logo text

Chapter Nineteen : Whatever your name is.

Chapter Nineteen
" Nabigo ka sa misyon mo dahil.. nahulog ang loob natin sa isa't isa ", sa pagkagulat niya'y sagot nito. " At umamin kang isa kang cupid at iniwan ako.. "
   " Paanong.. paano mo nalaman ang bahay na yan? ", maang na tanong niya.
   " Dahil.. hindi panaginip ang lahat..  ", anito. ".. Janna.."
   Tila may kung anong bumundol sa isip niya ng banggitin ni Marco ang pangalang iyon. Inilabas ni Marco mula sa bulsa ang isang bracelet at isinuot iyon sa kanya. Unti-unting luminaw ang lahat para sa kanya...
   ( NP: Inside My Heart by Franchesca Farr )
  * I am nobody
   With no sense at all
   Pale as the mountain
   Cold as the shore *
   " Paumanhin pero ang alam ko lang, natagpuan ka ng mga kasamahan ko malapit sa lagusan papunta sa mundo ng mga mortal ", sagot ni Eerin. " Pwedeng ako naman ang magtanong? Anong ngalan mo? "
  "  ... "
  " P-pasensya na pero.. hindi ko maalala.. W-wala akong maalala.. "
 
  * Tried reminiscing
   Alone imagining
  What if I come to you *
   " S-sino ba sa kanila ang tinutukoy mo? "
   " Hayun o. Yung binatang makisig na nakaitim na kasuotan na nakaupong mag-isa sa bangkong iyon.. "
 
   * Then I stood up
   Making the hours
   Gazing the sunsets
   Watching the stars
   Sparkling, smiling
   Hello to my eyes
   These as you come to me *
   Naalala niyang ito rin ang binatang nakita niya noong kasama niya si Eerin. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang kinabahan ng patungo na ito sa direksyon niya.
 
  Kinuha niya ang kapares na pana at iniumang iyon sa binata at bumuwelo muna bago pinakawalan iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata ng yumuko ito upang magsintas ng sapatos kaya nilampasan ito ng pana at tumama iyon sa iba!
   " O---HIN---DI!! "
 
   * Inside my heart is you
    No greater love
    No one above you *
   Ikaw nga..
  .
  .
  .
  .
  .
  " Mukha ba kong blackboard? "
  " H- ha?.. "
  " Wala sa mukha ko yung lessons kaya wag mo akong titigan. Naiirita ako. "
 
  * Inside my heart is you
   Stay in there always
   As I live in your ways
   Coz inside my heart is you *
   Unti-unting bumalik ang lahat--- hindi lang mga alaala..
  * Play with the raindrops
   Lie on the sand
   Sail through the ocean
   Chasing the clouds *
   " Marco?.. "
   " Ano yon? "
   " Gusto ko lang sanang magpasalamat sa pagtulong mo sa akin kagabi.. at saka pasensya na sa abalang idinudulot ko sa inyo ng mama mo.. "
   " Wala yon "
   " Sige.. good night "
   " Good night. "
 
   * Showed me completely
   What life is about
    I'm left with no worries
    Flying so high *
   Kundi pati lahat ng emosyon na naramdaman niya bilang si Janna..
   " Sorry na Marco.."
   " Plinano mo lahat hindi ba? Ano Janna, masaya ka na ba? "
   " Marco.. hindi ko naman ginusto na mangyari sayo to---"
   " Talaga? Alam mo ba kung ano ang nakakainis? Para akong tanga! Masama ang pakiramdam ko pero sinamahan kita. Hindi dahil sa allowance ko kundi dahil ayokong isipin mo na masama ako sayo! "
  " Sorry Marco.. "
  " At ang alam mo ba kung ano ang pinakanakakainis sa lahat?!  Nung matagalan kang bumalik.. natakot ako na baka naligaw ka. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin o kung nakauwi ka ng ligtas! "
    * Inside my heart is you
    No greater love
    No one above you *
   " Sabi ko tigilan mo na ang kakaisip sa kanila eh "
   " Hindi ko sila iniisip "
   " Eh sino iniisip mo, ako? Dahan-dahan lang baka mainlove ka sakin "
   " H-hindi ah! Kapal mo "
   " Sus. Eh sa pagkakatanda ko nga, natulala ka sakin nung una tayong magkita eh "
 
    * Inside my heart is you
   Stay in there always
   As I live in your ways
   Coz inside my heart is you *
   " Malapit na palang dumilim.. gusto mong mag-abang ng falling stars? "
   " Paano ka naman nakasigurong may dadaan ngang faling stars? "
   " Malay mo lang naman. Bakit.. ayaw mo ba akong makasama ng kahit konti pang oras? "
   " A-anong ibig mong sabihin? "
   " Narealized ko na.. ito ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko. It's the first time kasi na.. magkasama tayo without talking about anyone else. Walang Chanelle.. walang Eric.. walang.. Sofia "
 
   * The end of all waiting
   My new beggining
   Coz you have loved me this way *
   Bumalik din lahat ng pagmamahal..
  
    " Gugulo lang ang lahat Janna. Pakiusap, wag mo na akong ipagtulakan sa kanya.. wag mo na akong ipagtulakan sa iba.. "
 
  " Paano ko matatapos ang misyon ko kung.. nakikita kong totoong nagmamahalan sina Eric at Chanelle? At paano ko gugustuhin.. ang katuparan ng aking misyon kung--- iniibig na kita Marco?.. "
 
    * Inside my heart is you
    No greater love
    No one above you *
   Kalungkutan..
   " Bitawan mo ako.. "
   " Hindi! Ayoko! .. Pakiusap wag mong gawin to.. wag mo akong iwan.. Mahal kita!!  "
 
     * Inside my heart is you
   Stay in there always
   As I live in your ways
   Coz inside my heart is you *
   Lahat ng sakit..
   " Pakiusap Marco! Wag mo namang gawing mahirap para sakin ang lahat!  "
   " Makinig ka Marco. Ikaw at ako.. kahit kailan ay hindi maaaring.. umibig sa isa't isa. Magkaiba tayo ng mundo.. "
  .
  .
  .
  .
  .
  .
  " Mahal kita Marco.. Paalam "
 
   * Now I know the meaning
   It's love your creating
   The love in my heart is you *
 
  Unti-unti.. narealize niya na totoo at hindi panaginip ang lahat..
   * Inside my heart..
    Is you.. *
   At si Marco ang isang malaking katunayan.
   " Marco.. " umiiyak na sambit niya.
   " Ipangako mo sakin na hinding-hindi ka na mawawala sakin kahit anong mangyari ", ani Marco.
   Tumango siya. Unti-unting inilapit ni Marco ang mukha nito sa kanya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Naramdaman niya sa ikalawang pagkakataon ang pagdampi ng mga labi ni Marco sa mga labi niya.
  " Mahal kita ", anito. " Kahit ano pang pangalan mo. "
  Natawa siya.
 
  " Mahal din kita ", sagot niya. " Kahit ano pang pangalan ko. "
  Niyakap siya ni Marco at buong pusong gumanti rin ng yakap dito.
        
                                          
   " T- totoo ba lahat ng kinuwento mo Sofia? ", di makapaniwalang tanong ni Noreen.
  Nasa kwarto sila kasama si Marco at ang kanyang ina na si Gracella. Nagpasya silang ikuwento sa ina ang lahat ng mga nangyari kahit hindi sila sigurado kung maniniwala ba ito. Nagpasya na rin silang ipaalam sa ina ang pagmanahalan nila.
  " Hindi nga rin ako makapaniwala Noreen na sa kabila ng aksidente, nakagawa ng paraan ang kapalaran na magkita kaming dalawa ni Marco. "
  " Siyanga pala Sofia ", singit ni Marco. " Nung araw na naglaho ka.. saan ka pumunta? Bakit.. hindi ka agad nakabalik sa katawan mo? "
  " Bumalik ako sa Love Sanctuary at doon nila ipinagtapat sakin ang mga bagay na natuklasan nila habang wala ako. Ang tunay kong pagkatao at pati na rin ang isang malaking pagkakamali na pinaniwalaan ko ", kuwento niya.
  " Anong ibig mong sabihin? "
  " Dahil sa pagkawala ng isang pahina sa pagitan ng larawan nina Marco at Chanelle, inakala kong sila ang mag-soulmate. Yun pala, si Eric ang totoong itinakda para kay Chanelle."
  " Kung ganon, sino pala ang tunay na soulmate ni Marco? ", tanong ni Noreen.
  " Wag mo nang sabihin. Kung hindi lang din naman ikaw, ayoko ng malaman ", anaman ni Marco
 
  Napangiti siya. Hinawakan niya ang kamay nito pagkatapos ay sinagot ang tanong ni Noreen.
   " Ako. "
   Napatili si Noreen. Napangiti naman si Marco.
 
   " Masaya ako para sa inyong dalawa anak ", anaman ni Gracella at niyakap sila ni Marco.
*

Komento sa Aklat (151)

  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda NG story. One of the fantasy story that hooked me up. I loved each role of the characters particularly Sofia/Janna and Marco and of course Jaren na patawa lage. Medyo nabilisan Lang ako sa kwento nya. (bilis ko kc natapos hehe.) Sana author madaming stories ka pang magawa. I'm looking forward to it. still recommended this story. God bless. 😊😇❤️

    05/12/2021

      0
  • avatar
    Manong Sorbitero Vlog

    ang Ganda nya guys basahin

    09/08

      0
  • avatar
    justmebonx

    i love this

    05/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata