Homepage/Cinderella and the Five Heirs/
Chapter 30
Rafaela Amber Reyes Pov.
Saglit lang nung umalis kami sa fast food ay nakarating na din kami agad sa mansion. Pag dating namin sa mansion ay tumigil si tyson sa harapan at bumaba na kaming lahat. Ibinigay naman ni tyson ang susi niya sa isang lalaki at siya na ang nagdrive papunta sa kung saan. Pagpasok naman namin ay sinalubong kami ni Mr. Lawrence, ang butler nila.
"naayos na ba yung kwarto?" bungad na tanong ni raven kay Mr. Lawrence.
"yes young lady" sagot ni Mr. Lawrence. Dumaretso naman si miko at zyion papunta sa living area.
"may mga damit na dun?" tanong muli ni raven.
"yes young lady" magalang na sagot muli ni Mr. Lawrence. Napatigil naman kami sa paglalakad ng biglang tumigil si raven at tumingin sa akin, kalaunan ay kay danger na katabi ko.
"lead her to her room" sabi lamang ni raven kay danger at nauna ng umakyat, sumunod naman sa kanya si tyson. Nagkatinginan naman kami ni danger bago kami sumunod sa kanila at bago kami umakyat ay bahagya akong yumuko at ngumiti kay Mr. Lawrence upang magbigay pagbati sa kanya.
Pag-akyat namin ay nagtungo sa right side hallway si raven habang kami namang tatlo nina danger at tyson ay sa left side. Doon ata ang kwarto ni raven. Napatingin naman ako kay tyson ng magdare-daretso ito sa paglalakad at pumasok sa pinakadulong pintuan ng hallway. Kami naman ni danger ay tumigil sa pinaka unang pintuan.
"this is the guest room. This is going to be your room" sabi niya sa akin at binuksan ang pintuan. Bahagyang napaawang naman ang bibig ko sa ganda at laki ng guest room. Naglakad si danger patungo sa isang pintuan at binuksan ito.
"cr" sabi niya at bahagyang binuksan ang pintuan. "may bagong toothbrush, soap, shampoo, and bathrobe na dito. Kung may kailangan kapa sabihin mo lang sa amin o kay butler o kay nanay lumeng" isinarado na niya ang pinto at sunod na binuksan ang katabing pintuan ng comfort room "mini walk-in" sabi niya "usually matagal nag s-stay ang mga bisita namin dito kaya nagpalagay kami ng walk-in. May ilang damit na ibinigay sayo si avy dito, tignan mo nalang. Bukas naman makukuha mo na yung damit mo, dadalhin ni KUYA ryker" napakunot ang noo ko sa pagdiin niya ng kuya ng banggitin niya ang pangalan ni kuya ryker pero hindi ko nalang ito pinansin at inilibot nalang ang paningin ko.
Grabe 'tong guest room nila parang hotel ang vibes. Naka chandelier pa at sa tapat ng kama ay may malaking tv. May sofa din sa gilid at sa likod ng sofa ay may malaking bintana. Nagtungo ako sa side table ng kama ng makita ko ang remote ng aircon at pinatay ito dahil ang lamig na, mukhang kanina pa siya nakabukas.
"habang nandito ako maghahanap ako ng mauupahan." sabi ko kay danger at ibinalik ang remote.
"bakit?" daretsong sabi niya at sumandal sa pader na nasa likuran niya.
"sobrang dami niyo ng nagawa para sa akin, nakakahiya na. Malaki naman kinikita ko, kaya ko ng mangupahan." anya ko pero yung maliit na paupahan lang ang balak ko para makaipon padin ako. Balak ko kasi bilin kayna lady marelyn ang bahay para kayna mama. Pangarap nila ang bahay na yun, madami silang alaala doon kaya bibilhin ko kayna lady marelyn ang bahay. Yun ang plano ko.
"Wag ka ng mahiya, tanggapin mo nalang yung mga ibinibigay namin sayo. Tumira din naman si rhea dati dito, sa kabilang guest room nga lang. Sa side nina avy" sabi niya. "Isa pa kung nandito ka mas magagawa mo pa trabaho mo ng maayos. Sasabay ka nalang samin sa pagpasok at pag-uwi. Wala ka ng iintindihin pang iba." sabi niya pa. Napatango naman ako dahil tama siya doon.
"pero kailangan ko umuwi sa bahay, kailangan ko kunin yung bag ko, tyaka yung cellphone ko. Nandoon lahat ng contacts ko sa inyo" sabi ko.
"bumili ka nalang ng bago" casual na sabi niya pinanlaki ko naman siya ng mata "bakit? Sasahod ka naman na ulit" sabi niya pa sakin.
"nandun din po wallet at card ko" sabi ko pa
"talaga?" tanong niya sa akin at umayos ng tayo "bakit wala naman akong nakita?" mahinang sabi niya kaya lumapit ako sa kanya.
"ano yun?" tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi.
"sabi ko ipapakuha nalang namin" sabi niya at tumingin sa akin "nasa living area kami kung bababa ka" sabi niya pa sa akin bago maglakad palabas.
"salamat" ngiting sabi ko sa kanya bago niya isarado ang pinto.
Nang makalabas si danger ay nagtungo ako agad sa walk-in upang tignan ang mga damit na ibinigay ni raven para makapag-palit na ako. Pagpasok ko ay binuksan ko ang pinakamalapit na cabinet at nakita dito ang mga nakatiklop na damit. Shirts, shorts, jagger pants, at mga ternong pj's. Nagpalit na ako at nagsuot lamang ng pinaka simpleng tshirt at jagger pants na mukhang pambahay dahil halos lahat ng ibinigay ni raven sa akin maliban sa mga pajama ay parang mga pang-alis. Pati ang shorts parang mga pang-alis na.
Nang makapagbihis ako ay tiniklop ko lang ang unipormeng sinuot ko at tinignan ko naman ang drawer sa ilalim ng cabinet at nakita dito ang mga bagong undergarments dahil nakabalot pa ito at naka sealed pa lahat. Tinignan ko din ang mahabang cabinet na katabi at nakita ang limang dress dito at sa ilalim ay may dalawang heels, doll shoes, at isang rubber shoes. Hindi naman ako nag he-heels.
Isinarado ko na ang cabinet at lumabas na ng kwarto. Sakto namang pag labas ko ay nakita ko si raven na kakalabas lang sa kabilang hallway habang nakasuot ng jumpsuit.
"aalis ka?" tanong ko sa kanya. Umiling naman siya.
"hindi" sagot niya bahagya naman akong napangiti at sumabay na sa kanya pababa. Yung mga pambahay na damit niya, pang-alis na para sa akin.
"nakita mo na yung mga binigay kong damit?" bahagyang akong tumango "nagustuhan mo ba? Kapag may hindi ka nagustuhan katok kalang sa kwarto ko, papalitan ko" napangiti ako sa kanya.
"nagustuhan ko lahat. Kaya lang sayang lang yung heels at dress kunin mo nalang ulit" tumigil siya kaya napatigil din ako at tinignan niya ako ng nagtataka.
"bakit?" tanong niya.
"hindi ako nag he-heels, hindi din naman ako nag d-dress" sabi ko.
"keep it kahit hindi ka nag h-heels at dress. Malay mo one day magamit mo yun" sabi niya sa akin at malokong ngumiti.
"saan naman?" tanong ko.
"date" daretso niyang dagot. Parehas naman kaming natawa. Muli naman kaming naglakad. "nga pala bukas dadalhin ni ryker yung gamit mo" tumangong ngumiti ako kay raven. Hindi naman na ako nagtataka kung bakit nila kilala si kuya ryker, apo nga ni sir ralph si miko eh.
"nasabi nga ni danger sa akin" sabi ko bago kami makapasok ng living area at nakita namin sina danger, miko, at zyion na naglalaro.
3rd person pov.
"mommy! Mommy!" anya ni daneleigh pagbaba ng kotse at patakbong nagtungo papasok ng bahay "You wouldn't believe what happened yesterday" sabi ni daneleigh sa ina. Nagtaka naman si lady marelyn ngunit hndi muna nito pinansin ang mga anak niya at tumingin ito kay ralph na uuwi na.
"ingat" sabi ni lady marelyn kay ralph at bineso ito. Nagtataka namang ngumiti si ralph sa kanila at nagpaalam na bago tuluyan lumabas.
"ano bang nangyari?" tanong ni lady marelyn sa dalawa at umupo sa sofa. Agad namang tumabi sa kanya ang kambal at ikwinento ang nangyari kahapon.
Samantalang ng makapasok naman si ralph sa kotse at makalabas sila ng village ay kinausap siya ni ryker.
"sir, dadaan po muna tayo ng el olimpo. Pinapapunta po ako doon ni miko" sabi ni ryker. Napatingin naman si ralph ng nagtataka.
"may nangyari ba kahapon sa mansion ryker?" tanong ni ralph.
"meron po sir. Nagpunta po silang lima sa mansion kahapon para kunin si ella" sagot ni ryker.
"si ella?" gulat na tanong ni ralph "bakit nila pinuntahan si ella?" tanong pa nito.
"sa kanila po nagtratrabaho si ella. Ibibigay ko po doon yung gamit niya" napatangong napatahimik si ralph sa sinabi ni ryker at napatingin sa labas. Naisip niya na kung alam niya lang sana na nagtratrabaho si ella sa lima ay hindi na niya ito pinakielaman pa. Pero lahat nangyayari at mangyayari ay may dahilan.
"mukhang maraming sasabihin sakin ang mga bata" mahinang wika ni ralph.
"marami po." sagot lamang ni ryker. Napabuntong hininga naman si ralph dahil ramdam na niyang may malalaman siyang hindi niya magugustuhan.
Nang malaman naman ni lady marelyn ang lahat ng nangyari sa mansion ay hindi ito makapaniwala na dumayo pa ang lima doon para lamang kunin si ella. At hindi din ito makapaniwala ng malaman na lolo ni miko si ralph.
"lolo talaga niya si ralph?" hindi makapaniwalang tanong ni lady marelyn.
"oo nga ma, sinabi niya panga siya yung tagapagmana ng lugar na yun. Yung farm, yung mansion, sa kanya mapupunta yun" sabi ni analiza.
"Mom, I want you to break up tito ralph" taas kilay na napatingin si lady marelyn sa anak na si daneleigh dahil sa sinabi nito.
"nahihibang kaba? Bakit ko gagawin yun? Eh ngayon wala akong trabaho pero para akong nagtratrabaho sa laki ng perang binibigay niya" Napatigil ang kambal sa sinabi ng ina dahil hindi nila alam na wala ng trabaho ang ina nila. "Kung hindi dahil kay ralph hindi kayo makakapasok sa LNU" sabi pa ni lady marelyn.
"but mom..." malungkot na wika ni daneleigh.
"no buts daneleigh" sabi lamang ni lady marelyn sa kanila at tumayo na. "wala na si ella dito kaya matuto na kayong maglinis ng bahay" sabi pa nito at umakyat na.
Rafaela Amber Reyes Pov.
"Ija kami na dito" kinuha ni nanay lumeng, ang mayordoma dito sa mansion, ang hawak-hawak ko walis.
"nako nanay, kaya ko naman po. Ako na po" sabi ko at kukunin na sana muli ang walis ngunit inilayo niya ito sa akin.
"ija bisita ka dito, hindi mo dapat ito ginagawa" bahagya akong napangiti sa sinbi ni nanay lumeng
"kasambahay din po nila ako, sa labas nga lang po" anya ko.
"bisita ka padin kapag nandito ka." hinawakan ni nanay lumeng ang braso ko at ngumiti sa akin bago naglakad paalis. Wala naman na akong nagawa kaya umupo nalang ako sa sofa at nag cellphone.
Kahapon din ay wala akong ginawa. Hindi ako sanay ng hindi nag-lilinis at naghuhugas ng mga pinagkainan, naninibago ako. Naninibago din ako kagabi dahil kasabay kong kumain ng hapunan sina raven pero sobrang saya ng kalooban ko na may makasabay ako sa pagkain. Lagi kasi akong mag-isa kumakain sa bahay. Pag tapos namin kumain magliligpit na sana ako ng mga pinagkainan namin kaso gaya ngayon ay kinuha ni nanay lumeng sa kamay ko ang mga hawak ko at sinabihan ako na hindi ko kailangan gawin ang mga ginagawa ko, may naka tokang gagawa doon.
Nag pa-connect din ako sa cellphone kagabi kay raven sa wifi nila kaya nakausap ko na si miya. Grabe ang babaeng yun, tadtad ng chat sa akin. Nag-alala talaga siya dahil hindi ako sumasagot. Alastres na ata kami natapos mag-usap at sinabi niya lahat ng nangyari sa school at hindi ako makapaniwala na nagawa lahat yun ng kambal. Habang nag-uusap kami ni miya kagabi nag ikot-ikot lang ako sa labas ng mansion at nung makarating ako sa likod tumambay na ako sa may fountain. Ang sarap lang tumambay doon lalo na kapag gabi, ang sarap ng simoy ng hangin at ang relaxing pa ng ambiance dahil sa tunog ng tubig sa fountain at dahil na din sa buwan at mga bituin sa langit.
Napatingin naman ako kay danger na kakapasok lamang ng living area at maglakad patungo sa akin. Umupo naman siya sa kabilang sofa at binuksan ang tv.
"akala ko ba naiwan mo yung cellphone?" sabi niya at tumingin sa cellphone na hawak ko.
"Bigay ni kuya ryker sakin 'to" sagot ko. Magsasalita na sana siya ng bigla namang dumating si Mr. Lawrence.
"Nandyan na po si Ryker at Master Ralph" agad akong napatayo sa sinabi ni Mr. Lawrence.
"bilis tumayo ah" napatingin ako kay danger sa sinabi nito.
"bakit? Nandyan na yung gamit ko eh" ngiting sabi ko kay danger at sumabay na kay Mr. Lawrence sa paglabas. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (600)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang tagal na po nato wala pa rin pong kasunod.. pero willing pa ren po ko mag intay.. kahit matagal na pong walang update.. sana mag karoon na po
27/06/2022
0I LIKE IT,ITS THE SAME THING I HAVE THAT HARDNESS IN LIFE,BUT HER CHAPTERS IN LIFE MORE INTENSE,I WANT TO READ MORE OF YOURE NOVELS!!
18/12/2021
0OMG!!! The story was lit!!!! Sobrang nakaka inspired 'to lalo na sa mga nakakaranas ng ganyan sa real life, highly recommended this story to those pips na mahilig sa mga stories like this!! Girlllll ang gandaaa ng story mo, while reading this I'm just listening some music na swack din sa pagbabasa neto!!! Thank you for this kind of story ackkk<33 relate much kahit wala akong work yung ibang scene niya sheesh<33
04/12/2021
2Tingnan Lahat