Chapter 16 " Janna.. " Nilingon niya ang tinig na nagmula sa kanyang likuran. Nasa likod bahay siya at pinagmamasdan ang itim na itim na kalangitan na pinalamutian na makikinang na mga bituin. Pinagmasdan niya ang makisig na mukha ni Marco na bahagyang nasisinagan ng malamlam na liwanag ng buwan. Malamlam ang mga mata nito.. maputla ang mga labi at tila pagod na pagod. Humakbang ito papalapit ngunit umatras siya. Kailangan niya ng sapat na distansya dahil baka hindi na niya mapanindigan ang desisyon sa oras na mapalapit siya rito. Huminto naman ito at nanatili na lamang sa kinatatayuan. " Saan ka ba nagpunta? ", tanong nito. " Alam mo bang tinakot mo ako? " " Bumalik ako doon sa park kung saan una tayong nag-date. Yung tayong dalawa lang.. walang Chanelle, walang Eric.. walang Sofia. Gusto kong baunin ang mga alaalang iyon.. ", aniya. " Alam mo ba... habang naglalakad-lakad ako doon, naisip ko na sana.. sana pala pumayag akong mag-abang ng falling stars kasama ka. " " Pwede pa naman nating gawin yon.. pwede pa tayong bumalik doon kahit ilang beses mong gusto.. " " Gustuhin ko man pero sa tingin ko.. dapat na akong umalis ngayon. Bumalik lang ako rito para magpaalam. Sana Marco.. matagpuan mo na ang tunay na pag-ibig. " Nagsimula siyang maglakad at nilampasan si Marco. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang distansya niya rito ay naramdaman niya ang pagsunod nito pagkatapos ay bigla siya nitong niyakap mula sa likuran. Napiahinto siya sa paglalakad. " Bitiwan mo ako.. ", aniya. Dinig niya ang mahinang paghikbi nito. " Hindi!.. Ayoko... ", sagot nito. " Pakiusap wag mong gawin to.. wag mo akong iwan.. mahal kita! " " Pakiusap Marco! Wag mo namang gawing mahirap para sakin ang lahat! " Nagpumiglas siya hanggang tuluyang makawala mula sa mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya. Hinarap niya ito kasabay ng walang tigil na pag-agos ng mga luha niya. " Makimig ka Marco.. ikaw at ako.. kahit kailan ay hindi maaaring.. umibig sa isa't isa. Magkaiba tayo ng mundo! "
" Anong ibig mong sabihin?.. ", naguguluhang tanong niya. " Isa akong.. isa akong cupid. Pinadala ako sa inyong daigdig para itama ang isang pagkakamaling nagawa ko. " " Ano kamo? Isa lang cupid?! ", di makapaniwalang tanong niya. Pagkatapos ay pagak na tumawa. " Janna wag mo nga akong gawing tanga! Ano ha? Wala ka na bang maisip ng magandang idadahilan?! " " Sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero yun ang totoo! Isa akong cupid!! " Kapwa sila napatingin sa buhok nito nang sabay-sabay na nalagas ang pitong natitirang hibla ng pilak nitong buhok. Kasunod niyon ay nagliwanag ang buong katawan ni Janna at unti-unting naging tila transparent ang babae mula sa paa paakyat sa itaas na bahagi ng katawan nito. Tila isang grupo ng mga alitaptap na unti-unting naghihiwa- hiwalay hanggang sa tuluyang maglaho. Tumingin sa kanya si Janna. Ngumiti ito bagama't lumuluha. " Mahal kita Marco.. paalam. " " Janna! Janna sandali! ", sigaw niya at inabot ito ngunit tuluyang naglaho sa kanyang paningin. Hindi siya agad nakakilos. Nabigla siya sa mga pangyayari. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga nasaksihan. Panay lang ang paglandas ng kanyang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. Napatingin siya sa bahaging kinatayuan ni Janna. May kung anong kumikinang roon. Lumuhod siya sa lupa at dinampot ang bagay na nalaman niyang bracelet pala. Ang bracelet na binili niya para kay Janna. Doon na tuluyang bumuhos ang kanyang emosyon. Inipon niya ang lahat ng natitirang lakas at isinigaw ang pangalan nito ng paulit-ulit. Ngunit hindi na ito nagbalik. Naramdaman niya na lang na yakap-yakap na siya ng kanyang ina.
Wala na siyang mailuha kahit ramdam na ramdam niya ang tahimik na pag-iyak ng kaniyang puso. Sinalubong siya ng mga maidens sa kanyang pagbabalik sa Love Sanctuary. Iginiya siya ng mga ito papunta sa konseho upang makausap. " Mukhang labis na nagdurusa ang kanyang damdamin ", rinig niyang ani Maiden Aliyah. " Labis siyang nahulog sa taga-lupang iyon ", anaman ni Maiden Ayesha. " Janna.. ", ani Maiden Yellina sa kanya. " Labis ring nagdurusa ang damdamin ng binatang taga-lupa." " Wag na po sana natin siyang.. pag-usapan pa ", aniya. " Nabigo po ako sa aking misyon. Tatanggapin ko anuman ang maging parusa.. " " Nais kong ipabatid sayong binawi na ang hatol sa iyo. Hindi ka na mapaparusahan ", ani Maiden Althea. " P-po? " " Lumabas sa imbestigasyon na si Eerin ang tunay na kumuha ng Matchbook." " Pero.. paano po ang pagkakamali ko sa pagpana? " " Janna.. nais kong titigan mong mabuti ang larawang ito " ani Maiden Yellina. " Hawak nito sa isang kamay ang tila isang pilas na pahina na may larawan ng isang lalaki. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala iyon. " Si.. Si Eric po yan ", naguguluhang aniya. Ibinuklat ni Maiden Aliyah ang Matchbook sa pahina kung saan naroon ang larawan nina Marco at Chanelle. Ipinatong ni Maiden Yellina ang larawan ni Eric sa larawan ni Marco upang makatapat ng larawan ni Chanelle. " Naiintindihan mo na ba Janna? ", tanong ni Maiden Ayesha. " Walang pagkakamali. " " Kung ganon.. mag--- mag-soulmate talaga si.. si Chanelle at si Eric?.. " maang na tanong niya. " Natagpuan namin ang pahinang iyan sa ilalim ng higaan ni Eerin. Marahil ay di niya iyon napansin at isa yang malinaw na ebidensya laban sa kanya ", komento ni Maiden Althea. " Ibig sabihin din nito, iba ang tunay. na itinakda para sa binatang iyon. " " Ang tunay na itinakda para kay Marco ay isang binibining nagngangalang Sofia. " Natigilan siya. Ano bang nagawa niya? Sa. labis na pagnanais niyang paglapitin sina Marco at Chanelle ay dalawang tunay na pagmamahalan ang muntik na niyang masira.. " At ang binibining si Sofia..", ani Maiden Aliyah. " ..ay walang iba kundi.. " Binaliktad nito ang larawan ni Eric upang malantad ang larawan ni Sofia sa likod nito na siyang tunay na katapat ng larawan ni Marco. " Kundi ikaw Janna. " Naikuyom niya ang palad habang habang nakatitig sa larawan ni Sofia na kamukhang-kamukha niya. Naglaglagan ang mga luha mula sa kanyang mga mata. " H-hindi ko maintindihan.. naguguluhan ako! ", umiiyak na aniya at nanlulumong napaupo. " Upang mailantad ang misteryo sa likod ng aming natuklasan ay humingi kami ng tulong sa mga anghel na tagapagbantay. Ang mga Guardians ng Soul Sanctuary.. " " Doon namin nalaman na matagal ka na nilang hinahanap pagkat hindi pa panahon ng paglisan mo sa daigdig ng mga mortal. " " Isa akong.. mortal? ", " Tama Janna. Dahil sa isang aksidente ay nawalay ang iyong kaluluwa sa iyong katawan. At dito ka napadpad. Pagkatapos ay nagkatawang tao ka naman sa pamamagitan ng kapangyarihan naming mga maidens kaya't hindi ka rin nila natagpuan ng muli kang magbalik sa daigdig. " " Janna..", ani Maiden Yellina. " Bibigyan ka namin ng sapat na panahon upang magdesisyon kung saan at ano ang iyong pipiliin.. " " Anong ibig ninyong sabihin? ", tanong niya. " Maaari kang manatili dito sa Santuaryo upang magsanay hanggang natutunan mo ang mga kakayahan upang maging ganap na cupid.. o bumalik sa daigdig ng mga mortal at mamuhay bilang isang ordinaryong tao.. " Natahimik siya. Ano nga ba ang gusto niya? Saan ba siya dapat pumunta? " Siya nga pala, dahil sa may kabutihan din namang idinulot ang nagawang sala ni Eerin, at iyon ay ang pagkakatuklas ng iyong tunay na nakaraan, napagpasiyahan ng konseho na patawan na lamang ng isang magaang parusa ang iyong kaibigan ", ani Maiden Althea. " Pwede ko po ba siyang makausap? ", aniya. Ngumiti sa kanya si Maiden Yellina pagkatapos ay tumango bilang pagsang-ayon.
" Eerin! " " Janna! Masaya akong makita ka! ", anito at niyakap siya. " Ayos ka lang ba Eerin? Nahihirapan ka ba sa ipinataw sayong parusa? " " Hindi naman Janna.. taga-linis lang naman ako ng hardin eh ", nakangiting sagot nito. " Mabuti naman kung ganon. " " Masaya rin ako dahil alam na natin ang tunay mong nakaraan ", masiglang anito. " O.. e ba't parang di ka masaya?.. " " Iniisip ko lang kasi kung.. dapat ba akong bumalik sa dati kong buhay.. " " Bakit naman hindi? " " Paano ka? Marami ka ng isinakripisyo para sakin tapos sa huli magkakahiwalay din pala tayo.. " " Janna.. alam mo namang tanging hangad ko lamang ay ang kaligayahan mo. At alam ko na sa mundong pinanggalingan mo.. dun ka magiging tunay na masaya. Naroon ang mga taong nagmamahal sayo.. gaya ni Marco. " Umiwas siya ng tingin. " At maaaring bukod kay Marco.. may iba pang mahahalagang taong naghihintay sayong pagbabalik.. " xx xxx xxx xx " Kim, Marco Andrei.. ", tawag ng guro. " Kim, Marco Andrei? " " Present po! ", sagot ni Jaren. " Siya! " Tinapik ni Jaren ang braso niya. Napatingin siya rito. " Bakit? ", takang-tanong niya. " Kanina ka pa tinatawag ni Ma'am. Kailangan ba talaga, may taga-sagot ka ng 'present ma'am' ? " , anito sa kanya. " Tsaka bakit absent si Janna? " Naikuyom niya ang palad. Nakita niyang lumingon si Chanelle mula sa kinauupuan nito sa bandang unahan. " May nasabi ba akong masama? ", tanong ni Jaren. " Si Janna.. umalis na siya ", sagot niya. " At hindi na siya babalik. "
*
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (151)
Sarah Santiago Tabilog
sobrang ganda NG story. One of the fantasy story that hooked me up. I loved each role of the characters particularly Sofia/Janna and Marco and of course Jaren na patawa lage. Medyo nabilisan Lang ako sa kwento nya. (bilis ko kc natapos hehe.) Sana author madaming stories ka pang magawa. I'm looking forward to it. still recommended this story. God bless. 😊😇❤️
sobrang ganda NG story. One of the fantasy story that hooked me up. I loved each role of the characters particularly Sofia/Janna and Marco and of course Jaren na patawa lage. Medyo nabilisan Lang ako sa kwento nya. (bilis ko kc natapos hehe.) Sana author madaming stories ka pang magawa. I'm looking forward to it. still recommended this story. God bless. 😊😇❤️
05/12/2021
0ang Ganda nya guys basahin
09/08
0i love this
05/06
0Tingnan Lahat