Chapter 20.1

Madilim-dilim ang paligid kahit alas-cinco pa lang ng hapon. Marahil ay dahil 'yon sa papasok na Low Pressure Area na ngayon ay nasa timog-silangang bahagi ng Samar. Inaasahan na lalabas ang LPA sa Philippine Area of Responsibility sa weekend, ayon sa News.
Ilang minuto pa ay bumuhos ang malakas na ulan. Mabigat ang bagsak niyon pero hindi nagpatinag si Jewel. Determinado siyang naglakad sa ilalim ng mabagsik na ulan at pabugso-bugsong hangin.
Dumadagundong ang kulog at ilang segundong nagliwanag ang kidlat sa kalangitan. Napalunok siya at nagpatuloy sa paghakbang.
Pinuntahan niya ang faculty office para makita si Gideon pero sinabi ng faculty staff na wala roon ang hinahanap niya. At malamang ay nasa Agriculture building.
Bumuntong-hinga siya at pumasok sa gusali. Isinara niya ang payong at isinabit sa umbrella section na nasa gilid ng entrada. Niyakap niya ang sarili at naglakad papunta sa elevator. Sumakay siya at lumabas nang muling bumukas ang pinto sa 7th floor.
Tahimik niyang binaybay ang hallway. Mangilan-ngilang estudyante ang nakita niya. Marahil ay nagsisibalik na ang mga ito sa dormitoryo. Kunsabagay, uwian na at malakas ang buhos ng ulan.
Huminto siya sa dulo at tumayo sa harap ng pinto ng classroom ni Gideon. Kumatok siya at naghintay. Pero walang nagbukas. Siya na lang mismo ang pumihit sa seradura at pumasok sa loob.
"Gideon Manasseh?"
Madilim. Nakasara ang bintana at walang katao-tao. She should know. Wala si Gideon. Kaya pala tahimik at walang ilaw. Sinara niya ang pinto at binuksan ang switch sa gilid. Nagliwanag ang loob ng classroom.
Nilibot niya ang tingin sa loob, at nasamyo niya ang pinaghalong amoy ng perfume ni Gideon at ink. Tumingin siya sa white board.
Maraming nakasulat doon. Agricultural machineries, organic at inorganic fertilizers, tungkol lahat sa agrikultura. Nagbaba siya ng tingin. Mukhang hindi niya makakausap si Gideon ngayong araw.
Pumihit siya para sana lumabas kaso... bumukas bigla ang pinto. Niluwa niyon si Gideon. Basa ang suot nitong polo at tumutulo pa ang tubig-ulan sa noo at pisngi nito. Nang mag-angat ito ng tingin ay nagtama ang tingin nilang dalawa.
"Jewel?" Malalim at malamig na boses ang narinig niya mula rito.
Kagabi pa nang huli niyang marinig ang boses ni Gideon. Nag-iwas siya ng tingin at hindi umimik.
Nakita niya sa gilid ng mata ang paghakbang nito palapit sa kaniya. Huminga ito nang malalim at napahilamos ng mukha. "Why are you here?" tanong nito.
Nilampasan siya nito. Tinungo nito ang professor desk sa likuran niya at may kinuhang folder sa ilalim. May nilabas din itong water-proof envelope at nilagay doon ang folder.
"We need to talk," aniya at lumunok. Hinarap niya si Gideon. Wala itong sinabi kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Are you still considering a certificate to transfer for me? You know you can't do that. Nakasaad na sa contract na UDM ang college admission ko. Saka, hello? I'm starting a new life here."
Pinagmasdan niya ang mukha ni Gideon. Pansin niyang namumutla ito. Kumurap siya nang bumaling ito sa kaniya at humakbang palapit. Huminto ito sa harap niya.
Inabot ni Gideon ang buhok na tumakas sa mukha niya, at inipit ang hibla sa tainga niya. Ramdam niya ang lamig sa palad nito. "For you, Jewel... I can," bulong ni Gideon.
Nangunot ang noo niya. "W-What ---"
"If you're not behaving well, love." Tumaas ang sulok ng labi ni Gideon saka nilapit ang mukha sa kaniya. "Binigay ng security ang footage nang pagpuslit mo at ng mga kaibigan mo sa kabilang dormitoryo. If you think that you can hide everything from me, think again Jewel."
Mabilis siyang umatras. "What are you ---"
"Don't ever think of lying to your husband."
Umismid siya. "So, what if I did it with my friends?" Hinamon niya ito sa titigan. "Anong gagawin mo?"
Nagulat nalang siya nang kinabig siya ni Gideon. Nanlaki ang mga mata niya nang nilapat nito ang labi sa pisngi niya, just a centimeter away from her lips!
Mabilis niyang tinulak ang asawa. "Gideon!" babala niya.
"You must be punished for breaking rules, Jewel."
Umatras siya. "W-What? P-Punishment?"
Tumayo nang tuwid si Gideon at napahawak sa sentido. "But let's deal it next time. For now, I want you to fix your things ---"
"Listen, Gideon Manasseh. Hindi mo ako ita-transfer. That's final."
"What's this? Being brat again, Jewel?" Kumunot ang noo ni Gideon.
Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "I'm not being a brat. It's you who can't honor his word!"
"I don't trust that Saavedra. You should know that I'm just looking after your safety."
"I can deal with him." Seryoso niya itong tinitigan. "I can deal with my ex. Okay? So don't bother to transfer me. I can't handle another adjustments after I'd married you, Gideon."
Bumaba ang tingin ni Gideon sa labi niya. Marahan itong ngumiti saka nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Nagsisi ka bang pinakasalan mo ako, Jewel?" bulong nito.
Natameme siya sa tanong nito. Anong klaseng tanong ba ang iniisip ng asawa niya? Napaiwas siya ng tingin. "What kind of question is that?" bulong niya saka niya ito nilampasan.
Mabilis na hinuli ni Gideon ang braso niya. "Tinatanong kita." Pinisil nito ang braso niya. "Answer me and I'll let you stay in this University."
Hinarap niya ang asawa. "Anong isasagot ko sa tanong mo, Gideon?"
"Just answer me, Jewel."
Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. "Nasasaktan ako," sabi niya. Mabilis naman nitong binitiwan ang braso niya kaya napatingala siya rito. Agad nagtama ang tingin nilang dalawa. Gideon's gaze was gentle and Jewel held her breath. "You know the answer, Gideon."
Mabilis siyang tumalikod at lumabas ng classroom. Tumakbo siya papunta sa hagdan habang hawak ang dibdib. Mabilis ang tibok ng puso niya.
It was the same feeling when she was with Simoen two years ago. Pero ngayon... mas malakas ang tibok. At nakukuryente siya sa lakas lalo na kung nasa paligid lang si Gideon.
Nahinto lang siya sa pagtakbo nang may yumakap sa kaniya mula sa likod. Nahigit niya ang hininga.
"Jewel," bulong ni Gideon. Nilapit nito ang bibig sa tainga niya. "I can't read your mind. But I ask you to stop seeing your friends. They are bad influencers to you."
Nangunot ang noo niya. Kinalas niya ang brasong nakapulupot sa baywang niya at hinarap na naman si Gideon. "Are you asking me to ---"
Tumango ito. Nakuyom niya ang kamao at nasampal nang wala sa oras si Gideon. Bumaling sa kaliwa ang mukha ng asawa. Ramdam pa niya ang hapdi sa palad niya dahil sa lakas ng sampal. "Will you stop controlling my life?"
"How many times do I have to remind you, Jewel? I'm not controlling you."
"But it seems like you want to control me."
"I'm not ---"
"It's the way I see things, Gideon!"
Natahimik ito sa sigaw niya. Nagtaas-baba ang balikat nito dahil sa pinipigilang emosyon. "Stop seeing your friends and I'll let you stay here in this University."
"Gideon!" frustrated niyang sigaw. "They're my friends!"
"And they are not good friends, Jewel."
"No." Umiling siya. "No!"
Nangunot ang noo ni Gideon. "Jewel Laine Hernandez."
"Arg! I don't want to see you again! I hate you!" Naluha siya sa inis.
Kagat-kagat niya ang labi at pinagpatuloy ang pagtakbo sa hallway at pababa sa hagdan. 
"Jewel!"
Mas lalong bumuhos ang luha niya. Lumingon siya sa likuran at nakita niya si Gideon na humahabol sa kaniya.

Komento sa Aklat (18)

  • avatar
    s******9@gmail.com

    Thank you for spending much of your time.

    13/06/2022

      0
  • avatar
    #2013METHAMORPHOSIS

    This story hit the spot to the top! Ang ganda nung part kung paano nakilala ni Jewel si God. Pati ako may mga natutunan mula umpisa ahanggang sa dulo ng story! Nandoon kung paano nabigyan ng mga character yung parte nila sa bawat tagpi ng story lalo na si Jewel at Gideon I like how they interpret there character. At kung paano nila nakilala si God sa gitna ng Temtation sa maling gawain. Yung pagkakalapat ng mga Bible Verse and explanation na nakapaloob ang dami kong natutunan talaga don.

    14/01/2022

      1
  • avatar
    ZjieXyrone

    sodrang Ganda ng iyong kwento

    09/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata