Chapter 52

SAFARA'S POV
Gulat ang lahat ng makita siya. Kahit si Ate Michelle na kakapasok lang ng kwarto.
"M-Michael.." Mahina pero gulat na usal ni Ate Michelle. Hinawakan pa niya siya sa pisngi. "Oh my god, Michael!"
Hinawakan naman ng kakambal niyang masungit ang kamay ni Ate Michelle.
"I'm fine. How's Caesar?" Hinihingal pa rin niyang tanong.
"M-M-Michael," lumapit ang mga magulang niya sa kaniya pero umiwas lang siya. 
Nahagip ng mata niya si Dorothy na umiiyak.
"Hey," nakangiti niyang tawag sa kapatid niya. "Come here." Agad naman siyang niyakap ng mahigpit ni Dorothy. "Hush, stop crying. I miss you more."
Walang tigil sa pag iyak ang pamilya niya pero ang mata niya ay na-kay Caesar lang. Tumakbo ata siya ng napakalayo papunta rito. Malayo ang hospital na 'to mula sa bahay niya. Siguro sa sobrang pag aalala niya, tumakbo na lang siya.
"M-Michael---."
"How is he?"
"Bi-Bigla na lang siyang bumagsak habang nagsasalita siya." Nakayuko kong sagot. "Sabi daw ng Doctor kailangan na daw niyang ma-operahan. Hinihintay na lang siyang magising para makapaghanda ang katawan niya."
"He's going to be fine, right?" Tanong ni Dorothy habang nakayakap pa rin sa Kuya niya. "Hindi siya pwedeng mawala. Hindi ko siya pinayagan!"
"He's gonna be fine. Don't worry, hindi ko rin siya pinayagan."
Humiwalay ng yakap si Dorothy dahil lumapit si Ate Michelle.
"How are you---?" Bigla na lang siyang binatukan ng kakambal niya. "Hey! What's that for?!"
"Shut up! Caesar's sleeping!"
"Why are you hitting my head? What is your problem?"
"You are my problem! Where have you been? Ha?!" Shut up daw pero siya na ang sumisigaw ngayon. "We'll talk later!"
"Psh. You didn't change. You're still annoying."
"I'm not!"
"Michael, please let's talk." Pakiusap ng Mommy niya. "I miss you. Where have you been? Ang tagal ka naming hinanap!"
"I don't want to talk to you." Hinarap niya si Dorothy. "Give me your phone." Agad namang binigay sa kaniya ni Dorothy ang hiningi niya. "Text when Caesar is already wake up." Hinalikan niya ang ulo ng kapatid niya. "I need to go. Bye."
"Where are you going?" Malungkot na tanong ni Ate Michelle.
"Somewhere."
"Can I go with you?" 
"No. Stay here with Caesar. I'm gonna come back, don't worry. I need to go. Bye." 
"Michael.." Nilagpasan lang niya ang mga magulang niya at lumabas ng kwarto. Hindi pa sumasara ang pinto ay lumabas na rin ang mga magulang niya para sundan siya.
Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama ni Caesar. Anong oras kaya siya magising? Sana magising na siya. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko no'ng mawalan siya ng malay. Akala ko 'yon na ang huli e! Kasi naman bigla biglang tutumba! 
"I can't believe he's alive!"
"I miss Kuya." Umupo si Dorothy sa sofa. "Babalik siya 'di ba?"
"Yeah. Kung anong sinabi niya, gagawin niya." 
Nag paalam sina Juan na aalis muna para iuwi ang mga gamit namin. Magpapalit lang rin daw muna sila ng damit. Hindi ko alam kung nakausap na ba ng Mommy ni Caesar si Dean. Sa ngayon ayaw ko munang umalis sa tabi ni Caesar. Gusto ko na nasa tabi niya 'ko pag gising niya.
Lumabas muna sina Ate Michelle at Doorthy para bumili ng pagkain. Ang mga magulang nila ay hindi pa rin bumabalik. Siguro ay kasama na nila si Kuya sungit.
Hawak hawak ko ang kamay ni Caesar. Malamig, siguro dahil malamig dito sa kwarto.
Sana mag tagumpay ang operasyon niya. Sana kayanin ng katawan niya.
Napatingin ako sa singsing na suot ko. Ito ang unang beses na nakatanggap ako ng singsing galing sa iba. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag may nagbibigay sa 'yo kahit hindi mo hinihingi 'no?
Nakabalik na sina Ate Michelle kasabay nina Juan pero hindi pa rin gising si Caesar.
"Safara, damit mo, o." Inabot sa 'kin ni Kristoff ang isang paper bag. "Magpalit ka na muna pagkatapos kumain ka na. Hindi naman mawawala 'yang si Caesar."
Nasa loob naman ng kwarto ang banyo. Nagpalit ako ng damit, nagmamadali. Baka kasi bigla na lang gumising si Caesar.
Pagkatapos kong magpalit ay bumalik na 'ko sa pwesto ko kanina. Inabutan naman ako ni Dorothy ng pagkain.
"Nasaan na ba sina Mommy?" Tanong ni Ate Michelle. May tinatawagan siya sa cellphone niya pero inis rin niyang binaba dahil walang sumasagot. "Bakit walang sumasagot?"
"Maybe they're with Kuya? Or maybe kumukuha sila ng gamit sa house?" Patanong na sagot ni Dorothy. "They're gonna back, don't worry."
Kumakain ako habang nakatitig lang kay Caesar. Anong oras ba kasi siyang gigising?! Gigising naman siya 'di ba?!
***
Gabi na at nakaidlip na 'ko pero hindi pa rin gumigising si Caesar. Bumalik na rin ang magulang nila Dorothy para kamustahin kami. Hindi nga 'ko umaalis sa pwesto ko.
Alas siete na ng gabi. Nakapag-hapunan na kami. Tulog na si Ate Michelle at Dorothy sa sofa. Habang ako at ang Mommy ni Caesar ay gising pa. Sina Kale ay umuwi na, babalik na lang daw sila bukas.
"You should go home now, Safara. Ipapahatid na kita sa driver." Usal niya.
"Hihintayin ko pong magising si Caesar. Na-text ko naman na po sina Kuya at Mama na hindi po ako makakauwi." Nakangiti kong sagot.
"Are you sure? You look tired."
"Ganito lang ho talaga palagi ang itsura ko." Natatawa kong sagot. Lagi rin akong sinasabihan ni Kuya na mukhang adik dahil sa itsura ko. Ang ganda ganda ko tapos sasabihan lang niya 'ko ng mukhang adik? Sakit niya sa atay, a!
***
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa ingay. Ang lalakas ng mga boses nila!
"SAFARA! SAFARA!" Malakas na boses ni Lyn ang tuluyang gumising sa 'kin. Niyuyugyog rin niya kasi ako.
"Aray! Gising na 'ko!" Patuloy pa rin kasi siya sa pagyugyog sa 'kin. Nakakahilo!
"Hey," gulat akong napalingon sa boses na 'yon. Nanlaki ang mata ko ng makita siyang gising na. Nakangiti pa!
"C-Caesar!" Mahigpit ko siyang niyakap. "Bakit ngayon ka lang gumising?!" Sigaw ko. Niyakap niya 'ko pabalik.
"I'm sorry," natatawa niyang sagot.
Humiwalay ako ng yakap sa kaniya.
"Gutom ka ba? Gusto mo bang kumain?"
"I ate na, okay? Pinakain na 'ko ni Mommy. Ikaw ang kumain na. Tulo pa laway mo habang natutulog." Agad ko namang hinawakan ang gilid ng bibig ko.
"Hindi naman! Ang ganda ganda ko kaya matulog!" Reklamo ko pero tawa lang ang sinagot niya. "Anong oras ka ba nagising?"
"6 am?" Patanong na sagot niya.
"Bakit ngayon niyo lang ako ginising?"
"You sleep like a dog so I didn't bother to wake you up. Gusto lang talaga ni Lyn na gisingin ka."
Like a dog? Mukha ba 'kong aso kung matulog? Ang sakit sa atay ha!
"Here, eat it." Inabutan ako ni Dorothy ng tinapay at kape.
Bumalik na kaya si Kuya sungit? Nakita na kaya niya Kuya niya? 
Napatingin kaming lahat sa pinto ng may kumatok at nagbukas no'n.
"Hey," nanlalaki ang mata ni Caesar habang nakatingin sa Kuya niyang masungit. Lumapit siya kay Caesar at hinawakan ang ulo. "How are you?"
Hindi makapag-salita si Caesar dahil sa sobrang bigla.
"Why are you not answering?" Natatawang tanong ng Kuya niya.
"Are you real?"Mahinang tanong ni Caesar na nakapagpatawa sa Kuya niya.
"Of course I am. How are you?"
"I-I'm fine." Hindi pa rin niya maalis ang pagkabigla niya at ang tingin niya sa Kuya niya.
Napansin kong mahina ng umiiyak ang Nanay nila na yakap yakap ng asawa niya.
"Are you real?" Ulit na tanong niya pagkatapos ay hinawakan pa ang braso ni Kuya sungit.
"I am!" Natatawang sagot no'ng isa. "Have you eaten?"
"I hate you!" Agad na pinunasan ni Caesar ang luha niya. "I hate you so much!"
Hindi naman makasagot ang Kuya niya.
"Why did you left, ha?! Nakakainis ka!"
"I know. And I'm sorry for that. I just want to choose myself for the first time. I'm so sorry, Caesar."
"Ate Michelle is always tired because you left her! Siya ang umaasikaso sa kompanyang dapat ikaw ang may ari ngayon!" Napatingin naman si Kuya sungit sa kakambal niya. "I'm not blaming you because you chose yourself, I'm blaming you because you're not there when Ate Michelle needs your help! You should at least show up and say sorry to her! But you didn't!"
Dumudugo utak ko sa usapan nila. Ang hirap pala makinig sa tampuhan ng mga englishero. Nakakaubos ng braincells. De charot.
"I'm really sorry." Namamaos na sagot ni Kuya sungit. "I promise..I will never leave you again."
"Uuwi ka na sa bahay?" Tanong ni Dorothy.
Humarap siya sa kapatid niya bago sumagot. "No. Not yet. I have my own house, you can visit me there if you want." Humarap naman siya kay Caesar. "Kaya mag pagaling ka na para makabawi na 'ko sa inyo."
"Natatakot ako. Mamaya na ang operasyon. Paano kung hindi ko kayanin?" 
"Kakayanin mo!" Agad na sagot ko. "Hindi ka pwedeng mawala! Nag promise ka 'di ba? Hindi mo 'ko iiwan! Nangako ka!"
"Isa pang sabi mo ng negative thoughts, aahitan kita ng kilay!" Sigaw ni Dorothy. "
Natigil kaming lahat ng pumasok si Doctor Lopez.
"Excuse me, Caesar," inayos niya ang suot niyang salamin. "Your operation will start after 5 minutes. Get ready, okay?" May mga pumasok na ilang nurse para asikasuhin si Caesar.
Ayaw ko pang bitawan ang kamay niya pero siya na ang unang nagbitaw. Bago pa siya ilabas ng mga nurse ay hinalikan ko siya agad.
"I love you. Hihintayin kita."
"I love you until my last breath."
Nilabas na siya ng kwarto. Nakasunod lang kami hanggang operation room. Sinabihan kami ng isang nurse na maghintay dito sa labas hanggang sa matapos ang operasyon. Sobrang kinakabahan ako. Sobra pa sa sobra.
Naupo muna ako at huminga ng malalim para kumalma. 
Napalingon ako kay Ate Michelle ng may inabot siya sa 'king notebook, makapal na notebook.
"A-Ano po 'yan?"
"Caesar's Diary. His Secret Diary."

Komento sa Aklat (120)

  • avatar
    DIMPLE

    Ganda ng Story 🥰

    14/07

      0
  • avatar
    Jan Gutierrez

    Put a lot of people

    29/07/2025

      0
  • avatar
    Jasmine Bacelonia

    This story is soo~freaking romantic and beautiful ❤️❤️

    04/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata