logo text

Chapter Fourteen: Kiss

  Chapter 14
  Si Marco.. hinahalikan si Chanelle.
  Hindi siya makakilos sa kinatatayuan niya. Parang hindi siya makahinga at panay lang ang agos ng mga luha niya. Pakiramdam niya.. tumigil ang oras sa kanyang paligid.
  Ito ang tama Janna.. ito ang dapat.
  Natauhan siya ng maramdamang may tumatakbo sa likod niya at nilampasan siya. Si Eric! Patakbo nitong tinungo ang kinaroroonan ng dalawa. Agad siyang napasunod dito. Mukhang may hindi magandang mangyayari.
  " Hayop ka pare! ", sigaw ni Eric.
  Hinila nito si Chanelle papalayo kay Marco. Pagkatapos ay bigla nitong sinuntok si Marco dahilan upang mabuwal ito sa lupa. Nakatikim pa ito ng malakas na sipa sa sikmura. Agad naman niyang tinulungan si Chanelle na awatin si Eric.
  " Tama na Eric pakiusap! ", umiiyak na sigaw niya rito at agad na dinaluhan si Marco na nakalugmok parin sa lupa at walang tigil sa pag-ubo.
  " Pwes! Sabihin mo sa lalaking yan na girlfriend ko si Chanelle! Girlfriend KO! "
  " Let's go Eric..", ani Chanelle. " Janna I'm sorry. "
  Hinila na ni Chanelle si Eric palayo roon. Siya naman ay tinulungang makaupo si Marco. Dumurugo ang labi nito.
   Tumingin ito sa kanya. Siya naman ay hindi malaman kung ano ang dapat sabihin rito. Inalalayan niya itong makatayo. Ikinawit niya sa kanyang balikat ang isang braso nito upang matulungan itong makalakad.
  " Umuwi na tayo.. ", tanging nasabi niya.
                                             
  Sinikap nilang hindi makalikha ng anumang ingay pagdating sa bahay. Tiyak na magtatanong si Tita Lucy pag nakita ang ayos ni Marco. Matapos niyang ihatid ito sa kwarto nito ay tinungo niya ang kusina upang kunin sa medicine cabinet ang mga gamot at panlinis ng sugat pagkatapos ay nagbalik muli sa kwarto ni Marco.
   Nakatingin lang ito sa kanya habang dinadampian niya ng bulak na may gamot ang sugat nito sa sulok ng bibig. Tumikhim siya.
  " Wag lang mag-alala Marco.. kung mahal mo talaga si Chanelle, baka pwede kong kausapin si Eric para---- "
  " Janna! ", anitong bahagyang tumaas ang tinig. " Hindi parin ba malinaw sayo ang lahat?! "
  " Nakita kong hinalikan mo siya kaya akala ko.. "
  " FAKE ANG KISS NA YON!  ", anito. " Set-up ang lahat! Ang pagdating ni Eric, ang pagpapalit natin ng ka-date.. yung sweetness namin, yung. kiss--- yung pagsuntok sakin ni Eric, planado yun lahat! "
  " P- pero.. bakit? Para saan? ", maang na tanong niya.
  " Gusto kong makita mo ang katotohanan! Na hindi mo kami pwedeng ipilit ni Chanelle.. dahil wala kaming feelings sa isa't isa. Na may kanya-kanya na kaming mahal. Na marami ang masasaktan kaya please.. tama na. "
  " P- pasensya na Marco.. ginawa ko lang naman lahat yun dahil--- " Isa akong cupid..
  " Gugulo lang ang lahat Janna. Pakiusap, wag mo na akong ipagtulakan sa kanya. Wag mo na akong ipagtulakan sa iba. "
  " Naiiintindihan ko.. " aniya at tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama nito. " Mabuti pa siguro magpahinga ka na----- "
   Hindi siya nakahuma ng hilain muli ni Marco ang braso niya at kabigin siya nito papalapit. Nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman ang paglapat ng mga labi ni Marco sa mga labi niya. Hindi siya agad nakakilos. Parang nanginginig ang buo niyang katawan at napakalakas rin ng tibok ng kanyang puso. Isang tanong sa kanyang isipan ang nasagot sa pagkakataong iyon. Mahal na niya ang makisig na binatang ito.
  Sinikap niyang ipunin ang kanyang lakas at itinulak si Marco palayo sa kanya. Agad siyang tumayo at patakbong pumasok sa silid niya at ni-ock ang pinto. Ilang saglit lang ay panay na ang katok ni Marco. Napasandal siya sa pintuan at marahang dumausdos pababa hanggang sa tuluyang mapaupo sa sahig habang walang ampat ang pag agos ng mga luha niya.
   " Janna!.. ", dinig niyang tawag ni Marco mula sa kabilang panig ng pinto. Patuloy parin ito sa pagkatok. " Janna!.. please mag-usap tayo! "
   " P- Pasensya na Marco..", aniya rito bahagyang pinatatatag ang tinig. " Inaantok na kasi ako. Gusto ko na sana magpahinga. "
   Tumigil ito sa pagkatok. Narinig niya ang mga papalayo nitong yabag. Kinuha niya ang salamin mula sa bag niya at naupong muli sa sahig.
   " Eerin?.. Eerin nasan ka? Sumagot ka naman pakiusap ", umiiyak na aniya ngunit hindi nagpakita si Eerin.
   " Ano na ang dapat kong gawin Eerin.. "
   Paano ko matatapos ang misyon ko kung.. nakikita kong totoong nagmamahalan sina Eric at Chanelle?.. at paano ko gugustuhin.. ang katuparan ng aking misyon kung.. iniibig na kita Marco?..
                                            xx xxx xxx xx
   Parang mas lumala pa ata ang lahat dahil sa nagawa niya. Binigla yata niyang masyado si Janna. Naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha. Paano kung lalo lang siyang iwasan ni Janna? Bakit naman kasi iba ang pagkakaintindi nito sa set-up date na yon. Napalakas pa masyado ang suntok at sipa ni Eric sa kanya. Sabagay, nag-suggest din naman si Eric na pekein na lang din yung suntok pero siya ang nagsabing kailangan maging makatotohanan ang lahat maliban sa halik.
   Sinadya nilang nakatalikod si Chanelle mula sa posisyon kung saan ito makikita ni Janna para hindi nito mahalatang hindi naman talaga niya hinalikan ang babae. Bahagya lang siyang yumuko para magkalapit ang mga mukha nila. At effective naman kaya lang, imbes na makita ni Janna na may masasaktan gaya ni Eric, nag-suggest pa itong tulungan siya! At til napaka-clueless pa nito pagdating sa damdamin niya para rito!  Umasa rin siya.. na baka sakaling masaktan ito at marealize na.. may nararamdaman din ito sa kanya..
   Baka naman.. hindi ako ang gusto niya? ..
                                              
   Maaga siyang gumising Kinabukasan upang tulungang makapaghanda ng agahan si Tita Lucy. Pagkatapos niyon ay tutulong rin siya sa paglilinis. Mahihirapan na siyang magkikilos kapag gising na si Marco.
   Gayunpaman, kailangan pa rin niya itong hanapin sa hapagkainan ng umagang iyon. Tulad niya, wala ring imik si Marco habang kumakain sila.
   " Teka Marco..", biglang ani Tita Lucy. " Anong nangyari diyan sa bibig mo? "
   " Wala lang to ma ok lang po ako. "
   " Ah eh.. Tita Lucy ", aniya upang mailihis ang usapan. " May importante po sana akong sasabihin. "
   " Ano yon hija? "
   " Una po.. gusto ko sanang magpasalamat sa kabutihan ninyo sa akin.. sa pagpapatuloy nyo sakin sa inyong tahanan at.. pagturing nyo sakin bilang pamilya. "
   " Bakit mo ito sinasabi sa amin.. aalis ka na ba? ", anito. Napatingin sa kanya si Marco.
   " Nakapagdesisyon na po ako na.. bumalik sa tunay kong pinagmulan.. "
   " Pero.. bakit biglaan naman ata? At hindi ba, sinabi mong malupit ang kumupkop sayo? "
   " Nagsinungaling po ako Tita.. ang totoo ay napakabuti nila. May nagawa po akong pagkakamali kaya tingin ko ay dapat ko nang harapin ang kapalit ng ginawa kong yon. "
   Hindi na sumagot si Tita Lucy. Sa halip ay hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay.
                                         
   " Tungkol ba to sa nangyari kagabi? "
   Napalingon siya sa kanyang likuran. Nakatambay siya sa likod-bahay at nakaupo sa paborito niyang bangkuan. Sumunod pala sa kanya si Marco.
   " Wala na sakin yon. Hindi ko na nga matandaan kay sana.. wag mo nang ipaalala. "
   " KUNG GANON BAKIT MO ITO GINAGAWA?!! "
   " Wag ka namang sumigaw.. bakit ka ba nagagalit? "
   " Tinatanong mo kung bakit?! Bigla-bigla ka na lang darating at panghihimasukan ang buhay ko pagkatapos bigla ka na lang aalis ha? Ngayon pa? Ngayon pa kung kelan natutunan ko nang---- "
   " Pakiusap Marco wag mo nang ituloy ang sasabihin mo. Ayokong marinig. Pasensya ka na kung.. nagulo ko ang buhay mo. Pero may karapatan akong magdesisyon kung kelan ko gustong umalis. "
   Bigla namang dumating si Tita Lucy kaya't natigil ang usapan nila.
   " Janna, Marco.. nasa loob si Jaren. Puntahan niyo muna. "
   Nagpatiuna siya sa paglalakad upang maiwasan na ang pakikipagtalo pa kay Marco.
   Pasensya na Marco.. kailangan ko nang umalis hangga't maaga. Habang kaya ko pa. Dahil baka hindi ko na kayanin ang sakit kapag pinatagal ko pa ang lahat.
   Muli siyang pumihit. paharap kay Marco. Napahinto ito sa paglalakad.
   " Hindi ko na ipipilit na magkatuluyan kayo ni Chanelle. Siguro nga.. dapat tuparin mo ang pangako mo sa iyong sarili na mamahalin si Sofia habambuhay. Gusto man kitang tulungan, mukhang hindi ko na yon magagawa ", litanya niya at muling maglakad papasok ng bahay.
   " Hi Janna! ", bati ni Jaren na nasa sala at Nakaupo sa sofa roon. " Hi Marco. "
   Kapwa sila naupo ni Marco sa sofa ngunit dumistansya siya rito.
   " Kahit nagtatampo ako kay Marco, iimbitahin ko parin kayo sa party sa bahay ko dahil sa BIRTHDAY ko na nakalimutan ng naturingang BESTFRIEND ko ", ani Jaren na ikinatawa niya.
   " Pasensya na Jaren ", ani Marco. " Marami lang akong iniisip kaya nakalimutan ko. "
   " Marami? Eh isa lang naman ang laging laman ng isip mo eh ", tudyo ni Jaren at makahulugang tumingin sa kanya.
   " Ah eh, kelan naman yung party mo? ", sa halip ay tanong niya.
   " Mamaya na din. Mga six p.m. mag-i start yung party. Pwede kayong mag-overnight kasi just incase nakalimutan nyo rin, walang pasok bukas dahil may orientation yung mga teachers in all levels. Kaya okay lang mapuyat ", nakangiting anito.
   " Darating din ba.. sina Chanelle? ", tanong niya. Gusto niyang humingi rito ng paumanhin dahil sa panggugulo niya sa relasyon nito at ni Eric dahil sa kapipilit niya rito at kay Marco.
  " Tinawagan ko na. Kaso hindi raw siya sigurado. "
  " Ganon ba? .. "
  " Basta, kayong dalawa ha? Aasahan ko kayo kundi.. tuluyan na talaga akong magtatampo sa inyong dalawa! "
  " Sige Jaren ", aniya.
  " Marco? ", ani Jaren dito. " Subukan mo lang na hindi pumunta. Di ko na ibabalik sayo si Janna. "
  " Oo na, oo na!  Umuwi ka na nga ", ani Marco.
                                

Komento sa Aklat (151)

  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda NG story. One of the fantasy story that hooked me up. I loved each role of the characters particularly Sofia/Janna and Marco and of course Jaren na patawa lage. Medyo nabilisan Lang ako sa kwento nya. (bilis ko kc natapos hehe.) Sana author madaming stories ka pang magawa. I'm looking forward to it. still recommended this story. God bless. 😊😇❤️

    05/12/2021

      0
  • avatar
    Manong Sorbitero Vlog

    ang Ganda nya guys basahin

    09/08

      0
  • avatar
    justmebonx

    i love this

    05/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata