"Ano, Sash, kamusta ka riyan?" tanong ni Lara nang tawagan ko siya. Pangatlong araw ko na ito ngayon rito, at so far maayos naman ang pagtira namim dito ni Jacob. Medyo naiilang lang ako dahil kaming dalawa lang nakatira rito, wala kahit isang kasambahay. Kami lang talagang dalawa. "Ayos lang naman. Maganda rin dito," sagot ko habang nakatingin sa payapang tanawin dito sa kwarto namin. At oo... hindi ko na nagawang magrequest kay Jacob na sa ibang kwarto na lang ako dahil sa tuwing umaamba ako ay tikom lang ang bibig ko at natutulala na lang sa kaniyam "Namimiss ko na kayo ni baby, Sash. Gusto ko na sanang pumunta riyan kapag day off ko kaso hindi ako pinayagan ng boss ko eh..." malungkot na sabi niya. Nangunot naman ang noo ko. "Bakit hindi? Wala ka namang trabaho ah?" Nagtataka na talaga ako sa boss niya, dati pa. Kasi kahit walang trabaho, kailangan niya pa rin si Lara. Siguro matanda na kaya hindi niya kayang mag-isa? Aba't ginawa pang nurse ang kaibigan ko. "Ewan ko rin sa kaniya. Sa tuwing magpapaalam akong aalis ako ay binibigyan niya ako ng sandamakmak na trabaho. Kaya nga minsan hindi ako nagpapaalam eh." bumungisngis siya. "Sa tingin ko, Lara, may gusto sayo ang boss mo," napaisip ako. Paano magkakagusto ang boss ni Lara sa kaniya kung matanda na? Ang tanong, matanda ba talaga? "Aba, Sashira! Kailan ka pa nagkaalam tungkol sa gusto-gusto na 'yan?" natatawang tanong niya. Umirap ako kahit hindi niya nakikita. "Tss..." Natawa ulit siya. "Walang gusto sa akin 'yon 'no. Lagi ngang galit eh, daig pa ang babaeng may regla." "Ilang taon na ba iyang boss mo?" Tumahimik sa kabilang linya. Siguro nag-iisip siya. "Hindi ako sure pero... sa tingin ko mga... twenty-seven na siya." Napanganga ako. Twent-seven?! Ang bata pa pala! "A-Akala ko matanda na ang boss mo," gulat kong sabi. "Naku, Lara, mag-ingat ka diyan sa boss mo. Ang bata pa pala eh. Baka ikaw na ang may gusto sa kaniya?" mapanuring tanong ko, sumingkit ang mga mata ko. "Konti lang... hehe." narinig ko ulit ang pagbungisngis niya. Nanlaki ang mata ko. "Hoy, sinasabi ko sayo, Lara, 'wag kang lumandi diyan!" "Depende..." tumawa na siya at nagulat naman ako. Aba, ang inggrata, baka ang boss pala ang mag-ingat kay Lara. "Hey..." tawag ni Jacob. Tapos na ang tawag namin ni Lara, kanina pa. Ngayon ay bagot na bagot at nakapalumbaba na akong nakatingin sa dagat. Ayaw ko rin namang may gawin ako. Tinatamad ako ngayon. Umupo siya sa kaharap kong upuan saka tiningnan ako. "Are you bored?" tanong niya. "Hindi naman..." tamad kong sagot. "Gusto mo bang mamasyal?" Gustuhin ko man pero umiling ako sa kaniya at tumingin ulit sa dagat. Wala talaga ako sa mood ngayon, gusto ko lang na maupo at tumingin sa magandang tanawin. "May pupuntahan ako, gusto mo bang sumama?" tanong niya ulit. Umiling lang ulit ako sa kaniya nang hindi siya tinitingnan. "May problema ba?" may pag-aalala na sa boses niya ngayon. Tiningnan ko siya at nakakunot na ang noo niya. Nginitian at inilingan ko ulit siya para sabihing wala saka binalik na sa dagat ang paningin. "Wala kang kasama rito." pagpupumilit niya. "Ayos lang... ayos na ako rito...." ngumiti pa ako pero sa dagat pa rin nakaharap. "Anong pinaplano mo?" medyo naging seryoso na ang boses niya. Iniisip niya sigurong may masama akong binabalak. Binalingan ko ulit siya at bahagyang natawa. "Wala... Wala lang talaga ako sa mood ngayon kaya dito na muna ako." Hindi siya sa sumagot at seryoso lang akong tiningnan na para bang inoobserbahan ako kung nagsisinungaling ba ako o hindi. "Wala nga akong gagawin. At kung may plano man ako, malalaman mo rin 'yon 'di ba? Kasi sabi mo noon 'I have my ways'," ginaya ko pa ang boses niya tapos tumawa ulit. Bumuntong hininga siya. "Wala pa rin akong tiwala sa 'yo." Sumimangot ako at inirapan siya. "Tss... wala nga akong gagawin. Hindi rin naman ako pamilyar dito kaya hindi ako aalis." Tumaas ang isang kilay niya at mas lalo pa akong tiningnan. "Anong gagawin mo rito kung gano'n?" "Hindi ko alam... pagmamasdan ang dagat?" binalingan ko ulit ang dagat. "Sumama ka na lang kasi..." kumbinsi niya ulit "Wala nga ako sa mood...." hinaluan ko na ng inis ang aking boses para tumigil na siya. Nakakaburyo rin kasi. Pabalik-balik eh sabi ko ngang ayaw kong sumama. Bumuntong hininga ulit siya at tumayo. "Aalis na ako... hindi ka ba talaga sasama?" kumbinsi niya ulit. Binalingan ko siya at kinunutan na siya ng noo. Tuluyan na talaga akong nainis sa kakulitan niya. "Hindi nga sabi." Natatawa niyang itinaas ang dalawang kamay niya na parang sumusuko. "Okay.. okay... Hindi na..." lumapit siya sa akin at ipinatong ang isang kamay niya sa mesa at ang isa naman ay sa likod ng upuan ko, bahagya rin siyang yumuko para magpantay kami. "Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?" alam kong nang-aasar lang siya kaya pabalik-balik ang tanong niya. At naiinis na nga ako, pero nawala naman agad dahil sa pwesto namin. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at bumaling ulit sa dagat. "Hindi na..." humina ang boses ko. "Okay..." marahan niyang hinawakan ang ulo ko papalit sa kaniya at hinalikan sa noo. Sabi ko dapat masanay na ako sa mga ganitong kilos ni Jacob para hindi na ako magulat, pero hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako. "Babalik din ako agad," dugtong niya at tumayo na nang maayos. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kaniya at hindi na umasa sa sinabi niya. Tss... hindi na ako maniniwala sa 'babalik din siya agad' dahil no'ng sinabi niya 'yan ay umaga na siya nakabalik. Baka bukas pa nga siya makabalik eh. Nang nakaalis na si Jacob ay para na naman akong tangang nakatitig lang sa dagat. Parang mas gusto ko lang ngayon ay umupo magdamag, manood ng papalubog na araw at namnamin ang preskong hangin. Pero natigil lang ang kapayapaan ko nang may biglang nagdoorbell. Namangha pa ako dahil ngayon ko lang din nalaman na may doorbell pala rito. Hindi ko na lang pinansin at iniisip na baka si Jacob lang iyon. Pwede naman siyang pumasok agad eh, nang-iinis lang talaga siya. At infairness... ang aga nga niya ngayon. Tumunog ulit ang doorbell pero hindi ko pa rin pinansin. Hmp! Bahala siya riyan at pumasok siya mag-isa. Nag-eenjoy pa ako rito eh. Sunod-sunod nang tumunog ang doorbell kaya padabog na akong tumayo at naiinis na rin. Hindi ko rin naman kasi makita dito sa veranda kung sino ang tao sa baba, kaya hindi ko masisigawan si Jacob. Nagmartsa na ako pababa at pumunta agad sa pintuan, naiirita na ako sa ingay ng doorbell. Nang nabuksan ko na ang pintuan ay sisigaw na sana ako pero natigil lang nang nakitang hindi si Jacob iyon. Puro nakaitim na lalaki ang nakatayo sa harapan ng pintuan. Hindi rin naman ito iyong kasama ni Jacob na bodyguard noon. Nagsimula na akong kabahan dahil hindi siya pamilyar sa akin. "S-Sino po kayo?" kinakabahan kong tanong. Hindi sumagot ang lalaki at tumingin na lang siya sa likod niya. Nagulat ako nang nakita ang isang mamahalin na itim na kotse at ngayon ko lang napansin. Nagtataka na akong tumingin sa lalaking nasa harapan ko. Magtatanong pa sana ako kung sino siya pero bigla nang bumukas ang pinto ng kotse at may lumabas na isang babae. Tinitigan ko siyang mabuti at mas lalo akong kinabahan nang nakilala siya. Ang Mama ni Jacob! Taas noo siyang naglakad palapit sa amin... o sa akin. Napalunok na ako sa sobrang kaba habang unti-unti na siyang nakalapit. Huminto siya sa harapan ko at tinanggal ang kaniyang shades, maarte rin niyang inayos ang mamahaling bag na nakasabit sa braso niya. Gusto ko nang umatras at pagsaraduhan sila ng pinto dahil sa takot. Natatakot na akong maulit iyong nangyari sa amin ng anak ko. Sarkastiko siyang ngumisi sa akin. "'Wag kang mag-alala, hija, hindi naman kita sasaktan..."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
good very lovely
02/12/2024
0Yuo
02/10/2024
0thanks
08/08/2024
0Tingnan Lahat