NMKIMB 19

LINZIE'S POV:
"Can't wait to see a heartless and ruthless, Jack Krean Miller, deeply fall in love with you. 'Yun bang makikita ko o namin ang kakaibang ugali nito. Hindi na 'yung laging lantay gulay at walang pake sa kahit sino." Mapanuring tingin ang ibinigay sa akin ni Bea matapos makita akong nakaayos na ng porma.
Pa-twinkle twinkle pa ang mga mata dahil sa naiisip niya na kung anu-ano tungkol sa amin.
Siya ang dahilan kung bakit nalaman ko na mayroong job hiring sa bookstore. Hindi ako mahilig sa social media, kaya wala akong alam tungkol sa anunsyo ng may-ari.
Palagi rin silang magkakaibigan na tumatambay ro'n. Magbabasa-basa at kapag may natipuhan na libro ay bibilhin nila.
Saka wala ring hiya-hiya ang babaeng ito kaya binigyan ko siya ng pabor kapalit ng libro na natipuhan niya sa may drawer ko.
At ngayon malapit ng mag-alas sais ng gabi at panigurado na parating na rin 'yon. Samantalang si Mike naman ay humihingi sa akin ng permiso na sumama pero tanggi naman ako nang tanggi.
Ayokong mawalan ng trabaho dahil sa lalaking 'yon. Mabuti nga at nakaunawa siya sa dahilan ko, hindi tulad noon na kung ano ang gusto niya gagawin niya.
Saka baka mapahamak pa siya kapag nagpumilit siya. Hindi ordinaryong paaralan ang pupuntahan namin ni Sir Jack.
Sa pagkakaalam ko puno ng mga anak ng iba't ibang organisasyon sa Underworld ang nag-aaral doon. Ang iilan naman ay walang dugo pero marunong silang lumaban.
Hindi naman mahalaga ang estado ro'n. Basta makapasa ka lang sa mga exam o test nila.
"May tao. Hinahanap ka." Mabilis ang paglingon ko sa may pintuan.
Nakita ko ang kumadrona na nakatingin sa akin nang makahulugan. May sumulpot din na isang mataas at may magandang pangangatawan sa likuran ni Kumadrona.
Ang pabango ay amoy na amoy ko. Hindi matapang at gustong-gusto ko. Ang ayos niya ay makalaglag panga na kapag nakita ng mga kababaihan sa nasabing event sa paaralan na pinapamahalaan ng mga Yuazzer New Generation.
Naka-tuxedo na itim na may highlights na puti sa bawat gilid. Mayroon malapit sa butones, kwelyo at dulo ng manggas. At hapit na pantalon na hindi naman mahahalataan ang kaniyang gitna.
Saka ang kakaiba lang ay sa paa niya. Dapat black shoes 'di ba?
Bakit naka-boots siya na itim na parang sasabak sa gyera? Ganito ba talaga ang style niya?
Weird.
"I'm not weird. Are you done? Then let's go." Sabay hawak niya sa aking kaliwang kamay matapos makalapit sa aking direksyon.
Hindi ko man lang napansin na nakapasok na pala siya. At hindi rin ako nakapaghanda sa paghila niya.
'Ang harsh niya 'a.'
"Makakapaghintay naman yata 'yung sasakyan na maghahatid sa atin." Pagtatawag ko ng pansin sa lalaking ito at para mawala na rin ang kaniyang kamay sa aking braso.
Pero mukha atang walang narinig ito. Tuloy-tuloy lang siya sa paghila. Napaismid na lang ako sa kawalan at hindi na lang din nagreklamo pa.
Hanggang sa makarating kami sa kotse niya na palagi niyang ginagamit. Kulay itim at may nakalagay na Lamborghini.
Inalis na rin niya ang pagkakahawak sa aking braso. Pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse sa may harapan.
Magmumukha kasi siyang driver kung sa likod man ako uupo.
"Come inside." Tanging tango na lang ang naitugon ko at ginawa na nga ang sinabi niya.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kotse niya. Inayos ko pa ang dress ko na kulay asul. Ayos lang ang haba ng palda, sadya lang na medyo ilang ako.
Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong ayos. Mabuti na nga lang at hindi mataas ang takong ng sandals na suot ko. Ayoko ng heels na gustong i-pa-try sa akin ng kaibigan ko. Kaso ayoko.
Gusto ko ring suotin ang boots na panigurado namang ba-bagay sa dress. 'Yun nga lang mas nagandahan ako sa sandals na simple lang naman ang estilo.
Kulay itim siya.
Pumasok na rin pala si Sir Jack sa may driver seat. Lumingon muna siya sa front mirror para tingnan ako sa salamin.
Bago niya naman pagtuunan ang sarili sa harapan. Hindi na lang ako nagsalita pa. Nagsimula na siyang magpaandar at tahimik na lang na pinaandar ang kotse papunta sa destinasyon namin.
Habang nasa byahe kami. Tamang nakatitig lang ako sa bintana sa unahan.
"You look gorgeous. But I prefer seeing you with loose shirt and loose pants."
Napatigil ako sa pagtitig sa unahan. Lumingon ako kay Sir Jack na nakatuon lang sa daraanan.
Simula ng marinig ko 'yon ay nag-i-start na naman sa pagtibok nang napakalakas ang puso ko. Parang gusto nitong makawala, lalo nang makita ko ang pagngiti nito habang nagmamaneho.
Nandito na naman ang kakaibang ibayong saya at nagliliyabang mga bala na patuloy akong pinupuntirya sa dibdib.
Masakit na katotohanan. Umaasa na sana dumating ang araw na tuluyan na rin mapalapit sa akin ang taong unti-unti ko na pa lang minamahal.
"I-ikaw rin naman. Ang gwapo mo kahit hindi ngayon o bukas." Pagpupuri ko rin naman sa kaniya.
Namumula pa akong lumingon sa mismong gilid ko na kinaroroonan ng bintana.
"I know. But I'm glad to hear this words from you." Alam kong nakangiti pa rin siya.
Kitang-kita sa peripheral vision ko 'e. Sumilay rin ang ngiti sa aking labi. Hindi na lang ako nagsalita pa. Dinaramdam na lang ang musika sa aking kalooban.
Ang puso na patuloy nagtatambulan. Ang isip na nagsasaya kapag nakikita na naman sa aking utak ang pagngiti niya.
Malala na talaga ako.
***
"Sundan ninyo lang po ako, Ma'am and Sir." Pormal na sagot ng babaeng nagbabantay rin sa gate.
Nauna na siyang naglakad para pumunta sa isa pang gate papasok sa main school. Sumunod na lang kami ni Sir Jack sa babaeng 'yon.
Habang naglalakad kami sa hallway na ito, may nakikita akong mag-syo-syota ang magkahawak ang kamay. May iilan namang kababaihan ang nagkwekwentuhan habang naglalakad.
Ang karamihan na babae ay sobrang elegante ang mga kasuotan. Hindi na ako magtataka na isa silang anak mayaman.
Kumpara sa akin na simple lang...a-at... hindi laki sa yaman.
Mayaman din naman kami noon pero noon 'yun.
"What are you looking at? Don't envy them. Simple clothes, simple act and simple ways of living can make a girl's pretty. Kasuotan lang 'yan, nabibili. Pero ang kagandang-asal? Mahirap makuha." Mahabang salaysay nito na parang napansin na may kunting selos ang aking mata.
Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Sir Jack at muling pinagtuunan ng pansin ang paglilibot.
Nasa loob na kami ng main school. At nakita na namin sa hindi kalayuan ang napakaraming upuan, lamesa at stage sa pinakagitna nito. May mga dekorasyon at tela na ginawan ng disenyo.
Sobrang lawak ng A.J.Y academy, kaya ang buong open space sa field ay ginawa na lang nilang lugar ng magaganap na event.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano bang meron. Ano bang buwan ngayon? Hindi naman pebrero ngayon.
"Anong meron?" Tanong ko agad kay Sir Jack. Hindi ko na talaga kaya pang mag-isip ng kung anu-ano  sa aking isipan.
Baka matuluyan ako kung hindi ko patitigilin ang sarili sa lahat.
"Nag-ce-celebrate ang paaralan sa dumaang labanan sa pagitan ng school at ng butler ng aking magulang. By the way, nice meeting you beautiful lady. I am Aze not eys. But you can call me Eris. Second name," ngumiti ang binatilyo na nagngangalang Aze. Ang pangalawa sa magkambal na anak ni Queen Z. Saka siya lumingon sa direksyon ni Sir Jack. "Where's Froyd?"
"I thought he's here. Maybe afraid to see you again." Sagot naman nitong si Sir Jack. Kahit kailan talaga napaka-straight forward nito sa pagsasalita.
Walang paligoy-ligoy.
"Why?" Napansin ko naman ang pagtaas ng kilay ng anak ni Queen Z.
"Because of the stuff you send to him. Kung may nararamdaman ka sa kaibigan ko, hulihin mo lang ang kahinaan niya. Bibigay rin siya. By the way, sweet foods is his favorite more than himself."
" Oh! We have same weakness! Glad! Thank you Jack! You're the best!" Tanging tango na lang ang naisagot nitong si Sir Jack saka napansin namin ang pag-alis nitong si Aze. "Froyd! You're here!" Narinig namin mula sa aming likuran.
Gusto ko sanang makita kung paano makitungo ang isang Yuazzer sa iniibig na lalaki kaso nga lang hinila na ako nitong si Sir Jack palayo. Wala na rin akong nagawa kundi ang sumama na lang sa kaniya.
Hanggang sa tuluyan na naming narating ang stage kung saan doon kami ata nakatalaga.
"Jack."
Nagsitaasan ang aking balahibo nang marinig ang mga katagang 'yon. Sabay-sabay pa kaming lumingon sa aming likuran at ganon na lang ang pagtambol ng aking puso sa nakita.
'Sh*t they're here.'

Komento sa Aklat (166)

  • avatar
    aquinorosemarie

    baka po may book 2 na. subrang nakakabitin po pramis. hanggang ngayun kinikilig pa din ako sa story can't wait na maging si jack at linzie ulit❤. i really really loved this novel❤. hope you do Sooniest the book 2❤

    07/11/2021

      0
  • avatar
    Santelices Macfrance

    𝕒𝕤𝕒𝕟 𝕡𝕠𝕙 𝕒𝕟𝕘 𝕓𝕠𝕠𝕜 2

    14d

      0
  • avatar
    Esmail Andal

    good

    05/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata