Homepage/SLEEPING ADONIS/
Chapter 60
DALAWANG araw na ang lumipas at hindi pa rin natagpuan ng mga rescuers si Safhire. Athrun stayed, without ever leaving the area to personally manned the rescue operation for his fiancee. Aside from his well-trained divers, his brothers from the organization, another additional batch of professional divers from the capital came to help.
Kung may isang mahalagang bagay man na naituro ang mga nakaraang banta sa buhay ni Safhire iyon ay ang huwag bumitaw. Dalawang beses na nitong tinawid ang buhay at kamatayan. Hindi ito sumuko at hindi nagpatalo dahil alam ng dalaga na maghihintay siya. Tiwala siyang hindi na ito muling papayag na pagdadaanan niya ang lungkot sa nakalipas na mga taon.
"Kumain ka na?" tanong ni Vhendice na papalapit sa kanya habang hinuhubad ang scuba. Kaaahon lang nito sa tubig.
Gusto rin sana niyang sumisid pero ayaw pumayag ng mga kapatid. Ipaubaya na lang daw sa mga ito ang paghahanap. Hindi lang siya mag-isang patuloy na kumakapit sa pag-asang ligtas si Safhire. Vhendice, Vladimir, Alexial and the rest of his hunters, Rayven, Leih and Makki were there at the bottom of the sea all day and even pulling the whole night. Sinusuyod ang kailaliman ng dagat.
"I had a quick meal a while ago. Ikaw? Kumain ka muna." Tinapik niya sa balikat ang kapatid.
Tumango ang lalaki. "Pinuntahan ko ang tunnel sa ilalim. It's hard to get through with the bricks blocking its entrance. Malaki ang posibilidad na pumasok doon si Safhire para iwasan ang bumagsak na mga bato." Balita nitong tinuturo ang eksaktong lokasyon sa radar na bitbit nito.
"Pumapasok doon ang tubig kapag high tide. Mahaba ang tunnel. Hindi kakayanin ni Saf na tumawid doon, mauubusan siya ng hangin bago pa makarating sa dulo." Sumulyap lamang siya sa radar at umiling. The tunnel was there for security purposes. Tatagos iyon hanggang sa watch tower, libong milya ang layo mula sa kinaroroonan nila.
"But it was low tide when the lighthouse collapsed." Apila ni Vhendice.
"Aabutan pa rin siya ng pag-angat ng tubig dahil sa layo." Agap niya. Tiningala niya ang langit. Mukhang uulan pa yata. Kumakapal nang husto ang ulap sa gawing iyon at unti-unti nang kumakalat ang dilim na hatid ng nagbabantang panahon. Isinuot niya ang hood ng kanyang coat at sinipat ang oras sa kanyang relos.
"Si Gab," ani Vhendice.
Agad siyang napatingin sa direksiyong tinuturo ng mga mata nito. Gabrylle is approaching along with Ramses and Raxiine.
"What are you doing here? Bilin ko sa inyo na magpahinga, di ba?" He confronted the two who suffered few injuries from the incident.
Balot ng benda ang buong kanang braso ni Ramses patungo sa balikat. Sa ulo naman ang sugat ni Raxiine at iilang galos sa leeg.
"Ang titigas ng mga ulo. Baka mabugbog ko lang." Angal ni Gabrylle. Sinipat ng tingin ang dalawang kasama.
"Ayos lang kami," sagot ni Ramses na nakabusangot.
"Kumusta na? Wala pa bang development?" tanong ni Raxiine.
Umiling siya. Muling tinanaw ang dagat sa ibaba.
"Kasalanan ko. Kung hindi ko siya binitawan-"
"Shut up, Rax. No one's at fault." He interrupted. "Alam niyang ikapapahamak ninyong pareho kung hindi siya bibitaw sa iyo. Safhire is tough and smart. A coward and underhanded tactic like this isn't going to destroy her. Let's just have to trust her and wait."
"Chairman, I think you need to pay a visit to the Avilas once more. Some of their loyal supporters are initiating a revolt against the court. Nag-file ng petition to bail ang pamilya ni Alejandro. But the regional trial court is in hiatus for the deliberation. Hindi sila makapaghintay." Gabrylle reported.
"Sasamahan kita." Salo ni Vhendice. "Hindi ka pupuntang mag-isa roon."
Tumango siya. Ayaw pa rin tumigil ng angkan. Kahit naipasok na niya sa kulungan sina Alejandro at ang lima pang miyembro ng elders. What is that petition to bail? He won't allow it. Those people would never set their foot on his territory again. Mabubulok ang mga iyon sa kulungan, titiyakin niya.
"Gab, ikaw na muna ang bahala rito. Babalik din ako agad." Pinisil niya ang balikat ni Gabrylle at kapwa hinaplos sa ulo sina Ramses at Raxiine.
"Mag-iingat kayo. Vhens, protect him. Athrun, no more reckless move. May naka-pwesto na roon sa lugar para umalalay sa iyo kungsakali magkagipitan. Inalerto ko na rin ang team ni Victor at ang army." Paalala ni Gabrylle.
He nodded and laughed even with that sinister situation. He felt having a young father all of a sudden. Kaya siguro hindi nagkakaroon ng girlfriend itong si Gabrylle kahit naglaladlad na ng sarili ang mga babae sa harap nito dahil wala itong ibang makita kundi siya. Walang ibang maisip kundi kaligtasan niya.
"Sabay kaming babalik ni Safhire." He raised a thumb to seal a promise.
Tumango ang tatlo at sabay-sabay na sumaludo sa kanya. Vhendice volunteered to maneuver the helicopter that would take them to the Avila estate. Nasa himpapawid pa lang sila ay bumuhos na ang ulan na kanina pa nanunukso sa kalikasan sa ibaba.
Tanaw niya mula sa itaas ang nagkalat na mga camping tents sa labas ng ancestral mansion ng mga Avila. The loyalists of the clan, showing supports. It could be distant relatives and close friends. Mga katiwala sa sakahan at mga trabahador at pamilya.
Lumapag sila sa malawak na air strip at naagaw ang atensiyon ng karamihan. Nagpulasan palabas ng shelters ang mga tao at inabangan ang pagbaba niya. He grimaced seeing the banners scattered around the area. It says justice and freedom for Alejandro and the other five members of the clan elders.
Walang nagtangkang pumigil at humarang sa kanila. Kahit alam niyang naghihimagsik ang karamihan pero hindi siya nakarinig ng basurang mga salita at reklamo. Takot ang nababasa niya sa bawat anyong nadadaanan ng kanyang paningin. Kalmadong naglakad sila ni Vhendice patungo sa main gate ng mansion na agad binuksan ng gwardiya.
"Magandang araw po, chairman." Bati nitong yumuko.
Tumango siya at tinapik ito sa braso. Mukhang may pagtatalo rin sa pagitan ng angkan nang pumasok sila. Agad iyon natigil matapos siyang tumikhim mula sa may pintuan.
"Chairman," tumayo ang asawa ni Alejandro, si Leonora. Umahon din sa upuan ang tatlong anak nitong lalaki.
"Am I intruding? News came to me a while ago that your people are forming a rally outside the hall of justice in Edena, banging the personnel. I am warning you, stop putting my patience to a test. You wouldn't like it when it snapped."
"Walang nag-utos sa kanila. Like us, they're just seeking true justice. Walang kasalanan sina Alejandro at ang iba!" matapang na sagot ni Leonora.
True justice their ass. Tumuloy siya sa pagpasok. "Why don't you people sit back and save a face? Hayaan natin ang hukuman na humusga kung may kasalanan sila o wala." Sinuyod niya ng tingin lahat ng naroon. All are Alejandro's faithful followers from the clan.
"Hindi iyan mangyayari kung ang batas sa bansang ito ay hawak mo, chairman. Hindi makakamit ng mga taong kakalaban sa iyo ang tunay na hustisya kahit na sila'y walang kasalanan."
"Kung hawak ko ang batas, matagal ko na dapat silang hinatulan. Sapat lang ang panahong ibinigay ko sa kanila para pumili ng tamang landas at pag-aralan ang kanilang mga desisyon. Nagkasala sila, hindi lang sa akin, maging sa inyong angkan at sa maraming tao."
"Wala kayong ebidensya!"
"Ebidensya ba ang kailangan ninyo? Ako ang magbibigay!" Umalingawngaw mula sa kabilang pinto ang malakas na boses ni Safhire.
His breathing crashed. Para siyang sinipa ng kabayo sa dibdib. She's safe! His Shannon is alright. Back at one piece. Ngayon lang niya nadama ang tunay na halaga ng gantimpala sa kanyang pagtitiwala rito. She never fail him.
Buong pagmamahal na hinagod niya ito ng malagkit na titig. May benda ito sa braso, sa ulo at ilang galos sa pisngi na papatuyo na. Pero lalo itong gumanda sa paningin niya. Walang kasing-ganda. Sumulyap ito sa kanya at pumungay ang mga mata kasabay ng matamis na ngiti.
His ecstatic heart dropped. Gusto na niya itong dakmain at durugin ng yakap pero hindi niya maigalaw ang mga paang mistulang ipinako sa sahig. He tilted his head for the rush of admiration pulling him hopelessly and smiled back. Nilinga niya si Vhendice na umakbay sa kanya at kumindat.
Muling bumaling sa angkan si Safhire na nakatunganga rito. "Gusto ninyo ng ebidensiya?" Sumenyas ito at tumabi. Lumitaw buhat sa likod nito si Rajive bitbit ang dalawang lalaking naka-posas at halos putok na ang mga mukha sa bugbog. "These are the men who tried to kill me. They admitted that Alejandro hired them for that purpose. May mga kasama pa sila, nasa custody ngayon ng PBI. I will charge them a frustrated murder and of course murder for my daddy. I have all the evidence needed and the testimony from witnesses. Ngayon, kung igigiit ninyo na walang kasalanan ang mga taong ito, kayong bahala. Pero humanda kayo sa laban na ibibigay ko bilang inyong bagong lider." Itinaas ng dalaga ang daliri kungsaan naroon ang legacy ring ng clan.
He heard gasping for air and oxygen. Napangisi siya. Now, she's done it. Holy cow, this woman never ceased to amaze him. Stood there before them, injured, but talking valiantly. The beauty of her strength is captivating. Parang kandilang nakatulos sa gitna ng mabangis na bagyo at hindi masupil ang liwanag.
"Paano namin matitiyak na hindi ito gawa-gawa lamang para siraan sina Alejandro-"
"Hindi ako katulad ninyo. Huwag kang magmalinis, Leonora." Matatag nitong hinarap ang tiyahin. "Saksi ako sa lahat ng pagmamaltratong ginawa mo sa aking ina noong siya'y nabubuhay pa. Pati iyon ay pwede kong hingan ng kabayaran kung gugustuhin ko. Your husband is a monster. He killed my dad, he poisoned the late Chairman Zedrick and now he wants to kill me."
Umingay ang paligid sukat sa pahayag na iyon ni Safhire. Biglang natuon ang atensiyon ng lahat sa pamilya ni Alejandro. Leonora is denying, asking everyone's consideration and sympathy. Humalukipkip siya at senenyasan si Vhendice.
Isang warning shot sa itaas ang muling nagpatahimik sa lahat. Tinanguan niya si Safhire para muling magpatuloy. He knew she's not yet through with her ambush privilege address.
"Grandpa gave this ring to me and now I know why. He wanted me to lead this clan. He wanted freedom for us from the dictatorship of the few members he failed to control before. I may be a woman and you might think I don't have the shot and the ability of a leader, I am weak and vulnerable but against you and the rest of the family, I will never concede. I don't have to brag what I have at the moment. Everyone can see it crystal clear. I have the chairman, the man I love, at my back. Sinong katatakutan ko?" Tumingin sa kanya ang dalaga. Tumango siya para kompirmahin ang sinabi nito. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Follow me as your head or choose to be my enemy. You decide." A very daring challenge for her clan, concluding her speech.
SAFHIRE pulled a deep breath after delivering her note, addressing her clan. Hindi lahat ng miyembro ng kanyang angkan ang naroon, halos kalahati lang yata. Iyong patuloy na naniniwala sa mga ipinaglalaban ni Alejandro. Muli niyang nilibot sa mga ito ang paningin. Some are quiet. Tila naninimbang sa choices na binigay niya. Others are talking in whispers pero nauulinigan pa rin niya. May halong pagsisisi at pagkabahala.
Kung sinong lalapit sa kanya ay tatanggapin niya ng maluwag at buong puso. Patatawarin at bibigyan ng pangalawang pagkakataon para makapagsimulang muli. Ang pipiling siya'y kalabanin, hindi niya aatrasan. Ngayong siya na ang uupong head ng kanilang clan, titiyakin niyang tutuwid muli ang mga baluktot na miyembro.
Kinuyom niya ang mga kamaong pinagpapawisan at muling tumingin kay Athrun na nakatitig sa kanya nang may pagsuyo. Gusto na niyang tumakbo papunta sa binata at magpakulong sa mga bisig nito para maramdaman niya ang kapayapaan at kaligtasan na roon lamang niya nadarama.
"Kunin niyo na ang mga ito." Rajive gestured the police standing nearby and turned over the suspects. "Are you okay?" Baling nito sa kanya. Hinawakan siya sa siko.
Tumango siya. "My knees are shaking. Kapag sinubukan kong humakbang, baka matumba lang ako."
Bumaba ang tingin nito sa kanyang mga tuhod. "Sorry, I can't carry you. Athrun is watching. Magseselos iyan." Napangiwi ito na ikinatawa niya.
"Hindi ko naman sinabing kargahin mo ako," aniyang kinagat ang labi.
Papalapit sa kanila sina Athrun at Vhendice. Agad siyang hinapit ng binata at niyakap ng mahigpit. Pinalaya niya ang kanina pa tinimping mga luha.
"Thank you for waiting and for not doing anything dangerous." Sumubsob siya sa malapad at matigas nitong dibdib.
"You told me to wait. I had no other choice than to comply. I'm a good boy, right?" natatawang sagot nitong hinahaplos ang kanyang buhok.
Napakislot siya. "Do you think it's settled?" She inquired.
"Yes, baby. You're doing a great job. Congratulations." Hinagkan nito ang ulo niya, ang kanyang noo at ang kanyang mga labi.
"What if-"
"Shhh, let them think it over and decide. You've given them a pretty decent offer they cannot afford to get wasted. Trust me. The Avila will acknowledge your leadership." He re-assured.
Ngumiti siya. Ang salitang iyon ang kailangan niya para lubusang mapanatag at ibaba na ang kanyang bandera para sa laban na iyon. Victor came and take over the situation with Athrun's order to maintain maximum tolerance if possible. Tumawag din ang binata kay Gabrylle at pinatigil na ang rescue operation.
Habang pauwi ay nagkwento siya kung anong nangyari noong araw na pinasabog ang lighthouse.
"Nakita ko iyong tunnel kaya pumasok ako roon pero nasundan ako ng mga tao ni Alejandro at hinabol nila ako. Mababa pa iyong tubig kaya hindi ako nahihirapan noong una pero nang magsimula ng umangat, doon na ako napagod. Nauubusan na rin ako ng oxygen. Buti na lang sinalubong ako ni Rajive. Pero hindi na rin ako umabot hanggang sa lagusan. I collapsed."
Inabot ni Athrun ang ulo ni Rajive at ginulo ang buhok nito. "Thank you, Raj. I owe you."
"Tama na nga. Nahihiya na ako." Angal ni Rajive na namumula ang mukha.
"Really? Nahihiya ka? Kailan ka pa tinubuan ng ganoon?" Tudyo ni Vhendice.
Nagkatawanan sila.
"Paano mo nalaman na nandoon si Safhire?" tanong ni Athrun.
"I didn't. I was just guessing so I call for back up and the medics. Tama lang din naman iyong pagpasok namin, hindi pa gaanong malakas ang agos ng tubig."
"Nice one," tinapik ito ni Athrun sa pisngi.
"Yeah, good job, Raj." Vhendice also commended.
Ngumiti siya kay Rajive at hinigpitan ang yakap kay Athrun. Isiniksik ang mukha niya sa leeg nito. She enjoyed the comfort of his warmth and his masculine scent until she dozed off, dreaming of him.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (109)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Thank you for sharing this story... Sana magawan din ng kwento ang lahat ng member ng Nephilims... Good luck sa mga susunod na story mo... Abangan ko ung iba mo pang gawa... Ganda!!! Galing ng twist👏👏👏👏👏... Goodluck!!! Gawa lang gawa gang mapansin ka ng publisher at mapublish books mo...
07/01/2022
05⭐ . ang ganda ng kwento andaming pasabog..☺️ bawat chapter nakaka excite .
21/12/2021
0what's your next story author? I want to know, super duper interesting Ng story mo tapos Hindi ko maimagine Yung lawak Ng kasulok sulokan Ng imagination mo para mabuo Yung story NATO 😳 Ang masasabi ko lang ,so amazing 😍 Keep it up❤️
07/12/2021
1Tingnan Lahat