logo text

Chapter Twenty: My ever after.

  Chapter 19
  Final Chapter
   " Sabi ng doktor.. pwede ka na raw lumabas bukas ", ani Gracella.
   " Eh Ma.. kaya ko na naman eh. Hindi ba pwedeng ngayon na? ", ungot niya.
   " Mabuti ng sigurado ", anaman ni Marco. " At saka may surpresa pala ko sayo. "
   " Ano yon? ", excited na tanong niya.
   Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Reujin.
   " Marco, may kilala ka bang kilalang Janna Santillano? ", tanong nito. Nagkatinginan sila ni Marco.
  " Bakit po Tito? ", tanong naman niya.
  " Eh may makukulit na tao diyan sa labas. Mga kaibigan daw sila ni Janna. Eh sinabi ko ng walang Janna----- aray!! "
  Biglang bumukas ng malakas ang pinto kaya bahagyang naitulak si Reujin.
  " Janna!! "
  " Chanelle! ", tuwang react niya.
  Dali-dali itong tumakbo palapit sa higaan niya at niyakap siya ng mahigpit.
  " Anong nangyari sayo?? The last time we talked, you said uuwi ka lang? Then, dito pala kita ulit makikita sa ospital! "
  Kasunod na pumasok ng kwarto sina Jaren at Eric. Ipinakilala niya ang mga ito sa kanyang ina at sa tila gulong-gulo na si Reujin. Pagkatapos ay nagpaalam sina Gracella at Reujin na lalabas muna upang makapag-usap sila ng mga kaibigan niya.
   " So.. what happened ba talaga? ", muling tanong ni Chanelle.
   " Mahabang kuwento.. at hindi ka maniniwala ", natatawang aniya.
  " Maisingit ko lang Janna.. yung si Mang reujin .. Tito mo ba talaga yun? ", tanong ni Jaren.
  " Oo naman bakit? "
  " Eh bakit hindi ka niya kilala? Sabi niya kanina, wala raw siyang kilalang Janna kaya ayaw niya kaming papasukin. "
  " Kasi.. Sofia ang tunay kong pangalan. "
  " Huh.. eh paano nangyari yun? Eh diba, Janna ang ginamit mong name sa school natin? ", tanong ni Chanelle.
  Nagkatinginan sila ni Marco. Mukhang mapipilitan silang ikuwento ang lahat mula umpisa. Kaya yon ang ginawa nila. Pinagtulungan nilang ikwento sa mga kaibigan ang love story nila. Game namang nakinig ang mga ito. Syempre, gaya ng inaasahan, hindi makapaniwala ang mga ito. Gayunpaman, nangako sila sa isa't isa na ililihim nila iyon sa ibang tao.
   " Ibig sabihin.. pwede na ulit tayong mag-double date paglabas mo rito! ", excited na ani Chanelle.
   " Oo naman ", sang-ayon niya. " Basta, walang palitan ng partners. "
  Nagkatawanan silang apat maliban kay Jaren.
   " Hmp! Palagi na lang akong iwan. Paano naman ako? ", reklamo nito.
  Biglang bumukas ang pinto.
  " Sofia-- ay! May mga bisita ka pala ", ani Noreen. " Bibili na lang muna ko ng meryenda nyo sa baba. "
  Lumabas muli ito. Biglang nagsalita si Jaren.
 " Ah Janna? Baka pwede mo rin akong ipagtulakan sa kaibigan mo gaya ng ginawa mo kina Chanelle at Marco? "
  " Siraulo ", ani Marco.
  " Malay mo naman magtagumpay na siya this time! Ang lagay kayo lang ang masaya? "
  Natawa siya. Gayundin sina Chanelle at Eric.
  " Pasensya ka na Jaren.. Kung meron man akong natutunan sa mga nangyari.. yun ay wag panghimasukan ang damdamin ng ibang tao. Dahil mahirap turuan ang puso lalo na't pinili na nito ang itinakda nitong mahalin ", aniya.
      ~ <3 ~ <3 ~ <3 ~ <3 ~ <3 ~ <3 ~ <3 ~ <3 ~ <3 ~ <3 ~ <3 ~
   " The end.. ", basa ni Janna sa hawak niyang libro. " Grabe mommy! Ang ganda-ganda talaga ng isinulat mong book! Hindi ako magsasawang basahin ito ng paulit-ulit! "
  " Talaga anak? ", nakangiting sagot niya rito. " Mabuti naman kung ganon. "
  " Ipinagmamalaki ko nga sa mga classmates ko sa school na totoong nangyari sa inyo ni daddy yung mga nakasulat dito kaya lang yung iba, ayaw maniwala ", nakangusong anito.
  " Okay lang yon baby ko.. ang mahalaga, pagkatapos ng maraming taon.. magkasama parin kami ng daddy mo. Tapos nagkaroon pa kami ng isang napaka-cute na anak ", masayang aniya at bahagyang pinisil ang magkabilang pisngi nito.
  Walong taon makalipas ang muli nilang pagkikita ni Marco ay nagdesisyon na silang magpakasal. Sa kasalukuyan naman ay. walong taon na silang nagsasama bilang mag-asawa at nagkaroon ng isang napakagandang seven year old daughter na pinangalanan nilang Janna Andrea.
  Si Marco ay nagma-manage na ngayon ng kanilang mga restaurants habang siya ay naging isang writer. Last year lang siya nagsimulang magsulat dahil sa kapipilit ni Chanelle sa kanya. Napangasawa nito ang nobyong si Eric at ngayon ay nagmamay-ari na ng isang Publishing Company. Pinilit siya nitong isulat ang love story nila ni Marco at ipublish iyon.Tama naman ito, hanggang ngayon, best seller parin ang first ever novel niyang "Cupid".
  " Mommy andyan na yata sina daddy ", tuwang ani Janna.
  Sinundo ni Marco sina Gracella, Reujin at Lucy. May reunion kasi ngayon sa bahay nila. Sinalubong nila ni Janna ang mga ito.
  " Sina Chanelle at Eric, anong oras daw darating? ", tanong niya.
  " Kakatawag lang nila. Malapit na raw sila ", sagot ni Marco at humalik sa kanila ni Janna.
  " Eh sina Jaren at Noreen? ", tanong niya.
  " On the way na rin daw "
  Kinarga nito ang anak nila at iginiya ang kanilang mga magulang  sa living room. Naalala niya si Jaren. Hindi niya talaga akalaing seseryosohin nito ang kaibigan niya. In the end, nagkatuluyan rin ang mga ito.
  " Mommy.. " pukaw sa kanya ng anak.
  " Yes baby? "
  " Tingin mo ba, makikita ko rin ang soulmate ko? "
  Napatingin siya kay Marco. Nagtawanan ang mga parents nila.
  " Hulaan ko. Binasa mo na naman yung novel ng mommy mo no? ", tanong ni Marco sa anak nila. Tumango ang bata.
  " Of course anak ", nakangiting sagot niya.
  " But! ", singit ni Marco. " On the right time Janna ok?  And dapat sing-gwapo at sing-bait ni daddy ok? "
  " Yabang ", natatawang biro niya.
  " Mommy, I want my love story just like yours and daddy's. "
  " Baby, bawat isang tao may love story made especially for them. And remember cupid Eerin? "
  " Yes Mommy "
  " Sigurado akong isa na siyang maiden ngayon. And she's busy writing the best love story for you.. " nakangiting aniya.
  " Surprise!! "
  " Chanelle! Eric! "
  Sinalubong nila ni Marco ang dalawa. May kasama ang mga itong isang batang lalaki na tingin niya ay ka-age din ni Janna. Tinawag niya ang anak.
  " Janna, kiss Ninong and Ninang ", aniya rito.
  Sumunod naman ito.
  " Si Matthew na ba yan? Ang laki na ah ", ani Marco.
  " Ah, oo ", ani Eric. " Eight years old na siya ngayon. "
  " Oh yes! Sorry I forgot! ", singit ni Chanelle at ipinakilala ang anak sa mga naroon.
  Pagkatapos ay ipinakilala rin nila ang mga bata sa isa't isa.
  " Matthew, this is Sofia, anak ng Tita Janna mo ", ani Chanelle.
  Napakunot ang noo nila ni Marco.
  " Ah, eh.. Chanelle. Baliktad yata ", komento niya.
  " Oh, sorry. Nako-confuse parin ako ", anito. " Si Janna, anak ng Tita Sofia mo. "
  " Uh.. hi Janna " tila nahihiyang bati ni Matthew.
  " H- hi! " sagot ni Janna pagkatapos ay nagtago sa likuran niya. Nagkatinginan sila.
  " Oh! I smell love! " kinikilig na ani Chanelle.
  " Ssh! " saway niya. " Agad-agad? Hindi pwedeng crush muna?.. "
  Nagkatawanan sila. Makalipas ang ilang sandali , dumating na rin sina Jaren at Noreen kasama ang dalawang anak ng mga ito.
                                            
  " Maiden Eerin "
  " Wag mo akong kausapin busy ako! " taboy ni Eerin.
  " Maiden Eerin "
  " Sshh! "
  " Maiden Eerin! "
  " HINDI MO BA NARINIG-----Maiden Althea! ", gulat na sambit niya.
  " Ano ulit ang sinasabi mo? " anito nakaangat ang isang kilay.
  Nagtawanan ang ibang mga anghel roon.
  " W-wala Maiden Althea. Anong kailangan mo? "
  " Heto. Napagtagpo na ang inyong mga puso nila. Nais ni Maiden Yellina ma ikaw ang sumulat ng kwento nila "
  Kinuha niya ang mga larawan. Parang pamilyar sa kanya yung batang babae.
  " Anak nina Marco at Sofia ang batang yan "
  " Talaga? " masayang aniya. " Wow, nakaka-excite naman! "
                                             
  Niyakap siya ni Marco mula sa likuran. Nasa balkonahe siya at pinagmamasan ang kalangitan.
  " Anong ginagawa mo rito? " tanong nito.
  " Nag-aabang ng falling stars " nakangiting aniya.
  " Ano namang wish mo? "
  " Yung makasama kita forever at si Janna balang araw.. matagpuan niya yung taong karapat-dapat sa kanya "
  Pinihit siya nito paharap at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
  " Naniniwala akong yun ang mangyayari. minsan na nating napatunayan na walang imposible sa tunay na pagmamahal. Na minsan, nagkatotoo ang happy ever after.. and kabilang tayo sa mapapalad na taong maranasan iyon "
  Ngumiti siya. Tama ito. Walang imposible sa tunay na pagmamahal. Magkamali man ang mga cupids sa Love Sanctuary, tiyak na ang puso na mismo ang gagawa ng paraan upang maitama ang lahat.
  " Mahal kita Sofia. At mamahalin kita ng paulit-ulit hanggang sa susunod ko pang buhay. "
  " Ganon din ako Marco. Mahal na mahal din kita "
  Saksi ang buwan at mga bituin ng gabing iyon ng maglapat ang kanilang mga labi at magtagpo ang kanilang mga puso.
 
The End.

Komento sa Aklat (151)

  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda NG story. One of the fantasy story that hooked me up. I loved each role of the characters particularly Sofia/Janna and Marco and of course Jaren na patawa lage. Medyo nabilisan Lang ako sa kwento nya. (bilis ko kc natapos hehe.) Sana author madaming stories ka pang magawa. I'm looking forward to it. still recommended this story. God bless. 😊😇❤️

    05/12/2021

      0
  • avatar
    Manong Sorbitero Vlog

    ang Ganda nya guys basahin

    09/08

      0
  • avatar
    justmebonx

    i love this

    05/06

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo