Iniwan namin ang dalawa doon sa fishball-an at kumain kami sa lomihan. Katatapos lang naming kumain ni Seb at halos dumugo na ang tainga ko dahil lagi nitong bukambibig ang kanyang selos sa babae dahil mukha nga raw itong tomboy at malagkit daw ang tingin sa akin. "Masarap ba yung lomi?" tanong ko sa kanya habang sya'y nakasimangot pa rin, sinungalngal ko kasi ng isang kutsarang lomi kanina ng hindi sya tumigil sa pagsasalita at pagseselos kahit na ipinaliwanag ko na sa kanyang girlfriend iyon ng pinsan nya. "Masarap, lalo na at sinubuan mo ko" sarkastiko nitong sabi at napatawa naman ako doon. Ikinapit ko ang kamay ko sa braso nya at nagsimula na kaming maglakad. Napagdesisyunan namin na pumunta sa plaza upang doon magdate, mas gusto ko din doon, kaya nag-suggest na ko sa kanyang doon na lang kami magdate. "By the way Seb, may itatanong ako sayo" saad ko habang naglalakad kami, napatingin naman sya sa akin "Paano mo napapayag si kuya na i-date mo ko ngayon?" tanong ko, iyon ang kanina pang sumisingit na tanong sa utak ko. "Just simple..." nakangisi nitong sabi na ipinagtaka ko naman "I know his secret" he chuckled and looks like he's thinking about the secret of my brother that I think I didn't know. "Anong secret?" tanong kong muli ngunit iling lang ang sinagot nito sa akin. Kinurot ko ang tagiliran nya kaya naman napadaing ito sa sakit "Di mo sasabihin?" I grin my teeth. "Pag sinabi ko sayo wala na tayong next date" nasasaktang saad nito at bigla naman akong nakonsensya sa ginawa ko sa kanya "Ay sorry na sa baby na yan, nasaktan ko pa tuloy 'tong batang hamog na 'to." pang-aamo slash panglalait ko sa kanya dahil sa pagkurot ngunit mas lalo lang syang napangiwi dahil sa itinawag ko sa kanya. "Okay na sana e, baby na e pero biglang tinawag na batang hamog kaya di tayo bati" umirap ito at parang batang hindi nabigyan ng ice cream. And speaking of ice cream, nagcrave ako bigla. "Tigilan mo na kakainarte mo, nagugutom ako." anas ko sa kanya at hinarap nya naman ako. Ako na nga may kasalanan sa kanya ako pa galit but it's okay girls is always right. "Kakakain lang natin ah?" gulat na ani nito at napangisi naman ako. "May baby dragon kasi sa tyan ko, gusto ng ice cream" hinimas himas ko pa ang tyan ko at nakangiti syang tinignan. "May baby na agad dyan?" nanlalaki ang matang ani nito at nabatukan ko naman sya sa dumi ng utak na meron ito. "Epal, bulate meron dito hindi baby" ani ko at napapakamot naman sya sa batok ng marealize nya ang sinabi ko "Halika na nga, doon oh" turo ko doon sa malapit kung saan nandoon si manong na nagtitinda ng surbetes. "Kuya bente pesos nga po, ube flavor" sabi ko kay manong at ngumiti naman ito sa akin bago mag-scoop ng ice cream. Tumingala ako kay Seb at ganon na lang ang pag-ngiwi ko ng makitang masama ang tingin nito kay manong. Pinitik ko ang pisngi nya dahilan para mapatingin sya sa akin. "Ang sama mo naman makatingin, kakainin mo ba si manong?" puna ko sa kaya na inismiran ako. "He's smiling at you, I wanna stitch his lips" bulong nito at nahampas ko na naman sya "Ang sama mo naman, nagsimba ka pa kanina ta's ngayon gusto mo ng manahi ng labi." "I'm just jealous don't mind me" irap nito at hindi na ko pinansin ngunit kinuha nito ang kamay ko at nilaro. "Ikaw ba ayaw mo ng ice cream?" tanong ko sa kanya. "Gusto ko, pero baka mapunta rin sayo kapag binili ko na" tugon nito at hinatak ko naman ang kamay ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin. Tumawa lamang ito bago kunin ulit ang kamay ko at paglaruan ang daliri ko. "I can just lick the ice cream on your lips, mas okay na 'yon tipid pa" kumindat pa ito sa akin at nakurot ko na naman ang tagiliran nya dahil sa kapilyuhan nya. Pasalamat sya at di ko naabot dahil nakaiwas agad sya kundi tagal balat neto. Dami alam. "Ito na hija oh." abot ni manong sa akin ng cup na bente pesos na ice cream. Iaabot ko na sana yung bayad ko ng hablutin ni Seb ang kamay ko at sya na mismo ang nag-abot nito. Mukhang naweirduhan naman si manong sa ikinilos ng lalaki dahil napakunot ang noo nito ngunit ngumiti rin naman agad ng mapansin nya ang pagtingin ko sa kanya. "Sila Vinn ulit yon diba?" turo ko doon sa may bench sa malapit kung saan nakaupo si Vinn at yung babaeng Ciarah ang pangalan. Hinatak ko na agad si Seb patungo sa pwesto nila na hindi na hinintay pa ang pagtugon nito sa akin. "Vinn" tawag pansin ko sa lalaki at agad naman napatingin sa pwesto namin. "Oy! Kayo ulit" ani nito at napatawa naman ako sa sinabi nya. Napahinto rin ako agad ng hapitin ni Seb ang bewang ko palapit sa kanya kaya naman napatingala ako sa kanya. "That tomboy is looking at you" he mumbled and I chuckled how he said that, his lips is not moving. "Napaka judger mo" lumayo ako sa kanya at lumapit sa pwesto ng dalawa, tumayo si Vinn mula sa pagkakaupo sa bench kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon upang umupo sa tabi ni Ciarah. "Ciarah, right?" Tanong ko at tumango naman sya "Chyl, my name is Chyl" inilahad ko ang kamay ko para makipagshake-hands at iniabot nya naman iyon kaagad, ngunit hindi pa tumatagal na hawak ko ang kamay nya ay may humatak na sa akin patayo dahilan para mabitawan ko nag kamay ng babae. "Nice to meet you Chyl, just call me Cia" ngayon ko lang narinig na nagsalita ito at parang anghel ang tinig nya dahil sa sobrang sweet non. "Nice to meet you Cia" makikipagshake-hands ulit sana ako ng hatakin na ko ni Seb palayo. Iniupo nya ako sa bench na malapit lang din kila Vinn at tumabi sya sa akin. "Sit there, I have a special performance for you. Just watch and listen." seryoso na ani nito at napalunok naman ako ng sarili kong laway, 'cause I find him hot staring at me like that, seriously. "O-Okay, jealous guy." pabirong sabi ko at hindi naman na nya ko pinansin at nagtungo na lang sa medyo malayo sa harapan ko at nagsilabasan kung saan ang may mga hawak na instrumentong pantugtog. May nagbigay sa kanya ng mic at bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig kong banggitin nya ang pangalan ko. "This is for you my love..." He said sweetly "My Chyl" he smirk then wink at me before blowing a flying kiss that made me want to jump in excitement and over flowing feelings he has given me. Nagsimula ng tumugtog ang bandang kasama nya kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko para sa kanya. ~Kasalanan ba na umibig sa'yo Alam kong ikaw ang sinisigaw nito Dinggin sana ang himig, upang malaman mo Na ang puso ko ay Para sa'yo~ I smiled at him genuinely while his just staring at me like no one is around us. ~Kung ang pag-ibig mo'y sa akin ilaan Madarama mo ang tunay na ligaya~ He sing while closing his eyes. ~Kung maging akin ka Ikaw ay liligaya Kung maging akin ka Wala nang hahanapin pang iba Mamahalin kita nang lubos Kung maging akin ka~ Sa pagtaas ng tono ay syang pagdala sa akin sa ulap ng kanyang mala anghel na boses. His angelic voice is so addicting that I can and wanna hear everyday. The heartache that the first man I love given to me is now disappearing and turn into love again for the man in front of me singing his heart out. I think I'm starting to fall. ~~~ Ms_KamilleG
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (30)
Kristine Amores
this is my tip for you your story is so nice, love it
this is my tip for you your story is so nice, love it
05/01/2024
0keep it up
30/10/2023
0maganda
14/07/2023
0Tingnan Lahat