Chapter2

HEAVEN'S POV
Napatingin si Tito sa isa pang larawan na di niya nabanggit kanina.
Larawan ng isang lalaki na naka eyeglass at may bitbit na mga aklat.Bahagya pa itong nakayuko sa larawan na animo'y nahihiya.
Guwapo naman ang isang yan kahit na may pagka - nerd.
"Ah,this one is Simon Brett Mendoza. Siya daw ang pinakamatalino sa school nila. Well, anak lang naman siya ng pulis na humawak sa kaso ni Natazia. I'm sure may alam rin yan." Ibinalik na niya sa envelope ang mga litrato at ibinigay sa akin.
"Nasaan po ang good news dito Tito?" Muntik ko ng makalimutan ang good news na sinabi niya kanina.
He smiled awkwardly. That kind of smile that will make you tremble from within.
"That will be your last mission."
Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. Hindi ako nakakilos o nakapagsalita man lang.
"Did I hear it right?" Baka naman nagkamali lang ang pandinig ko.
"Yan, ay kung magtagumpay ka," dugtong niya."Kaya dapat galingan mo Heaven dahil diyan nakasalalay ang kinabukasan mo. Puwede ka ng mamuhay ng normal pag natapos at nagtagumpay ka sa misyon mong yan."
Napatitig ako sa kanya pero bakit iba ang nababasa kong emosyon sa mga mata niya. Bakit parang hindi siya natutuwa? Bakit parang may galit at hinanakit siya?
'Heaven, siya ang nagpalaki sa iyo.'
"Boss, delikado si Heaven sa bago niyang misyon," si Austin na lumapit pa sa amin at kinuha mula sa akin ang envelope na naglalaman ng mga litrato.
Napatingin naman ako sa kanya. Tiningnan niya isa-isa ang mga ito.
"Paano naging delikado? Sa lahat ng misyon niya ay yan ang pinkamadali," tugon ni Tito na pinaikot- ikot pa ang swivel chair niya.
Napatingin si Austin sa gawi ko."Delikado ang puso niya. Baka mahulog ang loob niya sa mga target niya. Mga ka-edad lang niya halos ang mga ito at mga may hitsura silang lahat."
Nang tingnan ko si Austin ay nakangisi lang siya pagkasabi noon.
"Heaven, same rules are applied in this mission. Hindi nila puwedeng malaman ang koneksiyon mo sa akin. Hindi nila puwedeng malaman ang totoo mong pakay. Ang panghuli naalala mo pa ba?"
Hindi puwedeng umibig o ma-attach emotionally sa sinumang target. Tumango ako. Paano ko ba makakalimutan ang mga yon kulang na lang ay i-ukit niya yon sa aking katawan.
"Umaasa akong gagawin mo pa rin ang nararapat. Isipin mo ang gantimpalang naghihintay sayo pag natapos mo yan. Si Austin ang tatayong guardian mo sa school. Kapag kailangan mo ng guardian, sabihin mo siya ang pinsan mo na nagpaaral sayo."
"Sige po."maikli kong tugon.
Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi sumang-ayon na lang.
"Bibili ako ng bagong sasakyan na gagamitin mo. Di na puwede yong dati at mainit na yon sa mga mata ng mga kalaban.Ipapahatid ko na lang kay Austin sa condo mo pagkabili ko bukas."
"Tito, ano pong personalidad ang gagamitin ko dito?" Sanay na akong magpapalit- palit ng pagkatao para lang makibagay sa buhay ng mga target.
"This time, I want you to be yourself. Hindi mo kailangang i-peke ang pagkatao mo doon. Mga estudyante lang naman ang makakaharap mo as long as you follow the rules. Show them who you really are!"
Ano nga ba ang tunay na ako? Masyado akong nasanay na mag-iba ng katauhan na nakalimutan ko na ang sarili kong pagkatao.
Dapat maging masaya ako kasi hindi ko kailangang magkunwari na matapang, malakas, maangas, masaya o kung ano pa man. I can be myself even when I'm still on mission.
Pero nakakapanibago lang na magpakatotoo? Am I fake? pati pagkatao ko di ko alam ang totoo.
"Nagsisimula na ang klase sa AU, Heaven. Sinadya kong ipa-late ang pagpasok mo ng ilang araw para mas makakuha ka ng atensiyon doon. Dont worry tutulungan ka ni Austin na mag enroll." Tumango lang ako. Nakita kong napatitig siya sa akin. "Wala ka man lang bang sasabihin?".
"Good luck to me."
Napangisi naman siya sa sinabi ko. "Naughty girl."
"Can I already leave, Tito? Gusto ko na sanang magpahinga."
"Of course kailangan mong i- kondisyon ang katawan at isip mo for your new mission. Ihatid mo sa gate si Heaven," baling niya kay Austin
Tumayo na ako at sumunod naman si Austin sa akin.
"Hindi ka ba masaya at huling misyon mo na raw yan?"tanong niya habang naglalakad kami.
I just shrugged my shoulders." As if naman matatapos ko agad yan. Hindi ba puwedeng ibigay na lang niya agad ng walang anumang kapalit?"
"Sabagay. Pero since hindi naman masyadong delikado ang misyon mo ngayon. Baka puwedeng isabay mo na ang paghahanap mo sa iyong tunay na pamilya."
Hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa kung saan naka park ang sasakyan ko. Sumandal pa muna ako sa harapan nito. Tumabi naman si Austin sa akin.
"Gusto pa kaya nila akong makita? Kasi kung ginusto nila imposible namang di nila ako nahanap talaga sa tagal ng panahon." seryoso kong sagot.
Nakaramdam ako ng lungkot. Paano nga ba ako nawalay sa kanila? Hinanap ba nila ako noon? Hinahanap pa kaya nila ako hanggang ngayon? Ano kayang itsura nila?
Mga tanong na hindi ko pa nasasagot hanggang ngayon.
Inakbayan niya ako at inalo." Hindi naman talaga natin alam ang tunay na nangyari noon. Baka naman may rason kung bakit ka nila iniwan sa simbahan."
"Sige, susubukan ko kuya. Ouch!." Hinampas niya ako ng mahina sa balikat at ginulo ang buhok ko.
"Huwag mo nga akong matawag- tawag na kuya."
"Bakit ba kasi? Wala naman akong kapatid. Tsaka ikaw daw ang guardian ko kaya kuya talaga itatawag ko sa'yo," sabi kong inihilig pa ang ulo ko sa balikat niya.
"Gusto ko casual lang. Haha! Sumunod ka na lang sa gusto ko."
"Sige, kuya. Ay sorry po!hehehe!" Napatingin siya sa akin
"Paano yan,aalis na ako. Pakihatid na lang ang aking new car tomorrow. Pakibili na din ako ng mga school supplies at grocery na din."
Ngumiti si Kuya sa akin, este si Austin. "Masusunod kamahalan."
At sabay kaming natawa."Hahaha!"
"Huwag kang masyadong tumawa at ngumiti doon sa school ninyo. Baka naman ma in-love sayo ang mga target mo niyan."
"Eh di mas mabuti kasi mas mapadali ko ang pagkalap ng impormasyon."
"Ano? Bawal yan ah! .Sige na umuwi ka na at magpahinga. Mag-iingat ka palagi."
"Salamat kuya...." Dali-dali kong binuksan ang pinto ng kotse ko at pinaandar yon.
"Heaven!!!" sigaw niya..
Natatanaw ko pa si Austin na kakamot-kamot sa batok niya. Talo na naman siya.
*Martes*
Maaga akong gumising para sa unang araw ng klase ko. Hindi ako nakapasok noong Lunes kasi ini-enroll pa ako ni Austin.
Basi sa schedule na binigay niya ay alas-8 ang una kong klase sa unang subject.
Inihanda ko na ang mga gamit ko. Ang aking mga notebooks at ang aking ballpen na dala-dala ko kahit saan. My mini spy-ballpen na mayroong hidden camera at video recorder.
Of course ang aking headset recorder na automatic na nagrerecord ng calls. But they look like ordinary kaya walang mag-aakala na kakaiba ang mga ito.
Bago ako umalis ay pinasadahan ko pa ng tingin ang mga litratong hawak ko. Kailangan kong memoryahin ang kanilang mga mukha. Hindi ko puwedeng dalhin ang mga pictures nila at baka magkabukuhan.
Medyo mahirap ito kasi marami sila at di ko pa sila kabisado.But I've memorized their names already.
Sorry boys! Napag-utusan lang. Hindi ko naman kayo sasaktan.
Tinago ko sa pinakailalim na drawer ang mga pictures nila at ni-lock yon. I was about to leave nang nag-ring ang cellphone ko.
"Tito." Napaupo ako para i- tie ang shoe lace ko.
"Heaven. Handa ka na ba?"tanong niya sa kabilang linya.
"Papasok na po ako ngayon. 8 am ang first class ko."
"Sige. Mag-iingat ka. Pag may problema ka tawagan mo lang si Austin. Mag report ka pagka-uwi mo."
"Sige po."pinatay ko na ang linya pagkatapos naming mag-usap.
*SCHOOL*
Medyo napaaga yata ang dating ko.Its just past 7 am. Naisipan ko munang tumambay sa labas ng school.
Pinagmasdan ko ang mga estudyanteng nagsisipasukan na sa school. I wish my life is as simple as an ordinary student. Babangon sa umaga para mag-aral. Makakuha ng mataas na marka na ipagmamalaki ng mga magulang.
But here I am for a certain purpose. A purpose that is so different from the others.
Napatingin ulit ako sa mga estudyante. Mayroong nagmamadali at mayroon din namang chill lang.
May naka-uniform mayroon namang hindi.
Tiningnan ko ulit ang prospectus ko. Saan kaya ang building na to.?
Naisipan kong pumasok na lang kasi di ko pa pala alam kung nasaan ang College of Arts and Sciences na ito. Baka abutin ako ng tanghalian kakaikot sa napakalaking buiding ng school.
Papunta na ako sa gate para magtanong sana sa guard ng napako ang atensiyon ko sa isang batang babae na bumaba ng kotse. Kasabay niyang bumaba ang isang ginang na nasa mga mid 40's na siguro ang edad. Humalik sa pisngi ng ginang ang bata at pagkatapos ay bumalik na ito sa sasakyan.
Napangiti ako ng mapait. Ano kayang feeling ng ihatid ng mommy o daddy mo sa pagpasok sa school.? Pinagmasdan ko ang batang babae na papalapit sa akin.
Ang cute cute niya! Ang dami niyang dala. May backpack siya at may lunch bag pa. Ano kaya ang pakiramdam ng may ganito ka cute na little sister?
Tinapunan niya ako ng tingin. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.
"Ohm, Can I help you carry your things?.They look heavy."
Tumango siya kaya naman kinuha ko ang bag sa balikat niya. Napangiwi ako dahil may kabigatan ito.
"Sorry its quite heavy, ate."
Lumundag yata ang puso ko. Tinawag niya akong ate at napakasarap sa pandinig ang mga katagang yon para sa isang tulad kong walang matinong pamilya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Narinig ko pang binati kami ng guard pagdaan namin sa main gate.
"Its ok, kayang- kaya ko. Anong grade ka na?"
"Im in Grade 2 already and our building is there." Itinuro niya sa building na nasa katapat pa namin.
Medyo malayo pa sa kung saan kami nakatayo.
"I'll drop you in your classroom then."
"Is that okay po? Baka ma-late ka sa class niyo po."
Never mind I'm not here to get good grades.
"Yong naghatid sayo, mommy mo ba yon?"
"Yes, she's my mom. Are you a college student ate?"
Tumango ako. "Yes, I'm a freshman and its my first day today."
Napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa akin.
"Bakit ngayon lang po kayo pumasok?"
Ngumiti ako. "May pinuntahan pa kasi ako."
"Anyway, my kuya is also in college. But he is in his third year already."
Buti ka pa baby, my mommy na may kuya pa.
"If you have any problems ate,just find me here. I can let my kuya help you."
"Okay, tatandaan ko yan ha."
Ngumiti siya sa akin. "We're here."
Saka ko napagtanto na nasa labas na kami ng classroom nila. Ang daming mga batang ka edad niya siguro. Natural grade schoolers alangan namang ka edad ko.
"Thank you so much, ate Pretty. Oh! I forgot to introduce my name. Im Gia Avery Alfanta.Bye ate! thank you". Nag flying kiss pa siya sa akin bago pumasok ng tuluyan sa room nila.
Paalis na ako nang may maalala. Alfanta? Baka anak din siya ng may-ari ng school na to.?
Back to reality. And now where exactly am I? Baka ma late nga ako sa klase ko.
My first subject is 'Introduction to Political Science" Unang araw pa lang mukhang pahirapan na.
Napakalaki naman ng paaralan na ito. Di ko tuloy alam kung saan ang classroom ko. Naglakad pa ako ng may makita akong isang babae na ka edad ko siguro..
"Excuse me."
Nakangiti siyang napalingon sa akin. Oh! fashionista at kikay.I love the way she dressed and carried herself.
"Yes!"
"Saan po ba ang CAS buiding Room 101?"sabi kong tiningnan pa ang aking prospectus.

Komento sa Aklat (337)

  • avatar
    FuligaWanna

    ❤️❤️

    26d

      0
  • avatar
    IgagamaoMae

    ang gandaaaa, may S2 naba?

    04/05

      0
  • avatar
    Rezwel Poleta

    mabuti ang kalooban snniya na makatulong

    30/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata