Chapter 29

Rafaela Amber Reyes Pov. 
"zyion nanalo ka?" tanong ko kay zyion ng makaupo ako sa tabi nito. SUV ang dala nilang sasakyan at si tyson ang nagdadrive, katabi nito sa harap si raven, kami ni zyion ang nasa gitna at sina miko at danger naman ang nasa likod.
"yan talaga bungad na tanong mo?" bahagya siyang tumawa "hindi kana nauutal sa pangalan namin" sabi niya pa sa'kin.
"medyo weird padin para sakin pero okay na" sabi ko at ngumiti. "nanalo ka?" tanong ko muli.
"syempre" malawak akong napangiti sa sinabi niya.
"congrats" sabi ko.
"salamat" pasalamat niya. Napatingin naman ako kay raven ng ibaba niya bigla ang sandalan ng upuan niya. 
"pababa lang ng onti" sabi ni raven sa akin "matutulog lang ako. Ang aga niyo kong ginising" sabi pa niya.
"pano laging ang hirap mong gisingin" sagot ni miko sa kanya. 
"sshh" papatahimik sa kanya ni raven at isinuot ang sunglasses niya.
"raven pwede mo pa ibaba, dito nalang ako sa gitna" sabi ko at umurong pa kay zyion para makahiga siya ng maayos.
"thank you" sabi niya at medyo ibinaba pa ang sandalan. 
"paano niyo pala nalaman na nandoon ako?" tanong ko at tumingin kay miko "totoo yung sinabi mo kanina?" tanong ko kay miko. Napatingin naman ako kay zyion ng mahina itong tumawa.  
"paano ulit yun pre?" natatawang tanong ni zyion "ako ang tagapagmana ng lugar na 'to" natawa kami sa pang-gagaya ni zyion kay miko. Napatigil naman kami at napatahimik agad ng sitahin kami ni tyson. 
"may natutulog" sabi nito. 
"lolo ni miko yung boyfriend ng step-mom mo" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni danger at lumingon kay miko. 
"totoo? Lolo mo si sir ralph?" hindi makapaniwalang tanong ko. Bahagya naman siyang natawa. 
"oo, my father's side" napatakip ako sa bibig ko. Ang liit ng mundo! Ang daming pwedeng manligaw at maging boyfriend ni lady marelyn yung lolo pa talaga ni miko. Nakakatawa. 
"talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko pa sa kanya "nagpunta siya samin dati may dalang bulaklak" sabi ko pa. Napangiwi naman siya at bahagyang tumawa. 
"hayaan, dun siya masaya" sabi niya lamang. Napangiti nalang ako sa kanya at muli ng tumingin sa harapan ngunit napatingin muli ako sa kanila ng hindi nila nasagot ang isa ko pang tanong. 
"eh paano niyo nalaman na nandoon ako?" tanong ko sa kanila. Nagtinginan naman si miko at zyion at daretso naman akong tinignan ni danger. 
"eh ba't ba ang dami mong tanong?" sabi ni danger at isinandal ang ulo sa headrest at pumikit. 
"kasi may tanong pa po ako" sabi ko sa kanya. Dumilat namang muli siya kaya nginitian ko siya. 
"tsk" anya lamang nito at pumikit ng muli. Tumingin naman muli ako sa harapan. 
"saan na tayo pupunta?" mahinang tanong ko. Napatingin naman ako kay zyion ng mahina itong tumawa at nakita kong nakatingin siya sa akin. 
"matulog kana din muna" sabi niya at ibinigay niya sa akin ang isang neck pillow na nasa likuran niya at muling isinandal ang ulo sa headrest at pumikit. "gisingin mo ko pre kung gusto mong makipag palit" sabi pa nito kay tyson habang nakapikit. 
"sige lang" sagot lamang ni tyson sa kanya. Tumahimik naman na ako at nanatiling naka tingin sa harapan ngunit hindi katagalan dinadalaw na din ako ng antok dahil sa katahimikan at lalo pa akong inantok ng magpatugtog si tyson. Nang hindi ko na kaya ang antok ay inilagay ko na ang neck pillow na binigay ni zyion sa akin sa headrest ng upuan ni raven dahil hindi naman niya ito ginagamit. Gumilid lamang ako at dumukduk na. 
*****
"rafaela...amber...ella!" naalipungatan ako ng may marinig akong tumatawag sa akin. Nag-angat ako ng ulo at umayos ng upo. Pagdilat ko ay nakita ko si raven na nakaupo na. Inangat naman na niya ang sandalan ng upuan niya. Nagising naman ang diwa ko at nagulat ng biglang bumagsak ang sandalan ng upuan sa tabi ko. 
"sabing ayusin...makita mo ikaw ibabagsak ko pag nasira' yang upuan na yan" saad ni tyson kay miko mula sa labas. Ang katabing pintuan ni zyion kanina ay bukas habang nasa baba na sila parehas ni tyson. 
"sorry boss," anya ni miko at tumawa. Itinaas naman na niya ang upuan na katabi ko at binuksan na ang pintuan sa kabila upang doon bumaba. Napapikit naman ako ng biglang nag-snap ng daliri si danger sa tapat ng mukha ko. 
"tulog kapa ata eh, baba na" sabi niya sa akin at bumaba na din. Bumaba na din si raven ng makapagsuklay siya ng buhok kaya bumaba na din ako. Nang makababa ako ay isinirado na ni zyion ang pintuan at nakita ko naman na nandito kami sa mga kainan. Tabi-tabi ang restaurant at fastfood. Gaya ng dati ay sumunod lamang ako sa kanila. Habang naglalakad kami ay nagtuturo sila kung saan kami kakain pero hindi sila nakakapili dahil kapag nag suggest ang isa ay tatanggi naman ang isa. Napatingin ako sa relo ko at nakitang maghahapunan palang naman. Napatigil naman ako sa paglalakad ng bigla silang tumigil. 
"saan ba talaga?" tanong ni miko. 
"dyan nalang nga" sabi ni danger at tumingin sa restaurant na gusto niyang kainan. 
"nakakasawa na nga dyan" anya naman ni raven. 
"eh saan na tayo?" tanong ni zyion. Napatingin naman ako kay tyson ng tumabi siya sa akin. 
"saan mo gustong kumain?" tanong nito sa akin. Saglit naman akong napatingin sa kanya at napatingin sa apat ng bigla silang tumahimik at tumigin sa amin. Tumingin ako sa paligid at agad na itinuro ang isang fast food na gustong-gusto ko dahil sa fries nila. 
"dun po" sabi ko habang nakaturo sa fastfood. 
"pambata yan" sabi ni danger. 
"hindi ah, tignan mo nga puro bata ba yung kumakain? Hindi naman" sabi ko sa kanya. Pilit naman akong napangiti sa kanya ng makitang  daretso niya lamang ako tinignan at napaiwas ng tingin sa kanya. 
"tara na, matagal na din tayong hindi nakakain dyan" sabi ni raven at inayos ang sunglasses na suot niya. 
Bahagya akong napabuga ng hangin at napaiwas ng tingin sa mga tumitingin sa amin habang naglalakad kami papunta sa bakanteng upuan. Kahit saan ata magpunta 'tong mga to agaw pansin sila, kahit naka casual lang sila. Sumali pa ako na naka uniporme pa ng kasambahay. 
"alisin mo na nga yang sunglasses mo pinagtitinginan na tayo dahil sayo eh" anya ni danger kay raven ng makaupo kami. 
"edi pag tinanggal ko' to lalo lang tayong pagtinginan sa ganda ko" natawa kami sa sinabi ni raven. Tinanggal naman na niya ang sunglasses niya at isinabit sa damit niya. 
"feelingera nito" natatawang sabi ni zyion. Inirapan lang naman siya ni raven at tumingin sa akin. 
"rice meal with drinks, and desserts" sabi ni raven sa akin at nagbaba ng 200 sa lamesa. 
"kasya ba iyang 200 satin?" sarkastikong sabi ni miko kay raven. 
"bakit nagbigay ba kayo ng pera sakin kaninang umaga?" taas kilay na sagot naman ni raven. 
"sabi ko nga magbibigay na" saad naman ni miko at nagbaba din ng 200. Sumunod naman na sina zyion, danger, at tyson. 
"Anong dessert gusto niyo. Fries? o Ice-cream? Sundae o flurry? At anong drinks?" tanong ko. 
"fries lang ako, tapos float. large. " sabi ni tyson. 
"ako large fries at sundae. Coke" sabi naman ni raven. 
"kayo?" tanong ko kayna danger, miko, at zyion. 
"large fries, coke" sabi ni zyion. 
"parehas lang kay zy akin" sabi ni danger. 
"ako, large fries, sundae, at coke float" sabi ni miko. 
"wag ka ng mag ice cream kung mag f-float ka" sabi ni tyson kay miko. "may ice cream na sa taas yung float" sabi pa niya. Bahagya naman siyang tinawanan ni raven. 
"ikaw talaga, hayaan mo na." sabi ni raven kay tyson. Malokong ngumisi naman si miko kay tyson na parang inaasar pa ito. 
"tss" anya lamang ni tyson at hindi na nagsalita. Inulit ko naman ang mga order nila sa kanila at nang ayos na ay tumayo na din ako. 
"ako na lang pipili sa rice meal niyo" sabi ko. Nang tumango naman si raven sa akin bilang sagot ay nagtungo na din ako sa counter upang mag-order. 
Nang matapos akong mag-order ay nagtungo ako sa gilid ng counter para antayin na ang pagkain namin. Napatingin naman ako sa gilid ko ng biglang tumabi sa akin si miko. 
"tulungan kita" sabi nito na nakasimangot kaya bahagya akong napatawa sa kanya. 
"labag ata sa loob mo eh" natatawang sabi ko sa kanya. 
"hindi ah" anya nito "psh" natawa ako sa kanya. Napatingin naman kami sa dalawang babaeng biglang lumapit sa amin at batiin si miko. 
"hi miko" sabi ng isang babaeng naka polo dress. Mukha mas bata pa sila sa amin dahil sa itsura nila. "pwede kaming papicture?" kinikilig na saad pa nito. Bahagyang napatawa naman kami ni miko sa kanya. 
"sure" sabi ni miko. Natuwa naman sila at agad na tumabi kay miko. 
"ate pwede kami papicture?" sabi ng babae. 
"sakin din?" biro ko, bahagyang tumawa naman ang dalawang babae sa akin. 
"korni mo" sabi ni miko sa akin. Nginisian ko lang naman siya at kinuha na ang inaabot na cellphone sa akin. Agad naman silang pumwesto ng iangat ko ang phons. 
"smile" sabi ko sa kanila "1, 2, 3, cheese" at kinuhanan na sila ng litrato. 
"pwede din payakap?" sabi naman ng isang babae. Tumango naman si miko sa kanila. Ako naman ay pasimple silang kinuhanan habang nakayakap kay miko. Alam ko matutuwa sila dito at papasalamatan nila ako pag nakita nila ito. 
Napaiwas naman ako ng tingin ng biglang tumili ang dalawa ng bumitaw sila kay miko sa pagkakayakap at medyo lumayo pa sa kanila. Medyo nahihiya na kasi ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga nakaupo sa lamesa at yung mga nakapila. May iba na nakangiting nakatingin kayna miko pero karamihan ang mukha ay nagtataka kung sino si miko. Kahit naman kasi sabihin natin na galing sa kilalang pamilya si miko at sikat siyang modelo, syempre hindi naman lahat kilala siya at ganun na din sina raven, danger, tyson, at zyion. 
"salamat po" sabi ng dalawa sa amin, ibinalik ko naman na ang cellphone niya at kinuha na namin ang order namin. 
*****
Nang matapos naming kainin yung rice meal namin ay bumalik na din kami agad sa kotse at dito na namin kinain yung mga dessert para makauwi na daw agad. 
"may alam po ba kayo na upahan?" tanong ko dahil ayoko na kasing umuwi sa bahay, ayoko na matulog dun, at manatili sa iisang bubong kasama sina lady marelyn. Pero kailangan ko padin bumalik para kunin ang ilang gamit ko sa bahay dahil nandoon yung backpack ko, wallet ko pati na din yung bank card ko kung saan inilalagay ni raven yung sahod ko. 
"bakit?" tanong ni raven sa akin habang kumakain ng french fries na isinasawsaw niya sa ice cream. Nakita niya kasi ako kanina na ginagawa yun, triny niya din, ayun nagustuhan. Napaisip naman ako sa tanong niya kung paano ko ito sasabihin sa kanila. 
"ayaw mo dun sa inyo?" tanong ni miko na nasa likod ko. Umiling ako. 
"matagal ko ng gusto umalis sa bahay pero hindi ako pinapaalis ni lady marelyn, tuwing aalis naman ako lagi akong nagdadalawang isip kasi naiisip ko sina mama at papa kahit na kayna lady marelyn na nakapangalan yung bahay" sabi ko. 
"lady marelyn talaga tawag mo sa kanya?" tanong ni raven at tumingin sa akin, tumango naman ako sa kanya bilang sagot. 
"pwede ka naman sa mansion" biglang sabi ni danger. . 
"ah!" napasigaw ako sabay napahawak sa buhok ko ng biglang nagpreno si tyson. 
"pre!" sigaw din ni zyion dahil nasubsub siya sa likod ng driver seat. Gusto kong matawa sa kanya pero ang sakit ng anit ko dahil sa humawak sa buhok ko. 
"sorry, biglang may tumawid na aso eh" sabi ni tyson.
Nakangiwing nakahawak naman ako sa buhok kong lumingon sa likod at tinignan ang dalawa. Umiling-iling si miko sa akin at agad na itinuro si danger. Napasimangot naman ako kay danger na tinitignan lamang ako. 
"ano?" nangunot ang noo ko sa sinabi niya. 
"sinabunutan mo ko, ano?" saad ko sa kanya 
"sorry, kung hindi kita hinawakan dumausdos kana sa harapan" sabi niya. Lalo naman akong napasimangot at muli nalang tumingin sa harap habang hinihimas padin ang ulo ko. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kanya o hindi eh. 
"ayos kalang?" tanong ni tyson kay raven. 
"ayos lang, nasave ko yung ice cream ko tyaka fries. Muntik na tumapon" sagot ni raven at tumawa. 
"tignan mo yung balikat mo, baka namumula gawa nung seatbelt." sabi pa ni tysob. Ibinaba naman ni raven yung sun visor at binuksan ang salamin upang tignan ang balikat niya. 
"wala naman" sagot ni raven. Hindi naman na nagsalita si tyson. 
Ako naman napaisip nalang sa kinikilos ni tyson. Sabi nila hindi gusto ni tyson si raven, may times na kita ko yun, halata kay tyson. Pero pag nag-alala siya kay raven magdadalawang isip ka talaga kung may gusto na siya kay raven o wala, kasi kung mag-alala siya kay raven higit pa sa tatlong lalaki, higit pa mismo kay zyion na pinsan ni raven. 
Nagkaroon naman ng katahimikan sa amin hanggang sa magsalita muli si raven. 
"alam mo rafaela ang ironic ng buhay mo" sabi niya sa akin at bahagyang tumawa "your nickname is ella and your life is somewhat like cinderella" nangunot ang noo ko habang nakangiti. Bahagyang napatawa naman itong mga lalaking nasa likuran ko "you lost your mother then your father remarried. Then again you lost someone special, your father, that ends you up living with your cruel step mother and step sisters"  bahagya akong napatango.
"pero wala naman po akong fairy godmother" anya ko. Napatingin naman ako kayna danger at miko ng tawanan nila ako. Tumahimik naman sila agad. 
"cinderella is a fairy tale rafaela" sabi ni raven at mahinang tumawa. "you will not have a fairy godmother but you have the five of us" tumingin siya sa akin at ngumiti, napangiti nalang din ako at naalala ang una naming pagkikita sa vanderbilts company, nung araw na yun ni hindi sumagi sa isip ko na magkikita kaming muli at mapapalapit ako sa kanila ng ganito. Sabi nga nila 'Best things in life happens unexpected' at sila yung unexpected na dumating sa buhay ko. 

Komento sa Aklat (600)

  • avatar
    EncisoMedelyn

    ang tagal na po nato wala pa rin pong kasunod.. pero willing pa ren po ko mag intay.. kahit matagal na pong walang update.. sana mag karoon na po

    27/06/2022

      0
  • avatar
    CernaJovy

    I LIKE IT,ITS THE SAME THING I HAVE THAT HARDNESS IN LIFE,BUT HER CHAPTERS IN LIFE MORE INTENSE,I WANT TO READ MORE OF YOURE NOVELS!!

    18/12/2021

      0
  • avatar
    Anne Tayco Orille

    OMG!!! The story was lit!!!! Sobrang nakaka inspired 'to lalo na sa mga nakakaranas ng ganyan sa real life, highly recommended this story to those pips na mahilig sa mga stories like this!! Girlllll ang gandaaa ng story mo, while reading this I'm just listening some music na swack din sa pagbabasa neto!!! Thank you for this kind of story ackkk<33 relate much kahit wala akong work yung ibang scene niya sheesh<33

    04/12/2021

      2
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata