logo text

Chapter Eighteen : Dream

Chapter Eighteen
    Hindi siya pumasok kinabukasan. Umuwi lang siya kaninang umaga sa bahay nila upang makapagpalit ng damit pagkatapos ay agad ring nagbalik sa ospital para bantayan si Sofia.
  " Marco, sigurado ka bang ayos ka lang na hindi ka pumasok ngayon sa eskwela, ha? ", tanong ni Gracella.
  " Opo. Si Mama na raw po ang bahalang magpaalam sa mga guro ko. "
  " Sige, aalis muna ako saglit ha? Kakausapin ko muna yung doktor pagkatapos ay bababa ako para bumili ng pananghalian natin. "
  " Sige po Tita. Ako na pong bahala rito. "
 
  Isinama ni Gracella ang dalagitang nakilala niyang Noreen. Ayon kay Reujin, ito raw ang kasama ni Sofia ng maaksidente ito. Muli niyang binalingan ng pansin ang wala paring malay na si Sofia.
  " Tama si Tito Reujin, malaki nga ang ipinagbago mo.. hindi man lang kita nakilala.. ang tanga-tanga ko", aniya. " Eh ikaw? Bakit hindi mo na ako kilala? Bakit parang hindi mo alam na ikaw si Sofia? Tsaka paanong.. naging isang cupid ka habang naririto ka sa ospital?.. "
  " Pero kahit ganon.. ", patuloy na kausap niya rito. " Kahit hindi ka nakilala ng aking mga mata.. nakilala ka naman ng puso ko. Kaya siguro minahal kita ng ganon kabilis, dahil ang totoo.. matagal na kitang mahal. "
 
  Hindi niya alam kung namalikmata lang ba siya o totoong nakita niyang bahagyang gumalaw ang isang daliri ni Sofia.
  " Sofia?.. Sofia, naririnig mo ba ako? Ako to, si Marco ", kinakabahang aniya.
  Unti-unting bumukas ang mga mata ni Sofia. Kumukurap-kurap ito.
  " Sofia! ", masayang aniya.
  Dahan-dahang tumingin ito sa direksyon niya. Wala utong naging reaksyon at walang kakurap-kurap na Nakatingin sa kanya.
  " Na.. nakikita mo ba ako? .. naririnig mo ba ako? Ako to, si Marco.. naaalala mo ba? ", alalang tanong niya.
  Hindi kaya.. nagka-amnesia ito dahil sa aksidente?..
                                            
  
    Totoo ba ang nakikita niya ? Si Marco nga ba ang nasa harapan niya ngayon? Sampung taon niyang hinintay ang pagkakataong ito.. at ngayon, nangyari na. Napakakisig nito. Bumilis ang tibok ng kanyang puso.
  " M- Marco? ", mahinang sambit niya sa pangalan nito.
  " Ako nga.. ", anito at ngumiti.
  Grabe.. parang hihimatayin ata ako a. Ay wag pala.. kagigising ko lang eh..
 
  Sinubukan niyang kumilos para makaupo. Inalalayan siya nito upang makaupo ng maayos.
  " Hindi ka dapat bumangon, mahina ka pa ", anito.
 
  Hindi niya napigil ang sarili at niyakap si Marco. Sobrang miss na niya ang kanyang kababata na lihim niyang minamahal. Nang maramdaman niya ang pagyakap rin sa kanya ni Marco ay bigla niyang narealize ang nagawa at tila napapasong bumitaw rito.
  " P- Pasensya na Marco.Na- excite lang akong makita ka ", nahihiyang aniya.
 
  Nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Magkahalong saya at pananabik ang nararamdaman niya. Ito marahil yung 'tears of joy' na tinatawag.  Napapitlag siya ng pinahid ni Marco ng kamay nito ang mga luha niya. Napalingon siya rito.
  " Masaya ako dahil nagising ka na ", nakangiting anito.
  " Teka.. nasan nga pala tayo? Anong ginagawa natin sa lugar na to? ", tanong niya.
  " Nasa ospital tayo. Naaksidente ka at halos mag-iisang buwan ka ng walang malay.. "
                     
   
                                            
   " Ah.. natatandaan ko na.. yung araw na papasyalan sana namin ni Noreen yung school na dapat lilipatan namin, nakita kita. Sinubukan kitang tawagin pero hindi mo ako narinig kaya hinabol kita. Tapos.. hindi ko na alam ", kuwento ni Sofia.
  " W- wala kang.. ibang. natatandaan bukod doon? ", maang na tanong niya. " Ibig kong sabihin.. pagkatapos ng aksidente? "
  " Anong ibig mong sabihin? Hindi ba.. ikaw na ang may sabing.. halos isang buwan akong walang malay dito sa ospital.. kaya paanong may matatandaan ako? ", inosenteng tanong nito.
 
  Naputol ang pag-uusap nila nang bumukas ang pinto ng kwarto.
  " Sofia anak ko! ", lumuluhang ani Gracella at dali-daling niyakap ang anak.
  " Mama.. ", ani Sofia at umiiyak na yumakap rin sa ina.
  Magkasunod ring pumasok sa silid sina Noreen at Reujin.
  " Paano naman ang gwapong Tito? ", ani Reujin.
  " Sofia! ", anaman ni Noreen.
  Yumakap rin ang dalawa kay Sofia. Si Gracella naman ay yumakap sa kanya.
  " Sabi ko na nga ba at ikaw ang magiging daan upang magising ang anak ko, salamat Marco ", lumuluhang anito.
  " Wag po kayo sakin magpasalamat Tita. Ibinalik siya ng Diyos sa atin dahil hindi ninyo siya sinukuan ", alo niya rito.
  Samantala.. patuloy paring gumugulo sa isip niya kung bakit hindi magawang maalala ni Sofia ang mga panahong namuhay ito bilang si Janna.
                                           
   " Sorry Sofia.. "
   " Para saan? ", takang tanong niya.
   Sinamahan siya ni Marco na makapagpahangin sa labas. Ito ang nagtutulak ng wheel chair niya hanggang sa makarating sila sa mini-garden sa bahaging likuran ng ospital.
   Pahapon na kaya't hindi na masyadong mainit. Sinabi niya naman dito na kaya na niyang maglakad pero nagpumilit ito na gumamit sila ng wheel chair. Hindi raw siya pwedeng mapagod. Medyo hindi siya sanay sa sobrang concern at sweetness nito.. pero aminado siyang kinikilig siya. Bigla siyang nakaramdam ng sobrang kasiyahan sa puso niya.
   " Bakit ka nga nag-so-sorry? ", ulit niya.
   " Dahil ako ang may kasalanan kung bakit ka naaksidente.. "
   " Naku, wag mo sabihin yan Marco. Wala lang kasalanan. "
  
   Inalalayan siyang makatayo ni Marco mula sa wheel chair upang makalipat siya sa concrete bench na naroon. Pagkatapos ay naupo ito sa tabi niya.
   " Ah! Marco.. ", aniya ng biglang may maalala. " ..may gusto  sana akong ikwento sayo ",
   " Tungkol saan? "
   " Habang natutulog ako sa ospital, alam mo ba.. nagkaroon ako ng isang malungkot pero napakagandang panaginip. "
  
  Napalingon sa kanya si Marco. Nagtaka siya sa reaksyon nito. Tila natigilan ito sa sinabi niya.
  " S- Sige.. gusto ko marinig. "
  " Ok.. kasi ganito yon.. nagising daw ako sa isang napakagandang lugar. Doon daw naninirahan yung mga cupids. Pinamumunuan daw sila ng mga maidens. Tapos wala raw akong maalala sa nakaraan ko, kung sino ako o san ako galing. Tapos, gusto ko raw maging isang tulad nila kaya ipinadala ako sa isang misyon. Gumamit raw ako ng isang pinagbabawal na aklat. Dun ko nakita yung mga larawan ng mga itinakda. Ikaw raw yung lalaki tapos yung babae.. ano nga bang pangalan nun-- ah! Chanelle. Kaso raw yung pana para sayo, tumama raw sa iba. "
   " Tapos?.. ", walang kakurap-kurap na tanong nito.
    Weird.
 
   " Tapos.. nagkatawang tao raw ako para maitama yung pagkakamali ko. Ginawa ko raw ang lahat para magkatuluyan kayo. Pero sa bandang huli, nabigo raw ako sa misyon ko dahil---- "
   Teka dapat ba niyang ituloy ang sasabihin niya? Na kaya siya nabigo ay dahil umibig siya rito? Parang nakakahiya naman yata.. Baka mamaya niyan, mabuko pa ni Marco na may gusto siya rito. Nilingon niya ang lalaki.
   " T-teka Marco.. umiiyak ka ba? ", takang tanong niya.
   Ano bang nangyayari sa taong ito? Masyado bang maganda ang pagkakakuwento niya para bigla na lang madala ang emosyon nito?
   " Nabigo ka sa misyon mo dahil.. nahulog ang loob natin sa isa't isa ", sa pagkagulat niya'y sagot nito. " At umamin kang isa kang cupid at iniwan ako.. "
   " Paanong.. paano mo nalaman ang bahay na yan? ", maang na tanong niya.
   " Dahil.. hindi panaginip ang lahat..  ", anito. ".. Janna.."
*

Komento sa Aklat (151)

  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda NG story. One of the fantasy story that hooked me up. I loved each role of the characters particularly Sofia/Janna and Marco and of course Jaren na patawa lage. Medyo nabilisan Lang ako sa kwento nya. (bilis ko kc natapos hehe.) Sana author madaming stories ka pang magawa. I'm looking forward to it. still recommended this story. God bless. 😊😇❤️

    05/12/2021

      0
  • avatar
    Manong Sorbitero Vlog

    ang Ganda nya guys basahin

    09/08

      0
  • avatar
    justmebonx

    i love this

    05/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata