Chapter 34

Rafaela Amber Reyes Pov. 
Napatigil ako at si danger sa paglalakad ng mag-ring ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ng manager ni raven. Si shelly. Nagpunta kami ni danger sa cafeteria para bumili ng pagkain, siya kasi inutusan ni raven kaya kami magkasama, papunta na kami ngayon sa gazebo kasi doon kami kakain. Isasama ko nga sana si miya kaya lang nag overtime naman yung prof niya. 
"hello po?" kinakabahang sagot ko dahil ngayon ko lang siya maakausap.
"si rafaela ba 'to?" tanong sa akin ni shelly.
"opo" sagot ko. 
"Pakisabi naman may schedule ng photoshoot si raven nextweek." Inilagay ko sa speaker ang tawag dahi hindi ko alam ang gagawin ko. May examination week kasi kami nextweek diba. 
"manager ni raven" I mouthed to danger kasi tinitignan niya ako kung sino ang kausap ko. Nagpatuloy naman na kami ni danger sa paglalakad. 
"next week po schedule? Anong oras po?" tanong ko. 
"9 am" napaunot akong napatingin kay danger na nanghihingi ng tulong kung paano ang gagawin ko. Alam ko importante ang shoot nila pero importante din naman na makapag exam si raven. Kinuha ni danger ang cellphone ko at siya ang kumausap sa manager. 
"shelly this is danger" sabi ni danger.
"oh danger. Buti nandyan ka, hindi ako sinasagot ni raven, hindi din sumasagot ang pinsan mo" sabi ni shelly kay danger
"Raven has a full schedule next week, we have examination and training for the upcoming game. If you like, we have three days training camp after the examination week. Pwede kayong pumunta and do the shoot there" napatingin ako kay danger dahi ngayon ko lang nalaman na may training camp pala sila. Siguro ay kasasabi palang sa kanila. 
"Okay, sasabihin ko kay renz. Tatawag ako ulit" sabi ni shelly. 
"okay" pinatay na ni danger ang tawag at ibinigay sa akin. "bakit yan na yung cellphone na ginagamit mo?" tanong niya bigla sa akin. 
"sayang kasi. Tyaka mas maganda to kaysa sa cp ko dati eh." ani ko at bahagyang ngumiti. Tinignan niya lang naman ako. 
Nang makarating kami sa gazebo ay napansin ko agad si raven na simangot ang mukha. Ibinaba naman na namin ni danger ang dala naming pagkain. 
"anong nangyari sayo?" tanong ni danger kay raven at umupo na kami. Tumabi ako kay raven habang si danger ay sa tapat ko, katabi ni miko. 
"umakyat nanaman ng bubong, isinama pa si rafaela" napalaki ang mata ko at napatingin kay zyion sa sinabi niya. 
"paano mo nalaman?" tanong ko. 
"sa kanya mismo. Nadulas siya na nagkwentuhan kayo kagabi." bahagya akong napatawa at tumingin kay raven. 
"sinabi ko na sayong delikado doon. Avy, hindi mo alam kung kailan mangyayari ang disgrasya" wika pa ni zyion. Nagkatinginan naman kami ni raven at parehas na natawa. Sinabi ko din kasi yun kagabi sa kanya. 
"magkwekwentuhan nalang kayo, nag-aya ka pa sa bubong. Paano kung may mangyari sa inyo ha?" saad naman ni danger kay raven. Napakunot naman ako ng ngisian siya ni raven. 
"sakin nag-aalala o sa kasama ko?" ngising tanong ni raven kay danger. Nagkatinginan naman kami ni danger. Napangiti nalang ako na parang pusa sa kanya dahil natatawa ako. 
"tsk" ani ni danger sa akin at tumingin kay raven "sa inyo." sagot pa ni danger. Nagkibit balikat lang naman si raven sa kanya habang may malokong ngiti padin sa labi. 
Matapos ng mahaba-habang sermon nila kay raven ay kumain na din kami dahil nadamay din ako sa sermon nila. Bakit daw ako sumunod kay raven, bakit hindi ko daw siya pinigilan. Sabi ko hindi ko din alam. Kasi hindi ko din talaga alam bakit ang bilis akong napasunod ni raven na pumunta ng bubong kahit alam ko namang delikado. Hindi naman ako nag-sisisi na umakyat kasi nag enjoy naman ako sa kwentuhan namin. 
*****
"rafaela" napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita si rhea na naglalakad papunta sa akin. Isinarado ko naman ang locker ko at humarap sa kanya. 
"bakit?" tanong ko. 
"nakausap mo na sina raven? Anong sabi nila? Tutulungan mo na ba ako?" bahagya akong tumango sa kanya. Napangiti naman siya. 
"oo, pero si raven lang nakausap ko" nawala ang ngiti sa labi niya. "sabi niya kung gusto mo daw magpaliwanag sa kanila lapitan mo sila ng sila-sila lang. Kung gusto mo kausapin mo sila ngayon. Nasa gazebo sila" anya ko. Napabuntong hininga naman siya. 
"bakit daw?" napakunot ako sa kanya. 
"anong bakit?" bahagya akong napangiti "para private kayong mag-usap walang makakakita" sabi ko pa. Bahagyang napatango naman siya. 
"ano? Tara na" sabi ko sa kanya.
"ah sandali, may kukunin lang ako. Paantay nalang ako sa labas, ayos lang ba?" tanong niya. Ngumiting tumango naman ako sa kanya. 
"sige" sagot ko at naglakad na palabas ng locker room. Paglabas ko ay naglakad naman ako kay miya at umupo sa tabi nito na nag-aantay sa akin. 
Uwian na kasi namin. After nung lunch break kanina, in-announce na wala ng klase ng panghapon dahil magkakaroon ng meeting ang mga prof para sa examination next week. Pupunta na kami ngayon sa vanderbilts company para sa seminar slash training nilang lima. May kinuha lang ako dito sa locker ko kaya nagpunta muna ako dito sa management building. Sinabihan ko din si raven kung pwede namin isabay si miya dahil madadaanan naman namin ang heart café papunta sa vanderbilts company, wala namam pag-aalinlangan na pumayag siya. Ang bait diba? 
"hindi pa tayo aalis?" tanong ni miya sa akin. 
"andyan si rhea. Kakausapin niya sina raven" tumingin siya sakin na tila na eexcite. "hindi tayo makikinig, lalayo tayo" sabi ko pa sa kanya dahil alam kong gusto niyang makichismis. Nag-pout naman siya sa akin at umirap. Tumayo na kami parehas ng lumabas na si rhea at naglakad na kami sabay-sabay. 
"kinakabahan ako" anya ni rhea sa akin "hindi ko alam kung anong gagawin ko" napangiti ako sa kanya. 
"sabihin mo lang kung ano ang totoo nangyari bakit mo nagawa yun. Aminin mo sa kanina lahat. Sure naman ako mapapatawad ka nila" sabi ko sa kanya. 
"what if hindi" anya niya
"wag ka mag-isip ng negative" sabi ko sa kanya.
Nang makarating kami sa garden ay pinag-antay ko sila sa isang bench, ako naman ay nagtungo sa gazebo para sabihan sila na nandito si rhea
"tara na?" anya ni raven. 
"wait." pinigilan ko sila sa pagtayo. Nagtaka naman sila sa akin. 
"andito si rhea. Gusto niya daw kayo makausap" saglit silang nagkatinginang lima kalaunan ay tumango si raven sa kanila. 
"asan siya?" tanong sakin ni raven. Napangiti naman ako at sumenyas sa kanila na sandali lang. Pag labas ko ay sinenyasan ko si rhea na lumapit na. Napansin ko naman siyang napabuga ng hangin bago maglakad. 
"thank you" rhea mouthed to me ng makalapit siya sa akin. Ngumiti lang naman ako sa kanya at naglakad na papunta kay miya. 
"hindi ba tayo pwedeng lumapit?" kinunutan ko ng noo si miya. 
"haynako. Tara na, dito nalang tayo" anya ko sa kanya at hinigit siya paupo sa isang bench sa ilalim ng puno. 
*****
Mga ilang minuto din, 20 minutes ata silang nag-uusap ng lumabas yung apat sa gazebo kaya napatayo ako. Napatakbo naman ako papunta sa gazebo ng ilang segundo bago lumabas si danger na tila sira ang mood dahil sa itsura niya at sa malamig niyang tingin. Napatigil naman ako ng hawakan ni miko ang palapulsuhan ko. 
"saan ka pupunta?" tanong ni miko. 
"kay rhea, saglit lang ha?" nag-aalalang saad ko at tinanggal ang kamay ni miko. Pagdating ko sa gazebo ay nakita ko si rhea na nakatalikod at nakayuko. 
"rhea" mahinang tawag ko. Napapahid naman siya agad ng luha at tumingin sa akin. Malungkot nalang akong napangiti ng makita ang mga bahid ng luha sa mata niya. 
"ayos na. Napatawad na nila ko pero" napahinto siya at saglit na tumingin sa kisame "mukhang hindi ko na maibabalik yung dati naming closeness" napabuntong hininga ako. 
"Hindi rhea. Magiging close ulit kayo. Subukan mo rhea na lumapit ng lumapit sa kanila. Paonti-onti mapapalapit ka ulit sa kanila. Intindihin mo na sa una hindi madali, kasi nasaktan mo sila, nawala yung tiwala nila sayo. Pero wag kang sumuko. Subukan mo. Ipakita mo sa kanila na gusto mo talaga na mapalapit sa kanila ulit." ngumiti ako sa kanya. Lalapitan ko sana siya para hagudin ang likod niya pero napatigil ako ng may tumawag sa akin. 
"Rafaela Amber." Napatingin ako kay danger at napalunok nalang sa pagtawag niya sa akin. Nakapamulsa siyang nakatayo sa entrance at daretsong nakatingin sa akin. Ngayon niya lang ako tinawag kasama ang second name ko, pakiramdam ko tuloy galit talaga siya. "ano? Pinag-aantay mo ba kami?" agad akong napailing at tumingin saglit kay rhea. 
"chat nalang tayo ha?" ngumiti ako sa kanya. Hindi ko naman na inantay ang sagot niya at naglakad na palabas dahil natatakot ako kay danger. 
"sorry" saad ko kay danger. Tinignan niya lang naman ako saglit at daretso na muling humarap sa harapan kaya bahagya na lamang akong napabuntong hininga. Nakita ko naman sina zyion na naglakad na din ng makita kami. Si miya naman ay sumasabay sa paglalakad kayna raven at tyson sa likuran nina zyion at miko. 
Pagdating namin sa parking lot ay nagulat ako ng sumakay si miya sa passenger ng sasakyan raven at hindi sa likuran. Pupunta na sana ako sa sasakyan ni raven ng paandarin niya ito at umatras siya. 
"raven" tawag ko kay raven at kumatok sa bintana na inuupuan ni miya. Ibinaba naman ni miya ang salamin na may malawak na ngiti sa labi. Bahagyang yumuko naman si raven para makita ako. 
"makisakay ka nalang kay danger" ngiting sabi niya at kumindat pa sakin kaya napakunot ako. 
"text nakang ako girl." tuwang-tuwang sabi ni miya sa akin at kumaway pa bago itaas muli ang bintana niya. Napangiwi nalang ako at napatingin sa sasakyan ni danger na nasa gitna. Umatras na rin sina tyson at zyion at umalis na sa pagkakapark. Napangiwi naman ako na nagtungo sa sasakyan ni miko. Ayoko sumakay sa kotse ni danger, wag ngayon, ayoko. 
"miko" tawag ko kay miko at kinatok ang bintana niya. Binuksan naman niya ng onti ang bintana niya. "pasakay" anya ko. 
"nakaupo na yung gamit ko eh" anya niya at tumingin sa passenger seat. Napaawang naman ang bibig ko ng makita ang bag niya sa upuan at naka seatbelt pa. Hanep. "kay danger nalang" anya niya at ngumiti sa akin. "sige" sabi niya pa at itinaas na ang bintana niya at umalis na din sa pagkakapark. Wala na akong choice kundi lumapit kay danger.
"danger" tawag ko at kinatok ang bintana niya. Binaba naman niya ito agad. "pasakay ako" sabi ko. 
"may choice ka pa ba?" bahagya akong ngumiti sa kanya. 
"wala" ngiting sabi ko. 
"ano pang ngini-ngiti mo dyan sumakay kana" saad niya. 
"opo sunget" sabi ko at agad na nagtungo sa kabilang pintuan at sumakay. 
"anong sabi mo?" tanong niya sa akin habang itinataas ang bintana niya. Bahagya naman akong napatawa. 
"wala, sabi ko sorry" anya ko. Tumahimik naman siya at sumunod na kayna miko. 
Habang nasa byahe kami tahimik lang kami ni danger pero hindi naman awkward ang hangin sa paligid namin. Komportable naman kasi ako na sumasakay sa sasakyan niya pero ayoko nga lang ngayon kasi natatakot ako sa kanya, galit siya. Dalawang beses na nga ako nag so-sorry hindi siya sumasagot sakin. Siguro nung una lang na awkward ako, nung time na inihatid nya ako sa bahay. Yun kasi ang unang beses na makasakay ako sa sasakyan ng lalaki at kaming dalawa lang talaga. 
Nang hindi padin siya nag sasalita ay hindi na ako nakatiis na tanungin siya dahil kanina ko pa napapansin na malamig ang tingin niya sa harap. Hindi naman maganda na kimkimin niya ang galit niya. 
"danger." tawag ko. 
"hmm?" sagot niya lamang habang nakatingin padin sa harap. 
"Diba napatawad niyo na si rhea? Kung magpapatawad ka ng isang tao, hindi dapat labag sa loob mo. Wag ka magkimkim ng galit mo. Pwede ka naman magsalita." saad ko sa kanya. 
"hindi ako galit, naiinis ako.....Dahil lang pala sa hiya niya nangyari lahat ng hindi namin gustong mangyari...Hindi labag sa loob ko na patawarin siya pero syempre, medyo mahirap din tanggapin na lahat ng 'to nangyayari dahil lang sa hiyang hindi manghingi ng tulong sa aming lima." saglit akong napatahimik. 
"gusto mo ba maibalik yung dati?" saglit siyang napatingin sa akin "mahal mo pa ba yung ex mo? I mean yung girlfriend mo kasi wala naman kayong official na break up diba? Hindi nalang kayo nag usap" napakunot naman ako ng tumingin siyang muli sa akin at tignan ako sa mata. "sa harap ka tumingin. Mababangga pa tayo" ani ko "kwinento sa akin yun ni rhea at raven" pahabol ko pa. 
"can't answer" sabi niya lamang. Hindi ko alam pero napangiti ako. 
"alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" tanong ko pa. Napatango naman ako ng tumango siya. 
"bakit?" tanong naman niya. 
"bakit hindi mo siya puntahan? Mag-usap kayo. Kailangan niyo mag usap para magkaintindihan kung ano talaga ang nangyari. Malay mo kapag nag-usap kayo, magkaroon ng chance na mabalik yung dating kayo. Magiging complicated nga lang sa una pero mahal mo naman siya diba?" hindi siya sumagot. "kung mahal mo siya, ipaglaban mo. Alam ko sa huli naman papayag na din yung magulang mo sa kanya. Walang magulang ang natitiis ang anak danger" saad ko pa. Napakunot naman ako ng bahagya siyang tumawa. 
"hindi mo kilala ang magulang namin rafaela. Sa isang taon kaya nila kaming hindi kausapin at kamustahin" nalungkot naman ako at napatahimik. Batay sa mga nalalaman ko sa magulang nila, mukhang iba nga ang magulang nila. 
Valerie Huxley Pov. 
"dad! Let me go there!" sigaw ko kay dad. Paano ba naman kasi ayaw niya ako papuntahin kung nasaan si danger. Nakakainis. What if there is someone na umaaligid na sa kanya? Gosh I can't take this. 
"I said no. Kasama sa usapan ng mga magulang nila ang hindi mo pag sunod sa kanila." napasimangot ako at napairap. Gosh! Why woud they do that to me!? 
"I'm not going to do anything, just let me follow him" I said and sigh. 
"Valerie I already said no." I hissed "but.." napatigil ako at napatingin ng daretso kay dad "If you convince your sister to come with you, I'll let you. And also kapag napapayag mo sina cally at adam tyska lang kita papayagan" I bit my lips, I can't help to smile. 
"okay, if you said so" I said with a wide smile on my face before I left his office. I know it's not going to be easy to convince ate yvette as well as auntie cally and uncle adam—danger and tyson's parents. But I will do everything just to be with danger. 

Komento sa Aklat (600)

  • avatar
    EncisoMedelyn

    ang tagal na po nato wala pa rin pong kasunod.. pero willing pa ren po ko mag intay.. kahit matagal na pong walang update.. sana mag karoon na po

    27/06/2022

      0
  • avatar
    CernaJovy

    I LIKE IT,ITS THE SAME THING I HAVE THAT HARDNESS IN LIFE,BUT HER CHAPTERS IN LIFE MORE INTENSE,I WANT TO READ MORE OF YOURE NOVELS!!

    18/12/2021

      0
  • avatar
    Anne Tayco Orille

    OMG!!! The story was lit!!!! Sobrang nakaka inspired 'to lalo na sa mga nakakaranas ng ganyan sa real life, highly recommended this story to those pips na mahilig sa mga stories like this!! Girlllll ang gandaaa ng story mo, while reading this I'm just listening some music na swack din sa pagbabasa neto!!! Thank you for this kind of story ackkk<33 relate much kahit wala akong work yung ibang scene niya sheesh<33

    04/12/2021

      2
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata