Homepage/Notorious Mafia King Is My Boss (Book 1)/
NMKIMB 33
JACK'S POV:
Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon. Tuluyan ng naging masaya ang aking isipan at puso habang pinagmamasdan ang mga magandang bulaklak na tanging sa Hokkaido ko lang makikita.
Ang Furano.
"Oh! Hey! Long time no see!" Napalingon agad ako sa sumigaw sa aking direksyon.
Nakita ko si Ace na may hawak na camera. Nakangiti siyang lumapit sa akin.
May napansin din akong singsing sa may kaniyang palasingsingan. Isang infinity ring.
"Sino naman ang ginayuma mong nilalang na papakasal sa iyo?"
Napabusangot naman siya sabay takbo sa aking likuran. Hindi ko nakuha agad ang kaniyang naiisip kaya napa-aray na lang ako sa biglaan nitong pagsampa sa aking likuran.
"Hanggang ngayon pa rin ba gustong-gusto mo sa likuran ko? Kapag nagkikita tayo panay ka talon? Kung sino man ang malas na papakasal sa 'yo. Panigurado ako na magsasawa agad 'yun–Aray! Binibiro lang naman kita." Naiinis kong sagot agad sa lalaking ito na mabilis magalit kapag sinasabihan ko ng malas ang mapapangasawa niya.
Malay ko ba.
"Maglakad ka na lang." Utos niya na ikinangiwi ko naman. Pinagmamasdan ko ang bawat Japanese na napapadaan at napapailing na lang.
"Bumaba ka nga sa likuran ko. Nakakahiya sa mga taong dumaraan. Napagkakamalan tayong mag-syota. Maghunos dili ka nga! Oh god! You're already 27. Be matured enough. "
" Nahiya naman ako sa 37." Napaismid naman ako sa katuwiran nito.
Hindi na lang din ako umangal pa. Mabuti hindi ganon kabigat ang lalaking ito. Kaya nagawa ko pa siyang kargahin kahit na gustong-gusto ko na siyang ibalibag sa lupa.
Kung hindi lang siya ang namumuno sa buong organisasyon. Baka nagawa ko na nga ang ninanais ko, katulad na lang kay Rizhui na patuloy akong kinukutya.
Kapag nagkita talaga kaming dalawa. Magkaka-war na sa pagitan namin.
"Balita ko babalik ka na raw mamaya sa Pilipinas. Hindi mo ba hihintayin ang kasal ko?" Nagtatampong anito na ikinatawa ko na lang.
"Anong hindi ako pupunta? Magagawan ng paraan 'yan. Pakisabi na lang sa magpapakasal sa inyo na hintayin daw ako. Hindi p'wedeng mawala ang gwapo sa kasal. " Pagmamalaki ko naman sa aking sarili.
Naramdaman ko agad ang malakas na pagsuntok nito sa aking likuran. Mahina man pero masakit pa rin. Grabeng lalaki rin! Ayaw paawat.
"Anong gwapo ka r'yan? Ako dapat ang gwapo sa kasal ko. Hindi ko na nga alam kung ikaw ba talaga si Jack Krean Tomizara Miller, na hindi ko aakalain na isa pa lang Gangster King. Ano bang mayroon sa mga gangster? Wala kasi akong alam. "
" Parang katulad din ng mga Mafia. Kaso kung isa kang Gangster King na namumuno sa lahat. Walang tao ang dapat tumutol sa mamahalin mo."
" Ibig sabihin may chance na magkabalikan kayo ni Linzie mo? " Napatawa na lang ako sa narinig ko. " Kaya ba babalik ka sa Pilipinas para puntahan siya at ayusin ang gulo ninyo?" Dagdag niya pa na ikinatango ko na lang.
"Hmm..."
" Wait! Picture-an ko lang ito. Ang ganda." Sigaw niya na ikinangiwi ko na lang din.
Masigaw baga kung malapit ang tenga ko sa bunganga niya.
Anong klaseng utak ba meron ang lalaking ito?
Ibinaba ko na lang siya sa lupa at hinayaan na lang siya kunan ng litrato ang mga bulaklak na parang daisy. Kaso kulay pula siya na nasa gitna ay kulay dilaw, brown at itim.
"Kung hindi ka man makapunta sa kasal ko. Ayos lang. I-text mo na lang si Aze. Nakakahiya naman sa inyo ni Linzie kung iistorbohin ko pa kayo. Pero kung gusto ninyong pumunta sa kasal ko, okay na okay lang! Mas marami mas masaya!" Napatawa na lang ako sa narinig ko.
Natawa na lang din siya at naisipan na lang namin na ilibot ang buong flower field. Wala rin naman kaming gagawin. Kapag natapos na ang araw na ito, babalik na si Ace sa America. Doon gaganapin ang kasal.
At ako naman ay aayusin ko ang mga gusot ko sa nakaraan. Masaya nga ako sa tinahak kong mundo. Pero may mga hindi naman magandang pangyayari ang iniwan ko sa Pilipinas.
Tama nga si Kreiah, Rizhui at ang mga anak nito. Mali nga ang desisyon ko na umalis. Hindi man nila alam ang dahilan. Pero 'yun pa rin ang punto. Dapat inaayos ko muna ang lahat bago ako umalis.
At gawin ang mga bagay na tinahak ko.
Sa pagpapanatili ng kaayusan at pantay na karapatan ng bawat gang sa illegal at legal. Hindi ako nakikisali sa bawat away nila.
Ang tanging ginagawa ko lang ay panatilihin ang balanseng pamumuhay ng lahat.
Ngunit walang sinuman ang nakakaalam pa sa totoong pagkatao ko. Kung sino ang nakaalam at pinaalam pa. Buhay nila ang nakatayo.
Katulad lang kay Kreiah. Kung siya ay sa Mafia Organization. Ako naman ay itinalaga ng aming ninuno bilang tagapagmana ng Gangster World.
***
"Kumusta?" Tanong ko sa babaeng nakayakap sa akin.
Dinalaw ko siya mismo sa bahay ng magulang niya. Nalaman ko na hiwalay na sila ng asawa pero patuloy naman siyang ginugulo ni Mike.
Nasa loob ng mga kwarto nila ang magulang at kapatid niya. Gusto nilang mag-usap kaming masinsinan ni Link.
"I-I'm sorry... H-hindi ko sinasadya. Hindi ko alam... S-sana mapatawad mo ako... "Naramdaman ko ang pagbasa ng aking suot na polo na kulay pula.
Hinagod ko naman ang kaniyang likuran. Niyakap din siya pabalik habang inaalo ko.
"Ayos lang 'yon. Ang mahalaga tayo..."
"T-tayo?" Napakalas siya at saka lumingon sa akin nang hindi makapaniwala.
Tumango naman ako at saka siya hinawakan sa may balikat niya. Ngumiti pa ako nang malapad.
"Oo tayo. Gusto kong ayusin natin ang gusot. Gusto kong humingi ng tawad sa iyo sa panlilihim ko. Parehas tayong nagkamali, parehas nating kasalanan. Kaya huwag ka sa akin humingi ng tawad. Dahil parehas lang tayo... "
" Pero hindi ako naghintay. Hinayaan ko na lang ang lahat na mangyari, hindi ko pinaniwalaan ang mga pagmamahal na iginawad mo." Pagpupumilit nito sa nagawa niyang kasalanan kaya hindi ko sinasadyang pisilin ang kaniyang pisngi na ikinamula niya.
"Anong natutunan mo sa nangyari sa atin?" Tanong ko sa kaniya nang seryoso. Tinitigan ko pa ang kaniyang mata.
Napayuko naman siya. Narinig ko na naman ang paghikbi niya.
"Huwag masyadong mainipin sa lahat ng bagay. Maging pasensiyadang tao. Matutong maghintay at pagkatiwalaan ang taong alam mong worth it ang pagtitiwala. "
Ngumiti naman ako sa narinig ko at saka tumango.
" Ang natutunan ko naman sa ating dalawa, na ang unang taong papasok sa buhay mo ay hindi natin sigurado kung sila nga ba, may ilan na nagkatuluyan. Masaya ako na naging parte ka ng buhay ko, Link. Masaya ako na patuloy mo pa ring inaasikaso ang bookstore ko... "
" Anong ibig mong sabihin? " Nagtataka niyang tanong na ikinatango ko habang papikit-pikit pa.
Pero ramdam ko ang kamay niya na kinakabahan. Ginagalaw-galaw niya ito. Pati ang kaniyang mata ay nakikitaan ko ng pagkasawi.
"Mahal kita... Oo mahal kita, pero hindi bilang babae na gusto kong makasama. Kundi isang kaibigan at empleyado ng aking bookstore. Masaya na ako sa minsan nating pagsasama, ang alab ng pagmamahal nating dalawa. Pero sa naging pangyayari sa ating buhay, natutunan ko ang maghintay. I hate love! Oo ayoko talaga sa pagmamahal. Kaso nagbago na lang ang lahat magmula ng pumunta ako ng America. Naging isang ordinaryong tao muli ako. I can smile, laugh or even do some weird stuff nang walang nang-uutos. Ang dami kong maling desisyon sa buhay. Kilalang kilala ako bilang Jack na puros mali ang ginagawa. Pero sa atin? Hindi ako nagkamali sa aking ginawa. Kaya sana hindi mo gawin muli ang maling desisyon. Huwag ka lang sa akin tumutok. Buuin mo muli ang nasirang pamilya mo, ayokong makita ang bata na walang ama. Kitang-kita ko naman ang sinseridad nitong si Mike. Mahal ka niya, dahil sa pagmamahal niya nakalimutan niya na mali na pala ang ginagawa niya. Patawarin mo siya at bigyan mo pa ng t'yansa. " Mahabang paliwanag ko sa kaniya na mas lalo niyang ikinaiyak.
Nagsilabasan ang kapatid at magulang niya. Pati ang anak niya na lalaki ay napayakap na lang sa kaniya. Niyakap niya rin ito pabalik.
Napangiti ako sa nakikita ko. Kahit na wala naman ako sa kaniyang tabi, may isa naman ang magmamahal sa kaniya.
Ang anak niya.
Bigla akong may naalala. Napalingon ako sa bag ko na nakasandal lang sa aking likuran. Isang shoulder bag.
Kinuha ko ito sa pagkakasandal at saka inilagay sa aking hita. Binuksan ko na ito at tumambad sa akin ang mga invitation card. Sakto sa kanilang pamilya.
Tumayo na rin ako sa aking pagkakaupo. Saka iyon inilahad sa kaniya.
Kinuha naman niya ito na halata sa kaniyang pagmumukha ang pagkatakhan.
"Kasal ni Ace sa susunod na araw. Hapon gaganapin ang kasal sa America. May susundo sa inyo, kayo na lang ang bahala kung pupunta ba kayo. Alis na po ako. Pupunta pa ako sa kapatid." Ngumiti muna ako sa kanilang lahat at naisipan na ngang maglakad palayo.
Nakaalis na ako sa kanilang gate. Narinig ko ang pag-iyak niya pero napailing na lang ako at ngumiti nang pilit.
Saka tuluyang iniwan ang babaeng minsan ko ng minahal pero hanggang nakaraan na lang talaga kaming dalawa.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (166)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
baka po may book 2 na. subrang nakakabitin po pramis. hanggang ngayun kinikilig pa din ako sa story can't wait na maging si jack at linzie ulit❤. i really really loved this novel❤. hope you do Sooniest the book 2❤
07/11/2021
0𝕒𝕤𝕒𝕟 𝕡𝕠𝕙 𝕒𝕟𝕘 𝕓𝕠𝕠𝕜 2
27/09
0good
05/05/2025
0Tingnan Lahat