangiti naman ako.
"thank you zy" ngumiti siya sa akin at kinapa ang bulsa niya. Napatigil naman ako dahil naiwan niya pa ata ang cellphone niya.
"nakalimutan ko cellphone ko" bahagya akong natawa. Sabi na eh. Ibinigay ko nalang sa kanya ang cellphone niya.
"thanks" anya niya at kinuha niya ito. Ilang minuto lang ibinalik nadin niya sa akin ang cellphone ko, nakita ko naman na si danger ang tinawagan niya. "antay nalang tayo na dumating sila" sabi niya sa akin.
"Sige, sandali lang" sabi ko sa kanya at muling pumasok upang tawaging si miya.
"miya" tawag ko. Nang makalapit siya ay hinila ko siya palabas. "sa mansion ka muna titira hangga't wala ka pang nakukuhang mauupahan." nanlaki ang mata niya at malawak na napangiti. Nagulat naman ako ng yakapin niya ako bigla at nagtatatalon.
"thank you rafaela, thank you" natawa ako sa kanya
"kay zyion ka magpasalanat" sabi ko ng makabitaw siya sa yakap. Tumango naman siya sa akin at nagtungo kay zyion na nasa gate na nakangiting nakatingin sa amin. Napangiti naman ako ng makita si zyion na mag-iwas ng tingin ng malakad si miya sa kanya. Hinawakan ni miya ang isang kamay ni zyion at nag-bow dito. Halatang nagulat naman si zyion sa ginawa ni miya kaya bahagya akong natawa.
"thank you" pag-angat ng ulo na pasalamat ni miya.
"ah, okay. Welcome" awkward na sabi ni zyion.
Nag-antay nalang kami dito sa labas ng bahay na makarating yung van dahil nag aayos ang bagong may-ari sa loob. Binigyan naman nila kami ng kape at tinapay para may makain habang nag-aantay. Nakarating din naman agad yung inaantay namin dahil wala naman ng traffic dahil gabi na. Tumulong din kami sa pag kuha ng gamit niya sa bahay at paglagay nito sa van para mas madali. Nang matapos ay nagpaalam na din kami sa may-ari at nagbyahe na pauwi.
Habang nasa byahe ay biglang tumawag si danger. Sinagot ko naman ito agad.
[hello] sagot ko.
[nasaan na kayo?] tanong niya.
[pauwi na] sagot ko.
[tanungin mo nga si zyion paano yung group study? Tinatamad kami kaya hindi namin itinuloy na kami lang] sabi ni danger. Tumingin naman ako kay zyion, napatingin din ako saglit kay miya na nakatulog na sa likod.
"paano daw yung group study. Hindi daw sila tumuloy ng sila lang, tinatamad sila" sabi ko kay zyion. Inilapit ko naman ang cellphone ko kay zyion
"bukas nalang kamo, sa friday meron ulit" sagot ni zyion at ibinalik ko ng muli sa tenga ko ang cellphone
[narinig mo?] tanong ko kay danger.
[oo, sige na. Ingat] sabi niya.
[ok—] agad kong inilayo sa tenga ko ang cellphone ko at tumingin dito. Binabaan ako.
*****
Nang makauwi kami ay ginising ko na si miya at naglakad na kami paakyat. Natatawa pa ko kay miya dahil nakanganga siyang inililibot ang paningin niya sa paligid, pakiramdam ko tuloy ganun din ang itsura ko nung unang beses 'kong makapasok dito.
"taray girl ang ganda dito. Daming sasakyan." anya ni miya. Mahinang tinawanan ko lang naman siya.
Paglabas namin ng elevator ay nakita namin agad si danger na nakaupo sa waiting area na tila inaantay kami. Si raven naman ay nakahiga na at mukhang tulog na. Naka dim light na din ang ilaw dito sa mansion hudyat na tulugan na.
"ang tagal niyo" wika ni danger sa amin.
"naligaw" sagot ni zyion. Totoo naligaw kami. Lutang lang kami parehas ni zyion kanina. Hindi kasi nag map si zyion, sinusundan lang namin yung van. Ang kaso nalinga lang siya nawala na yung van, iba na pala sinusundan namin. Ako naman kasi hindi nakatuon sa daan. Narelize niya lang na naliligaw na kami nung makalapit na kami sa van at nakita niya na iba yung plate number.
Napatingin naman kami sa taas ng may marinig kaming mga yapak na pababa at nakita namin si miko at tyson na may dalang dalawang comforter at unan.
"dito ka din matutulog?" tanong ni zyion kay tyson tumango naman si tyson kay zyion. Nang makababa siya ay marahang inangat ni tyson ang ulo ni raven para lagyan ng unan at kinumutan ito.
"girl ganito ba sila laging dalawa dito? Mas sweet pa si tyson dito" kinikilig na bulong ni miya sa akin. Pinanlakihan ko naman siya ng mata habang nakangiti si miya
"sige na magpahinga na kayo" wika ni tyson sa amin. Naglakad naman na kami papaakyat pero napatigil din kami ng magsalita bigla si miya.
"ah salamat po pala sa pagpapatuloy sa akin" anya niya. Nanlaki naman ang mata kong napatingin kay tyson. Agad kong nilapitan si miya at hineadlock papayuko, yumuko din ako kay tyson bilang paumanhin dahil alam kong hindi niya gustong nag-iingay kami lalo na kapag may natutulog. Sabay na kaming umayat ni miya, narinig ko naman na mahina kaming tinawanan ni miko.
"ikaw talaga pwede naman bukas nalang magpasalamat" ani ko sakanya at tinanggal ang pagkaka-headlock ko. Nginiwiang tinignan niya naman ako. "hindi gusto ni tyson na may maingay kapag may natutulog, ang lakas pa ng boses mo" bulong ko kay kay miya. Medyo nag eecho pa naman dito, isa pa gabi na sobrang tahimik na ng paligid.
"pasalamat lang eh. Sorry na" wika niya sa akin nginitian ko naman siya. Bago naman mag tungo si zyion sa kabilang hallway ay tinawag ko ito.
"zy" mahinang tawag ko. "thank you kanina ha?" sabi ko ng makalingon siya, ngumiting tumango naman siya sa akin "sige na, goodnight" wika ko pa.
"salamat din, goodnight" pahabol na sabi ni miya.
"welcome" sagot lamang ni zyion at tumalikod na. Nauna na si miko na pumasok sa kwarto niya na nasa tapat ng kwarto ni danger. Napatigil naman ako sa pagpasok ng mapansin si danger na tumigil sa tapat ng pinto niya at tumingin sa akin.
"bakit?" tanong ko. "may kailangan ka?" tanong ko pa. Hindi naman siya sumagot kaya naisipan ko na biruin siya kaya napangiti ako "nag aantay ka ng goodnight?" napatawa ako ng mahina ng ngiwian niya ako at kunutan ng noo.
"sinasabi mo dyan? butones mo bukas" anya niya lamang at tuluyan ng pumasok. Agad naman nanlaki ang mata ko at napatingin sa suot ko. Napakagat nalang ako sa labi ko ng makitang natanggal nga sa pagkakabutones ang dalawa sa baba. Bwisit, nakakahiya. Pumasok na ako sa kwarto at humarap kay miya
"kanina pa ba 'to?" tanong ko habang binubutones ang damit ko. Tinawanan naman niya ako.
"hindi ko alam" sagot niya. Ibinaba niya ang backpack niya sa gilid at naglakad na patungo sa kama "mukhang close na close na kayo para makapagbiro ka ng ganun kay danger ah." wika niya pa. Hindi ko naman siya sinagot.
"Maglinis kana. May extra toothbrush doon sa banyo, sa drawer." sabi ko sa kanya at tinuro yung banyo. Tumayo naman na siya at nagtungo sa banyo, ibinagsak ko naman ang sarili ko sa kama dahil inaantok na din ako. Nang lumabas na si miya sa banyo ay tumayo na ako dahil ako naman ang maglilinis.
"may pangtulog pa dito. Pili ka nalang" sabi ko sa kanya at binuksan ang pintuan ng walk-in bago pumasok ng cr. Pag labas ko ay nakita ko na bihis na din siya ng pangtulog kaya nagtungo na ako sa switch ng ilaw.
"patayin ko ba ilaw? O dim lang?" tanong ko sa kanya.
"dim lang" tuwang sagot niya. Bahagyang napangiti nalang ako sa kanya, mukhang hindi pa siya inaantok. Nakatulog na kasi sa sasakyan kanina kaya full energy nanaman. Nang mailagay ko sa dim ang ilaw ay binuksan ko naman ang aircon at humiga na. Kahit hindi bukas ang aircon malamig dito, nakukulob kasi ang lamig.
"goodnight miya" sabi ko kay miya bago pumikit
"goodnight" wika naman niya.
*****
Naalipungatan ako dahil kay miya. Ang likot kasi. Kanina ko pa siya nararamdaman na paikot-ikot sa kama.
"miya matulog kana" inaantok na saad ko kay miya at nag-iba ng pwesto ng higa. Ayoko imulat ang mata ko dahil mawawala ang antok ko.
"sorry. Ito kasing utak ko ayaw ako patulugin...sobrang natutuwa ako, pakiramdam ko nanaginip ako." anya niya.
"oo, kaya matulog kana" mahinang sagot ko lamang.
"grabe ang lambot ng kama, ang sarap sa balat ng kumot. Grabe ang cozy dito" hindi pa talaga siya nakakatulog
"matulog kana miya, maaga pa tayo bukas" anya ko at bumalik na sa pagkakatulog. Narinig ko pa siyang nagsalita pero hindi ko na siya pinansin. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (600)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang tagal na po nato wala pa rin pong kasunod.. pero willing pa ren po ko mag intay.. kahit matagal na pong walang update.. sana mag karoon na po
27/06/2022
0I LIKE IT,ITS THE SAME THING I HAVE THAT HARDNESS IN LIFE,BUT HER CHAPTERS IN LIFE MORE INTENSE,I WANT TO READ MORE OF YOURE NOVELS!!
18/12/2021
0OMG!!! The story was lit!!!! Sobrang nakaka inspired 'to lalo na sa mga nakakaranas ng ganyan sa real life, highly recommended this story to those pips na mahilig sa mga stories like this!! Girlllll ang gandaaa ng story mo, while reading this I'm just listening some music na swack din sa pagbabasa neto!!! Thank you for this kind of story ackkk<33 relate much kahit wala akong work yung ibang scene niya sheesh<33
04/12/2021
2Tingnan Lahat