Chapter Seventeen " Nahanap mo na ba si Marco? ", tanong ni Gracella sa nakababatang kapatid na lalaki. " Hindi pa ate. Masyadong mahigpit ang paaralang pinaghihinalaan kong pinapasukan ni Marco. Hindi basta-basta nagpapapasok. Kaya nag-aabang ako sa labas. Kaya lang, masyadong maraming estudyante doon ", sagot ni Reujin. " Paano ka nakasisigurong doon nga nag-aaral si Marco? ", muling tanong ni Gracella. " Malapit lang doon ang pinangyarihan ng aksidente ate.. at isa pa, yun din ang paaralang dapat ay papasukan ni Sofia." Masuyong hinawakan ni Gracella ang kamay ng anak. Halos mag-iisang buwan na itong walang malay sa ospital. Na-commatosed ito matapos ang aksidenteng pagkakabundol dito ng isang sasakyan ilang linggo na ang nakararaan. Pumunta sila sa na bayang iyon ng Angelus upang manirahan na roon matapos makakuha ng magandang trabaho doon si Reujin. Ito na ang sumuporta sa kanila matapos siyang mabiyuda sa ama ni Sofia. Nang araw na iyon ay nagpaalam sina Sofia at ang kaibigan nitong si Noreen na kinupkop na ng kanilang pamilya matapos maulila. Papasyalan raw ng mga ito ang paaralang lilipatan nila. Ngunit nung araw ding iyon ay nabundol si Sofia. Ayon kay Noreen ay may nakita raw si Sofia at tinawag nitong 'Marco'. Nang hindi raw lumingon ang lalaki ay hinabol daw ito ni Sofia at muling tinawag. Pagkatapos noon ay nangyari na ang aksidenteng naging dahilan ng pagiging commatosed nito. " Kailangan mong mahanap si Marco sa lalong madaling panahon ", ani Gracella. " Naniniwala akong pag narinig ni Sofia ang tinig niya.. magigising nang muli ang aking anak.. " xx xxx xxx xx Nakaupo siya sa mahabang bangkuan sa likod bahay at nag-aabang ng falling stars. Baka sakaling.. pwede siyang humiling na muling makita si Janna.. kahit saglit lang. Naging napaka-memorable ng lugar na iyon para sa kanya. Hawak niya sa isang kamay ang sulat na ibinilin ni Janna sa kanyang ina upang ibigay sa kanya. Makailang- ulit na niyang binabasa ang sulat na iyon pero hindi parin siya makapaniwala sa mga nabasa niya roon. O baka ayaw niya lang tanggapin. Muli niyang binuklat ang papel mula sa pagkakatupi nito at binasa ang nakasulat roon. Nagising ako sa isang napakagandang lugar. Isang lugar kung saan naninirahan ang mga love angels o yung tinatawag na cupids. Ninais kong mapabilang sa kanila kaya ng bigyan ako ng pagkakataon ng isang maiden na maipadala sa isang misyon ay agad akong pumayag. Inaamin ko, nandaya ako sa paggamit ng isang ipinagbabawal na aklat.. dun ko nakita ang larawan ninyo ni Chanelle. Nangangahulugan na kayo ang mag-soulmate. Ngunit ng araw na iyon, nagkamali ako ng tumama kay Eric ang pana na dapat sana ay para sayo. Yun ang dahilan kung bakit ako pumunta sa inyong daigdig bilang isang tao. Upang itama ang aking pagkakamali. Yun ang rason kung bakit pilit ko kayong pinaglalapit ni Chanelle. Pero sa bandang huli.. hindi ako nagtagumpay. Hindi lang dahil sa wala kayong damdamin ni Chanelle sa isa't isa.. kundi dahil natutunan ko ring magmahal sa loob lamang ng napakabilis na panahon. Ayoko nang gumawa muli ng pagkakamali kung kaya't naisip kong umalis na lang. At isa pa, imposible rin namang.. magkatuluyan kami ng taong mahal ko. Ang mga hibla ng buhok na tinatawag ninyong highlights.. iyon ang simbolo ng panahong ilalagi ko sa inyong daigdig. Tatlumpung araw lang ang ibinigay sa aking palugit.. tatlumpung araw at iiwan din kita. At sa oras na aminin kong isa. akong cupid.. matatapos na ang lahat. At ito ang pinipili ko.. dahil hindi ko na kakayanin na magtagal kasama mo.. dahil bawat araw na lumilipas.. mas lalo lang akong nahuhulog sayo. Mahal kita pero.. alam kong merong isang taong tunay na itinakda para sayo. At hangad kong matagpuan mo siya. Janna. Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi. Inilabas niya mula sa kanyang bulsa ang bracelet ni Janna at muling tumingala sa kalangitan.
" Marco! Marco Kim! " Napahinto siya sa paglalakad ng marinig ang pagtawag sa pangalan niya. Paglingon niya ay nakita niyang patakbong lumapit ang isang pamilyar na lalaki. " T- tito Reujin? ", aniya ng ganap itong makalapit. " Kayo nga! " Nagyakap silang dalawa ng mahigpit. Halos sampung taon din silang hindi nagkita nito. Nakakabatang kapatid ito ng ina ni Sofia na si Tita Gracella. " Kumusta na po? Anong ginagawa nyo rito? ", tanong niya. " Sa totoo lang Marco, matagal na kitang hinahanap ", tugon nito. " May mahalaga akong sasabihin sayo. Baka pwede tayong magkape sa labas kahit saglit lang? " " O Sige po.. matagal-tagal na rin mula ng huli tayong nagkakwentuhan. " Pinauna na niya si Jaren at siya naman ay sumama kay Reujin sa isang coffee shop malapit sa school niya. " Akalain mo nga namang magkikita pa tayo matapos ang ilang taon ", anito sa kanya. " Binatang-binata ka na. At lalo lang gumuwapo. " " Hindi naman Tito..", aniya. " Si.. Sofia po? Kumusta na po siya? " " Yan nga sana ang gusto kong pag-usapan natin. " " May nangyari po ba? ", maang na tanong niya. Aminado siyang hindi pa rin siya kumportableng pag-usapan ngayon si Sofia. Hindi man nawala ang damdamin niya para rito, pakiramdam niya ay di ma siya karapat-dapat dito dahil umibig siya sa iba. " Ang totoo Marco.. naaksidente si Sofia. Commatosed siya ngayon sa isang ospital at halos mag-iisang buwan ng walang malay. " " Po?! ", gulat na sambit niya. " Paano nangyari yon? " " Sabi ng kasama niya, may hinahabol daw si Sofia kaya siya nabundol. Narinig niyang 'Marco' ang isinisigaw na pangalan nito. At diyan.. ", anitong lumingon sa highway na tanaw mula sa glasswall ng coffee shop na iyon. " Diyan mismo ang lugar kung saan siya naaksidente.. " " Marco!! " Napalingon siya ng marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Pero wala naman siyang makitang kakilala. Marami ring tao ng oras na yon dahil labasan na ng mga estudyante. Nagkibit-balikat siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Pero napahinto siya nang may narinig siyang nagsigawan. Nagtakbuhan ang mga tao papunta sa isang direksyon. " Uy pare! ", anang kaibigan niyang si Jaren. " Huh.. teka anong nangyari dun? " " Parang may naaksidente yata.. ", aniya rito. " Naku ang mabuti pa siguro, umuwi na tayo! ", anito at itinulak siyang maglakad. " Sa dami ng nag-uumpukan dun ngayon, imposible namang walang tumulong sa kanya kaya ag na tayong makigulo ", anito. " Hay duwag ka lang talaga ", aniya sabay tawa. " Marco? Marco, ayos ka lang ba? ", tanong ni Reujin. " O- opo Tito Reujin. Sang ospital po ba siya na- confine?" " Sa SunJang-Yi Hospital. " " Puntahan na po natin siya! ", aniya at tumayo. "Gusto ko po sitang makita! " " Ang totoo niyan, gusto ka talagang papuntahin doon ni Ate Gracella kaya ka niya ipinahahanap sakin. Naniniwala siyang pag narinig kang magsalita ni Sofia, magigising na rin siya sa wakas. " " Kung ganon, tara na po! " " Medyo malayo rito ang ospital na yon hijo. Kailangan pa sumakay ng bus. Gagabihin tayo sa daan. At isa pa, may pasok ka bukas. Sa Sabado ka lang kita isasama roon. " " Tito! Sasama ako sayo roon ngayon. May isang taong nagturo sa akin na hindi dapat sayangin ang oras dahil maaaring bigla na lang mawala sayo ang lahat ng hindi mo namamalayan.. paano kung bukas.. o sa Sabado.. wala ba si Sofia? Gusto ko siyang makita bago pa man mahuli ang lahat! " " Huminahon ka Marco.. Sige, tawagan mo na lang muna ang mama mo para di siya mag-alala. Pupuntahan na natin si Sofia. "
Sakay na sila ng bus at mukhang malayu-layo pa ang itatakbo niyon. Natawagan na niya kanina ang mama niya at labis rin itong nabahala nang malaman ang nangyari kay Sofia. " Tito.. paano nga pala kayo napadpad dito sa Angelus? " " Nakakuha ako rito ng magandang trabaho kaya nagpasya si Ate na dito na kami nanirahan. Kaso yan naman yung nangyari sa pamangkin ko. " " I'm sorry po Tito. " " Wala kang kasalanan Marco. Sa totoo lang, naging inspirasyon ka niya. Inalagaan niya ang sarili niya at nag-aral ng mabuti. Gusto niya raw pag nakita kayo ulit, maipagmamalaki mo siya. At alam mo ba, ang laki ng iginanda ng batang iyon. Natuto na kasing mag-ayos. Di katulad nung mga bata pa kayo, palagi siyang inaasar na kuneho dahil sa mga ngipin niya. Tiniis niyang mag-brace ng halos tatlong taon. " Bahagyang tumawa si Reujin bagama't nangingilid ang mga luha. " Kunsabagay, maganda naman kasi si Ate Gracella. Namana niya rito ang kutis at ang maganda niyang buhok. Tiyak, ma-iinlove ka pag nakita mo siya.. teka may nobya ka na ba? " Umiling siya. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating narin sila sa wakas. Pagdating roon ay sumakay sila ng elevator upang marating ang fifth floor kung saan naroon ang kwarto ni Sofia. Nasa labas ng kwarto si Gracella kasama ang isang dalagitang tila ka-edad niya ngunit hindi niya kilala. Nang matanaw sila ng mga ito ay agad sila nitong sinalubong. Niyakap siya ng babae. " Naku Marco, ikaw ba yan? Ang laki-laki mo na ", nanlulumong anito. " Masaya po akong makita kayo Tita Gracella.. si Sofia po? " " Ah, dito. Halika.. " Iginiya siya ng ginang sa kwarto ni Sofia, kasunod sina Reujin at ang dalagita.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa labis na pagkabigla. Totoo ba ang nakikita niya?.. Hindi siya maaaring magkamali. Kilalang-kilala niya ang mukha ng babaeng mahimbing na natutulog sa kamang iyon. Nagsimulang bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata. " Tingin ko Marco.. ikaw lang ang hinihintay niya para siya ay makabalik kung nasaan man siya ngayon ", ani Gracella. " Ang mabuti pa siguro ate, bigyan muna natin ng sapat na oras sina Marco at Sofia. Matagal na silang di nagkikita ", anaman ni Reujin. " Mabuti nga.. Hijo, bababa lang kami saglit para bumili ng makakain ha? Ikaw na muna ang bahala sa kanya ", ani Gracella. Tumango siya. Hindi niya magawang magsalita. Magkakasabay na lumabas ang tatlo ng kwartong iyon. Siya naman ay naupo sa isang upuan doon sa tabi ng kama. Hinawakan niya ang isang kamay ni Sofia at ginawaran iyon ng halik. " Ikaw na babae ka.. idilat mo na yang mga mata mo at gumising ka na. Dahil marami lang dapat ipaliwanag sakin ", nakangiting aniya rito. " At isa pa, sobrang miss na miss na talaga kita. " Janna...
*
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (151)
Sarah Santiago Tabilog
sobrang ganda NG story. One of the fantasy story that hooked me up. I loved each role of the characters particularly Sofia/Janna and Marco and of course Jaren na patawa lage. Medyo nabilisan Lang ako sa kwento nya. (bilis ko kc natapos hehe.) Sana author madaming stories ka pang magawa. I'm looking forward to it. still recommended this story. God bless. 😊😇❤️
sobrang ganda NG story. One of the fantasy story that hooked me up. I loved each role of the characters particularly Sofia/Janna and Marco and of course Jaren na patawa lage. Medyo nabilisan Lang ako sa kwento nya. (bilis ko kc natapos hehe.) Sana author madaming stories ka pang magawa. I'm looking forward to it. still recommended this story. God bless. 😊😇❤️
05/12/2021
0ang Ganda nya guys basahin
09/08
0i love this
05/06
0Tingnan Lahat