Chapter 38

Celestine's POV
"Gracia, isa ka nang ganap na evil goblin," saad ng evil goblin at tinapunan ko lang siya ng masamang tingin habang naagos ang aking luha.
Ngayon ay malinaw na sakin ang lahat.
"Ina, maari po bang tawagin niyo na ako sa tunay kong pangalan? Esperanza Gomez aking ngalan hindi Gracia."- Esperanza
"Anak, nasanay na ako. Ikaw ang Gracia sa buhay namin ng iyong ama kaya hayaan mo na."- aking ina noong 200 years ago.
"Hindi mo parin ba naalala Gracia? Ginawa kitang evil goblin para maputol kana sa kasunduan niyo sa kalangitan. Ginawa ko iyon para makasama na kayo ng pinakamamahal mong reaper. Maalala niyo narin ang isat isa," saad niya at hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko tanggap.
Marami akong sinisi sa pagkamatay ko pero sa dulo ako lang din pala ang may kasalanan.
"Mamatay kana!" Umalingawngaw ang sigaw ng pagkagalit ni Bryan at sinugod ang evil goblin. Ilang segundo akong nagtaka dahil hindi siya lumalaban pero nang sakalin siya ni Bryan ay nakaramdam rin ako ng pagkasakal.
"Pagkatapos ng kabaitan ko ay sasaktan mo lang din pala ako. Napakasama mo Black Bone Reaper, pero kung gusto mo akong patayin. Go ahead. Patayin mo ako pero ang masasaktan lang din sa atake mo ay ang pinakamamahal mong si Esperanza! HAHA!" sambit niya at humalakhak na parang baliw. Katulad ng sinabi niya ay na saakin napupunta ang sakit na binabato ni Bryan at hindi ako makahinga.
"Anong sinasabi mo! Pinatay mo na si Celine hindi ba? kaya hindi kita mapapatawad!" panggagalaiti ni Bryan at lalo niya pang hinigpitan ang pagsakal niya dahilan kaya bumagsak ako sa sahig at halos mamatay ng paulit ulit sa sakit.
"B-Bryan..." bigkas ko kaya napalingon siya sakin.
"Anong nangyayari sa kay Celestine? Sagutin mo ako!" saad niya sa Evil goblin. Hindi ko na talaga kaya at bibigay na ang katawan ko, pagtapos kong maging goblin ay hindi na ako nakaramdam ng physical an sakit kaya anong ginawa ng evil goblin para mamanipula ang katawan ko?
"Ang ibig sabihin mo ba ay si Gracia? Ay hindi mo pala alam ang nickname ni Esperanza kaya kahit ilang beses ko ng tinatawag ang nickname niya ay hindi mo parin makuhang si Celestine ay si Esperanza," saad niya at ng nabitawan bigla ni Bryan ang pagkakasal niya at parang nahilamusan ng malamig na tubig sa nalaman niyang katotohanan pero sa pagkawala ng evil goblin ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwang.
"E-Esperanza? Niloloko mo ba ako? Ilang babae pa ang ipapakilala mo sakin bilang si Esperanza? Hindi na kita mapapatawad!"
Wala na sa sariling katinuan si Bryan at hindi ko na siya mapigil. Nanghihina ako narin sa alaalang nagbabalik sakin tanging panonood nalang sa nagaganap ang magagawa ko. Pero mukhang pati mata ko ay nanlalabo narin.
Rinig ko ang mga bulong ni Bryan at hindi makaoaniwala habang humahalakhak ang evil goblin.
Ako si Esperanza Gomez noong 200 years ago. Si Celine ay ang tumuturing na karibal sa akin sa puso ni Domi, si Daniel sa kasalukuyan. Lingid sa kaalaman ng lahat ay may kakayahan akong makakita ng beyond sa nakikita ng tao kaya nakilala ko si Black Bone Reaper. Sa araw bago ang kasal namin ni Daniel ay naibigay ko na ang sarili ko kay Bryan dahilan kaya ako pinagtabuyan ng mga tao at pagkamatay ng lahat sa aking mga angkan.
Binigyan kami ng pagkakataon na patunayan ang pagmamahal namin sa 200 taon pero hindi ko kayang makitang si Bryan lang ang nahihirapan.
After 200 years...
"Bigo si Black sa mission niya. Kailangan niyo nalang harapin ang inyong kaparusahan," utos sakin habang nakaharap sa bukal ng buhay.
Pinagsisihan ko na nabuhay ako sa pang araw araw pero...
"Gusto kong subukan. Kahit ang pinakamabigat na parusa ang makuha ko ay hayaan ninyo pong lumaban din ako sa sinimulan naming pag ibig. Pagbigyan niyo sana ako," pagmamakaawa ko.
Napapapayag ko pero may masahol na kaparusahan.
"Esperanza, pumapayag ako. Bibigyan kita ng pagkakataon para naitama ang mali mo pero mabubuhay ka parin bilang pinakamaserableng tao sa mundo at mamatay sa kamay ng minamahal mo. Ang pagtatama lang ng mali mo ang maitutulong," sambit mula kung saan.
Ang itama ang mali...
Iyon nalang ang pag asa ko.
End of Flashback...
"Celestine? Ikaw ba talaga si Esperanza?" saad niya at hindi ako sumagot.
Forbidden Love, isang malaking kalokohan. Kung hindi ba ako pinanganak na hindi nakakakita ng ibang nilalang maliban sa tao ay hindi kita makikilala? Hindi ba aabot sa 200 years ang paglalaban na ito? Wala bang madadamay sa paghihirap ko? Wala bang masisisi?
"Gracia at Black. Nasa sa inyo ang desisyon kung papatayin niyo ako para sundin ang utos sa inyo. Pero, tinulungan ko kayo sa abot ng makakaya ko para hindi kalabanin ang tadhana," saad niya.
"Kaya mo ba ginawang evil goblin si Celestine dahil para makaligtas sa kamatayan at parusa? Nakapatuso mo!" sigaw ni Bryan. Tumingin naman ang evil goblin at tumingin sakin.
"Mali ka, ang purpose ng pagiging evil goblin niya ay para maalala niya ang pagiging si Esperanza at maputol ang pagpapahirap sa kaniya. Ang totoo ay isang malaking bombs ang pakatao ni Celestine na ginawa para sakin. Hindi ba, Celestine?" Saad ng evil goblin.
"Bakit mo ito ginagawa? Bakit ka nakialam sa buhay namin?" tanong ko.
"Hulaan mo?" pabalik na tanong niya habang nakangiti ng nakakangisi.
Hindi parin ako makapaniwala at wala ng pumapasok sa utak ko kung ano na ang gagawin ko. Napatingin ako sa langit na parang sinisisi sa kanila ang lahat.
Ano bang kapalaran to?
Bakit sakin lang?
Napatulo ang luha ko muli na tila walang katapusan, habang humihingi sa taas ng kaunting awa.
"Celeste at Bryan, hindi parin ba malinaw sa inyo ang lahat? Kung bakit ang nagkasala sa bawal na pagibig ang naatasang hulihin ang katulad ko?" tanong niya habang naka smirk. Naiisip ko na ang sagot pero ayokong sabihin mula sa bibig ko.
Humalakhak siya ng malakas ngunit rinig na sa tono niya ang pait.
" Pinagbabawal na pag ibig? Maraming uri ng pagibig ngunit paano ko malalaman kung ano ang bawal? Kung kusang tumibok ang puso, sino ako para pigilan? Kasalanan ba yun?" sunod sunod na tanong niya.
" Ang inaalok ko sa inyo ay pareho tayong makikinabang. Makapagsasama na kayong muli ng matagal habang ako ay maipapakita sa lahat na hindi mali ang pagmamahalan na ito. Gusto kong patunayan na mali ang husga nila at nang matahimik narin ako," paliwanag siya.
Hindi kami ang unang ganito ang sitwasyon. Hindi ko alam kung ilan pero iba ang way niya para patunayan ang lahat para sa pag ibig.
Napangiti ako ng bahagya at napansin na palapit si Bryan sakin habang di makapaniwala at gustong hawakan ang pisngi ko.
"Celest, patawarin mo kung di kita nakilala. Kung pinilit kong ikolong ang sarili ko sa nakaraan, na naging dahilan kung bakit ka lalong nasaktan. Patawad," patuloy niyang paghingi ng patawad at mahigpit akong niyakap. Hindi ko binalik ang yakap niya hanggang muli siyang kumalas.
" Mula ngayon, hindi ko na iintidihan ang iba. Mamuhay tayo ng hinid pinoproblema ang iba. Celest, mahal na mahal kita," huling saad niya at balak sanang halikan ako ngunit bahagya akong umurong.
"Ang ibig sabihin ng binitawan mong salita?" tanong ko pero di siya makasagot.
"Parang kanina lang gusto mong patayin siya ngayon halatang sumasang ayon ka na sa plano niya. Tama ba, Bryan?" tanong ko ulit at hindi makapaniwala sa walang respond niya.
I sighed. "200 years, hindi ka ba napapagod? 200 years na pasakit tapos ganon nalang? kakalimutan nalang natin para sa sarili natin? Bryan, ang selfish mo."
Umiling siya at yayakapin sana ako pero tinulak ko siya. "Celest, mahal natin ang isat isa. Kahit ano pang mangyari basta makasama lang kita sapat na sakin–"
"Paano ako?" pagputol ko sa sinasabi niya.
Umatras ako ng ilang hakbang habang mapait na nakangiti sa kaniya. "Salamat dahil pinaalala mo sakin ang lahat. Ngayon na realized ko na kung ano ang dapat kong gawin. Bryan, Uwi na tayo."
Halata ang pagkalito sa kaniya pero di na ako nagpaliwanag pa at nilingon ang tingin sa evil goblin.
"Matagal mo rin tong pinlano pero may gusto kong sabihin sayo... Maling tao ang pinili mo. Hindi ako si Esperanza sa panahong to. Hindi ko gagawin ang lahat para sa pag ibig," saad ko sabay hawak ng punyal.
"Alam mo kung ano ang hinahangad ng babaeng nasa harapan mo? Hindi pagmamahal kundi... Kalayaan," sambit ko at walang alinlangang hiniwa ang leeg ko at hindi pa ako nakontento ng itarak ko sa dibdib ko.
"Same pain right? Kung ganoon kung mamatay ako ganoon ka rin!"
Napahiyaw siya sa sakit habang unti unting nagiging abo at ganoon din ako.
"Gracia! Wala kang kwenta! Hindi ako ang magsa suffer kundi kayo! Hindi porque sinunod mo ang gusto nila ay papakawalan ka nila, ang kasalanan ay ang kasalanan!" sigaw niya hanggang sa mawala.
Pagtapos niyang maging abo ng tulyan ay nararamdaman ko na na ganoon na rin ang kahihinatnan ko. Nawala ako sa balanse mabuti nalang ay agad akong nasalo no Bryan. Kita sa mata niya ang pamumula dahil sa mga luha, gusto ko sanang punasan ngunit wala na akong lakas.
"N-Nangako a-ko."  Sa salita ko na yun ay tumulo na rin ang luha ko.
"Bakit? Bakit kailangan mong magdesisyon ng ganto? 200 years ang lumipas at ngayon na lang ulit kita nakita pero sa huli iniwan mo parin ako. Celest, ganoon ba ako kahina para di mo pagkatiwalaan. Celest, kailangan kita. Hindi ko kayang mawala ka ulit."
Gusto kong magpanilwanag sa kaniya pero nakukulangan na ko sa hininga.
Oo, 200 years. Napakatagal nang paghihintay mo pero para sakin nakakapagod yun na makita kang nahibirapan ng paulit ulit, pianpanood habang walang magawa. Tinanggap ko ang paghihirap na ito para mawakasan mo ang masalimuot na paglalakbay mo.
Bryan, wala na tayong kailangan patunayan pa o hindi natin kailangan magtago.
"B-Bryan. Pagod na ko. Wala tayong dapat pang patunayang pag ibig. Ang tanging kailangan nating dalawa ay kalayaan.." Napaubo ako bigla ng dugo at patuloy na nawawala.
"Malaya kana at pinabalik ko na ang dati mong buhay na sinira ko. Mr. Reaper," huling saad ko sa aking huling hininga bago tuluyang maglaho. Ang tanging narinig ko nalang ay ang boses niya habang sinisigaw sa hinagpis ang pangalan ko.
Namatay akong hindi pinaliwanag sa kaniya ang naging desisyon ko pero ayos na rin yun para mabuhay siya bilang siya bago pa kami nagkakilala kahit hindi na ako ma reincarnate at least naligtas ko siya.
Pagmulat ko ay bumungad sakin ang puting paligid.
"Nagawa mo. Hanga ako sa pagpili ng tamang landas. Ang palayain ang minamahal kaysa magstay sa pinagbabawal."
"Ginawa ko lang kung ano ang tama," sagot ko.
"Papatawarin ko na ang nagawa niyong kasalanan. makakabalik na sa dati si Black Bone ngunit ikaw ay mawawala na ng tuluyan. Isang kaparusahan ngunit masasabi  rin nating iyong kalayaan."
Unti unti akong nakaramdam ng antok at dahan dahang pagpikit ng aking mga mata.
100 years later
Isang bata ang nagtatago sa attic habang hawak ang isang larawa ng babaeng malaki ang pagkakahawig sa kaniya.
" Celestine Pearl Quintana? Oh, she looks like me. I think she's my grandma," bungisngis ng bata.
"Celestia Quintana! KUNG DI KA MAGPAPAKITA SAKIN, MAGAGALIT NA TALAGA SI MOMMY SAYO, SIGE KA!"

Komento sa Aklat (107)

  • avatar
    AguilarAndaya Amy

    love it ❤️❤️❤️ Sana po may new episode nkaka excite po basahin ung new episode 23 na po 😘😘😘 pls Sana new update na po nkaka excite po basahin❤️❤️❤️❤️❤️ pls🙏🏼🙏🏼🙏🏼 po Sana may new episode na po nakaka excite po basahin ung susunod pls pls pls po🙏🏼🙏🏼🙏🏼 sana po update na ung episode 38🙏🏼🙏🏼🙏🏼plz,,,,,

    01/05/2022

      0
  • avatar
    Cyrus Jay Arasan

    maganda

    17/10/2025

      0
  • avatar
    Claude Johan Macaraeg

    mamamo

    20/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo