NMKIMB 30

IAN'S POV:
"Bakit ngayon ka lang dumating anak?"
"Oo nga Kuya Yanyan!" Sabat din ni Angel sa sinabi ni Nanay pagkapasok ko sa bahay namin.
Gabi na akong nakauwi rito. Hindi ko alam kung anong oras na ba, ang tanging nasa isipan ko lang ay ang mga napagdaanan ni Kuya Jack sa kamay ng mga organisasyon.
Hindi ako makapaniwala. Sobrang galit na galit ako sa kaniya noon. Minura at sinusumpa ko pa siya na mamatay na siya.
Pero ngayon kinain ko ang lahat. Nagpalipas ako ng buong gabi sa bahay ng girlfriend ko. Sa kaniya ko nilabas ang sakit ng nalaman ko. Sinabi ko rin sa kaniya na huwag na huwag sasabihin kay Ate Linzie ang tungkol kay Kuya Jack.
Magkakagulo na naman ang lahat.  Baka ibuntong sa akin nito ang galit.
Pero kahit na ilang araw pa lang kami nagkakilala ni Kuya. Ramdam ko ang pagiging makatao nito. May usapan na mabangis at wala siyang puso sa mga hindi kilala.
Kaso mali ang naiisip nila. Si Kuya, siya 'yung lalaki na itatago na lang ang lahat ng sakit sa dibdib. Kaya nagiging ganon siya, napapagbunutan niya ng masasakit na salita ang iba. Nilalayo ang mga taong pumapasok dahil alam niya na iiwan din siya.
"Bakit namumula ang mata mo? Umiiyak ka ba?" Takang tanong naman ni Ate pagkalabas ng kwarto niya. Katabi lang ng kwarto ko.
" Nasan si Mike?" Tanong ko rin pabalik sa kaniya.
Tinaasan naman ako nito ng tingin. Ayaw niya talagang sinasabihan ko lang ng Mike ang fiance na niya ngayon.
Ayoko sa lalaking 'yun. Kumukulo ang dibdib ko kapag nakikita siya.
Hindi ko rin alam kung bakit.
"Huwag mo sabi siyang sasabihan ng Mike. Mas panganay pa siya sa 'yo. Nakauwi na siya. Bakit?"
" Tama ba ang desisyon mong pakasalan siya ate?" Tanong ko sa kaniya nang walang alinlangan.
Gusto kong marinig at malaman sa kaniya ang kasagutan. Kapag nalaman ko na. Ipapagpatuloy ko ang pagtago ng katotohanan. Pero kung may makita akong hint sa kaniya... wala na si Kuya Jack magagawa.
Ayokong magkaroon ng kasalan kung parehas naman silang nagmamahalan.
"A-ano bang pinagsasabi mo? Ilang beses na ba tayong nag-uusap tungkol dito? Hanggang ngayon pa rin ba ayaw mo sa kaniya? " Naiinis na sagot ni Ate saka napaupo na lang sa sofa na nasa harapan niya.
"Ian." May pagbabantang saad sa akin ni Nanay.
Pinanlisikan pa ako nito ng tingin pero binalewala ko lang ang lahat.
"Wala na ba sa puwang mo ang taong nagligtas sa iyo? Ang taong inalis ka sa bingit ng kamatayan mo? Paano na si Kuya Jack? Paa—"
" TUMIGIL KA NA! HUWAG NA HUWAG MONG BABANGGITIN ANG TAONG PINAGHINTAY AKO NANG MATAGAL! ALAM MO 'YAN IAN! ALAM MONG NAGHINTAY AKO—"
" OO NAGHINTAY KA NGA! PERO HANGGANG SAAN LANG? DALAWANG TAON LANG? ANO BA ANG TUNAY NA DAHILAN MO? ANG SINABI MO LANG NILOKO KA NI KUYA JACK. PERO ANONG SINASABI MONG NILOLOKO KA LANG NIYA?" Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya.
Ilang beses ko ng narinig ang mga katagang 'to. Pilit niyang pinapalagay sa kokote ko na huwag kong babanggitin ang taong pinaghintay siya ng matagal.
Malamang!
Kung mahal mo talaga siya. Kung nagtitiwala ka talaga sa kaniya. Hindi ka susuko na pagkatiwalaan siya.
Ano bang mayroon?
Bakit ba nasira ang lahat? Ang pangako nila na sila ang magpapakasal sa huli?
"MAY FIANCE SIYA JACK! 'YUNG BABAENG NAKITA NAMIN SA LABAS NG BOOKSTORE... FIANCE NIYA 'YUN!  MISMONG BABAE ANG NAGSABI NA MAGPAPAKASAL NA SILA NI JACK SA LETSENG AMERICA NA 'YAN! KAYA SINO PA ANG MAGHIHINTAY? SINO PA ANG PATULOY NA MAGMAMAHAL SA TAONG NILOLOKO LANG PALA AKO! HUH!"
Natigilan naman ako sa aking narinig. Parang napantig ang aking tenga. Hindi ako makapagsalita.
Hindi dahil sa nagsinungaling sa akin si Kuya, kundi sa isang bagay na pumasok sa utak ko.
Alam ko na talaga.
"Ano natahimik ka? Nga—"
"May kunting pag-asa pa ba kung bumalik si Kuya Jack rito? Paano kung wala pala? Paano kung hindi pala totoo ang sinasabi ng babaeng 'yun? Papasukin mo pa ba si Kuya Jack sa buhay mo? Sagutin mo ako ate. Sagutin mo nang totoo ang mga katangungan ko." Seryoso kong saad sa kaniya at tinitigan ang kaniyang mga mata.
Ngumiti lang siya nang matamis. Akala mo sigurado na talaga siya sa kaniyang sasabihin. At handa na rin ako sa aking mga tenga sa aking malalaman.
"Hindi na. Kahit ano pang sabihin niya wala na akong nararamdaman sa kaniya. I'm happy to be part of his life. Kahit na buwan lang 'yun o mas matagal pa simula ng makapasok ako sa bookstore niya. Nagpapasalamat ako na naging inspirasyon ko siya sa mga bawat araw na dumaraan. Pero nang iwan niya ako ng wala akong kaalam-alam kung ano bang misyon ang gagawin niya... naghintay ako. Dahil gusto kong hintayin ang taong mahal ko. Pero nangyari 'yun, nalaman ko ang lahat. Si Mike ang naging sandalan ko sa dalawang taon ang lumipas pa. Nakita ko ang pagkakaiba ng pagmamahal ko kay Jack at kay Mike. Si Jack inspirasyon ko lang siya, at si Mike nakikita ko na ang lahat ng kinabukasan ko at magiging anak naming dalawa. Kaya kahit anong gawin mo, kahit ipilit mo pa sa akin ang taong wala na. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang taong minahal ko noon at mamahalin ko pa hanggang ngayon. Sana maintindihan mo..." Nagpalabas naman ako nang mahinang buntong-hininga.
Ngayon napansin ko na. Ngayon napatunayan ko na. Hindi talaga sila para sa isa't isa. Tama lang ang desisyon ko.
Ayokong guluhin ang buhay na gusto niyang marating.
"Hindi mo ba pagsisihan sa huli ang mga bagay na ito? Huling tanong ko na lang ate."
" Hindi. Kahit kailanman ay hindi ako magsisisi." Tumango na lang ako sa naging sagot niya.
Halata talaga ang kadeterminaduhan sa kaniyang mga kataga. Hindi na ako mangungulit pa.
"Kung ganon... Congrats! Sana maging masaya kayo ni Mike–I mean Kuya Mike. Kung magkita man kayo ni Kuya Jack, hindi man sa araw na ito o taon. Sana magkausap kayo at ayusin ang mga gusot ninyo. Pero huwag na huwag mong babaguhin ang nakatadhana. Mahalin mo si Kuya Mike. Sige matutulog na ako. Kumain na ako sa bahay ng girlfriend ko." Hindi ko na sila pinaghintay pa sa kanilang sasabihin.
Nagmadali akong maglakad palayo sa direksyon nila. Dumiretso sa aking kwarto at sinarado 'yon. Ni-lock ko pa para hindi si Ate Linzie pumasok sa aking kwarto.
Kahit na lalaki ako. Kapag naalala ko ang sinapit ni Kuya Jack, nanlalambot ako.
"May isang beses na hindi na raw nakayanan ng katawan ko ang matagal na pagkaka-coma. Naging straight ang linya, patuloy akong ni-re-revive ng mga doctor. Pati si Ace ay sumisigaw na sa akin para lumaban. Lumaban para sa amin ni Link. Hindi raw makapaniwala ang mga doctor sa naging himala, bumalik sa pagtibok ang aking puso. Ganon kalakas ang pagmamahal ko sa ate mo. Kahit na malapit na ako sa kamatayan babalik ako para lang makasama siya. Kaso nga lang, wala 'e. Hindi talaga kami sa isa't isa."
" Napakatapang mo. Saludong-saludo talaga ako sa iyo magmula pa noong iligtas mo si Ate. Sana maging masaya ka na rin. Sana makalimutan mo na may babaeng nagngangalang Linzie Mikaele Franzie sa buhay mo. Gusto kong maging masaya ka, masama man akong kapatid sa paningin ng iba. Pero 'yun ang dapat. Kung sino man ang mamahalin mo. Pupuntahan ko ang kasal ninyo para makita ko kung gaano ka ba kasaya. Sana... "

Komento sa Aklat (166)

  • avatar
    aquinorosemarie

    baka po may book 2 na. subrang nakakabitin po pramis. hanggang ngayun kinikilig pa din ako sa story can't wait na maging si jack at linzie ulit❤. i really really loved this novel❤. hope you do Sooniest the book 2❤

    07/11/2021

      0
  • avatar
    Santelices Macfrance

    𝕒𝕤𝕒𝕟 𝕡𝕠𝕙 𝕒𝕟𝕘 𝕓𝕠𝕠𝕜 2

    18d

      0
  • avatar
    Esmail Andal

    good

    05/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata