Chapter 38

Ramdam niya ang pagpisil ni Gideon sa kamay niya. She inhaled the evening breeze. Tumingala siya sa kalangitan at tumitig sa bilog na buwan. Marahang dumaan ang hangin at humalik 'yon sa pisngi niya.
"The moon shines bright tonight," bulong niya.
Bumaling siya kay Gideon. Nakatingala rin ito sa buwan at may munting ngiti sa mga labi. Jewel just gaze at him, breathless.
"I want to sing," saad ni Gideon.
"Go on."
Nagbaba ng tingin si Gideon sa kaniya saka marahang ngumiti. "This song is for someone else. Do you mind?"
Nangunot ang noo niya. "And who's this s-someone? Is it Elise?"
"Silly." Lumapad ang ngiti ni Gideon. "Still jealous? I told you, I'm not seeing Elise."
Nag-iwas siya ng tingin. "I don't believe you." Binawi niya ang kamay at humalukipkip. Tinanaw niya ang karagatang kumikinang sa ilalim ng buwan. The place is just magnificent, she thought.
Nagulat siya nang tumayo sa likod niya sa Gideon at niyakap siya. Nahigit na naman niya ang hininga. Everytime Gideon do some cheesy moves, her heart always skip a beat... then it will pump faster. Faster and faster.
"Breathe, Jewel."
Ginawa niya ang sinabi nito. Huminga siya nang malalim, tapos tinapik niya ang braso nitong nakapulupot sa baywang niya. "Don't do that again. You always make me breathless, Gideon!"
Humalakhak ang asawa niya. "Wala akong ginawa para mahulog ka nang husto, Jewel." Nilapit nito ang labi sa tainga niya. "But don't be sad, you always steal my breath too, wife."
Napangiti siya. "I-I love you, Gid..."
Hinagkan ni Gideon ang gilid ng sentido niya. Nagulat siya sa ginawa nito kaya napahakbang siya paabante. Napahawak siya sa riles ng balkonahe.
Natawa si Gideon at muli na naman siyang hinila paatras, kaya napasandig siya sa dibdib nito. Nakagat ni Jewel ang ibabang labi at pinikit ang mga mata.
Hiling niya na sana hindi matapos ang gabing 'yon, kung saan siya at si Gideon ay kapwa nakatayo sa balkonahe. Yakap siya ni Gideon mula sa likod at kapwa nakatitig sa bilog na buwan sa malayo.
Humigpit ang yakap ni Gideon at muling bumulong sa tainga niya. "I love you too, Jewel."
There was a sweet pain in her chest. Kagat-kagat niya ang labi habang ramdam niya ang pagdaloy ng kuryente mula sa puso niya patungong kaibuturan ng pagkatao niya.
She is happy. More than happy!
"I-Is that true?"
Pinaikot siya ni Gideon at pinaharap dito. He smiled at her. There was a glow of happiness in his eyes that she have never seen before. "I don't remember being this happy while confessing to someone." Inipit ni Gideon ang hibla ng buhok sa tainga niya. "The first time I've seen your face in that portrait, there's this hint of familiarity deep within me, Jewel. And I bowed from that day forward that I will find you, love."
"You truly found me."
Tumango ito. "I will never regret being bounded to you in this lifetime, Jewel Laine."
Napalunok siya at nagbaba ng tingin. "About earlier... I'm sorry."
"You don't need to be. I understand why you've said those things."
"But..." Nakagat niya ang labi at mariing napapikit. "That was too harsh. I-I mean, y-yes. I'm being impulsive and that I'm very sorry. I didn't mean to ---"
"I understand."
Nagmulat siya at nagtaas ng tingin kay Gideon. Nakangiti ito sa kaniya. There was a little playful smile on his lips that made Jewel blushed in embarrasment. She just admitted that she's impulsive. 
"I-I mean I was overwhelmed by your words and that ---"
"You don't need to defend yourself, Jewel."
Bumuntong-hinga siya. She gave up. If Gideon don't want her explanation, then she will not force her excuses. But there is something that she should open up to him.
"To be honest, I'm not really allowed to go here in Cansanit. Nag-excuse lang ako kay Papa na kukunin ang project ko. But I was allowed to for one condition, I must be in our mansion before my curfew." Nakagat na naman niya ang labi. "But it was p-past eight in the evening. B-Baka magalit si Papa ---"
"Inutusan ko na si Tang na ipagpaalam ka sa ama mo, Jewel. I already sent the driver home."
"Huh? Kailan?"
"After we ate our dinner."
Napakurap siya. So that's the reason why the driver didn't interrupt them when she was invited to go here with Gideon. Tumango siya saka muling tumalikod sa asawa. Pinagmasdan niya ang buwan sa malayo. Mas lalo 'yong tumitingkad habang palalim nang palalim ang gabi.
"He agreed?" tanong niya.
Niyakap siya ni Gideon mula sa likod. "He should. I'm your husband."
Tumungo siya. "He sees thing the way he wants. Malabong umuo siya. You know how strict my father is."
"Let him be. He is your father afterall."
"So... kukunin mo na ulit ako? Can I stay here for good?" Kinagat niya ang ibabang labi habang hinihintay ang sagot ni Gideon. 
Gusto niyang manatili sa bahay ni Gideon hindi dahil gusto niyang takasan ang mga magulang, kung hindi gusto niyang makasama ang asawa. Masyadong tahimik sa mansiyon at nalulungkot lang siya roon. Isa pa, wala na roon sina Dalya at Pedro kaya wala na siyang makakausap tungkol sa hilig niya sa erotica.
She ended her friendship with the three girls, so she is now left with her servants. Pero hindi siya naghihinayang dahil alam niyang sina Dalya at Pedro ay totoo sa kaniya. Hindi siya ipapahiya't ipagkakaluno ng dalawa. 
"I'll ask your father tomorrow."
Lumabi siya. "So I'll sleep in my room tonight?"
"That should be the case."
Bumuntong-hinga siya. Walang kasiguraduhan kung anong maghihintay sa kaniya bukas. Ayaw niyang mawalay kay Gideon kaya mas gusto niyang manatili sila sa balkonahe para magkasarinlan. Natatakot siyang baka paggising niya bukas ay nasa mansiyon siya, at panaginip lang pala ang lahat ng 'to.
"Can we stay here all night?" tanong niya.
Gideon chuckled. "Hindi ka ba nilalamig?"
"No." Napangiti siya. "You keep me warm."
"We can't stay awake until dawn. We should sleep, Jewel."
Lumabi na naman siya. "I want to sleep beside you."
Natawa na naman si Gideon. "We can't sleep in the same bed."
Naningkit ang mga mata niya. "Do you always mean it as s**?"
Hindi na napigilan ni Gideon ang sarili. Humalakhak ito. Ngumuso naman si Jewel sa inasta ng asawa. She knew it. That's how the mind of guys work, she thought.
"We can't sleep together, Jewel. You're still young ---"
"Excuse me. I'm not talking about s**, I'm talking it literally. We'll be sleeping and not doing that thing." Ramdam niyang uminit ang pisngi niya pagkatapos niyang sabihin 'yon.
She's not really comfortable talking about that but she can't bear thinking that Gideon mean that she wants to do it with him. No. She don't mean it like that!
"Next time, choose your words or better yet, don't ask someone to sleep with you. Understood?" natatawang saad ni Gideon.
Napalunok siya. "It's just your thinking. Wala namang malisya 'yong tanong ko, hinahaluan mo lang." Umismid siya.
Natawa na naman si Gideon. Humigpit ang yakap nito sa kaniya at mas nilapit siya sa katawan nito. "For your temper, I'll sing you a song."
"Huh. I thought you'll sing for someone else?" Umismid na naman siya.
Naalala niya ang sinabi nito kaninang kakanta ito para sa ibang tao. She doubt now if it is for Elise, since Gideon confessed that he loves her.
Ilang segundo itong natahimik. Hinintay niya ang pagkanta nito pero wala siyang narinig.
"I thought ---"
Natigilan siya nang nagsimulang kumanta si Gideon.
Komportable siyang sumandig sa dibdib ni Gideon. Nakinig siyang mabuti. Her husband's voice is deep with coldness, yet sharp. But the emotion is faintly there, and it makes her heart skip a beat.
Kahit na old English ang lyrics at hindi niya masyadong maintindihan ay nahahalina siyang mas makinig pa. There is something in the voice of Gideon.
Bumuntong-hinga siya. She know now why there is something in Gideon's voice. The coldness balances the sharpness that's why she find it hard to distinguish the emotion of the voice.
But she's not dumb to not notice the emotion. And she no doubt know what lingers in the tone and melody brought by Gideon's voice.
He sings in pain. There was a hint of hurt, disappointment, and sorry in his voice.
Natapos ang kanta ni Gideon. Natahimik sila. Kapwa pinakinggan ang mahinang ingay ng paghampas ng alon sa dalampasigan.
Maya-maya pa'y dahan-dahan silang nagsayaw sa mahinang saliw ng musika. Isang musikang ginawa ng simoy ng hangin at tibok ng puso. Sa parehong pwesto, kung saan nakayakap sa kaniya si Gideon mula sa likuran, pumikit siya at paulit-ulit na binulong sa hangin kung gaano niya  kamahal ang lalaking nakayakap sa kaniya.
Walang tugon si Gideon, sa halip ay mas niyakap siya nito nang mahigpit at hinagkan ang sentido niya.
Lumunok siya. "Why do you always sing with loneliness and sorry?" Tumingala siya sa buwan. "You sing as if you're ---"
"I want it that way," putol ni Gideon. Bumulong sa tainga niya. "Don't ask. You will not understand, Jewel."
Nagbaba siya ng tingin. Hindi niya maintindihan? Hilaw siyang ngumiti. She may not understand but she's not dumb.

Komento sa Aklat (18)

  • avatar
    s******9@gmail.com

    Thank you for spending much of your time.

    13/06/2022

      0
  • avatar
    #2013METHAMORPHOSIS

    This story hit the spot to the top! Ang ganda nung part kung paano nakilala ni Jewel si God. Pati ako may mga natutunan mula umpisa ahanggang sa dulo ng story! Nandoon kung paano nabigyan ng mga character yung parte nila sa bawat tagpi ng story lalo na si Jewel at Gideon I like how they interpret there character. At kung paano nila nakilala si God sa gitna ng Temtation sa maling gawain. Yung pagkakalapat ng mga Bible Verse and explanation na nakapaloob ang dami kong natutunan talaga don.

    14/01/2022

      1
  • avatar
    ZjieXyrone

    sodrang Ganda ng iyong kwento

    09/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata