Chapter 43

Huling tingin para sa mansiyon na kinalakihan niya bago pumasok sa pick-up. Nasa likod ng sasakyan ang lahat ng gamit niya at malakas ang tugtog ng stereo ng sasakyan. Sa katunayan nga, halos mabasag na ang tainga niya sa lakas pero nanatili siyang walang imik at nakatingin sa labas ng bintana. 
Pasulyap-sulyap lang sa kaniya ang driver sa rearview pero hindi rin nag-aksaya ng laway para magtanong kung ayos lang siya. Mas mabuti nga 'yon. Wala siya sa mood para magsalita. May parte sa kaniyang gustong bumalik sa mansiyon pero may parte rin na gustong bumalik sa bahay ni Gideon. Naguguluhan siya.
'Yong parteng gustong bumalik sa bahay ni Gideon ay parteng natatakot sa nalaman kaninang madaling araw. At 'yong parteng gustong bumalik sa mansiyon ay 'yong parteng nahihiya sa nalaman niya.
Hindi niya alam kung magsisisi ba siya na naglagay siya ng kamera o makakahinga nang maluwag dahil nalaman niyang walang nanggagahasa sa kaniya gabi-gabi? 
Humina ang tugtog ng stereo. "Maam, parehong bahay sa Cansanit?"
Tumango siya. 
Umikhim ang driver. "Ang sabi ng mayordoma na bahay ng asawa niyo. Bakit hindi ang asawa niyo ang sumundo sa 'yo, Maam?"
Pinikit lang niya ang mga mata. Pero, dumilat pagkuwan. Natatakot siyang matulog sa kotse, at baka mamaya ay maghubad siya sa likod. Baka magka-heart attack pa ang driver at madisgrasya sila.
"Maam," pukaw ng driver.
Nangunot ang noo niya sa kulit nito kaya sumagot na lang siya. "May lakad."
Ilang minuto pa at naabot na nila ang bahay ni Gideon. Umibis siya. Tinulungan siya ng driver na ibaba ang maleta. 
"Alis na ako, Maam."
Tumango lang siya. Pinagmasdan niya ang pagtakbo ng sasakyan pabalik sa Mansiyon. Nang mawala sa paningin ay doon lang niya naramdaman ang nakakapasong init ng araw sa balat niya.
Agad siyang nag-doorbell. Ilang minuto siyang naghintay bago lumabas ng main door si Dalya.  
Nakangiti ang babae sa kaniya. "Senyorita!"
Tinuro niya ang ilang gamit na nakalatag sa tabi ng kalsada. "Pakidala na lang sa loob," aniya bago hinila ang maleta at nilampasan ang babae. Diretso siyang humakbang papasok sa bakuran. 
Pero ewan ba kung bakit pagtapak niya papasok sa main door ay bigla siyang natumba. Napahiga siya sa malamig na tiled floor. 
"Senyorita Jewel!" boses ni Pedro.
Naramdaman niyang umangat siya mula sa sahig, maya-maya pa'y inihiga siya sa malambot na higaan. Minulat niya ang mga mata at kisame ang una niyang nakita. Nasa sala siya. Siguradong inihiga siya ni Pedro sa sofa.
"Natumba siya. Hindi ko alam ang rason," bulong ni Pedro.
"Hindi mo nasalo? Pa'no kung nabagok ang ulo ng Senyorita? Kahit kailan talaga Pedro ang lamya mo," sabi ni Dalya.
Pinikit niya nang mariin ang mga mata. Umiikot ang paningin niya at parang may humukay sa sikmura niya. Tinakpan niya ang bibig para maiwasang sumuka sa sahig.
"Senyorita," nag-alalang sambit ni Dalya. "Wala pa si Sir Gideon. Mamaya pa 'yon makakauwi. Ano po ba ang kinain niyo at bakit natumba kayo?"
Huminga siya nang malalim at dahan-dahang naupo. Tinulungan siya ni Dalya. "The weather is too hot. Umm. Napasok mo ba ang mga gamit ko?" 
"Opo, Senyorita."
"Good. Tulungan mo nalang ako sa kuwarto ko ---"
"Naku, Senyorita..." Nakagat ni Dalya ang ibabang labi. "Ayaw na ni Sir na buksan ang kuwarto mo. Hindi ko po alam kung saan ang susi kaya hanggang ngayon ay sarado pa rin po ang kuwarto niyo."
Naningkit ang mga mata niya. "What? At saan niya ako patutulugin?"
"E... Senyorita, sa kuwarto po ni Sir. Sabi niyang doon ka po matutulog mula ngayon para mabantayan ka niya."
Nasamid siya ng sariling laway. Napaubo. Mabilis namang tumakbo sa kusina si Pedro para kumuha ng baso ng tubig. "Tubig, Senyorita." Inabot nito ang baso sa kaniya.
Tinanggap niya 'yon at inisang lagok. Pagkatapos ay binalik kay Pedro. "Is he kidding?"
"Yun po ang sinabi niya kaninang umaga," depensa ni Dalya.
Bumuntong-hinga siya. Kung noon pa nito naisip ang kalokohan ay talagang papayag siyang matulog sa kuwarto ni Gideon. Pero dahil sa nalamang paghuhubad niya habang tulog ay nagdadalawang-isip na siya kung papayag sa alok nito.
Paano kung malaman nito ang sikreto niya? Nakakahiya 'pag nagkataon! 
Pero wala na siya sa Mansiyon. Siguro naman ay hindi na siya maghuhubad habang tulog?
"Senyorita?" pukaw ni Dalya.
Kumurap siya saka umiling. "Hindi. Tawagin niyo si Tang." Tumayo siya at humakbang papunta sa hagdan. "Kunin niyo ang susi ---"
Hindi niya alam kung anong nangyari pagkatapos. Basta't nagising siya sa isang pamilyar na kuwarto. Kulay abo na kisame. 
Ang nakakapaghinayang ay hindi siya nagising sa kama. Nagising siyang nakahiga sa malamig na sahig ng kuwarto ni Gideon. Umupo siya at humawak sa kumikirot na balikat. Pero natigilan siya nang wala siyang makapang damit. 
Nagmulat siya at takot na tumingin sa katawan. Hubo't hubad siya! Pinagkrus niya ang braso sa dibdib at nagpalinga-linga sa paligid. 
Madilim-dilim na sa loob ng kuwarto. Tahimik din. Nang tingnan niya ang balkonahe ay napansin niya sa likod ng manipis na kurtina ang papalubog na araw. Sa tiyansa niya ay malapit nang mag-alas-sais ng gabi. 
Kailangan niyang magbihis bago pa may makakita sa kaniyang walang saplot. Mabilis siyang tumayo at hinanap sa kama ang damit. Wala siyang nakita. 
Saan ba napunta ang damit niya?
At habang naghahanap siya sa bestida ay bigla nalang bumukas ang pinto ng kuwarto. Paglingon niya sa pinto ay siya ring pagbukas ng ilaw sa loob. Napapikit siya sa biglaang liwanag. 
"Jewel Laine!" bulalas ni Gideon nang makita siya nitong hubo't hubad. Agad nitong sinara ang pinto ng kuwarto.
Mabilis niyang kinuha ang kumot sa kama at tinakpan ang katawan. Nagtaas-baba ang balikat niya. Habol niya ang hininga.
"W-What did you see?" Lumunok siya at nag-iwas ng tingin kay Gideon na hanggang ngayon ay gulat na nakatingin sa kaniya. "What did you see!" ulit niya.
Kumurap ito. "You're... naked."
Lumikot ang mga mata niya at tinuro ang pinto. "L-Labas. Labas!"
"What did you do, Jewel?" Naningkit ang mga mata ni Gideon. "What are you searching and why are you naked in my room?"
Marahas siyang huminga nang malalim. "It's your fault! You didn't give me the key of my room! Kaya magtiis ka!" Inayos niya ang pagkakatapis ng kumot sa katawan niya at kinagat ang labi. 
Sh***! Bakit naman kasi hindi nito binuksan ang kuwarto niya. Kung sana bukas ang kuwarto niya't doon siya natulog kanina ay tiyak na hindi siya nito mahuhuli sa gano'ng kalagayan. 
At malay ba niyang hanggang sa bahay ni Gideon ay susundan siya ng malas? Umasim ang mukha niya sa inis. Mukhang kailangan na niyang itali ang sarili sa kama. 
Narinig niya ang mga yabag ni Gideon palapit sa direksyon niya. Nanigas siya sa kinatatayuan. Nakahinga siya nang maluwag nang may pinulot ito sa paanan ng kama --- doon sa ilalim. 
Tumayo ito nang maayos at pinakita sa kaniya ang isang bestida. "Is this what you're searching for?"
Tiningnan niya 'yon. "Y-Yeah." Humakbang siya palapit at hinablot ang bestida mula sa kamay ni Gideon. "L-Leave. Magbibihis ako."
Pero humalukipkip lang si Gideon at pinaningkitan siya ng mga mata. "Hindi, Jewel. Magbihis ka na."
"Excuse me, you're not leaving?"
"No. Just wear that one right in front of me. I want to make sure that you're not doing foolish things."
"I rather stay in this state than undressing in front of you!" Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "You're crazy."
Tumaas lang ang kilay ni Gideon at naupo sa paanan ng kama. Nag-alis ito ng sapatos at medyas. "There's nothing to worry about, Jewel. I've seen your body but I'm not in the mood, wife."
"You jerk!" Kinuha niya ang unan gamit ang malayang kamay at binato kay Gideon. Umiinit ang pisngi niya sa pinagsasabi nito. "I can't believe you!"
Pero tawa lang ang tinugon nito. Matapos nitong mahubad ang pares ng sapatos at medyas ay ngiti itong tumingin sa gawi niya. "I'll leave after an hour. You sleep early tonight."
Natigilan si Jewel. Kumunot ang noo. "Y-You won't sleep here?"
"No." Lumapad ang ngiti ni Gideon. "I will attend some sort of... conference." Tumayo ito at bigla nalang naghubad ng T-Shirt. Napaiwas ng tingin si Jewel. "I'll come back after two days. If you need something, just ask Tang. Call me if there's an emergency."
Bumuntong-hinga siya. Kakabalik lang niya sa bahay nito pero ilang araw din itong mawawala. Kahit pa naiinis siya rito paminsan-minsan ay hindi naman niya maiikubling mami-miss niya ang asawa.
Kahit pa... napahiya siya sa harap nito at nasampal niya ito noon. Pumikit siya nang mariin. Mukhang hindi naman ito 'yong tipong nagkokondena. Wala kasi siyang narinig mula kay Gideon. 
Para ngang walang nangyaring sigawan at sampalan sa pagitan nilang dalawa. They're back to being a couple again. At least that's what she thought.
"Okay," tanging nasambit niya. 
Naglakad ito palapit sa cabinet na nasa gilid niya, saka kumuha ng isang polo, sinuot, at bumaling sa kaniya. 
Ilang segundo itong tumitig sa mukha niya habang nagbubutones ng polo. Ngumiti pagkuwan. "I'm glad you're back." 
Pagkatapos nitong magbutones ng polo ay naglakad na ito palabas ng pinto. "If you don't have plans to change your clothes, might as well don't walk outside of this room. I've married a decent woman, Jewel. Don't make me mad at your nakedness."
"Are you insulting me?"
Pero sumara na ang pinto ng kuwarto at nasa labas na si Gideon. Magaling. Magaling!
Humalukipkip siya.

Komento sa Aklat (18)

  • avatar
    s******9@gmail.com

    Thank you for spending much of your time.

    13/06/2022

      0
  • avatar
    #2013METHAMORPHOSIS

    This story hit the spot to the top! Ang ganda nung part kung paano nakilala ni Jewel si God. Pati ako may mga natutunan mula umpisa ahanggang sa dulo ng story! Nandoon kung paano nabigyan ng mga character yung parte nila sa bawat tagpi ng story lalo na si Jewel at Gideon I like how they interpret there character. At kung paano nila nakilala si God sa gitna ng Temtation sa maling gawain. Yung pagkakalapat ng mga Bible Verse and explanation na nakapaloob ang dami kong natutunan talaga don.

    14/01/2022

      1
  • avatar
    ZjieXyrone

    sodrang Ganda ng iyong kwento

    09/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata