logo text

Chapter Seven: Good night.

 Chapter 7
             Hindi siya kinibo ni Marco hanggang sa makarating sila ng bahay. Sumabay siya rito dahil iisa na lang sila ng bahay ngayon bagamat hindi ito tumanggi, nakikita niyang hindi ito natutuwa na nakikitira siya sa bahay nito.
             Tumulong siya kay Tita Lucy sa pagluluto ng hapunan. Maging sa pagkain ay hindi rin ito nagsasalita. Bahagya lang itong sumasagot tuwing kakausapin ito ng ina.
              Marahil napansin rin iyon ng ina nito kaya naman habang abala siya sa paglalaba ng kaisa - isa niyang uniporme, pinuntahan ni Tita Lucy si Marco sa kwarto nito. Matagal - tagal ring nag - usap ang mga ito.
             " Hay.. ", buntong - hininga niya. " Posible kayang magkasundo kami ng isang yon? "
             Pagkalipas ng ilang sandali ay isinalang niya na sa dryer ang natapos niyang labhang uniporme. Kailangan niya pang plantsahin yon. Buti at tinuruan siya ni Tita Lucy kung paano paganahin ang mga kagamitan sa bahay.
             Pero hindi naman iyon ang pinoproblema niya kundi kung paano siya pupunta sa silid niya lalo na at kailangan niyang makiraan sa kwarto ni Marco.
             Baka di niya ko papasukin! .. Di bale, maluwag naman sa sala kung sakali..
                                           
               " Ah.. eh.. kuwan...pupunta na sana ako sa silid ko ", anang babae nang pagbuksan niya ito ng pinto. Dala nito sa isang kamay ang uniporme nito at maging ang bag nito.
               Tumango siya at hinayaan itong makapasok. Siya naman ay nahiga na sa kama niya. Papasok na ito sa silid nito na siyang extension ng kwarto niya, nang bigla itong huminto at lumingon sa kanya.
              " Marco?... ", anito.
              " Ano yon? "
              " Gusto ko lang sanang magpasalamat sa pagtulong mo sa akin kagabi.. at saka pasenya na sa abalang idinulot ko sa inyo ng mama mo.. "
              " Wala yon ", maikling sagot niya.
               " Sige.. goodnight..."
               " Goodnight. "
               Tuluyan na itong pumasok sa silid nito at ipininid ang pinto. Sa totoo lang, hindi siya naniniwala sa kwento ng ina tungkol sa buhay ni Janna. Gayunpaman, alam niyang nagiging unfair siya rito dahil sa wala naman itog ginawang masama sa kanya para pagsungitan niya ito.
                                           
               Hindi siya makapaniwala.. nag - goodnight sa kanya ni Marco! At first time din na hindi siya nito pinagsungitan!
               Teka.. bakit parang masyado naman ata siyang masaya?
               " Dahil mas posible nang magtagumpay ako sa misyon ko ngayong makakausap ko na siya ", aniya sa sarili.
               Naalala niya si Eerin. Kinuha niya ang salamin mula sa kanyang sisidlan na ' bag ' pala ang tawag. Pinagtawanan pa siya ni Chanelle kanina nang sanihin niyang maganda ang sisidlan nito.
              " Eerin?.. Eerin? Yoohoo? ",
               Natutunan niya naman ang salitang  ' Yoohoo ' kay Jaren.
               " Hello Janna ", sagot nito. " Mukhang marami ka nang natutunan dyan a. Ang bilis mong matuto. "
               " Hindi naman, sakto lang ", aniyang ikinatawa nito.
               " At mukhang puro kalokohan ang natutunan mo.. siyangapala, kumusta na kayo ni Marco? Masungit parin ba siya sayo? "
               " Hindi na masyado.. pero hindi parin kami matatawag na magkaibigan. At saka alam mo ba? Dito ako nakatira sa bahay nila.. kaya lang ang hirap kasi magkatabi kami ng kwarto. Tapos yung pintuan ko, kadugtong ng kwarto niya ", mahabang paliwanag niya.
               " Wow ha? Eh close na pala kayo eh. Isipin mo, pinatira ka diyan. "
               " Ang totoo, yung mama niya.. si Tita Lucy, yung nagpatira sakin dito. "
               " Uuuyy ' Tita ' ba yung narinig ko? Baka sa susunod, mama na rin ang tawag mo sa kanya ha. "
               " Eerin, ano ka ba?! Nakalimutan mo na bang kaya ako narito ay dahil sa isang misyon? Maiksing panahon lang ang ilalagi ko rito. At saka kabilin - biilinan ni Maiden Yellina na----- "
               " Hindi ka maaaring umibig sa sinumang mortal ", salo nito sa sasabihin niya. " Oo alam ko, masyado ka namang defensive diyan. "
               " Eh ikaw kasi------ "
               Naputol ang dapat na sasabihin niya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad siyang napalingon at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita si Marco na nakatayo roon.
               Naku! Narinig niya kaya kami??
               Mali. Siya lang pala dahil hindi naririnig ng mga tao ang mga cupids.
              " May kausap ka ba? ", tanong nito.
              " Ha? Ahaha, wala ah.. nag-- nagbabasa lang ako, oo.. ", pagdadahilan niya. " Nagising ba kita? Pasensya na ha.. ah eh, nadala lang yung emosyon ko. "
              " Matulog ka na, " anito na akmang tatalikod na. " Ano yun? "
              Nakatingin ang lalaki sa sahig. Kumikintab sa liwanag ng ilaw ang isang hibla ng pilak niyang buhok na nalaglag sa sahig. Tinapakan niya iyon.
              " Ah wala! Y - yung highlights ko.. naglalagas.. "
              " Akala ko ba, mahirap lang ang pamilya mo? Bakit may pa - highlights highlights ka pa? ", tila dudang tanong nito.
               " Eh kasi .. yung dapat na mag - aampon sakin, binigyan ako ng make... make--- "
              " Make over ", bulong ni Eerin mula sa likod niya.
              " Make over! Oo, kasi raw --- yun daw ang uso ngayon sa mga taga - lungsod lalo na sa mga kabataan.."
              Tinitigan siya nito na tila sinusuri kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Humikab siya kunwari.
             " Inaantok na ko.. bukas na ko magbabasa ", aniya at humiga sa kutson niya. " Good night Marco."
             Tumango lang ito at sa wakas ay isinara na ang pinto. Nakahinga siya ng maluwag. Tumayo siyang muli upang i- lock ang pinto.
               Maidens.. kung sakaling may narinig si Marco, pakibura po ang alaala niya. Salamat po.
                                            
                 " Tandaan mo, bumilang ka muna ng sixty seconds bago ka lumabas ng gate ok? At magsimula ka lang bumilang pag nakalabas na ako. Nagets mo ba? ", bilin ni Marco.
                " Kung yan ang gusto mo ", sagot niya.
                " Gawin mo na kayang one hundred? "
                " Marco, baka naman ma - late ako niyan ", reklamo niya. " At isa pa tinatamad rin akong magbilang. Bakit ba kasi? "
                " Hindi pwedeng may makakita satin na magkasama. Malapit lang dito ang bahay ni Jaren at sigurado akong pag nakita niyang galing ka sa bahay ko----- "
                " Good morning parekoy! ", tinig iyon ni Jaren. " Oh my ----- God!!  "
                Nasapo ni Marco ang noo. Nasa tabi nito si Jaren na nakatulala naman sa kanya. Bahagya pa nga itong naka - nganga.
                " Sasabay sana ako sayo pare kaso.. mukhang may kasabay ka na ", anito. " Sabihin mo nga sakin kung tama ang nakikita ko pare.. si Janna ba yan o... may sister kang hindi ko alam na kamukhang - kamukha ni Janna na may manipis na silver highlights? "
               " Shut up Jaren! Yes it' s Janna ok?! "
                                              
                " Ikaw Marco ha? Kunwari ka pa na galit ka kay Janna pero ang totoo pala-----"
                " Tumahimik ka kung mahal mo pa ang buhay mo! ", inis na aniya rito.
               Walang tigil sa pambubuska si Jaren habang naglalakad silang tatlo papunta sa sakayan ng bus.
               " Kung ganon, pano mo ipapaliwanag sakin yung nakita ko? ", nakangising tanong nito.
               " Okay makinig ka. Si Janna, kinakapatid ko siya. Pinakiusapan ni Ninong si mama na dun muna siya samin dahil mag - aabroad siya. Matagal kaming hindi nagkita kaya hindi kami naging close " , aniya. " Gets mo na? "
              " Weh? Janna totoo ba yun? ", baling ni Jaren kay Janna.
              Tiningnan muna siya nito bago sumagot. Pasimple niya itong tinanguan.
              " Oo.. ganun nga "
              " Okay sabi nyo eh ", ani Jaren pero halata namang hindi ito naniniwala.
                                              
               Absent ang isa nilang guro kaya nagkaroon sila ng libreng oras. Nagsilabasan ang iba nilang mga kaklase. Gusto niya rin sanang lumabas para maglibot - libot sa campus kaya lang absent din si Chanelle nung araw na yun kaya wala siyang kasama. Wala pa naman siyang ibang - close maliban dito.
                 " Janna, gutom ka ba? Tara, meryenda tayo ", yaya ni Marco sa kanya sa labis na pagkagulat niya.
                  " Uuuyy.. why the sudden concern? ", singit ni Jaren.
                  " Kailangan ko siyang alagaan dahil ibinilin siya sakin ni mama ok? ", depensa ni Marco. "At isa pa, sinabi ko na sayo na kinakapatid ko siya diba? "
                  " Oh eh anu naman? Bawal bang magkatuluyan ang mag kinakapatid? Hindi naman kayo magkadugo eh ", hirit pa nito.
                  "Dugo? Eh kung yang nguso mo paduguin ko? ", banta dito ni Marco. " Janna, tara na ."
                   Tumayo siya. Lalakad nasana sila ng bigla nanamang magsalita si Jaren.
                    " Hay, hulaan ko hindi nila ako isasama. "
                    " Wag ka mag - alala Jaren.. pabibilhan nalang din kita ng pagkain kay Marco", sagot niya.
                    " Ok Janna. Thanks. I love you mwah ", anito at tumawa pa.
                                        
                       " Wala ka namang ibang pinagsabihan ng kwento ng buhay mo maliban samin ni mama, hindi ba? ", ani Marco  habang nakaupo sila sa isang bench sa lilim ng isang malaking puno.
                       Tanaw mula sa kinaroroonan nila ang luntiang damuhan kung saan naman tumatambay at naglalaro ang ibang mga estudyante.
                      " Huy! ", pukaw nito sa kanya.
                     " Ha? Ah.. oo ", aniya. Kasi imbento lang naman yun eh.
                     " Mangako kang wala kang pagsasabihang iba. Pag nagkataon, mabubuko ako ni Jaren na nagsisinungaling lang ako ", anito.
                       " Pasensya ka na.. ", aniya. " Kasalanan ko. "
                       " Hayaan mo na. Andyan na yan eh. "
                       " Marco.. pwede kaya akong magtanong sayo? ", aniya.
                       " Tungkol saan? ", kunot - noong tanong nito.

Komento sa Aklat (151)

  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda NG story. One of the fantasy story that hooked me up. I loved each role of the characters particularly Sofia/Janna and Marco and of course Jaren na patawa lage. Medyo nabilisan Lang ako sa kwento nya. (bilis ko kc natapos hehe.) Sana author madaming stories ka pang magawa. I'm looking forward to it. still recommended this story. God bless. 😊😇❤️

    05/12/2021

      0
  • avatar
    Manong Sorbitero Vlog

    ang Ganda nya guys basahin

    09/08

      0
  • avatar
    justmebonx

    i love this

    05/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata